Pinoy Weekly
Archive for: September, 2011

Pangulong Aquino, pinaniniwalaang nagtutulak ng Charter Change

Duda ang iba’t ibang grupo at mambabatas na walang kinalaman si Pang. Benigno Aquino III sa panibagong tulak sa Kongreso para amyendahan ang mga ekonomikong probisyon ng 1987 Konstitusyon, na anila’y isang akto ng “pagbebenta” (sellout) ng pambansang soberanya. “Ito (ang Cha-Cha) ba ang kapalit ng mga pangakong pamumuhunan mula sa Estados Unidos at Japan?” [...]

Estudyanteng Pinoy, niloloko ng ahente sa Melbourne?

Nabibiktima umano ng isang education agent ang mga estudyanteng Pilipino na hinihikayat mag-aral at pinapangakuan ng permanent residency sa Melbourne, Australia. Ayon sa grupong Migrante Melbourne, nilapitan sila ng mga estudyanteng Pilipino na nirekluta ng First Education Consultants o Firstec, isang Australyanong ahente sa edukasyon. Hinikayat ng Firstec ang mga estudyante  na mag-enroll sa iba’t ibang kurso [...]

Anti-planking na kongresista sumuporta sa P125 dagdag-sahod

Pinuri ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Rep. Carlos Padilla ng Nueva Viscaya at Quezon City Rep. Winston “Winne” Castelo sa pagbibigay suporta sa House Bill 375, na mas kilala bilang panukalang batas na P125 across-the-board wage hike.

OFWs sa Hong Kong, tutol din sa budget cut sa edukasyon

Tutol din sa budget cut sa edukasyon ang mga migranteng Pilipino sa Hong Kong na nagpapaaral sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ngayong araw, nagtungo sa Philippine Consulate General ang militanteng OFWs (Overseas Filipino Workers) para kondenahin ang umano’y kapabayaan ng gobyernong Aquino sa mga mamamayan dahil sa malalaking kaltas sa badyet para sa serbisyong sosyal, [...]

September to Remember

Setyembre 16, 1991. Kahit aktibo siya sa mga debate sa eskwela tungkol sa isyu, hindi niya alam kung kailan pagbobotohan ang ekstensyon ng US-RP Military Bases Agreement. Tutol siya, salamat sa mga babasahing uwi ng ate niya, bukod pa sa natural yatang pagkampi sa mga rebelde.

Ang sining at pakikibaka ni Brocka

Bukod sa pagiging premyadong direktor sa pelikula at Pambansang Alagad sa Sining, kinilala si Lino Brocka sa pagiging palaban at matapang na kritiko ng diktadurang Marcos. Ginamit niya ang kanyang mga pelikula para suriin ang lipunan.

Protesta ng mga manggagawa ng PAL, sinuportahan ng KMU

Naghayag ng suporta ang militanteng sentro ng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa protestang work stoppage na isinagawa ng mga manggagawa ng Philippine Airlines para iprotesta ang malawakang kontkraktuwalisasyon sa kanilang hanay.

Bagyong Pedring nanalasa sa Luzon

Di bababa sa dalawang tao ang nasawi sa Kamaynilaan pa lamang, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol at Gitnang Luzon, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27.

Ang “Show Up” at iba pang TV game show sa gitna ng kahirapan ng Pilipinas

Sinasabi na ang opyo ng masa ay relihiyon, ayon na rin sa pilosopong si Karl Marx. Kinalaunan ay itinuring ng mga intelektwal na ang mga komersyal na palabas sa telebisyon at pelikula ang siyang opyo ng masa. Pero wari’y nadagdagan ngayon ang opyo ng masa sa ngalan ng telebisyon at ito ay ang mga game [...]

Video: Welga ng estudyante, guro, kawani ng SUCs kontra budget cut

PW-september-23-march-ys-thumb

Mataas ang diwa ng pakikibaka ng mga estudyanteng lumahok sa martsa patungong Mendiola, Manila noong Setyembre 23, 2011. Matarungan daw kasi ang kahilingan nila: ang itulak ang gobyerno na patuloy na suportahan ang edukasyon at serbisyong panlipunan.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes