Pinoy Weekly
Archive for: August, 2011

Migranteng Pinoy, apektado ng global debt crisis

Muling kinuwestiyon ng Migrante International ang pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs), sa gitna ng pandaigdigang debt crisis na inaasahang lubhang makakaapekto sa daloy ng OFW remittances at lalong maglulugmok sa ekonomiya ng bansa. “May dalawang epekto sa OFWs ang debt crisis: ang posibleng malawakang tanggalan sa mga bansang apektado [...]

US, umareglo sa usapang PNoy, Murad ng MILF sa Japan?

Malamang na gobyernong US, sa pangunguna ng embahada nito sa Pilipinas, ang umareglo kay Pang. Benigno Aquino III na agarang lumipad patungong Tokyo, Japan noong nakaraang linggo para makipag-usap kay Al Haj Murad, tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Katutubo, nagrali vs pagpapabaya ng gobyerno, pang-aabuso

Sinalubong ng protesta nang iba’t bang tribung katutubo ang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Mendiola, kanilang binatikos ang “kapabayaan” sa kanila ng gobyerno at ang lumalalang kaso ng pag-abuso sa karapatang pantao ng mga ito.

3rd Pandayang Lino Brocka Political Film and New Media Festival, Agosto 10-11

Libreng pagpapalabas ng 12 makatotohanan at makabuluhang na mga likhang audio-biswal, mula sa mga indipendiyente at estudyanteng filmmakers

Nagsasariling ekonomiya, ipinanawagan sa gitna ng US credit downgrade

Sa gitna ng krisis pang-ekonomiya at credit downgrade ng Estados Unidos, inihayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na magandang pagkakataon ito para pag-isipan at baligtarin ang mga pang-ekonomiyang patakaran ng Pilipinas na nakaasa sa pamumuhunan at ayuda mula sa US. “Panahon na para maglunsad ang gobyerno ng nagsasariling programa sa pag-unlad ng ekonomiya, kaysa iasa ang [...]

Para sa turista

Daan-daan ang turistang bumibisita araw-araw sa Underground River sa Puerto Princesa City sa Palawan. Isa sa mga nagdadala sa kanila sa naturang lugar ay si Toto, isang boat man at tour guide sa Underground River. Sa tagal niya sa trabahong ito, naging eksperto na rin si Toto sa siyensiya ng mga kuweba, ilog, at iba pa. Kasabay nito, nahasa na rin siya sa pagpapatawa. Pagkatapos ng araw, pagod na pagod si Toto. Sa kabila nito, kumikita lamang siya ng P250 araw-araw. (KR Guda sa Puerto Princesa, Palawan)

Charter Change, itinutulak ni PNoy?

Nasa adyenda ba ni Pang. Benigno Aquino III ang Charter Change? Ito ang tanong ni Gabriela Rep. Luz Ilagan, na nagbabala laban sa umano’y posibleng “stealth tactics” ng gobyernong Aquino sa pagtutulak sa Cha-Cha. Bukas, nakatakdang talakayin ng Committee on Constitutional Amendments ang House Concurrent Resolution 10, na nananawagan sa Kongreso na i-convene ang sarili bilang Constituent [...]

Nora Aunor, ang salamin ng masa ay nandito na naman at nambubulabog sa ating lahat

Sa maniwala kayo’t sa hindi, si Nora Aunor ay budhi at konsensiya ng masa o ng bawat isa sa atin na nabibilang sa pinagsasamantalahan o pinakikinabangan sa hanay ng anumang uri ng tao sa lipunang ito. O ang masa ang budhi at konsensiya ni Nora? Dahil nagmula sa dukha, magbabalik at magtataguyod ng dukha ang [...]

CCT, perwisyo, at panlulumo

Ang 1.4 milyong pamilya sa ilalim ng Conditional Cash Transfer program ay ginawa na ring parang mga pulubi—at lalo pa silang dadami, habang patuloy na tinatalikuran ng gobyernong Aquino ang responsabilidad nito sa tunay na kaunlaran.

Close-in security ni Palparan, isinangkot sa pagdukot nina Karen, Sherlyn

Sa ikatlong preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) noong Agosto 3 hinggil sa pagdukot at pagkawala nina Karen Empeño, Sherlyn Cadapan at Manuel Merino, inamin ni Provost Marshall General Herbert Yambing na aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines  (AFP) ang taong positibong itinuro ng isang testigo sa ikalawang pagdinig ng kaso noong [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes