FEATURED

 Artista para sa kapayapaan


Nagkakaisa ang mga alagad ng sining sa panawagan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at komunistang mga rebelde.

Nagpahayag ng suporta ang mga ang koalisyong ng mga artista, manunulat, musikero, mang-aawit, pintor, at mananayaw o mas kilala bilang Artists for Peace sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDF). Ito’y matapos kanselahin ni Pangulong Duterte ang negosasyon na nagresulta sa pagkadismaya ng grupo.

Magpapadala rin ng sulat ang Artists for Peace sa Pangulo upang itulak ang pagbalik nito sa peace talks sa mga rebeldeng halos 40 nang naglulunsad ng armadong rebolusyon sa bansa.

John Lloyd Cruz, nakiisa rin sa panawagan para sa kapayapaan at pagpapatuloy ng usapan. <b>Tudla Productions</b>
John Lloyd Cruz, nakiisa rin sa panawagan para sa kapayapaan at pagpapatuloy ng usapan. Tudla Productions

Inakala ng grupo na ang manulad na pagsulong ng peace talks noong Enero’y magkakaroon ng bunga bago pa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022 hinggil sa pagkakasundo ng dalawang panig (GRP at NDF) sa mga repormang pulitikal, pang-ekonomiya at pang-konstitusyon. Ngunit lahat ng ito’y nawala dahil sa biglaang pagkansela ng peace talks, ayon kay Bonifacio Ilagan, isa sa mga artista. “Ang pagwawakas sa peace talks ay magreresulta sa pagtindi ng giyera nang hindi tinatalakay and solusyon sa mga ugat nito.”

Nais muling bigyang buhay ng Artists for Peace ang peace talks upang makamit ang kapayapaan na nakabase sa katarungang panlipunan na nararapat para sa mga mamamayang Pilipino. Bagkus ang pagkansela dito’y isang malaking dago proseso ng kapayapaan, ayon sa Artists for Peace.

Ayon sa grupo, dapat lang na lumahok sa isyung ito ang mga alagad ng sining dahil pinakikinggan ng publiko ang boses ng mga artista.

Kabilang sa mga dumalo noong Biyernes, Pebrero 17, ang prominenteng mga miyembro ng Artists for Peace na sina Nora Aunor, National Artist Bienvenido Lumbera, Joel Lamangan, Bibeth Orteza, Bonifacio Ilagan, Mae Paner, at iba pa.

Kalahok sa Artists for Peace ang iba’t ibang grupong pangkultura at artista sa iba’t ibang disiplina na may pakialam sa mga isyung pambayan lalo na sa hangad ng sambayanan na makamit ang makatarungang kapayapaan sa bansa.