Pinoy Weekly
Archive for: April, 2011

Kung bakit ayaw ni Noynoy sa makabuluhang dagdag-sahod

Kung gusto, maraming paraan. Kung talagang ayaw, maraming dahilan. Angkop ito sa posisyon ng administrasyong Aquino sa panukalang makabuluhang dagdag-sahod ng mga manggagawa: Maraming palusot ang pangulo, dahil mas pabor siyang manatili ang malalaking kita ng mga kapitalista kaysa tugunan ang pangangailangan ng naghihikahos nang Pilipinong manggagawa.

KMU hinamon si Noynoy sa debate hinggil sa dagdag-sahod

Hinamon ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III sa isang pampublikong debate hinggil sa panawagan ng mga manggagawa para sa “makabuluhang dagdag-sahod.”

Kalat-kalat na pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay

Abril 24. Pasko ng pagkabuhay. Ang kinikilalang diyos ng mga Kristiyano’y ipinakita ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng literal na pagbangon mula sa pinagkalibingan. Maraming naniniwala sa himala bagama’t mayroon ding nag-iisip na ito’y simpleng salamangka. Kung sabagay, maraming pagdududa kung may mga indibidwal sa paligid nating hindi nagsasabi ng totoo.

‘Kontra-mamamayang’ NGO nananakot lamang, monopolyo sa langis dinedepensahan – Courage

Binatikos ng militanteng organisasyon ng mga kawani ng gobyerno ang non-government organization na Foundation for Economic Freedom (FEF) na nagsisilbi umanong “prophets of doom”sa pananakot sa publiko para tanggapin ang pagbayad ng mataas na buwis at kakarampot na sahod ng mga manggagawa.

Katoliko Sarado

Sa interbyu niya sa Buhay Manggagawa tungkol sa kasaysayan ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Mandy Felicia, training director ng Ibon Foundation, na pulitikal ang pagdiriwang ng naturang okasyon sa mismong petsang Mayo Uno.

Taas-presyo ng langis at estasyon ng krus

Mistulang susunod na Station of the Cross ng mga deboto at relihiyoso ang plakard ng mga miyembro ng Gabriela sa Brgy. Tatalon, Quezon City na nananawagan ng pagbaba ng presyo ng langis at pagbasura sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT). Kunsabagay, kung bawat Station of the Cross ni Kristo ay pagpapakita ng pagpapahirap sa kanya, kumakatawan din ng pagpapahirap sa mga mamamayan ang walang-patid na taas-presyo ng langis at pananatili sa E-VAT. (Macky Macaspac)

Larawan: Krus ng maralitang Pilipino, araw-araw pasan, lalong bumibigat

Hindi lamang ngayong Semana Santa, mistulang araw-araw ang kalbaryo ng maralitang Pilipino sa kasalukuyang krisis at kaayusang panlipunan. Kaya naman ginamit ng mga maralita ng Brgy. Jose Corazon de Jesus at Bayan-NCR ang pagkakataon ngayong Semana Santa para isalarawan ang matinding krus na ipinapasan ng sambayanan.

Noynoy sa UP: ‘Emperador na walang damit’

Binulabog ng protesta ng mga estudyante, guro at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas si Pangulong Noynoy Aquino noong UP Graduation. Ang mensahe: Walang pagbabagong dala ang kanyang administrasyon.

Pandarambong sa likas-yaman nagpapatuloy kay P-Noy – Kalikasan

Suot ang mga makukulay na sombrero, daan-daang mga miyembro ng mga iba’t ibang grupong pangkilakasan ang nagmartsa sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue patungong Mendiola Bridge upang iprotesta ang kawalang-aksiyon ng administrasyong Aquino sa lumalalang pagkasira ng kalikasan sa bansa.

Ang pagtortyur kay Pilar Pilapil at ang paghahandog ng sax player ni Freddie Aguilar ng musika sa kanyang bayan

Hindi mapigil ang paghugos ng mga panauhin ni Pilar Pilapil sa The Medical City kung saan siya nakaratay nang dahil sa pagkidnap at pagsaksak sa kanya ng mga buhong na carnapper at kidnapper noong Huwebes ng gabi. Maya’t maya ay labas-masok ang mga eksklusibong bisita sa kuwarto ni Pilar bukod pa sa araw-araw na pagdalaw [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes