Deregulasyon daw ang solusyon sa patuloy na konsumisyon. Malaking abala man sa mga motorista’t mananakay (commuter) ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo, sa bandang huli naman daw ay sila rin ang makikinabang sa kalakarang ito.
Feb 7 2011 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Una muna ay si Dolphy ang napunta sa Associated Broadcasting Corporation TV5 mula sa ABS-CBN.
Feb 7 2011 | Posted in
Showbiz |
Read More »
Anumang katwiran ng DOTC at administrasyon ng MRT at LRT hinggil sa pagtaas ng pamasahe sa naturang mga linya ng tren, hindi pa rin nila mapabulaanan ang katotohanang gusto nilang ipapasan sa mga komyuter ang utang ng gobyerno mula sa maanomalyang kasunduan sa dayuhang mga mamumuhunan.
Feb 6 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Ipinakita ng mga alegasyon nina dating Lt. Col. George Rabusa, dating COA Auditor Heidi Mendoza, at iba pa, na talamak at sistematiko ang korupsiyon sa loob ng Armed Forces of the Philippines. Bulok na ang institusyong ito, at walang maaasahang reporma kung di masisimulan sa pagpapanagot sa pinakamatataas na opisyal ng AFP noon at ngayon.
Nagsagawa ng die-in protest ang mga maralitang tagalungsod na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa harap ng tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para ihayag ang pagtutol sa pagtaas ng singil sa tubig. Iniuugat nila sa pagsasapribado ng serbisyo ng tubig ang walang habas na pagtaas ng singil sa mga serbisyong publiko tulad ng tubig at kuryente. (Macky Macaspac)
Feb 3 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
‘PPP.’ Para sa mga kabataan, patung-patong na pasanin umano ang pagtaas ng presyo ng langis, mga bilihin, pamasahe at matrikula, sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Para sa kanila, ibayong paghihirap ang dulot ng mga polisiya ni P-Noy, kabilang ang “public-private partnerships” na anila’y ibayong pagsasapribado sa mga serbisyong pampubliko. Pinangunahan ng Anakbayan, League of Filipino Students, Kabataan Party-list, at iba pa, ang martsa ng mga kabataang ito mula UST patungong Mendiola para iprotesta ang “PPP” ng kasalukuyang gobyerno. (Alvin Joseph Tenedero)
Feb 2 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gobyernong Aquino, masusubok ang hangganan ng kasalukuyang sistema. Kaya pa ba makamit sa mapayapang paraan ang tunay at makabuluhang pagbabagong panlipunan para sa mayorya? O talagang sa radikal — at marahas — na paraan lamang mawawakasan ang pagsasamantala?
Feb 2 2011 | Posted in
Editoryal |
Read More »
Para raw masolusyonan ang lumalalang kagutuman at krisis sa pagkain, kailangang madebelop ang genetically-modified na mga pagkain tulad ng BT talong. Pero bukod sa kinukuwestiyon kung ligtas nga ang pagkaing ito, sinasabi ng mga grupo ng magsasaka na hindi makakabuti para sa kanila at sa sambayanan ang mga tulad ng BT talong.
Feb 2 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Lumilitaw sa pagdinig ng Commission on Human Rights na maraming hindi magkakatugmang testimonya ng mga sundalong kalahok sa palpak na operasyon sa Kananga, Leyte noong Nobyembre 15, 2010. Katulad ng naiulat, lumalabas na wala talagang engkuwentro sa pagitan ng AFP at NPA, at malamang na mga sundalo ang pumatay kina Leonardo Co.
Feb 1 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »