Sa kanyang pananalita tungkol sa kakatapos na pag-aalsang masa sa Tunisia, pinaksa ni Alain Badiou, pilosopong Pranses na dating Maoista at nagpapakilalang komunista, ang tampok na porma ng nasabing pag-aalsa: ang rayot (riot). Sa pamamagitan ng punto-palasong ito, tinutuhog na rin niya ang naganap na pag-aalsang masa sa Egypt (masyado na yatang luma at Biblikal ang salitang “Ehipsyo”) at mga aksyong masa sa iba’t ibang bansa sa nakaraang mga taon.
Duda ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa “timing” ng pagkakahuli diumano ng mga ahente ng militar sa Baliuag, Bulacan kay Allan Jazmines, pinaghihinalaang nangungunang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Pebrero 16, alas-sais ng gabi.
Feb 15 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Magkasabay ng kaarawan sina Pangulong Aquino at Nanay Mameng. Pero ang huli, tunay na minamahal ng mahihirap.
Feb 14 2011 | Posted in
Kultura,
Multimedia |
Read More »
Pagkatapos iulat ng gobyerno na lumaki ng 970,000 ang bilang mga mahihirap sa bansa, higit na kinakailangan ngayon ang mga polisiyang makatutugon sa batayang pangangailangan ng mga mamamayan, giit ng Anakpawis Partylist. Inilabas kamakailan ng National Statistics Office na halos isang milyon ang nadagdag sa “mahihirap” na Pilipino. Umaabot ito sa 23.1 milyon ang bilang [...]
Feb 14 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga mamamayan ng Egypt sa pagpapatalsik sa rehimen ni Hosni Mubarak. “Matapos ang 18 araw ng walang tigil na protesta, sa gitna ng represyon, matagumpay na napatalsik ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahabang diktadura sa Gitnang Silangan. Ang 30 taong paghahari ni Mubarak, na inayudahan ng US, [...]
Feb 14 2011 | Posted in
Balitang Global |
Read More »
Kahit sa pagpapakamatay ni Hen. Angelo Reyes, hindi naisalba ang institusyon ng Armed Forces of the Philippines, kundi lalo pang lumubog ang prestihiyo, partikular sa mata ng naghihirap na mamamayan.
Panununog ng komunidad, alternatibo ng gobyerno sa demolisyong di maitulak-tulak? Ito ang hinala ng ilang nasunugang maralita na pinapalayas para sa proyektong Quezon City Central Business District.
Feb 10 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Ikinagulat ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang nabalitang pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes at ikinalungkot na “nabahiran na ng dugo ang nailantad na korupsiyon sa loob ng AFP.”
Feb 8 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Naghihintay pa rin ng repatriation ang isang matanda at maysakit na babaing Overseas Filipino Worker (OFW) na mahigit isang dekada nang undocumented sa Saudi Arabia. Samantala, ang isa pa ay namatay kamakailan sa United Arab Emirates dahil tatlong buwang hindi nabigyan ng karampatang medikal na atensiyon. Noong Enero 25, namatay sa isang opsital sa Al [...]
Feb 7 2011 | Posted in
OFW |
Read More »
Hinikayat ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na imbestigahan ang mga ulat ng pambubugbog sa 48 Pilipinong nakapiit sa Malaz Central Jail. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, tagapagsalita ng Migrante-ME, na nakatanggap siya ng tawag at text messages mula sa ilang mga migranteng Pilipino na [...]
Feb 7 2011 | Posted in
OFW |
Read More »