Pinoy Weekly
Archive for: June, 2011

Berdugo ng Nang

“Go lang ng go,” sabi ng patalastas ng Globe na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Sarah Geronimo. “Magbayad ng maaga ng di maabala,” sabi ng mga sticker sa dyip ng kung anu-anong produkto. “Pulis, binoga ng manghuling namboso,” sabi ng balita – na imbento ko lang naman, pero maraming ganyan sa midya.

AFC Challenge Cup: Pilipinas-Sri Lanka tabla

Dumayo ang Pilipinas Team Azkals sa Sri Lanka upang ipagpatuloy ang pag-usad nila tungo sa hangad na makatuntong sa 2014 World Cup. Ngunit literal na mainit silang tinanggap ng mga hosts sa palaruan nila. Nasa diskomportableng kondisyon ng pambansang koponan para sa football sa kanilang karanasan sa palaruan, nang iulat nila ang pagkaroon ng makahoy [...]

Mark Bautista, bibinyagan sa dulaan

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lalabas sa isang pangunahing dulaan sa bansa ang idolo ng mga kabataan na si Mark Bautista. Gaganap siya bilang Crisostomo Ibarra sa “Noli Me Tangere, The Musical” na handog ng Tanghalang Pilipino sa ikadalawampu’t limang taon nito sa larangan ng kultura ng teatro. Bagamat kahalili niya si Gian Magdangal, karangalan para [...]

Bayaning makakalikasan bibigyan ng parangal

Inilunsad ng mga grupong makakalikasan ang ikalawang Gawad Kalikasan, isang okasyon ng pagkilala sa pitong mga bayaning Pilipino ng kalikasan.  Sila ang mga indibidwal, organisasyon o komunidad na walang pag-iimbot sa pangunguna o pangunahan ang mahahalagang pakikibaka para sa kalikasan at para sa proteksiyon ng mga batayang karapatan. Pangunahing inorganisa ng Center for Environmental Concerns [...]

Limang taon nang nawawala: Takbo para kina Karen, Sherlyn at iba pang tinortyur

Sa araw na ipinagdiwang ng United Nations ang International Day in Support of Victims of Torture noong Hunyo 26, ginugunita rin ang pagdukot kina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, Manuel Merino, Prudencio Calubid, Celina Palma, Gloria Soco at Ariel Beloy. Sa kaso nina Cadapan, Empeno at Merino, malinaw sa mga testimonya na tinortyur sila. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, malinaw na polisiya pa rin ng militar ang magtortyur.

Insubordinasyon, pag-aabandona at kawalan ng tiwala

Dahil sa hindi makabayad sa inutang na kotse mula sa kompanya, pinag-initan ng manedsment si Annaliza, isang empleyado ng kompanya. Ang pangyayaring ito ay nauwi sa kanyang pagkatanggal sa kompanya na nauwi sa demandahan na umabot hanggang Korte Suprema. Marami tayong mapupulot na aral sa kaso ni Annaliza.

Much ado about the STFAP

Para sa ‘di nakakaalam, ang STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program) ay sistema sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ginu-grupo ang mga estudyante batay umano sa kanilang katayuan sa buhay at pinagbabayad ng iba’t ibang antas ng matrikula. Nakabatay ito sa prinsipyo na ‘mayamang estudyante’ ang dapat magbayad (o mag-subsidyo) para sa kanyang mas mahirap na kapwa.

Sigalot sa Spratlys: Pilipinas, proxy ng US kontra China

Sinasabi ng administrasyong Aquino na pinangangambahan nito ang presensiya ng mga sasakayan ng China sa Spratlys. Pero tila nakakasangkapan lamang ito sa pagtutulak ng US na panatilihin at palakasin ang mga negosyo nito sa Pilipinas at Timog Silangang Asya, at kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa rehiyon.

Calamba 7 pinalaya, pagbasura sa kaso iginiit

Ipinalaya na ang tinaguriang “Calamba 7” o ang pitong aktibista nagprotesta kontra kay Pang. Benigno Aquino III noong Hunyo 19, matapos magbayad ng P12,000 piyansa.

Desisyon ng Korte Suprema sa kasong Cadapan-Empeno, magpapatibay sa kaso vs militar

Ipinakikita ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng kasong pagdukot kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno na malinaw na may kinalaman sa pagdukot sa kanila si retiradong Hen. Jovito Palparan, at iba pang opisyal ng militar.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes