
Nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kanilang kinondena ang pahayag ni Sek. Rosalinda Baldoz na hindi pa panahon upang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, muli silang magmamartsa sa Nobyembre 30 (Araw ni Bonifacio) upang igiit ang panawagang dagdag sahod at laban sa malawakang kontraktuwalisasyon. (Macky Macaspac)
Nov 21 2011 | Posted in
Balita,
Manggagawa |
Read More »

Una sa lahat, maaaring hindi tayo magugulat sa larawang ito: batang Sudanese na gumagapang sa lupa patungo sa isang feeding station ng UN noong Marso 1993. Sa likod niya, isang buwitre, naghahandang sagpangin ang bata. Pamilyar na kasi tayo sa larawang ito. Baka hindi ang eksaktong larawang ito, pero katulad nito: Larawan ng gutom at desperasyon sa Aprika.
Artista si Lance Raymundo kaya kailangang mag-eksperimento siya sa maraming bagay na maipapamalas niya sa publiko kasabay ang pagpaparating ng mga mensahe sa mga ito. Pinaghalong aktor at mang-aawit si Lance pero sa mga sandaling ito aniya, pagkanta muna ang kanyang pagtutuunan ng pansin. Kunsabagay ay may napatunayan na siya sa pag-aartista lalo na nang [...]
Nov 20 2011 | Posted in
Showbiz |
Read More »

Rebyu ng Sa kanto ng ulap at langit (Mes de Guzman, dir., 2011)

Ikinatuwa ng militanteng mga organisasyon ang pag-aresto kay Gloria Macapagal Arroyo. Pero, hiling nila sa publiko: dapat maging mapagmatyag. Dapat ding siguruhing masasampahan din siya ng iba pang mabibigat na kaso, mula sa mga paglabag ng kanyang rehimen sa karapatang pantao, hanggang sa pandarambong.
Nov 19 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Kinondena ng kababaihan ang 44 sentimos kada kilowatt hour na pagtaas sa presyo ng kuryente. Ibig sabihin, madaragdagan ng higit-kumulang P44 ang electric bill ng mga pamilyang kumokonsumo ng 100 kwh kada buwan.
Nov 18 2011 | Posted in
Balita,
Kababaihan |
Read More »

Mga larawan ng surpresang protesta ng militanteng mga kabataan sa konboy ng bumibisitang nangungunang opisyal ng gobyernong US na si US State Sec. Hillary Clinton.

Isang buwan matapos paslangin ang misyonerong pari na si Fr. Fausto “Pops” Tentorio, muling ipinanawagan ng mga alagad ng simbahan sa pangunguna ng Promotion of Church People’s Response (PCPR) ang katarungan sa pinaslang na pari.
Nov 17 2011 | Posted in
Balita |
Read More »

Nakita na ito sa Iraq noong 2008, nang minsang binato ng isang mamamahayag na Iraqi ng sapatos si US Pres. George W. Bush. Sa Pilipinas, kung saan masigla ang kultura ng protesta at kilusang masa, may kasaysayan din ng paninindigan at “speaking truth to power” ang mga mamamahayag. Pero hindi ibig sabihi’y hindi na katangi-tangi ang ginawa ng isang campus journalist, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Naging intern din noong nakaraang summer ng Pinoy Weekly si Tucay.
Nov 16 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Inilunsad kamakailan sa Sagada, Mountain Province ang kakaibang estasyon ng radyo: ang Radyo Sagada. Sa estasyong ito, bukas na makakapagprograma ang ordinaryong mga mamamayan, di tulad ng komersiyal na mga estasyon ng radyo.
Nov 16 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »