Pinoy Weekly

Magsasaka pinatay ng mga sundalo sa Arakan, North Cotobato, dalawa ‘ilegal’ na inaresto

Itinuturo ng isang magsasaka ang mga butas na gawa ng bala, matapos ang mamaril ng mga sundalo ng Army sa bahay ng magsasakang si Ramon Batoy sa Sitio Upper Lumbo, Barangay Kabalantian, Arakan, North Cotabato. (Karlos Manlupig)

Hindi pa nga nalilibing ang kura paruko ng Arakan, North Cotabato na si Fr. Fausto Tentorio, isa na namang magsasaka ang pinaslang ng militar habang nagsasagawa ng operasyong kontra-insurhensiya sa lugar.

Pinagbabaril at napatay ang isang magsasaka at inaresto ang dalawang iba pa ng mga miyembro ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Arakan noong Oktubre 22.

Nagdalamhati ang mga kaanak ni Ramon Batoy. (Karlos Manlupig)

Nagdalamhati ang mga kaanak ni Ramon Batoy. (Karlos Manlupig)

Nakilala ang napaslang na magsasaka na si Ramon Batoy, 35 anyos.

Sa ulat ng Karapatan-Southern Mindanao, noong Oktubre 20, puwersahang pinasok ng mga di-mabilang na miyembro ng Army ang bahay ng biktima at inaakusahan siyang miyembro ng New People’s Army.

Matapos tumangging magpaaresto si Batoy, kinulata siya ng baril ng isang sundalo. Ayon sa Karapatan, sa ninais niyang depensahan ang sarili at pamilya, kaya tinaga ng biktima ang isang sundalo.

Pinagbabaril siya ng tatlong sundalo. Pinagbabaril ng mga militar ang bahay ng biktima at pitong iba pang kabahayan, ayon sa grupong Karapatan.

Sinabi pa ng grupo na isang testigo ang nakakitang nilagyan ng baril ang bangkay ni Batoy at kinunan ng larawan.

Bukod sa biktimang si Batoy, inaresto si Noli Badol na isang lider magsasaka sa naturang lugar at si Celso Batoy na kapatid ng napaslang na magsasaka.  Ayon pa sa grupo, binugbug ng mga sundalo ang dalawa at pinaputukan nang tatlong beses ang asawa ni Noli na si Evelyn na walong buwang buntis kasama ang mga dalawa niya anak.

Mga basyo ng bala na nakita sa lugar kung saan namaril ang mga militar. (Karlos Manlupig)

Mga basyo ng bala na nakita sa lugar kung saan namaril ang mga militar. (Karlos Manlupig)

Nakaligtas naman sa pamamaril ang mag-iina, ngunit nasugatan naman ang asawa at ina ni Roger  Batoy na kapatid ni Ramon.

Sa pahayag naman ni Lieutentant Colonel Joven Gonzalez ng 57th IB sa midya matapos ang insidente, na isang lehitimong operasyong militar ang insidente. Diumano, nagsasagawa ng clearing operation ang mga militar nang magkaroon ng engkuwentro, sinabi pa ng opisyal na ang mga biktima kasama na ang dalawang inaresto ay kasapi ng NPA.

Pinabulaanan ito ng mga kaanak ng mga biktima at sinabing walang naganap na engkuwentro at iginiit na hindi mga NPA ang mga biktima.

Nagdulot ito ng takot sa mga residente na nagresulta sa paglikas ng 48 pamilya na pansamantalang nasa Binoongan Elementary School.

Aabot sa 48 pamilya sa Sitio Upper Lumbo, Barangay Kabalantian, Arakan, North Cotabato ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan sa takot sa militar na nagsasagawa ng mga operasyong kontra-insurhensiya. (Karlos Manlupig)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=16019

Macky Macaspac at Karlos Manlupig Posted by on Oct 23 2011. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes