PW-batingaw-feature

Pistang sining para sa kapayapaan

March 15, 2017

Isang arts festival ang inilunsad ng Artists for Peace nitong Marso 5 sa Quezon City Memorial Circle na pinamagatang Batingaw.

Isang matagumpay na arts festival ang inilunsad ng Artists for Peace nitong Marso 5 sa Quezon City Memorial Circle na pinamagatang Batingaw. Nilunsad ito upang bigyan-kamulatan ang mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng usapang pangkapayapaan na matatandaang di-tinuloy ng administrasyong Duterte nitong Pebrero.

Binubuo ang koalisyon ng Artists for Peace ng mga atista ng bayan tulad nila Mae Paner, Nora Aunor, Bienvenido Lumbera, atpb. Isa lang ang Batingaw sa kanilang mga programa upang bigyang pansin ng mga mamamayan ang pangangailangan para sa kapayapaang nakabatay sa hustisya.

Nagpamalas ang mga artista ng bayan ng iba’t ibang porma ng sining tulad ng pagpipinta, pagtula, at pagkanta. Isa rin sa mga highlight ng konsiyerto ang Peace Wall na isang malaking obra na maaaring pintahan ng mga manonood.

Kabilang sa mga tumugtog noong konsiyerto ang mga artista’t at musikerong sina BLKD, Danny Fabella, Armano Antonio, Ericson Acosta, Emar Industriya, Gazera, Joey Ayala, Talahib People’s Music, Tabakk, Tubaw, The General Strike, SinsiKAt?, at marami pang iba.

 

Please follow and like us:
Facebook0
Facebook
YouTube0
YouTube
Google+195
Google+
http://pinoyweekly.org/new/2017/03/pistang-sining-para-sa-kapayapaan/
Instagram0
Follow by Email
RSS