Pinoy Weekly
Archive for: November, 2010

Budget Cut Blues

Kapapasa lamang ng Kamara ang pambansang badyet para sa 2011. Tinuligsa ito ng mga progresibong mambabatas bilang minadali, at nagtataglay ng mga baluktot na mga prayoridad. Ang dahilan ni Noynoy? Ang nasabing pondo ay kinakailangan ilipat sa mga sektor at serbisyo na mas nangangailangan. Isang ehemplo na ginamit niya ay ang mga SUCs. Sa harap ng maraming batikos sa kanya dahil sa pagkaltas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas, inihintulad niya ang mga SUCs bilang mga ‘lumalangoy’ at ang UP bilang ‘nakakalangoy’ at ang iba bilang ‘hindi nakakalangay’.

Kabataang Moro ‘ilegal’ na inaresto

Kinondena ng Moro-Christian Peoples Alliance ang ilegal umanong pag-aresto sa isang tricycle driver na isang katutubong Yakan, isa sa mga tribung Moro. Inaresto si Patta J. Hoyo ng pinagsanib na elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (Pacer) at 300th Air Force Intelligence Security Group, sa Tandang Sora Quezon City noong Nobyembre 3, 2010.

Video: Ang awit ni Koyang Jess na ayaw marinig ng G-20

Ito ang dahilan kung bakit isa si Jess Santiago sa mga dineport ng gobyerno ng South Korea noong nakaraang linggo

Topak Obama

Bukod sa natalo ang Democratic Party ni Presidente Barack Obama sa Republican Party, na isang datos, nagkakasundo sa limang bagay, sa minimum, ang mga nabasa kong pagsusuri sa kakatapos na eleksyong mid-term sa US. Una, naging referendum ang eleksyon sa dalawang-taong panunungkulan ni Obama bilang pangulo. Ikalawa, lumaki ang suporta ng Republicans habang kumitid naman ang sa Democrats. Ikatlo, sentral na usapin sa pagboto ng mga mamamayang Amerikano sa eleksyong ito ang ekonomiya. Ikaapat, malaki-laki ang papel ng Tea Party sa naging takbo at resulta nito. At ikalima, mapagpasya ang resulta sa magiging mga hakbangin ng rehimeng Obama.

“Dumagat” docu mula sa Pilipinas, consolation prize sa Festival ASEAN 2010 sa Hanoi, Vietnam

Oo, ang aming showbiz documentary film na “Dumagat” ay nagwagi ng pampalubag-loob na karangalan sa kauna-unahang Festival of Photos, Documentary Films and Reportage on ASEAN countries and people, Vietnam 2010 na ginanap sa Hanoi, Vietnam kamakailan. Ang okasyon ay kasabay ng pagdaraos ng ika-17 taon ng ASEAN Summit sa Hanoi na dinaluhan ng matataas na [...]

Dati’t kasalukuyang sekretaryo ng DOLE, nagsasabwatan vs empleyado ng PAL?

Posibleng nagsasabwatan ang nakaraan at kasalukuyang sekretaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sikilin ang karapatan ng mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL).

Pagsukat sa halaga ng alagad ng sining

Maaaring sukatin ang halaga ng isang artista batay sa ambag ang kanyang likhang-sining sa pagsulong ng lipunan.

KMU, nanawagan ng panukalang batas sa Senado para sa dagdag-sahod

Nanawagan ang mga manggagawa sa pagbubukas ng sesyon ng Senado na magkaroon ng panukalang batas sa Senado para sa makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa. Hinikayat din nila ang mga kongresista sa mababang kapulungan na suportahan ang P125 bill na muling isinumite ng Anakpawis Party-list.

Mga Larawan: Programang pang-agrikultura na ginawang ‘gatasan’ ng DA, kinondena ng magsasaka

Nagprotesta sa Davao City ang mga magsasaka mula sa Paquibago District laban sa Quedancor at Department of Agriculture para sa programang farm input support program ng dating pangulong Arroyo. (Karlos Manlupig)

Pagpapalaya sa Morong 43, pag-usad ng peace talks hiniling ng mga New Zealander

Nakiisa ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatang pantao sa Whangarei, New Zealand sa panawagang pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas na tinaguriang “Morong 43.” Nanawagan din sila ng pananaig ng hustisya at kapayapaan sa Pilipinas.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes