Tula

Tula | Greenhouse


Nakasisiguro ako, nariyan lamang siya sa inyong tabi. Tulad ng mga tadyang na nakadugtong, hinding-hindi niya hahayaang buwalin kayo ng mga nagliligalig na lagari.

PW-tula-greenhouse-featured

Hindi kailanman nagdamot ang lupa sa tao. May libu-libong butil rin kayong pinayabong sa punlaang ito. Ang mga butil, na ngayo’y mga puno na may kakayahan na ring mamunga, tulad ng pagpapalaki sa inyo ng mga hardinero. Pinalaki kayong nakadugtong ang tadyang sa lupa at hinalinhan ng mga diwata sa kabundukan. Mga tulad ninyong mas malapit sa piling ng diyos.

At ngayo’y kasama na ng mga diwata si Mang Emok. Nakasisiguro ako, nariyan lamang siya sa inyong tabi. Tulad ng mga tadyang na nakadugtong, hinding-hindi niya hahayaang buwalin kayo ng mga nagliligalig na lagari. Asahan ninyo, mababalot muli ang Mindanao ng daang libong mga puno buhat sa mga hardinerong tulad ni Mang Emok ang maghahasik pang lalo ng mga punla para sa lupang tinubuan!