Legal na ayuda, nakahanda para sa pagtitipong kontra-APEC


Magpapatuloy ang protesta ng mga lokal at dayuhang aktibista, at may legal na batayan ang protestang ito, ayon sa National Union of People’s Lawyers.

Ang abogadong si Edre Olalia ng NUPL (kanan), kasama si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at iba pang abogado ng NUPL. <b>Darius Galang</b>
Ang abogadong si Edre Olalia ng NUPL (kanan), kasama si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at iba pang abogado ng NUPL. Darius Galang

Napipinto ang kilos-protesta ng mga progresibong grupo kontra sa pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation. At tiyak, malaki ang usapin ukol sa maaaring magiging paggiit ng mga magrarali at paghuli ng mga pulis sa mga sasama rito.

Para sa mga abogado ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), legal ang aktibidad na ito, sa ilalim ng karapatan sa pagpapahayag at asembleya.

Sinabi ng NUPL na karapatan ng mga lalahok na aktibista, kahit ang banyagang mga aktibista na magtipon at ipahayag ang kanilang pagsalungat sa pulong ng APEC. Anila, alam ng mga lalahok dito ang layunin ng kanilang pagsalungat sa APEC: ang pagsalungat sa pandarambong sa ekonomiya at agresyon sa mahihirap.

Walang banta sa pambansang kaligtasan ang pagdalo ng internasyunal na mga delegado, ayon pa sa grupo.

Sabi ni Rey Cortez, abogado ng NUPL, “When we participate tomorrow, we will provide the appropriate legal assistance not only to the foreign delegates but (also) to those who will participate in the protest rally.” (“Sa paglahok natin ngayon, magbibigay kami ng legal na tulong hindi lang sa dayuhang mga delegado kundi sa lahat ng lalahok sa protesta.”)

Aniya, nakahanda na ang kanilang mga mekanismo tulad ng quick reaction teams sa pag-asikaso sa mga madadakip at makukulong. “Natukoy na namin kung saan mangyayari ito,” ani Cortez.

Paliwanag ni Edre Olalia, abogado rin ng NUPL, na talagang itutulak nilang makalapit sa lugar na pinagdadausan ng pulong ng APEC. “Yes, of course, we will assert. But realistically, we will admit that we will only have placards, and banners, and our legal skills and negotiating tactics, as compared to a phalanx of anti-riot policemen and even military personnel . But we will keep on pounding, we will keep on pushing, within the limits of the law and within the parameters of international human rights laws.” (“Siyempre, magigiit tayo. Pero sa totoo lang, inaamin nating mga plakard lang ang dala natin, at ang ating mga kakahayang legal at taktika sa pakikipagnegosasyo, kumpara sa pulutong ng mga pulis at militar. Pero maggigiit tayo, sa loob ng limitasyon ng batas at siyempre sa saklaw ng pandaigdigang mga batas sa karapatang pantao.”)

Hindi na dapat pag-iipisin, ani Olalia, ang mga batayan ng pagtitipon, lalo na sa tinguriang freedom parks na hindi naman kailangan ang permiso. Pero hindi rin katanggap-tanggap aniya na limitahan ng lugar at oras ang pagtitipon lalo na’t kung hindi magiging epektibo ang layuning pagpapahayag ng pagtitipon.

“They cannot (force) the demonstrators to conduct their action in Clark Air Base for instance, because that is ridiculous. Because the focus of the action and the expression is right here (in Metro Manila) (Hindi nila (Hindi nila puwedeng ipuwersa ang mga demonstrador na magprotesta sa Clark Air Base, halimbawa kasi nakakatawa iyun. Ang pokus ng aksiyon at pagpapahayag ay dito mismo sa Metro Manila),” ani Olalia.

 

NUPL_11182015_02
Kuha ni Darius Galang