Pinoy Weekly
Archive for: September, 2011

Estudyante naghahanda sa welga vs kaltas-badyet sa edukasyon

“Strike back!”

Ito ang mensahe ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City na nag-ingay at nagmartsa sa loob ng kampus para manawagan sa mga estudyante na kumilos kontra sa kaltas-badyet ng administrasyong Aquino sa sektor ng edukasyon.

Piston, humiling sa publiko na lumahok sa protesta, welgang transportasyon Setyembre 19

Hiniling ng militanteng grupo ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan sa publiko at sa mga kapwa tsuper at operator na sumuporta sa tigil-pasada sa Setyembre 19, Lunes.

Sulat para kay Eduardo Sarmiento

Noong Mayo, niregaluhan ako ng isang matalik na kaibigan. Hindi naman niya talaga sinabing regalo nga niya sa akin ang ipinadalang envelope na naglalaman ng mga tula. Pero dahil ilang araw na lang ay kaarawan ko na noon, hinayaan ko ang isang kapritso at idineklara ito bilang isang pambihirang birthday gift.

Pamamaril ng militar sa 7-anyos na bata sa Compostela Valley pinaiimbestigahan

Humiling ng independiyenteng imbestigasyon ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa Pantukan, Compostela Valley matapos isang pitong-taong-gulang na bata ang napaslang sa pamamaril ng isang sundalo mula sa 71st Infantry Battalion ng Philippine Army.

Larawan: Kampanya kontra overpricing sa langis paiigtingin ng mga obrero

Nagsagawa ng noise barrage ang Pagkakaisa ng Samahang ng mga Opereytors at Draybers Nationwide o Piston sa Cubao, Quezon City bilang protesta sa “kakarampot na rolbak sa presyo ng diesel at gasolina” na ipinatupad ngayon ng mga kompanya ng langis. Hiling ng grupong magpatupad ng “one time big time rolbak” na di bababa sa P9 kada litro sa langis, dahil ito umano ang halaga ng overpricing sa produktong petrolyo. (Macky Macaspac)

Video: Pag-aayuno para sa kalayaan ng mga bilanggong pulitikal isinagawa sa Kampo Crame

PW-video-sympathy-fast-political-prisoners

Nagsagawa ng sympathy fast sa harap ng EDSA gate ng Kampo Crame sa Quezon City ang mga tagasuporta at kaanak ng mga bilanggong pulitikal. Panawagan nila: general, unconditional and omnibus amnesty sa mahigit 350 bilanggong pulitikal sa bansa.

Kawani ng gobyerno tutol sa 4-day work week

Mabubura ng panukalang apat-na-araw na trabaho ang mga karapatan at benepisyong matagal nang ipinaglaban ng kilusang paggawa sa pampubliko at pampribadong sektor.

Sulat para kay Alan Jazmines

Masasabing magkaugnay ang mga pangyayari sa ating pagkadakip dahil sa magkasunod itong naganap – Pebrero 13 ako at kayo ay Pebrero 14. Nalaman ko ang tungkol sa pagkahuli ninyo noong madaling araw ng Pebrero 15, sa gitna ng interogasyon sa akin ng militar. Ibinulalas ito ng isang interogador at noong mga sandaling iyon, pinaghinalaan ko pa na gawa-gawa lang niya ito para guluhin ang isip ko, o bilang pang-“bluff” lang sa akin.

Tatlong Tula ni Alexander Remollino

Huwag sanang tulutan ng tadhana / na ako’y lisanin mo sa gitna ng digma. / Ikaw ay masong magagamit / sa pagpapanday ng isang bayan / kung saan walang taong parang asong nakagapos / habang hinihimod ang paa ng kung sino, / kung saan ang mga tao

Union-busting sa Honda kinondena ng mga obrero

Kinondena ng militanteng mga obrero ang hakbanging “special separation program” ng kompanyang Honda Cars Philippines Incorporated, na ayon sa kanila’y isang mapanlinlang na programa na wawasak sa kanilang unyon.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes