NAPC, mga manggagawa tumindig vs kontraktuwalisasyon


Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa kasama ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) para manawagan na itigil ang lahat ng porma ng kontraktwal na paggawa sa pribado at publikong sektor.

Nagtipon ang mga kinatawan ng iba't ibang grupo ng mga manggagawa, kasama ang NAPC, para igiit ang pagbabasura sa kontraktuwalisasyon. <b>Kontribusyon</b>
Nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa, kasama ang NAPC, para igiit ang pagbabasura sa kontraktuwalisasyon. Kontribusyon

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa kasama ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) para manawagan na itigil ang lahat ng porma ng kontraktwal na paggawa sa pribado at publikong sektor.

Kabilang ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa Labor Coalition at NAPC-Formal Labor and Migrant Workers (NAPC-FLMW) sa mga grupong nagpahayag ng pagtutol sa Department Order 174 ng Department of Labor and Employment na anila’y ‘di lumulutas sa malawakang kontraktuwalisasyon sa bansa.

18157993_1521296844548327_3273791139135207620_n

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2014, nasa 1.37 milyon o 29.9 porsiyento ng mga manggagawa ang ‘di regular mula sa kabuuang 4.472 milyong manggagawa sa buong bansa. Sumasahod ang isang manggagawa ng P243 hanggang P491 sa isang araw na ‘di sasapat sa family living wage na P1,119 para sa isang pamilyang may anim na miyembro ayon sa IBON Foundation.

“Ang posisyon ni Secretary Maza laban sa lahat ng porma ng kontraktwalisasyon ay isang positibong hakbang sa pagtugon sa kahirapan,” ayon naman kay Roger Soluta, pangalawang tagapangulo ng KMU.

“Umaasa kami na ang posisyon ng NAPC ay magtutulak kay Duterte na tuparin ang pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon laban sa mariing pagkontra ng neoliberal triumvirate nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director Ernesto Pernia na nangunguna sa pagsusulong ng mga neoliberal na patakaran sa loob ng administrasyong Duterte,” paliwanag ni Soluta.

Idinagdag din ni Soluta ang pang-aabuso ng mga subcontracting agency sa mga manggagawa.

“Maliit na nga ang sahod na natatanggap sa primary employer, kinakaltasan pa ng mga agency na ito. Dapat lamang na itigil na ang mga ganitong uri ng pananamantala sa mga manggagawa,” ayon kay Soluta.

Inilatag naman ng NAPC-FLMW ang kanilang hakbang upang ilapit sa pangulo ang panawagan ng mga manggagawa. Kabilang dito ang paghahapag sa susunod na en banc meeting ng NAPC sa Mayo 15 ng pag-aapruba ng isang executive order upang ipagbawal ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon upang tiyakin ang kasiguruhan sa trabaho.

Naninindigan ang KMU, Nagkaisa at NAPC-FLMW na upang mawakasan ang pananamantala at modern-day slavery ay kinakailangan ng mga reporma nang matiyak ang makatao at disenteng sahod at trabaho. Buo naman ang suporta ni Secretary Maza at patuloy ang pagtutulungan ng NAPC at mga grupo ng manggagawa sa kampanya laban sa kontraktuwalisasyon.