Pinoy Weekly
Archive for: October, 2010

Dalawang Puntos Hinggil sa Hecklers

Sa mga bumabatikos sa ginawang protesta ng apat na lider-estudyante na nagprotesta sa ulat ni Noynoy nung Oktubre 7, may dalawang magandang punto na nararapat lamang sagutin.

Video: Mga isyung panlipunan at ‘bagsak’ na grado ni P-Noy

Nakabatay ang ‘bagsak’ na gradong ibingay nila sa pangulo sa mahahalagang isyung panlipunan: repormang agraryo, trabaho at nakabubuhay na sahod, batayang serbisyong panlipunan, pagrespeto sa karapatang pantao, atbp.

Larawan: Sampung kalabasa para sa 100 araw ni P-Noy

Para sa kababaihang magsasaka sa ilalim ng Amihan, walang nagawa si Pang. Benigno Aquino III sa unang 100 araw niya. Hindi umano nanindigan si Aquino para sa tunay na repormang agraryo, kahit na sa mismong lupaing pag-aari ng kanyang pamilya na Hacienda Luisita.

Larawan: Pagpasa sa Reproductive Health Bill, iginiit ng Gabriela

Nagsagawa ng press conference ang kababaihan ng Gabriela para igiit sa Kongreso ang pagpasa ng Reproductive Health Bill. Higit pa sa pagbigay-akses sa mga gamot na kontraseptibo para sa mahihirap na mga mamamayan, inisponsor ng dalawang kinatawan ng Gabriela Women’s Party na sina Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ang panukalang batas para bigyang prayoridad ang pangkalahatang kalusugan ng kababaihan. Mula kaliwa, si Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela at ang kinatawan sa Kamara na sina Ilagan at De Jesus.

Push Button to Eject Teacher!

Tatlong magkakapatid na ang dumaan sa mga klase ko. Natatandaan ko ang mukha ng aking mga estudyante, pero hindi ko na memoryado ang lahat ng kanilang mga pangalan, hindi tulad nung mga unang taon ng pagtuturo ko. Minsan nga, nang nakatambay kami sa Maginhawa sa Teachers Village, may lumapit sa akin na dati kong estudyante. Tanda ko ang mukha niya, at ang unang letra lamang ng kaniyang pangalan. Pag nakikita ko ang mga dati kong estudyante na nagtatrabaho na, lagi ko silang binibiro na dapat magpatoma o magpakain sila.

Mailap na kapayapaan

Bago pa ang inagurasyon ni Pangulong Aquino, nagpahayag na ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ng kahandaan nitong muling umupo sa usapang pangkapayapaan. Dapat lamang na nakabatay ito sa naunang mga kasunduan sa pagitan nila at ng gobyerno ng Pilipinas, gayang The Hague Joint Declaration at Comprehensive Agreement on Respect of Human Rights [...]

Pasismo pa rin

Umaga ng Setyembre 7, 2010, nagpapahinga sa  isang kubo matapos mangaso ang limang magsasaka sa Mobo, Masbate, nang bigla silang paulanan ng bala. Agad na nasawi sina Vicente Flores, 41, Richard Oliva, 44, Melecio Monacillo, 45, Jonathan Monacillo, 21, at ang anak na lalaki ni Melecio. Kahit malinaw na minasaker, idineklara sila ng 9th Infantry [...]

Ilusyon sa ugnayang panlabas

Lumipad noong Setyembre 22 si Pangulong Aquino patungong US. Ito ang unang opisyal na biyahe sa kanyang anim na taong panunungkulan bilang presidente ng  Pilipinas.  Sa kanyang mensahe bago lumipad, tahasang sinabi ng pangulo na ang nakaayon ang biyahe niya sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng public at private sector. Sinabi pa niyang lilikha [...]

Paggawa: Sahod, trabaho’t karapatan, ipinagkakait pa rin

Tatlong buwan pa lang na nakaupo sa puwesto ang gobyernong Aquino, pero humarap na sa matinding dagok ang mga manggagawa ng ilan sa malalaking kompanya sa bansa. Dulot ito ng pananatili ng mga patakaran na umiiral panahon pa ng nagdaang mga presidente. Ilan sa mga signipikanteng isyu sa sektor ng paggawa sa loob ng 100 [...]

Korupsiyong namana, kapalpakang dumarami

Sa korupsiyon iniuugat ng gobyernong Aquino ang kahirapan ng buong sambayanan. Malinaw na may hindi ito totoo, pero kahit ang isyung ito ng korupsiyon, mukhang di pa rin naaampat man lang ng bagong presidente. Bagaman tuwid na daan ang pinupostura, hindi pa rin tiyak ang pagtutuwid sa dati nang problema na kinakaharap laluna ng mga [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes