Pinoy Weekly
Archive for: November, 2010

Katarungan, sigaw pa rin ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita

Patuloy ang pagtangis ng mga kaanak ng biktima ng masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Ang masama, niyuyurakan ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang alaala ng mga biktima sa patuloy na panloloko at panunupil sa mga magsasaka ang asyenda.

Militar sa Sorsogon inakusahang nanggahasa ng menor-de-edad

Isang sundalo ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army ang inakusahang nangahasa ng isang 15-taong-gulang na estudyante mula sa Juban, Sorsogon.

Tagumpay ni Pacman, tagumpay din nila

Tumigil ang oras sa mga kasalda ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Pilipinas para manood ang mga tao sa tagumpay ni Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa Dallas Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, USA. (Macky Macaspac)

Huli na ang Lahat

Ikalawang taon na niya dapat sa kursong Physical Theraphy sa UP Manila. Pero sa kasalukuyan, estudyante siya ng Biology sa Far Eastern University. Aniya, ito lang ang paraan para panatiliin ang kanyang scholarship dahil sobrang hirap mamintina ang kanyang ‘average’ na grado sa sobrang ‘toxic’ sa UPM. Hindi naman niya kayang bayaran ang kabuuang matrikula sa UP.

Kuwentong kotse (2)

Casa. Sa wikang Kastila, ang ibig sabihin nito’y bahay.

Pacquiao, tinawag na ‘kampeon ng OFW’

Hangad ng Migrante International, ang pinakamalaking alyansa ng mga overseas Filipino worker (OFW), ang tagumpay ni Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban sa Mexicano-Amerikano na boksingerong si Antonio Margarito. “Para sa mga OFW, si Pacquiao ay hindi lamang ‘People’s Champ’ kundi kampeon ng karapatan at kagalingan ng mga OFW,” sabi ni Gina Esguerra, [...]

Larawan: Kababaihan ng New Zealand, nanawagang palayain ang Morong 43

Bitbit ang mga plakard na nananawagan ng pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan na detinido ngayon sa Pilipinas, ipinakita ng mga kababaihang ito ng Aotearoa sa New Zealand ang pakikipagkaisa para sa laban para sa hustisya at kapayapaan sa Pilipinas. Naganap ito matapos ang isang porum kung saan nagsalita si Coni Ledesma, pandaigdigang tagapagsalita ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), ang Ngapuhi leader na si Titewhai Harawira at aktibistang abogado na si Annette Sykes sa Auckland University noong Nob. 10. Kinondena rin ng kababaihang ito ang di-pantay at mapang-aping relasyon ng mahihirap at “imperyalistang” bansa na pinanananatili ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. (Kontribusyon)

Dagdag-sahod, iginiit ng mga manggagawang pangkalusugan

Iginiit ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW) ang dagdag na sahod para sa kanilang sektor.

3 OFW, nasawi sa sunog sa Dubai

Dubai, UAE –  Tatlong overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa sunog sa kuwartong kanilang tinutuluyan sa rooftop ng isang tatlong-palapag sa gusali sa Satwa, Dubai noong nakaraang Sabado ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Krisleen Francisco, 32, isang saleslady; Ariel Soberano, 30, isang waiter; [...]

Larawan: Magsasaka ng Luisita, nagpiket sa Batasan Pambansa para sa repormang agraryo

Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa Batasan Pambansa para muling igiit ang pagbabasura sa Stock Distribution Option at Comprehensive Agrarian Reform Program (with Reforms) o Carper na anila’y nagpapanatili sa pagkaalipin ng mga magsasaka sa kamay ng mga panginoong maylupa.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes