Pinoy Weekly
Archive for: January, 2012

Kabataan, nagprotesta vs taas-presyo ng langis, nakaambang taas-matrikula

PW-dragon-opening-rally-kabataan-anakbayan-etc

Muling nagmartsa ang militanteng mga organisasyon ng kabataan sa paanan ng Mendiola Bridge sa Maynila upang kondenahin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at nakaambang pagtaas ng matrikula sa mga pamantasan.

Paglipat ng kulungan ng NDF konsultant sa Visayas, ipinrotesta ng Selda

Piket ng Selda sa isang kampo sa Quezon City noong nakaraang taon. Patuloy nilang iginigiit ang paglaya ng mga bilanggong pulitikal, kabilang ang mga konsultant ng NDF sa usapang pangkapayapaan. (KR Guda/PW File Photo)

Ipinrotesta ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) ang paglipat ng isang bilanggong pulitikal mula sa regular na kulungan patungo sa kampo ng militar sa Central Visayas.

Bagong estratehiyang pandepensa ng US, nakapokus sa Asya, PH

PW-PNoy-Lieberman-McCain-US-military-presence-in-philippines

Pinaiigting ng gobyerno ng US ang presensiyang militar nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko, kabilang ang Pilipinas. Malinaw na labag ito sa soberanya ng bansa. Pero patuloy naman ang paborableng pagtanggap ng administrasyong Aquino sa presensiyang militar ng US sa bansa

Pagrepaso sa Oil Deregulation Law, hiniling na iratsada ‘gaya ng impeachment’

Piket noong Enero 25 para ipresyur ang mga mambabatas na repasuhin ang Oil Deregulation Law (Contributed Photo)

Nagpiket kahapon ang iba’t ibang grupo sa harap ng House of Representatives para ipresyur ang mga mambabatas na umpisahan na ang pagrepaso ng Oil Deregulation Law (ODL), sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. “Ipinakita ng Kongreso na kaya nilang magratsada ng desisyon sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, [...]

‘Rules of the Impeachment Proceedings Must be Relaxed’

Sen. Juan Ponce Enrile, presiding officer ng impeachment court. (AFP photo/Ted Aljibe/Senate Pool)

The rules of court and criminal procedure on evidence, whether liberally or strictly construed, has no place in an impeachment proceeding full stop, no ifs or buts. What is supposed to be suppletory, has become the main rule, to the detriment of the peoples’ search for truth.

‘Ulat ng ILO, patunay sa abang lagay ng empleyo sa PH’

ILO logo

Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.

Ang paglilitis kay Chief Justice Corona: Para kanino?

remigio

Nakapako ang paningin ng buong sambayanan ngayon sa nangyayaring impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Para itong telenobelang pinagtuunan ng pansin ng publiko. Sari-saring kuro-kuro ang maririnig natin sa paglilitis na ito. Hindi ring maiwasang ipaghambing ng taong-bayan kung sino ba ang mas magaling sa mga personaheng sangkot sa impeachment trial.

Larawan: Korte Suprema, hiniling na manindigan sa Luisita

Maliban sa panawagan ng mga magsasakang ipamahagi na ang lupa, hinamon din nila ang Korte Suprema na ibasura ang motion for reconsideration ng pamilya Aquino-Cojuangco at ipinal ang desisyon ng korte. Nasa larawan si Francisco Dizon, tagapagsalita ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Luisita, o Ambala, at Leonora Halili ng Amihan (asosasyon ng mga magsasakang kababaihan) sa Luisita. (Macky Macaspac)

Kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagang manindigan ang mga mahistrado ng Korte suprema ang kanilang naunang desisyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

Mga pandaigdigang grupo, nadismaya sa human rights record ni PNoy

Gary King ng Amnesty International-Minneapolis, USA. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Pinaalalahanan ng mga pandaigdigang grupong pangkarapatang pantao ang administrasyong Aquino na tupdin ang mga pangakong pagrespeto sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Isang taon matapos paslangin, Gerry Ortega di pa rin nabibigyang hustisya

Isang taon, wala pa ring hustisya. (Macky Macaspac)

Wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga kaanak ng pinaslang na mamamhayag at environment advocate na si Dr. Gerry Ortega sa Puerto Princesa, Palawan, isang taon matapos siyang paslangin.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes