Pinoy Weekly
Archive for: October, 2011

Larawan: Mga magsasaka, nagrali sa Korte Suprema para sa tunay na reporma sa lupa

Nagmartsa patungong Korte Suprema ang libu-libong magsasaka, upang ipanawagan sa mataas na hukuman na resolbahan ang mga kaso ng pangangamkam sa lupa tulad ng Hacienda Luisita sa Tarlac, Hacienda Yulo sa Laguna at iba pang mga kaso. (Macky Macaspac)

Larawan: Agarang hustisya para kay Fr. Pops, iba pang biktima ng pamamaslang, pagdukot iginiit

Nagpiket sa harapan ng Department of Justice ang grupong Karapatan, Promotion of Church People’s Response (PCPR) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) upang hilingin kay Sek. Leila de Lima ng Hustisya na agarang imbestigahan at bigyan ng katararungan ang pagpaslang sa Italyanong pari na si Fr. Fausto Tentorio. Si Tentorio na isang misyonero sa bayan ng Arakan, North Cotabato ay binaril at napaslang ng hindi nakikilang salarin sa loob ng kanyang parokya. Malakas ang hinala ng mga grupo na paramilitar ang pumaslang sa naturang pari. (Macky Macaspac)

Kabilang sa mga Nawawala

ericson acosta

Marami nang nawala sa akin. Noong edad 12, nagkamali ako sa pagkakopya sa oras ng graduation-exhibit ng sinalihan kong Katag art workshop sa ilalim ni Fernando Sena. Dumating kami ng nanay at tatay ko nang alas-otso ng gabi imbes na alas-otso ng umaga. Hindi na naibalik sa akin ang 12 o 15 mga drawing at painting ko na nasa charcoal, oil pastel at watercolor.

Relasyon — Kerida, Kabit, Number 2, Mistress*

May bahagi sa akin na nasabik sa balita ng tagumpay sa takilya ng “No Other Woman” ni Ruel Bayani. Hindi pa dahil sa maganda ang pelikula (dahil hindi naman masyado) kundi dahil maaring ito ang maging simula ng panunumbalik ng mga adult drama sa ating mga sinehan. Winakasan ng “No Other Woman,” bilang pinakamalaking box office hit ngayong 2011, ang matagal na pamamayagpag sa takilya ng mga romantic comedies at family-oriented na pelikula.

Rey “PJ” Abellana, idinepensa ang anak na si Carla Abellana sa mga intriga

Ang sabi nga ay ‘the show goes on’ anuman ang kalagayan ng isang artista. Kaya kahit na may lagnat, sipon, trangkaso at pananakit ng mga kasu-kasuan, hala at magsulat para may ipahayag sa buong mundo kaugnay sa kaganapan sa showbiz. Pinabulaanan nga ni Rey “PJ” Abellana na nanliligaw si ER Ejercito sa kanyang anak na [...]

Mga Bikolano nagkampo, nagkaraban vs kampanyang kontra-insurhensiya ni PNoy

Aabot sa 12,000 Bikolano sa iba’t ibang pangunahing lungsod sa rehiyon ng Bikol ang naglunsad ng kampanya kontra Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na anila’y dudulot sa mas matinding paglabag sa karapatang pantao. Tinaguriang Kilusan Laban sa Militarisasyon sa Kabikolan, pinangungunahan ang kampanya ng iba’t ibang sektoral at pangmasang organisasyon. Layunin nilang igiit [...]

Larawan: Salubungan, pagpapakita ng pagkakaisa para sa karapatan sa lupa ng magsasaka

Nagmartsa ang iba’t ibang progresibong organisasyon tulad ng Gabriela, Migrante, Alliance of Concerned Teachers, Kilusang Mayo Uno at marami pang iba patungong harap ng Department of Agrarian Reform para salubungin ang pagdating sa National Capitol Region ng mga magbubukid mula sa mga probinsiya. (KR Guda)

Larawan: Takbo para sa karapatan ng mga bata

Bitbit ang mga banderita na nagsasaad ng kanilang kahilingan, ginunita ng mga child rights advocates at mga bata ang National Childrens Month sa pamamagitan ng isang marathon sa palibot ng Quezon City Memorial Circle. Ilan sa kanilang kahilingan ang pagbibigay ng sapat na badyet sa edukasyon, pagbasura sa panawagang amyendahan ang juvenile justice law, katarungan para sa mga batang biktima ng karahasan ng militar at iba pa. Ginanap din ang kahalintulad na fun run sa Iloilo, Bacolod at Vigan, Ilocos Sur. (Macky Macaspac)

Sa kamay ng asenderong pangulo

PW-salubungan-lakbayan-magsasaka

Pangangamkam sa lupaing agrikultural. Kumbersiyon sa lupa. Kawalan ng repormang agraryo. Ngayon naman, pagrepaso sa Saligang Batas. Ito lamang ang ilan sa sunud-sunod na mga atake ng administrasyong Aquino sa karapatan at kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

Pagpaslang sa maka-kalikasang paring Italyano kinondena

Kinondena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagpaslang sa isang misyonerong Italyano na aktibo sa pagtutol sa malawakan at mapangwasak na pagmimina sa Mindanao.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes