Pinoy Weekly
Archive for: September, 2011

Larawan: Shamcey Supsup, hiningan ng suporta sa kampanya vs budget cut sa UP

Nagbigay ng bouquet ng bulaklak na may nakasulat na “No to Budget Cut!” si Student Regent Krissy Conti kay Miss Universe 3rd Runner Up Shamcey Supsup. Bumisita si Supsup sa Unibersidad ng Pilipinas matapos ang matagumpay na paglahok sa pandaigdigang pageant noong nakaraang linggo. Kasama sa tumanggap kay Supsup ang mga opisyal ng pamantasan na sina UP Diliman Chancellor Caesar Saloma at UP President Alfredo Pascual. Nakatakdang magwelga ang mga estudyante ng UP at iba pang state colleges and universities sa Setyembre 21 hanggang 23 para iprotesta ang pagkaltas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon. (Airnel Talatala Abarra)

Tigil-pasada, protestang bayan matagumpay sa iba’t ibang lugar sa bansa

Sa kabila ng mga banta ng Palasyo, nagpatuloy at naging matagumpay ang welgang transportasyon at protestang bayan. Sa maraming lugar sa Kamaynilaan, Mindanao, Timog Katagalugan at iba pang probinsiya, naipamalas ang pagtutol ng publiko sa oil overpricing, VAT sa langis at Oil Deregulation Law

Misteryo sa sobrang presyo ng kartel sa langis

Hindi napag-usapan ang overpricing sa langis sa dayalogo ng iba’t ibang grupong transportasyon kay PNoy. Paano ba talaga nagpapatong ng sobrang presyo ang mga kompanya ng langis? At papaano sila nakakalusot sa garapal na kotong na ito?

Komprontasyon, noon at ngayon

Bahagi ang larawan sa itaas sa mga ineksibit ng PinoyMedia Center Inc. at Pinoy Weekly sa Ishmael Bernal Gallery sa UP Diliman noong Marso 2011 para gunitain ang ika-30 anibersaryo ng Diliman Commune ng 1971. Bahagi ang eksibit at porum hinggil sa komuna ng seryeng “Documenting the Marginalized” ng PMC at Pinoy Weekly.

Kalulunsad pa lamang noon ng welgang transportasyon o transport strike kontra sa pagtaas ng presyo ng langis. Nagbarikada ang mga estudyante sa University Avenue. Rumesponde ang mga pulis. Isang marahas na komprontasyon ang nasimulan.

Larawan: Militanteng kababaihan nanawagan ng pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal

Nagmartsa patungong Mendiola ang mga lider-kababaihan ng Gabriela mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para manawagan ng pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, kabilang ang 30 kababaihang bilanggong pulitikal. (KR Guda)

Pinta sa katawan, para sa kalayaan

Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.

Larawan: ‘Magnificent 12′ vs US Bases muling nagtipon, pinarangalan

Nagtipon sa pambihirang pagkakataon ang ilan sa 12 senador na bumoto para ibasura ang pananatili ng baseng militar ng US sa bansa noong taong 1991. Sa kabila ng presyur ng gobyernong US at Cory Aquino, bumoto ang Senado, 12-11, para ibasura ang ekstensiyon ng baseng militar ng US sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales — isang pambihirang pagkakataon na pagpapapmalas ng makabayang paninindigan ng Senado. Ginanap ang pagtitipon sa Club Filipino, San Juan noong Setyembre 16, ika-20 anibersaryo ng makasaysayang pagboto sa Senado. (Boy Bagwis)

Protestang bayan isasabay sa welgang transportasyon

Hindi lamang isyu ng sektor ng transport ang pagtaas ng presyo ng langis. Kung gayon, ayon sa militanteng mga organisasyon, hindi lamang sektor ng transport ang dapat magwelga sa Lunes, Setyembre 19. Iba’t ibang organisasyon ng mga maralitang sektor ang maglulunsad ng “protestang bayan” para igiit ang mga panawagang labanan ang P9 overpricing sa langis, EVAT sa langis, at Oil Deregulation Law.

Bobong Panggulo

Mga tulang tutol sa budget cut sa serbisyong panlipunan, mula sa Kilometer 64.

Larawan: Pagbasura sa ekstensiyon ng RP-US Military Bases Agreement ginunita sa protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes