Pinoy Weekly
Archive for: April, 2011

Ikalawang Sundang: HAPAG

Alaala natin, binibiyak natin ang niyog at nabubulabog ang mga tamsi. Alaala natin, tinataga natin ang kamansi at langka at iba pang alay na may dagta. Alaala natin, hinihiwa natin sa pisngi ang mangga o ang sambilao kaya ng sinukmani. Alaala natin, ginigilit natin sa leeg ang tinali at anong aliw ang hatid sa atin [...]

Unang Sundang: HULING KAINGIN

Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin. Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin? Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap. Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap. Mga aso ay turuang tahimik na umalulong. Sa [...]

Ayaw paalisin sa entablado: Handog ng mga musikero sa kanilang tinubuang bayan

Naging banal pa rin ang Sabado de Gloria sa pamamagitan ng palabas na “Masters & Diva Homecoming,” ang natatanging pagtatanghal ng Amazing Diva na si Armie Zuñiga, ng piano prodigy na si Nelson Olalde at ng beteranong saxophonist at flutist ng Watawat Band ni Freddie Aguilar na si Pete Canzon sa Big Boy Recreational Hub sa [...]

Good News, Bad News

Good News: Magbibigay daw si Noynoy ng dagdag-sahod sa Mayo.

Bad News: Bahagi ito ng pinaka-bagong commercial ng Cornetto.

‘Dagdag-sahod, hindi demolisyon,’ panawagan ng maralitang lungsod

Share

Kababaihan, umalma sa kontrol sa populasyon bilang solusyon sa kawalang-trabaho

Umalma ang kababaihang grupo na Gabriela sa anunsiyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magpapatupad ito ng polisiya ng population control o pagkontrol sa populasyon para solusyunan ang kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Sa pagbubuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) para sa 2011-2016 ng administrasyong Aquino, lumalabas na kontrol [...]

Larawan: Anibersaryo ng rebolusyonaryong alyansang NDF ipinagdiwang sa Maynila

Naglunsad ng lightning rally ang rebolusyonaryong kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, isang underground na organisasyon, sa Maynila. Ipinagdiwang nila ang ika-38 taong anibersaryo ng National Democratic Front o NDF, isang rebolusyonaryong alyansa ng mga organisasyong nagsusulong ng “digmaang bayan” laban sa kasalukuyang sistemang pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa. (Boy Bagwis)

Larawan: Protesta sa Palasyo, ‘patikim lamang’ ng galit ng obrero sa Mayo Uno

Ginulat ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU at Anakpawis Party-list ang mga pulis na nagbabantay sa Palasyo Malakanyang nang biglang makalapit sila sa Gate 7 para iprotesta ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa panukala ng mga militante para sa “makabuluhang dagdag-sahod” at pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at langis. (Alvin Joseph Tenedero)

Kawani sa lokal na gobyerno, suporta sa dagdag-sahod

Nakiisa ang mga kawani ng gobyerno mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa panawagang pagtataas ng sahod ng lahat ng manggagawa sa harap ng patung-patong na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Rebyu ng dalawang progresibong kuwentong pambata

Rebyu ng mga kuwentong pambatang Barako Baraking at ang Jamin, ang batang manggagawa

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes