Pinoy Weekly
Author Archive
Articles by Kenneth Roland A. Guda

Bakit dapat managot ang mismong administrasyong Aquino sa masaker sa Silverio Compound

PW-SWAT-silverio-compound-demolition-featured

Masasabing sistematiko na ang paggamit ng dahas laban sa mga sibilyang lumalaban sa demolisyon. Karaniwan na ang pagdala ng SWAT at mga pulis ng baril. Kung kaya, magaganap at magaganap ang pamamaril na naganap na sa demolisyon ng mga kabahayan at tindahan sa Silverio Compound, Paranaque City noong Abril 23

US Embassy, target ng galit ng kabataan, militanteng mga grupo sa US-PH military exercises

PW-US-embassy-logo-defaced-lightning-rally-featured

Makailang-beses na sinalakay ng militanteng mga grupo ang embahada ng US ngayong linggo para irehistro ang kanilang pagkondena sa pag-igting na interbensiyong militar ng US sa bansa. Ngayong linggo rin magsisimula ang bagong ehersisyong militar na Balikatan, na lalahukan ng humigit-kumulang 4,000 tropa mula sa US at iba pang bansa

Pagsulat, pagpanig

Si Kenneth Guda, nagbasa ng keynote speech sa CEGP Alumni Homecoming. (Pher Pasion)

Keynote Speech sa College Editors Guild of the Philippines Grand Alumni Homecoming

Batas kontra maralita, pinababasura sa Korte Suprema

PW-udha-article-featured

Sa martsa ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kadamay noong Marso 23, ipinakita nila sa Korte Suprema at sa publiko ang mga komunidad na naapektuhan ng polisiya ng administrasyong Aquino ng demolisyon. Pinababasura nila ang isang 20-anyos na batas na sinasangkalan ng administrasyon sa demolisyon.

Bidyo: Dalawang pagtatanghal, sa protesta sa International Women’s Day

Madamdaming pag-awit ni Aki Merced ng League of Filipino Students ng kantang "Lumuha Ka Aking Bayan," isang anti-imperyalistang awitin na hango sa tula ni Amado V. Hernandez na pinamagatang "Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan." (Ilang-Ilang Quijano)

Dalawang pagtatanghal para sa malaking protesta ng militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Umaga ng araw ng kababaihan: Oil Depot, muling kinalampag ng kababaihan ng Gabriela

PW-march-8-oil-depot-thumb

Nag-ingay ang kababaihan ng Gabriela sa oil depot sa Pandacan, Manila kung saan matatagpuan ang mga reserbang langis ng dambuhalang oil companies. Kinondena nila ang walang habas na taas-presyo ng langis, pinakahuli ngayong linggo. Ito rin ang panimulang protesta ng Gabriela sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, Marso 8. (KR Guda)

Pagsasapribado sa NFA, tinutulan ng magsasaka sa Panay, Guimaras

Tutol ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras na buung-buong ipasa sa pribadong sektor ang pagsusuplay at pangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa. (Arkibong Bayan)

Nagpiket sa harap ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa Iloilo City ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras noong Marso 1 para ihayag ang kanilang pagtutol sa pinaplano ng administrasyong Aquino na isapribado ang NFA.

Pagkakaisa kontra taas-presyo

PW-alta-presyon-march-8-featured

Kababaihang tulad ni Aling Arlene ang lalong humihirap dahil walang habas na nagtataasan ang presyo ng langis at iba pang bilihin. Buti na lamang, aktibong kalahok ang mga tulad niya sa pagpapakilos sa kapwa mga maralita kontra sa taas-presyo

Bidyo: Mga nagbubungkal sa lupain ng Hacienda Luisita, di papipigil sa mga banta

PW-hacienda-luisita-rcbc-bungkalan

Naninindigan ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bungkalin ang lupain ng asyenda–kahit na ang mga lupaing ibinenta ng mga Cojuangco-Aquino sa iba’t ibang korporasyon, tulad ng RCBC. Giit nila, bahagi ng asyenda ang naturang mga lupain. Bahagi ito ng dapat na kagyat nang ipamahagi sa kanila.

Pinal na desisyong ipamahagi ang Hacienda Luisita, hiniling ng iba’t ibang sektor

Kasama ng iba't ibang sektor ang mga manggagawang bukid ng Luisita sa pangunguna ng United Luisita Workers' Union o ULWU. (KR Guda)

Dumulog ang mga grupo ng iba’t ibang sektor, sa pangunguna ng Gabriela, sa Korte Suprema para hilingin paglabas ang pinal na desisyong kagyat na ipamahagi sa mga manggagawang bukid nito ang lupain ng Hacienda Luisita. Nanawagan silang ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang motion for reconsideration ng Hacienda Luisita, Inc. hinggil sa naturang desisyon.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes