FEATURED Karapatang Pantao Manggagawa

Lider manggagawa, palayain – KMU


Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno, ipinanawagan ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na palayain ang mga bilanggong lider manggagawa. Kabilang sa labor rights defenders na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso sina Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Sharon Cabusao, Renante Gamara, Raul Camposano, Randy Vegas, Isidro de Lima, Rene Boy Abiva, Virgilio Corpuz at Ernesto Lorenzo.

Pagkilos ng Kilusang Mayo Uno para palayain ang mga bilanggong lider manggagawa sa harapan ng Department of Justice. Pher Pasion
Pagkilos ng Kilusang Mayo Uno para palayain ang mga bilanggong lider manggagawa sa harapan ng Department of Justice. <strong>Pher Pasion</strong>
Pagkilos ng Kilusang Mayo Uno para palayain ang mga bilanggong lider manggagawa sa harapan ng Department of Justice. Andrew Labrador

Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno, ipinanawagan ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na palayain ang mga bilanggong lider manggagawa at itigil ang pag-atake sa hanay ng manggagawa sa harapan ng Department of Justice.

Kabilang sa labor rights defenders na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso sina  Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Sharon Cabusao, Renante Gamara, Raul Camposano, Randy Vegas, Isidro de Lima, Rene Boy Abiva, Virgilio Corpuz at Ernesto Lorenzo.

Ayon sa Gabriela, halos isang taon na ang nakalipas simula ng sinampahan ng illegal possession of explosives  sina Sharon Cabusao, Adelberto Silva at Isidro de Lima pero nakaimbak pa rin ang kanilang kaso sa korte hanggang ngayon.

Sa pagtindi ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kontraktuwalisasyon, at mababang pasahod, lalong iniipit ang karapatan ng mga manggagawa. Sa paglaban ng mga manggagawa, karahasan at pang-aapi ang nagiging ganti ng gobyerno, ayon kay Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage).

<strong>Andrew Labrador</strong>
Andrew Labrador

Dagdag pa niya, ikinukulong, ginigipit, pinapatay ng gobyerno ang mga taong nagsasalita at lumalaban para sa mga karapatan ng mga manggagawa para takutin.

Ayon naman kay Roger Soluta, tagapagsalita ng KMU, layunin ng Oplan Bayanihan o kontra-insurhensya ng rehimeng Aquino na pahupayin o durugin ang lumalakas na rebolusyonaryo ng kilusan dito sa Pilipinas. Isa na rito ang pagpapatahimik sa mga lider manggagawa sa pagsampa ng mga gawa-gawang kaso.

Nakikiisa naman ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa mga manggawa na itigil ang talamak na kontraktuwalisasyon, mababang sahod at kawalan ng benepisyo. Marami sa mga kabataan ang natitigil sa pag-aaral ang nasasabak sa maagang pagtatrabaho, nakakatanggap ng mababang sahod, at kontraktuwal.

“Hindi nakabubuti sa kapakanan ng ating pamilya, kabataan at manggagawa ang patuloy na pambabarat ng sahod at benipisyo sa ating mga manggagawa,” ayon kay Marc Lino Abila, tagapangulo ng CEGP.