FEATURED Saloobin

Armas nukleyar at ang US


Ika-70 taong anibersaryo ng pagbomba ng US sa Hiroshima at Nagasaki, Japan ngayong Agosto 2015. Tanging US lang sa lahat ng bansa sa mundo ang aktuwal na gumamit ng bomba nukleyar. Isa lang ito sa maraming krimen ng gobyernong US.

Hiroshima, Japan matapos ang pagsabog ng bomba atomiko noong Agosto 6, 1945. Pinirmahan pa ang larawan ni Col. Paul Tibbets, ang piloto ng B-29 "Enola Gay" na nagbagsak ng bomba sa Hiroshima. <b>Wikimedia Commons</b>
Hiroshima, Japan matapos ang pagsabog ng bomba atomiko noong Agosto 6, 1945. Pinirmahan pa ang larawan ni Col. Paul Tibbets, ang piloto ng B-29 “Enola Gay” na nagbagsak ng bomba sa Hiroshima. Wikimedia Commons

Nitong Agosto 6, 2015, ginunita ang ika-70 anibersaryo ng pagbomba sa Hiroshima, Japan noong 1945.

Nasa huling yugto na ng World War II, at pasuko na ang bansang Japan nang magpasya ang imperyalistang US, gamit ang mga B-29 bomber planes, na ihulog sa matataong siyudad ng Hiroshima at Nagasaki ang mga bomba atomikong dinebelop ng mga siyentistang Amerikano sa tinaguriang Manhattan Project sa Los Alamos, New Mexico.

Ginamit na dahilan ng US ang pagpapasuko sa Japan upang bigyan-katwiran ang walang singlupit na krimeng ito sa sangkatauhan. Pero ang totoo: naging bahagi ang pagpapaunlad ng mga teknolohiyang armas nukleyar sa pagkamit ng US ng ambisyon nitong magign pinaka-makapangyarihang bansa sa daigdig.

Inilarawan ng nuclear physicist na si Joan Hinton ang naging trabaho nila sa paglikha ng bomba atomiko sa librong Silage Choppers and Snake Spirits. Di nagtagal, umalis si Hinton sa proyekto nang malamanang naging epekto ng bomba sa Japan. Nagpunta siya sa China at doon nakipamuhay bilang ordinaryong mamamayan sa panahon ng sosyalistang kontruksiyon sa bansang iyon.

Isa sa daan-daanlibong Hapones na biktima ng pagbomba sa Hiroshima. Makikita sa kanyang mga sugat ang pattern ng damit ng kanyang suot na kimono bago ang pagbomba. <b>Wikimedia Commons</b>
Isa sa daan-daanlibong Hapones na biktima ng pagbomba sa Hiroshima. Makikita sa kanyang mga sugat ang pattern ng damit ng kanyang suot na kimono bago ang pagbomba. Wikimedia Commons

Matapos niyang masaksihan, kasama ang iba pang siyentista, ang testing ng nalikha nilang gaheto—isang bomba mula sa pinagsanib na uranium at plutonium, “…nalaman ng mga siyentistang nakalikha sila ng isang tunay na kahindik-hindik na bagay…sa kanilang pagtingin, maaaring hindi na ito magagamit dahil papasuko ba ang Japan, pero iba ang tingin ng US military…na hindi na nito makita ang resulta ng kanilang pinakabagong armas sa mga matataong lugar bago matapos ang giyera.”

Tatlong siyudad sa Japan ang pinroktektahan mula sa tradisyunal na mga pagbomba at atake-militar para lang makita ang kumpletong epekto ng bomba atomiko. Ang tatlong siyudad na ito ay siyang magiging target ng bomba atomiko: Hiroshima, Nagasaki at Kokura. Hindi lang nakita ng piloto ang target kaya hindi nabomba ang Kokura dahil sa sobrang usok na nalikha ng pambobomba sa katabing mga siyudad.

Sabi pa ni Hinton: “Sa buong panahon ng giyera, walang pambobomba, pamamaril o saturation sa Hiroshima; sa pagtatapos ng giyera, bigla na lang sialng binagsakan ng bomba.”

Ang resulta: 187,000 katao ang namatay sa dalawang siyudad; ang iba ay naabo nang tamaan. Higit na malaking bilang ang napinsala at marami sa kanila ang patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasalukuyan. Marami rin ang ipinanganak na di-normal sa susunod na mga henerasyon.

Isang bahagi lang ito sa mahabang listahan ng mga krimen ng imperyalistang US laban sa sangkatauhan. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga biktima ng naturang mga pambobomba. Sa sumunod na mga dekada, nagpatuloy ang mga programa ng US sa pagtuklas ng mga mapamuksang teknolohiyang pandigma.

Kinakastigo nito ang mga bansang may plano umanong magpaunlad din ng mga armas nukleyar, samantalang ito ang mayroon nang natatanging rekord ng paggamit ng naturang weapon of mass destruction. Patuloy itong nagpapaunlad ng iba pang mga teknolohiyang maaaring gamitin o ginagamit na laban sa mga mamamayansa iba’t ibang panig ng daigdig.

BIDYO SA ITAAS: Documentary film hinggil sa epekto ng pagbagsak ng bomba-atomiko ng US sa mga siyudad ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan noong Agosto 1945.