Para sa estudyante ni Chit Estella (1958-2011)
Alam ko ang pinagdaraanan mo ngayon kaya hindi ko na tatanungin ang iyong nararamdaman.
Alam ko ang pinagdaraanan mo ngayon kaya hindi ko na tatanungin ang iyong nararamdaman.
Masyadong komportable ang maghapong pag-upo o paghiga. Kung walang nararamdamang sakit sa katawan, mas mainam po sigurong tumayo paminsan-minsan para maramdaman ang pansamantalang kawalan ng ginhawa.
Abril 24. Pasko ng pagkabuhay. Ang kinikilalang diyos ng mga Kristiyano’y ipinakita ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng literal na pagbangon mula sa pinagkalibingan. Maraming naniniwala sa himala bagama’t mayroon ding nag-iisip na ito’y simpleng salamangka. Kung sabagay, maraming pagdududa kung may mga indibidwal sa paligid nating hindi nagsasabi ng totoo.
Sa panahon ng Semana Santa, mainam na pagnilayan kung ano ang dapat gawin sa mga naglipanang Hudas sa ating lipunan. Papayag ba tayong hayaan ang kanilang pananatili sa kapangyarihan? Maghahanda na ba tayo para sa matagalang paglaban?
Kampi man ako sa mga kawawang tsuper, kontra ako sa subsidyong ibibigay sa kanila ng gobyerno. Pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Abril 1 ang Executive Order (EO) No. 32 na nagtatag sa Public Transport Assistance Program (PTAP) o mas kilala sa tawag na Pantawid Pasada. Malinaw naman sa Sec. 2 ang layunin ng programang ito: “The PTAP shall partially subsidize the average consumption of the identified public transport group.”
Wala kang karapatang malungkot. Dapat pa nga’y magsaya ka! Kung bukas mong inaamin ang iyong pagkukulang, bakit ka nagmumukmok sa isang tabi? Walang dahilan para isiping ikaw ay talunan.
Pansamantalang hindi magsusulat ng mga artikulo para sa kanyang kolum na “Konteksto” sa Pinoy Weekly si Prop. Danilo Araña Arao habang pinag-aaralan niya ang kanyang bagong trabaho bilang Assistant Vice-President for Public Affairs at Director, System Information Office ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Babalik siya sa kanyang lingguhang pagsusulat ng kolum sa Abril 1 (Biyernes). [...]
Deregulasyon daw ang solusyon sa patuloy na konsumisyon. Malaking abala man sa mga motorista’t mananakay (commuter) ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo, sa bandang huli naman daw ay sila rin ang makikinabang sa kalakarang ito.
Motorsiklo man o kotse ang gamit mo, malaking sakit ng ulo ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo. At kahit na wala kang sariling sasakyan, alam mong apektado ka pa rin dahil hindi maiiwasang gumamit ng pampublikong transportasyon para makarating sa iyong destinasyon.
Light Rail Transit/Metro Rail Transit (LRT/MRT) at taksi ngayon; dyip, traysikel at bus naman bukas. Aba, baka pati mga nagpapatakbo ng kuliglig,de-padyak at karitela, makisali na sa napipintong pagtaas ng pamasahe.