Pinoy Weekly
Archive for: June, 2011

Desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita muling ipinagpaliban

Hindi dumating kahapon ang matagal nang pinakahihintay ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita; ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng pagkansela sa stock distribution option (SDO) na magbibigay-daan sa pamamahagi ng 6,543 ektaryang asyendang pag-aari ng pamilya ni Pangulong Aquino. Matapos ang buong araw na paghihintay sa labas ng tanggapan ng kataas-taasang hukuman, umuwing puno [...]

P125 dagdag-sahod suportado ni Pacquiao

Suportado ng Pambansang Kamao ang panukalang P125 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa. Para sa mga manggagawa, malaking bigwas ito laban sa pambubusabos at pagmamaramot ng mga kapitalista. Malakas na bigwas ito laban sa barya-baryang COLA na abuloy ng administrasyong Aquino.

Cinemalaya Independent Film Festival muli

Minsan pa, nagpupugay ang Cinemalaya Independent Film Festival. At ikapitong taon na nito ngayon. Parang kailan lang, di ba? Bawat taon, parami nang parami at tumataas ang espektayson ng mga tao o ng publiko at ng mga tagapag-organisa nito sa mga nagnanais na makasama sa makasaysayang proyektong ito ng Cultural Center of the Philippines, Cinemalaya [...]

Larawan: Sen. Bong Revilla, nagpakita ng suporta sa hiling na P125 dagdag-sahod

Ipinakita ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang suporta niya sa panukalang P125 makabuluhang dagdag-sahod na ikinakampanya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para maisabatas. Kasama ni Revilla sa larawan ang mga lider-obrero ng KMU na bumisita sa kanya. Nagsumite sa Senado si Revilla ng counterpart bill ng panukalang batas para sa dagdag-sahod na isinumite sa Kamara ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano at sinuportahan ng mga progresibong mambabatas at iba pang kongresista. Nababalita ang pagsuporta rin ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa P125 dagdag-sahod. (Arnold Reign Solaon/Kontribusyon)

Pabor sa magsasaka o hindi?: Desisyon sa pamamahagi ng Luisita ilalabas na

Kung papanig lang sa katwiran at katarungan ang Korte Suprema, nakatitiyak ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa kanila ang desisyon nito. Pero posibleng may mga makapangyarihang puwersang nagtutulak sa korte na magdesisyong di-pabor sa mga magsasaka.

Tugon ni UP Pres. Alfredo Pascual sa PW hinggil sa sinasabing ‘taas-matrikula’ sa UP

Sagot ni UP President Alfredo Pascual sa artikulo ng Pinoy Weekly Online na pinamagatang “Bagong taas-matrikula sa UP?”

Araw ng ‘Huwad na Kalayaan’?

Ito ang uri ng “kalayaan” na ipinagdiwang noong Linggo: Ang kalayaang ipagdiwang ang pamamayani ng interes ng dayuhang bansa. Ang kalayaang ipagdiwang ang panlilinlang.

10 taon ng EPIRA: Pag-usbong ng ‘Big Three’ sa industriya ng kuryente

Sa isang dekada ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), hindi bumaba kundi dumoble pa nga ang singil ng kuryente sa bansa. At gaya sa industriya ng langis, kontrolado na ang industriya ng kuryente ng tatlong malalaking kompanya.

Hallowed Binay Name

Napakagarapal ng mga maniobra ng pangkatin ni Noynoy Aquino laban kay Jojo Binay. Tinitiyak na hindi siya magiging makapangyarihan at magiging popular. Ang masahol ay isinusubo siya sa mga isyung posibleng makabawas sa popularidad niya.

Pangangamkam ng lupa sa Isabela isiniwalat

Isiniwalat ng isang internasyunal na grupo ang malawakang pangangamkam ng lupa sa komunidad ng mga magsasaka sa San Mariano, Isabela matapos itong magsagawa ng isang International Fact Finding Mission (IFFM) noong Mayo 29 hanggang Hunyo 3. Sa presentasyon ng grupo noong Hunyo 7 sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kinumpirma nito ang ulat ng naunang fact finding [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes