Pinoy Weekly
Archive for: August, 2011

May pera sa basura

Hindi nailarawan sa Ang Babae sa Septic Tank kung ano ang naghihiwalay sa mga pelikulang lehitimong komentaryo sa kasalukuyang lipunan at sa mga pelikulang poverty porn lamang. At ang mismong kakulangan na ito sa pagtukoy ang siya ring kahinaan ng Ang Babae sa Septic Tank para maging isang matalas na komentaryo sa kalagayan ng pelikulang Pilipino.

Larawan: Paglaya ng mga bilanggong pulitikal ‘tulad ni Ninoy’ muling ipinanawagan

Share

Kontra dengue

Hindi konsiyerto, kundi fogging operations, ang isinasagawa dito sa isang barangay sa Davao City. Lumalaganap ang sakit na dengue sa mga maralita sa iba’t ibang lungsod, kabilang ang Kamaynilaan at Davao. Binabatikos ng mga militanteng grupo ang pamahalaan sa di paglaan ng sapat na pondo kontra sa mga sakit na tulad ng dengue. (Karlos Manlupig)

Pagpabor ni PNoy sa PAL manedsment, kinondena ng mga obrero

“Si Lucio Tan ang boss ko.”

Ito ang pasaring ng Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pang. Benigno Aquino III, matapos pumabor sa manedsment ng Philippine Airlines (PAL) sa iskemang spin-off. Tinatayang mahigit 2,000 empleyado ng PAL ang maapektuhan ng desisyon na magbibigay-daan upang isailalim sa subcontracting ang tatlong departamento ng PAL at tanggalin ang regular na mga empleyado nito.

Dahil sa P9 overpricing sa langis: Opisina ng San Miguel Corp, Petron nilusob ng mga obrero

Kinondena nang mga manggagawa at maralitang lungsod ang anila’y “kakarampot na rolbak” sa mga produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagprotesta sa harapan ng tanggapan ng San Miguel Corporation, na pag-aari ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.

Badyet sa DOH: Kalusugan ng bayan o ng negosyo?

Malumanay na ipinaliwanag ni DOH Sec. Enrique Ona sa budget hearing sa Kamara ang hinihinging badyet ng kanyang kagawaran. Ngunit halos naikubli ng presentasyon ang katotohanang kinakaltasan na naman ng administrasyong Aquino ang badyet sa batayang serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan.

Di pagprayoritisa ni PNoy sa FOI Bill binatikos ng CEGP

Nagpahayag ng disgusto ang grupo ng mga manunulat pangkampus sa pagtanggal ng Palasyo sa Freedom of Expression (FOI)Bbill bilang isa sa priority bills ni Pang. Benigno Aquino III.

Direktiba ng DFA para sa naiipit na OFWs sa Syria, hinahanap

Hindi lamang pagtataas ng alarm level, kundi kongkretong mga direktiba mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang hinahanap ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa gulo sa Syria. Itinaas na ng DFA ang Alert Level 3 sa Homs, Latakia at Daraa sa Syria, sa gitna ng malawakang crackdown ng gobyerno ng Syria [...]

Ang showbiz na showbiz na isyu ng installation art ni Mideo Cruz

Bakit ba pag sinabing showbiz ay negatibo na sa pananaw at pandinig ng mga nagseseryo-seryosohan sa talakayan tungkol sa sining samantalang wala namang masama sa pagiging showbiz kundi nakabilanggo lang ang karamihan sa atin sa maling impresyon na ikinulapol sa katagang showbiz? Sa katunayan, hindi naman masama, ang salitang showbiz dahil ito, una, ay paghahalo [...]

Overpricing sa presyo ng langis

Walang tiyak na pormula sa presyuhan ng langis; pabagu-bago ito batay sa gusto ng dambuhalang mga kompanya. Ang malinaw lang, lugi rito ang masang Pilipino.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes