Pambansang Isyu

Kredibilidad ng Eleksiyon, kuwestiyonable – Kontra Daya


Malaki umano ang posibilidad na mamanipula ang resulta ng eleksiyon dahil sa pagkaka-hack ng Commission on Elections (Comelec) website nitong Marso 27, ayon sa grupong Kontra Daya, isang grupo na nagsusulong ng malinis at tapat na halalan.

Photo/Manila Today
<strong>Photo/Manila Today</strong>
Photo/Manila Today

Malaki umano ang posibilidad na mamanipula ang resulta ng eleksiyon dahil sa pagkaka-hack sa Commission on Elections (Comelec) website nitong Marso 27, ayon sa grupong Kontra Daya, isang grupo na nagsusulong ng malinis at tapat na halalan.

Na-download naman ng LulzSecPilipinas ang SQL files ng COMELEC na kasama dito ang biometrics information ng mga botante.

“Pinapakita dun sa hacking yung vulnerability talaga ng Comelec. Kaya it put into question yung security features ng automated election system (AES) natin. Pwede mong sabihin na magkaiba ang website sa vote counting machine, kaya lang iisa pa rin ang nagpapatakbo dito at ito ang Comelec,” ayon kay Prof. Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Gaano kaseryoso?

Naunan nang sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na wala umanong sensitibong impormasyon sa hacking. Hiwalay umano ang website na gagamitin para sa eleksiyon lalo na sa pag-uulat ng resulta nito.

Ayon kay Arao, pinapakita lamang dito ang mababang seguridad ng Comelec pagdating sa AES dito sa Pilipinas.

Hindi maaring maisantabi ng Comelec ang pag-aalala ng mga botante dito dahil ang mga personal na impormasyon ng 55 milyon na Pilipinong botante ang naisapubliko ng hackers.

Ang pangyayaring ito ay maaaring maging sanhi nang tinatawag na ‘identity theft’ dahil sa pagkakasiwalat ng biometric information ay malalaman ng publiko ang mga sensitibong impormasyon tulad ng home address, kung saang presinto boboto, araw ng kapanganakan, at ang thumb print ng botante.

“Hindi maliit na bagay ito at dapat mas maging transparent ang Comelec dun sa pagsasabi, sa pag-amin, kung ano ang magiging implikasyon nito sa mga tao hindi lang sa eleksiyon kundi sa iba pang aspeto,” ayon kay Arao.

<strong>Photo/Manila Today</strong>
Prof. Danny Arao, convenor ng Kontra Daya sa isang protesta sa harapan ng Commission on Elections. Photo/Manila Today

Dahil sa hindi umano pagiging tapat ng Comelec sa mga pangyayaring ito, nalalagay ngayon sa malaking tanong ang kredibilidad ng eleksiyon at may malaking posibilidad na ma-manipula ang resulta nito.

Smartmatic, pinapaboran

Ang malaking tanong ng KontraDaya, ay bakit mas interesado ang Comelec sa pagbibigay ng kontrata sa Smartmatic kesa tiyakin ang isang malinis at tapat na eleksiyon?

“Ang pundamental na tanong ng Kontra Daya, bakit mas interesado ang Comelec sa pagbibigay ng kontrata sa Smartmatic kesa sa pag-i-ensure ng clean and honest election?” ayon kay Arao.

Dahil kung titignan noong 2010 at 2013 na eleksiyon, ang Smartmatic ay may masama umanong track record. At kapag nagkaroon pa ng anumalya sa AES ay dadaan pa ito sa mahabang proseso.

“Why do we have to depend on foreign assistant technology? Kasi kahit yung usapin ng review ng source code kailangan pang dalhin yan sa California para i-verify,” ayon kay Arao.

Tinitiyak ng KontraDaya na kaya ng mga Pilipinong eksperto na hawakan ang AES at hindi na kinakailangan na humingi ng tulong sa mga dayuhan.

“Hindi naman sa tayo ay kontra sa dayuhan, syempre maganda naman yung mayroon tayong international solidarity every now and then, pero sa usapin ng eleksiyon at kung usapin yan ng pagbabayad ng bilyung-bilyong piso, e di problemado talaga yon,” Ayon kay Arao.

Nararapat umanong ipatupad ang pagbibigay ng resibo sa mga botante matapos bumoto at magkaroon din dapat ng mock elections sa lalong madaling panahon. Kinakailangan ito para matiyak ng taong bayan ang malinis at patas ang eleksiyon, ayon kay Arao.

As it is, yung credibility of the elections is already put into question, hindi lang dun sa hacking kundi dun sa ginagawa ng Comelec na ayaw ng thorough review ng source code… Nandun ang posibilidad na mamanipula ang resulta ng darating na eleksiyon dahil hindi nagiging transparent ang Comelec,” ayon kay Arao.

<strong>Photo/Manila Today</strong>
Photo/Manila Today

Pandaraya sa balota

Kumalat naman sa social media ang paglalagay ng “DaangMatuwid” sa pangalan nila Presidential Candidate Mar Roxas at Vice Presidential Candidate Leni Robredo sa mga balota bilang nickname nila.

Ayon sa Kontra Daya, isa itong desperadong gawain at pandaraya para sa darating na eleksiyon. Batay sa Comelec Resolution No. 9984, ang pangalan ng kasama ang apelyido, pangalan o nickname at pangalan ng kinabibilangan na partido o koalisyon na hindi lalagpas sa 30 na letra.

“Ito ay form ng voter deception. It is an act of desperation, kumbaga it is a way to attract votes… Hindi lang siya campaign slogan kundi ito yung ginagamit mismo ng gobyerno sa kanilang policies at programs,” ayon kay Arao.

Walang nasabing maaring ilagay ang campaign slogan ng partidong kinabibilangan at kailanman hindi magiging nickname ang campaign slogan.

“Hindi ito usapin ng legality. This is an issue of ethics. This is an issue of deception. Lahat ng mga kandidato ginamit ang tunay na pangalan o nickname nila,” dagdag ni Arao.

Kailangan mapagbantay

Sa kabila ng mga isyung ito, naniniwala ang Kontra Daya matutuloy ang eleksiyon at kailangan maging mapagbantay dahil hindi mabubura ng AES ang kultura ng pandaraya meron ang eleksiyon sa Pilipinas.

Will election push through on May 9? I think so. Definitely it will push through. Kaya lang, the kind of elections that we will be having, whether it is clean and credible, is another matter all together,” ayon kay Arao.

Panawagan ng Kontra Daya, patuloy na bantayan ang developments sa eleksiyon at i-report ang mga ireregularidad na may kinalaman dito. –May ulat ni Mark Andrew Labrador