Pinoy Weekly
Archive for: December, 2010

Regulasyon ng matrikula sa pribadong pamantasan hiniling

Itinutuloy ng mga mag-aaral at kabataan ang kanilang laban sa edukasyon sa pagtatapos ng taon. At kung nauna na ang mga State Colleges and Universities, sinundan naman ang kanilang yapak ng mga mag-aaral sa Private Higher Education Institutions o HEIs.

Mga Larawan: Kaanak, abogado sabik nang makalaya ang Morong 43

Ngapiket sa harapan ng Morong RTC ang kaanak ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43,” habang dinidinig ang mosyon ng magkabilang panig (DOJ prosecutors at defense) sa pag-atras ng kaso laban sa Morong 43. (Macky Macaspac)

Morong 43, posibleng makalaya ‘anumang araw ngayong linggo’

Malaki ang pag-asang mapapalaya na ang detinidong 43 manggagawang pangkalusugan “anumang araw ngayong linggo.” Ito ang pahayag ni Atty. Julius Matibag, isa sa mga abogado ng tinaguriang “Morong 43,” matapos ang pagdinig ng Morong RTC sa mosyon ng mga tagausig ng Department of Justice (DOJ) para iatras ang kaso laban sa 43.

Soloist ng Nonoy Lopez and His Orchestra na si Armie Zuñiga, ilulunsad sa isang solong concert

Pagkatapos na makipagbahagi at makipagniig sa musika ng sikat at beteranong musikero na si Nonoy Lopez, ilulunsad sa isang solong pagtatanghal ang mahusay na mang-aawit na si Armie Zuñiga. Ito na ang tamang pagkakataon na bigyan ng tsansa si Armie dahil limitado lang ang kanyang mga tagapakinig at tagapanood samantalang nakay Armie ang mga katangian [...]

Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante

Ngayon ko lang muli naranasan na pinagbabangga ang aktibismo at pang-akademikong kahusayan. Walang duda, bahagi ng kontinuum, bahagi ng makapal na sinulid na nagdurugtong sa mga estudyante at sa edukasyon, itong tila magkatunggaling konsepto. Ngunit naroon ang kahungkagan sa mismong perspektiba na magkalaban itong dalawang dulo, pilit na pinaghihiwalay.

1,000 Pinoy sa HK: ‘Sagipin ang aming trabaho’

Mahigit 1,000 Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagmartsa sa Central, Hong Kong noong Disyembre 12 para tutulan ang mandatory insurance na nagresulta sa pagkabinbin ng mga kontrata sa trabaho ng daan-daang Pilipino sa nasabing bansa. “The new mandatory insurance scheme has already resulted to employers backing out from hiring OFWs while other OFWs have been [...]

Tsismis, Tatak-Tiglao

Kung mahigpit lang ang paghusga ng Philippine Daily Inquirer sa tama at mali para sa bansa, hindi na sana napapabasa pa ni Rigoberto D. Tiglao ang mga opinyon niya sa madla. Naglingkod siya mula simula hanggang dulo sa rehimeng Arroyo bilang “pilosopong pampulitika” na kumatha ng “Matatag na Republika” bilang gabay o pagbibigay-katwiran nito sa mga patakarang kontra-mamamayan at pasista. Maipapakitang tugma, kung hindi man nagmumula, sa pagteteorya niya ng “Matatag na Republika” ang Oplan Bantay Laya 1 at 2 ng rehimen – na nagdulot ng napakaraming paglabag sa karapatang pantao, kasama na ang mga ekstrahudisyal na pagpaslang at pagdukot sa mga aktibista at mga tagasuporta nila.

Paniningil ng Morong 43

Palayain ang dapat palayain. Singilin ang dapat singilin.

Mga Larawan: Patuloy na paglabag sa karapatang pantao muling ipinrotesta

Larawan ng kilos-protesta ng mahigit 5,000 katao para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao noong Disyembre 10 para ihayag na “walang pagbabago bagong rehimen ni (Pang. Benigno) Aquino.”

Kaanak, detinido ikinagalak deklarasyon ni PNoy na iatras kaso vs Morong 43

Nagsiiyakan sila, at sumigaw sa tagumpay. Ganito inilarawan ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, sa kanyang tweet, ang reaksiyon ng 43 manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43″ matapos marinig ang deklarasyon na ipinaaatras na ni Pangulong Aquino ang kaso laban sa kanila. Kasama si Reyes sa mga bumisita sa Morong 43 [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes