Pinoy Weekly
Author Archive
Articles by Ilang-Ilang D. Quijano

Human Rights Watch: Di pagpaparusa sa AFP, sanhi ng patuloy na paglabag sa karapatang pantao

pearson featured

Nadismaya ang internasyunal na grupong Human Rights Watch sa kabiguan noon ng gobyernong Arroyo na parusahan ang mga miyembro ng militar na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. Nang muling siyasatin ng grupo ang sitwasyon ngayon, natuklasan nitong halos walang nagbago.

Plantasyon ng palm oil, kinamkam ang lupaing ninuno sa Misamis Oriental

PW-misamiz-fact-finding-featured

Sinusunog ang bahay, binubunot ang mga tanim, at pinapuputukan ng baril ang mga katutubong Higaonon na pinalalayas mula sa kanilang lupain ng malaking kompanya ng palm oil, isa sa lumalawak na industriyang agrikultural.

‘Hindi pa tapos ang laban’ para sa Luisita

PW-hacienda-luisita-rcbc-bungkalan-03

Hindi pa lubos ang tagumpay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa desisyon ng Korte Suprema. Posibleng mapasakamay ulit ng mga Cojuangco ang lupain ng asyenda, sa pamamagitan ng mga taktikang divide-and-rule, at sa pagkaladkad ng paa ng mga ahensiyang nasa ilalim ng opisina ng pangulo.

Bidyo: Sa Araw ng Kordilyera

cordi video grab2

Ang makulay na selebrasyon ng Araw ng Kordilyera sa isang bulubunduking pamayanan ng mga katutubo sa Kalinga, na sama-samang humaharap sa banta ng pagpasok ng geothermal plant ng Chevron Corporation.

Planta ng Chevron, ligalig ang hatid sa katutubong Kalinga

PW-cordi-day-kalinga-katutubo-mountain

Dahil sa geothermal plant na itatayo sa Kalinga ng Chevron Corporation, higanteng kompanya ng US, nanganganib masira ang mga lupaing ninuno at mapalayas ang mga katutubo.

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

Alex Arias, dinukot na lider-magsasaka sa Laguna (Contributed Photo)

Natagpuang nakakulong sa Quezon Provincial Police Office ang lider-magsasaka sa Laguna na si Alex Arias, apat na araw matapos mawala at dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), ginamit ng pulis ang parehong warrant of arrest na ginamit  sa paghuli [...]

Bidyo: Sa gitna ng tumitinding tensiyon sa Hacienda Luisita, mga magsasaka humingi ng suporta

Mga guwardiya ng RCBC at miyembro ng PNP na nagbuwag sa kampo ng mga magsasaka (Contributed Photo/Hacienda Luisita Campaign)

Kinalampag si Pangulong Aquino at humingi ng suporta sa publiko ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa gitna ng tumitinding tensiyon sa loob ng asyenda dulot ng pagpigil ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa pagbubungkal ng mga dating manggagawang-bukid sa 184-ektaryang lupain sa Brgy. Balete.

Bidyo: Mural ni Ka Roger iniladlad sa Mendiola, sa paggunita ng ika-43 anibersaryo ng NPA

Mural ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, sa raling iglap para gunitain ang ika-34 na anibersaryo ng New People's Army (Ilang-Ilang Quijano)

Isang raling iglap sa Mendiola ang isinagawa ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK) kaninang umaga bilang paggunita sa ika-43 na anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Iniladlad ng mga demonstrador ang isang higanteng mural ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines. Tumagal [...]

Warrant of arrest inilabas vs. 23 lider-magsasaka ng Hacienda Luisita

Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union, habang nagbubungkal ng lupa gamit ang hand traktor na bigay  ng  mga grupong sumusuporta sa kanilang laban sa Hacienda Luisita. (PW File Photo/Macky Macaspac)

Isang warrant of arrest laban sa mga lider-magsasaka ng Hacienda Luisita ang inilabas ngayong araw ng Tarlac Municipal Trial Court, ayon kay Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU). Sa panayam ng Pinoy Weekly, ikinuwento ni Bais na bandang ala-una ng hapon, tinangkang arestuhin ng mga miyembro ng Philippine National Police si Paul [...]

Mga mambabatas: Gobyernong Aquino, may magagawa para pigilan ang OPH

Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nagprisinta ng mga solusyon sa pagtaas ng presyo ng langis, sa People's-Legislators Forum on Oil Price Hikes (Mic Narciso)

Naniniwala ang mga mambabatas na may magagawa ang gobyernong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Sa People’s-Legislators Forum on Oil Price Hike (OPH) na ginanap sa House of Representatives kanina, sinuportahan ng ilang mambabatas ang pagtanggal sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo, isang hakbang na tinatanggihang gawin [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes