Bukas na Liham FEATURED

Angel Locsin tungkol sa Alcadev, panawagang #StopLumadKillings


Noong 2009, bumisita ang tanyag na aktres na si Angel Locsin sa Sityo Han-ayan sa Lianga, Surigao del Sur para sa isang exposure sa mga Lumad at makipagkuwentuhan sa mga bata ng Alcadev. Ito ang naisulat niya hinggil dito at hinggil sa pamamaslang sa mga Lumad.

Noong 2009, bumisita ang tanyag na aktres na si Angel Locsin sa eskuwelahan ng Alcadev sa Sityo Han-ayan, Lianga, Surigao del Sur, at nakipagkuwentuhan sa mga estudyante hinggil sa kanilang eskuwelahan, kultura at buhay. Photo courtesy: <b>Angela Colmenares-Sabino</b>
Noong 2009, bumisita ang tanyag na aktres na si Angel Locsin sa eskuwelahan ng Alcadev sa Sityo Han-ayan, Lianga, Surigao del Sur, at nakipagkuwentuhan sa mga estudyante hinggil sa kanilang eskuwelahan, kultura at buhay. Photo courtesy: Angela Colmenares-Sabino

Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumad, sinilip ko ang pictures namin noong nag-exposure kami sa lugar na ‘yun noong 2009. Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel…Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay.

Isang programa ang isinagawa sa loob ng isa sa mga klasrum ng Alcadev kasama si Angel. Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na zero-crime rate ang lugar nila. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap. Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.

Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga tagaroon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar. Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang “yutang-kabilin” (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military kung saan puwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot — not to mention ‘yung grabeng psychological effects sa mga kabataan?

11988429_10153605452538624_3673770111971757492_n
Nakihalubilo si Angel sa mga residente ng Han-ayan.

Nung huling gabi namin sa Alcadev (Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development), nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan n’yo po kami para mas maihatid po ang kuwento nila sa mas nakakarami.

Nakikiisa ako sa panawagang respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ako na ang isang eskuwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sangktuwaryo — at ang presensiya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang.

Nagpakuha ng larawan si Angel kasama ang ilan sa mga lider ng komunidad. Si Emerito "Tay Emuk" Samarca ay nasa likod, ikatlo mula sa kanan. Ikalima mula sa kaliwa naman si Dionel Campos.
Nagpakuha ng larawan si Angel kasama ang ilan sa mga lider ng komunidad. Si Emerito “Tay Emuk” Samarca ay nasa likod, ikatlo mula sa kanan. Ikalima mula sa kaliwa naman si Dionel Campos.