Pinoy Weekly
Author Archive
Articles by Danilo Araña Arao

Porsche ni Aquino at etika ng pamamahala

Sino kaya ang mali at tama kung ang magkabilang panig ay ipinagpipilitang may katwiran sila?

Bulaga ng masamang balita

Sa pagsisimula ng taong 2011, maraming balitang bumulaga sa natutulog na diwa. Tumaas na ang singil sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX). Tataas na rin ang flagdown rate ng mga taksi. May planong itaas ang pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT). Pati ang pamasahe sa jeepney, baka tumaas na rin daw, ayon sa isang mataas na opisyal ng gobyerno. At, siyempre pa, hindi magpapahuli ang mga may-ari ng bus na bumibiyahe sa South Luzon na naghain na rin ng petisyon para sa pagtataas ng pamasahe.

Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay

Ito ay para sa mga batang sampung taong gulang pababa. Puwede ka pa rin namang magbasa kung ang edad mo’y lampas na, pero sana nama’y ipasa mo ito sa mas batang kamag-anak o kakilala.

Pasko ng pagtulog at paggising

LUNGSOD NG TABACO, Albay – Masarap magbakasyon sa probinsiya. Depende sa napiling puntahan mo, sariwa ang hangin at mura ang pagkain kumpara sa Maynila. Masasabing mabagal din ang oras dahil wala ka namang hinahabol. Dahil bakasyon, wala kang masyadong iniisip na problemang kailangang lutasin. Sa loob-loob mo, makapaghihintay naman ang lahat ng ito.

Grado bilang sukatan ng karangalan at kahusayan?

Sa wikang Ingles, may dalawang pangunahing isinusulong sa mga pamantasan: Honor and excellence. Wala namang debate sa pangangailangan ng karangalan at kahusayan. Pero nagkakaroon ng problema kung may pagkakaiba sa sukatan ng dalawang konsepto.

Paniningil ng Morong 43

Palayain ang dapat palayain. Singilin ang dapat singilin.

Para sa matandang hindi maintindihan ang kabataang aktibista

Kung bata ka pa, huwag mo nang basahin ito. Para lang kasi ito sa kapwa ko matanda.

Huwag kang magprotesta sa Disyembre 1

Magkakaroon daw ng malawakang pagkilos ang mga estudyante’t guro ng maraming state universities and colleges (SUCs) para tutulan ang pagtapyas sa kanilang badyet. Tutuloy daw sila sa Senado para igiit ang mas mataas na alokasyon. Makakaasa ka ng panibagong ingay na likha ng libo-libong taong galit dahil sila raw ay ginigipit.

Para sa estudyanteng ayaw magmartsa sa kalsada

Isang martsa lang siguro ang nasa isip mo ngayon. Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, mabagal kang maglalakad papunta sa entablado para kunin ang iyong diploma. Sa paghawak ng iyong pinakaaasam na katibayan ng iyong tagumpay, mapapatingin ka sa mga nanonood at ngingitian mo silang lahat.

Kuwentong kotse (2)

Casa. Sa wikang Kastila, ang ibig sabihin nito’y bahay.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes