Pinoy Weekly
Archive for: October, 2010

Lider-manggagawa pinalaya matapos mapatunayang walang sala

Matapos ang mahigit tatlong taong pagkabilanggo, inutos ng korte noong Oktubre 13, 2010 na palayain na ang lider-manggagawa at nominee ng Anakpawis Party-list na si Vincent “Bebot” Borja mula sa Tacloban City Jail. Matatandaang noong Mayo 7, 2007, inaresto si Borja ng mga elemento ng 19th Infantry Battalion sa bisa ng warrant of arrest para [...]

Pangangamkam na ala-Hacienda Luisita, reklamo ng kababaihang magbubukid

Sa pagdiriwang ng International Rural Women’s Day, kababaihang magbubukid na inagawan ng lupa ng katambal noong eleksiyon ni Pangulong Aquino ang nanawagan ng tunay na reporma sa lupa.

To the Right, To the Right

Iniisip siguro ng iba, ok naman ito. ‘Rebelde’ rin naman yung mga nasabing sundalo. Sa isang banda, maaaring pagbigyan ito. Rebelde nga naman sila: laban kay Gloria. Pero bakit hindi pinapakawalan ang mga ibang rebelde, at lalo na yung mga hindi naman napatunayang rebelde, tulad ng tinaguriang ‘Morong 43’?

Video: Walang kabuhayan, sa bundok ng pinagtabuyan

Malayo sa hanapbuhay ang mga maralitang itinaboy mula sa sentrong lungsod na tila nakareserba para sa mga negosyante. Alamin ang totoong kondisyon ng relocatees mula sa Sityo San Roque sa North Triangle, Quezon City.

Magbubukid ng Hacienda Luisita, mangunguna sa malaking pagkilos

Pangungunahan ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita ang tatlong araw na martsa na magsisimula sa Oktubre 18 at lulundo sa isang malaking kilos-protesta sa Mendiola sa Oktubre 21. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), lalahok ang tinatayang 50,000 magsasaka at kanilang mga tagasuporta sa buong bansa sa martsang pinamagatang Lakbayan ng Magsasaka at Anakpawis [...]

Kaanak ng Morong 43, di hinarap ni Aquino

Hindi pinapasok sa Malakanyang ang mga kaanak ng 43 detenidong doktor at community health worker na humiling ng pakikipag-usap kay Pang. Benigno Aquino III para hilingin ang pagpapalaya ng Morong 43, matapos ang amnestiyang ibinigay ni Aquino sa mga sundalong Magdalo. Simula Hunyo, sinusubukan na ng mga kaanak ng Morong 43 na makipag-usap kay Aquino, [...]

Mga Larawan: Matapos amnestiya sa Magdalo, kalayaan ng bilanggong pulitikal iginiit

Nagpiket ang mga kaanak at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal para hilingin sa Department of Justice ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Ayon sa kanila, katulad ng mga sundalong Magdalo na pawang binigyang amnestiya ng kasalukuyang administrasyon, ibinilanggo sila ng nakaraang rehimeng Arroyo dahil sa pampulitikang paninindigan nila at paglaban sa naturang rehimen. (Macky Macaspac)

Pinoy (Weekly) Special Issue – October 2010

Pinoy Special Issue sa Oktubre 2010, hinggil sa 100 araw sa panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III.

Piketlayn itinayo sa ABS-CBN

Para lalong ipresyur ang manedsment ng ABS-CBN na ibalik sa trabaho ang 114 na manggagawang ilegal na tinanggal sa trabaho, itinayo ng ABS-CBN Internal Job Market Workers Union (IJMWU) ang isang piketlayn sa harap ng gate ng higanteng TV network sa Sgt. Esguerra, Quezon City kung saan sila nagpalipas ng gabi kahapon, Oktubre 12. Magsisilbi [...]

Bungkalan: Makatarungang aksiyon ng magsasaka sa Hacienda Luisita

Sa kabila ng mga banta ng dating nag-amu-amuhang mga Cojuangco, pinayayaman ngayon ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita ang lupain. Kolektibong binubungkal ang lupa, pinagtatamnan at inaani ang pananim. Handa pa rin silang ipagtanggol ang tagumpay nilang ito.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes