FEATURED

Institusyong aaral ng kultura’t pakikibakang Lumad, inilunsad


Sa layuning maunawaan at maipalaganap ang kalagayan ng mga Lumad, inilunsad ang institusyong mag-aaral sa natitira nilang kultura na binubura ng parehong ganid at dahas.

Pagtatanghal ng kabataang Lumad sa paglulunsad ng Mindanao Interfaith Institute on Lumad Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. <strong>Pher Pasion</strong>
Pagtatanghal ng kabataang Lumad sa paglulunsad ng Mindanao Interfaith Institute on Lumad Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Pher Pasion

Nakakalat ang iba’t ibang tribu ng mga Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Nakakalat rin ang kanilang mga kuwento ng pagsibol, paglikas, at paglaban mula pa sa panahon na kasintanda marahil ng kanilang kultura.

Sa layuning matipon ang kalat-kalat na mga kuwentong ito, higit na maunawaan ang kalagayan ng mga Lumad, inilunsad ang isang institusyon para lubos na makapagsaliksik at mapag-aralan sa natitira nilang kultura na binubura ng parehong ganid at dahas.

Ito ang Mindanao Interfaith Institute on Lumad Studies (MIILS) sa pangunguna ng Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Region (RMP-NMR) at Ibon Foundation, na inilunsad kamakailan sa Balay Kalinaw sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman nitong Nobyembre 9.

Para sa Lumad

Isang malaki at napakahalagang hamon ang layuning nais punan ng MIILS lalo’t higit sa panahon ngayon na nasa sentro ng atensiyon ang mga Lumad sa mga huling pag-atake sa kanila.

Lumad ang ginagamit na kolektibong pangalan ng mga katutubo sa Mindanaw gaya ng B’Laan, Manobo, Mamanwa, Bagobo, at iba pa.

“What we are doing in MIILS apart from documenting these cases, is to arrive at some kind of a narrative about the story of our Lumad brothers and sisters. Because if we fail to account for their story, it is also the same as not understanding our story as a people,” ayon kay Arnold Alamon, executive director ng MIILS.

Ayon pa kay Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang kahalagahan ng research ay ang pagkakaroon nito ng bias o pagpanig. Ito ang aral na kanilang nakuha sa kahalagahan pananaliksik. Pero hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng bias ay hindi na ito siyentipiko o hindi na ito objective. Sa lipunang hati, kailangan umanong pumili kung kanino papanig.

“Ikinatutuwa namin ang project na ito dahil napakalinaw kung kaninong side ang kukunin, kung kaninong panig ang titindigan ng research,” ayon kay Africa.

Ayon naman kay Sr. Famita Somogo,MSM, coordinator ng RMP-NMR sa matagal na panahon na kanilang paglubog sa mga Lumad, nagiging kalat-kalat ang mga datos na kanilang nakakalap na nagpapatagal sa kanilang mga plano para sa mga katutubo.

Nais nila Somogod na maging ma-systematize ang mga mahahalagang impormasyon para madali itong maibahagi sa mga komunidad, sa academic communities, mga mananaliksik, sa midya, at sa mga taong interesado sa adbokasiya ng mga katutubo.

Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation sa kaniyang pagpapaliwanag sa kahalagahan ng pananaliksik. <strong>Pher Pasion</strong>
Ipinaliwanag ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang kahalagahan ng pananaliksik sa kalagayan at paglaban ng mga mamamayang Lumad. Pher Pasion

“Maganda ang inyong balakin ng Miils. Sana yung mga studies na mabubuo mula dito ay magiging instrumento ng mga partners natin sa community, mga civil society organization para higit pang tulungan yung indigenous people sa Mindanao,” ayon Margarito Raynera Jr., programme officer ng Delegation of European Union to the Philippines.

Kasaysayan 

Hindi umano bago ang pag-atake na nangyayari sa mga Lumad sa kasalukuyan, ayon kay Alamon. May mahabang historikal, pulitikal, at pang-ekonomiyang konteksto ang nangyayaring pag-atake sa kanila sa kasalukuyan.

Sa nauna nang pag-aaral ni Alamon, kaniyang ibinahagi ang tatlong bugso ng pagpapalayas sa mga Lumad noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Ang una, sa mga lugar na sagana sa yamang tubig gaya ng ilog at dagat unang umanong nanirahan ang mga katutubong Lumad at naitulak sila palayo sa pagdating ng mga Espanyol.

Ang ikalawa noong taong 1910 hanggang 1930 unang naitala umano ang pagpasok ng mga dayuhang Amerikano sa kanilang lupaing ninuno dahil sa logging o pagtotroso. Ito ang unang pagkakataon na makakita ang mga Lumad ng mga taong hindi nila katulad.

“Nandiyan yung simula ng kwento kung paano sila niloko. Paano binayaran ang mga datu para makapasok ang logging concessions. At nandiyan ang mga kwento ng una nilang pag-resist na kalaban nila ang sundalo historically na nakikipagkuntiyaba sa mga logging operations at sila ang may mga hawak ng mga sibat at indigenous weapons because they wanted to protect their communities,”ayon kay Alamon.

At ang ikatlong bugso sa kanilang pagpapalayas ang pagpasok ng mga operasyon ng pagmimina sa kasalukuyan.

“Ito na yung nagtatagpi-tagpi sa iba’t ibang kwento ng mga Lumad. That is the reason why Lumad as an identity is now being talked about because they are congregated under that banner. Na pare-pareho sila ng karanasan kahit na iba’t ibang tribo sila, ang similarities ng kanilang karanasan ay itong politikal at economic na displacement,” ayon kay Alamon.

Malinaw, umano ang kaugnayan ng kayaman ng Mindanao sa mga nangyayayring karahasan sa nasabing isla partikular sa komunidad ng mga Lumad.

Sa mga deposito ng mineral sa daigdig, ikatlo sa ginto, ikaapat sa copper, ikalima sa nickel, at ikaanim sa chromite ang Mindanao. Nasa 700,000 hektarya naman ng mga plantasyon gaya ng saging, pinya, goma, oil palm, at iba pa ang matatagpuan sa isla. Sakop naman ng mga minahan ang mahigit 500,000 hektarya sa Mindanao.

“This is also the reason why 56 percent of the armed forces are deployed in Mindanao. They are there to protect these resources and to ensure that those who are enjoying the products of these resources are protected as well,” ayon kay Alamon.

Naniniwala ang MIILS na hindi simpleng tribal war o di kaya’y naiipit sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nangyayaring karahasan sa mga komunidad ng mga Lumad na nais palabasin katulad halimbawa ng mga sundalo.

Ganito din ang naging tingin ng United Nations High Commissioner for Refugees, “some members of the community, including security actors have blamed the killings on the NPAs or on internal armed conflict in the IP communities. This inaccurate depiction of the violence and killings in IP communities delays and prevents actions by the responsible authorities to find, apprehend and prosecute the perpetrators, which only contributes to more potential violence.”

Arnold Alamon, executive director ng MIILS habang ibinabahagi ang kalagayan ng mga Lumad sa Mindanaw. <strong>Pher Pasion</strong>
Arnold Alamon, executive director ng MIILS habang ibinabahagi ang kalagayan ng mga Lumad sa Mindanao. Pher Pasion

Sistematikong atake

Dahil sa kayamanan ng Mindanao na pinoprotektahan para sa mga iilang nakikinabang dito, ito rin umano ang dahilan kung bakit sistematikong inaatake ang mga katutubong paaralan ng mga Lumad at ang mga lider ng mga tribo.

Because the schools are important points of solidarity within the community. Yung mga parents at yung buong leadership ng komunidad pati yung mga kabataan congregate around the operations of schools. If you take that away from the community, mawawalan na ng point of convergence ang mga tao. If you target their leaders, you weakened even more these communities,” ayon kay Alamon.

Mula 2010, tinatayang nasa 40,000 Lumad na ang sapilitang napaalis sa kanilang mga lupang ninuno dahil sa militarisasyon. Mahigit 20 grupo ng paramilitar sa ilalim ng iba’t ibang pangalan gaya ng Alamara, Magahat, Black Diamond, Bagani, at iba pa ang sinasabing binuo at sinanay ng AFP manghati at manakot sa mga komunidad ng mga Lumad.

Mahigit na 1,000 kabataang Lumad naman ang apektado sa pagsasara ng tatlong katutubong paaralan ng mismong gobyerno kahit na may kakulangan sa paaralan, klasrum, at guro sa Pilipinas. Gayundin, 9 sa bawat 10 kabataang Lumad ang walang access sa pormal na pag-aaral. Nariyan din ang 233 human rights violations na naitalang kaso sa mga kabataang Lumad.

Not just an anti-insurgency strategy na ginagawa ng military at yung kanilang kino-conscript na paramilitary forces but you also have the full weight of the bureaucracy now implementing its policies to close down this Lumad schools,” ayon kay Alamon.

Dahil sa wala pa ring napapanagot, nagpapatuloy pa ang mga pag-atakeng ito laban sa mga Lumad.

Malaking hakbang

Para sa mga tagapagtatag ng MIILS, isang malaking hakbang hindi lamang para sa mga Lumad ang iluluwal ng mga pananaliksik. Naniniwala sila na magkakaugnay at pare-pareho din ang karanasan at kasaysayan maging ng mga manggagawa at mga magsasaka.

Kaya naman kanilang hinihikayat ang mga taong simbahan, akademiya, at iba pang may adbokasiya sa isyu ng mga Lumad na magsama-samang buuin ang mga kuwentong ito.

“Dahil pare-pareho lamang ang naratibo ng lahat ng mga ito: It is story of marginalization. It is a history of oppression and a history of resistance. People are not just victims. History might be unforgiving but there is always that internal spark of hope as long as people come together and resist the forces that oppress them,” pagtatapos ni Alamon.