Pinoy Weekly
Author Archive
Articles by Pinoy Weekly Staff

Mamamayan nagpakita ng galit sa pagtaas ng presyo ng langis

Hanggang alas-7 ng gabi, ipinagpatuloy nila ang protesta kahit bantay-sarado ng pulisya. (Ilang-Ilang Quijano)

Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, bumuhos sa lansangan ang mga grupo ng maralitang lungsod, manggagawa, kababaihan, tsuper, kawani ng gobyerno, kabataan, at iba pa para irehistro ang kanilang galit sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.

Hacienda Luisita, ‘laboratoryo’ ng Oplan Bayanihan?

Magsasaka sa Hacienda Luisita, hindi mapayapang makapagsaka dahil sa militarisasyon at patuloy na pagkakait sa kanila ng lupa (PW File Photo/ King Catoy)

Pinaigting ng mga grupong magsasaka ang kanilang panawagan para sa pull-out ng mga puwersang militar sa Hacienda Luisita matapos ang isang fact-finding mission na nagkukumpirma sa matinding militarisasyon sa asyenda ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Inamin mismo ni Maj. Enrico Gil Lleto, tagapagsalita ng 7th Infantry Division, na ipinapatupad sa Hacienda Luisita ang Oplan [...]

Nanalong tagapangulo ng student council sa UPLB, di pa rin naipoproklama

Ynik Ante, nanalong tagapangulo ng student council ng University of the Philippines Los Baños (Contributed Photo)

Mahigit isang linggo makaraan ang halalan ng konseho ng mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), hindi pa rin ipinoproklama ng Central Electoral Board (CEB) ang nanalong tagapangulo ng student council dahil sa umano’y di-pagbayad ng kanyang matrikula sa takdang panahon. Ayon sa partidong Sakbayan, maanomalya ang di pagproklama sa nanalong kandidato na si Ynik Ante [...]

Interbensiyong militar ng US, monopolyong kontrol sa langis, ipinrotesta ng kababaihan sa Women’s Day

2012-march-8-womens-day-rally-featured

Libu-libong kababaihan ang nagprotesta laban sa monopolyong kontrol sa langis at interbensiyong militar ng US, noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Wakasan ang pasikat

noynoy-aquino

Habang pasikat ang Malakanyang sa pagpapatalsik sa kabanggang Punong Mahistrado, tahimik nitong inilalatag ang mga kondisyon ng lalong pagpapahirap sa atin.

Malakanyang nilusob ng kababaihan ng Gabriela

PW-gabriela-malacanang-gate-7-featured

Galit na galit sa halos-linggu-linggong pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo at batayang mga bilihin, nilusob ng kababaihan ng Gabriela ang Gate 7 ng Malakanyang para iprotesta ang anila’y kainutilan ni PNoy na kontrolin ang presyo ng langis, isawata ang overpricing sa langis, at ibasura ang polisiya ng deregulasyon sa langis.

Magsasaka ng Hacienda Luisita, hinaras, pinaputukan

Tuluy-tuloy ang bungkalan sa Hacienda Luisita. (KR Guda)

Kinondena ng mga grupong magsasaka ang pagpapaputok ng mga guwardiya ng Hacienda Luisita, pulisya, at militar sa mga magsasaka sa asyendang pag-aari ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Kahapon, binakuran ng 100 guwardiya, 15 miyembro ng Tarlac Provincial Police, at 10 miyembro ng Philippine Army ang binubungkal na lupain ng mga magsasaka sa Brgy. [...]

Maralitang lungsod iginiit ang pagsuko ni Palparan

Ayon sa Kadamay, dapat umanong si dating heneral Jovito Palparan ang arestuhin sa halip na mga lider-maralita at aktibista. (Macky Macaspac)

“Doble-kara!”

Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr.

Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.

Larawan: Isang taon nang pagpiit kay Ericson Acosta, binatikos ng mga akademiko, artista

PW-free-ericson-acosta-presscon-01

Nagtipon muli ang mga artista, akademiko, kapwa aktibista at kaibigan ni Ericson Acosta sa Palma Hall sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City para isagawa ang isang “haranang bayan” kaalinsabay ng isang taong pagkakakulong ni Acosta sa Calbayog, Samar.

Dagdag singil sa SSS na gagamitin sa PPP, kinontra ng mga obrero

SSS-kmu

Tinawag na “baligtad na Robin Hood” ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang plano ng Social Security System (SSS) na dagdagan ang singil o kontribusyon ng mga miyembro nito, at gamitin sa mga “alanganing proyekto” sa ilalim ng Private Public Partnership (PPP) ng gobyerno. Maglulunsad din ng mga protesta sa mga susunod na linggo ang grupo [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes