PW-makatwirang-okupasyon-featured

Makatwirang okupasyon

March 24, 2017

Hindi totoong may may-ari na ang mga bahay na inokupa ng mga maralita sa Bulacan. Matagal na itong
nakatiwangwang at nabubulok. Makatwiran ang okupasyon.

Pagpapatuloy ng impeachment laban sa Ombudsman ikinatuwa ng Bayan

September 29, 2010

Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang House Justice Committee sa desisyon nitong ipagpatuloy ang proseso ng impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Ayon sa grupo, nararapat lamang igiit ng Kamara ang kapangyarihan nito lalo na’t halata namang walang ginagawa ang Ombudsman kundi iantala o pahinain ang proseso ng impeachment. Ang desisyon ng komite ay […]

Magsasakang desaparecido ipinanawagang ilitaw

August 31, 2010

Nanawagan noong Agosto 30, Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka kay Pangulong Aquino na ilitaw ang mga lider-magsasaka at aktibistang biktima ng sapilitang pagkawala tulad nina Nilo Arado, Jonas Burgos, Ronald Intal at Manuel Merino. Ang mga biktima ay dinukot ng pinaghihinalaang elemento ng Armed Forces of the […]

Anibersaryo ng Guimaras oil spill minarkahan ng protesta

August 12, 2010

Nagsagawa ng protesta ang mga grupong makakalikasan, mangingisda at siyentista sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City noong Agosto 11 para gunitain ang ika-apat na anibersaryo ng pagtagas ng langis ng kumpanyang Petron sa isla ng Guimaras. “Apat na taon na ang nakakalipas simula nang magkalat ng […]

Mga magsasaka sugatan, 2 inaresto sa usapin sa Hacienda Yulo

May 21, 2010

Daan-daang magsasaka ang nasugatan, ilan ang pinosasan habang dalawa ang ikinulong sa istasyon ng pulis matapos magkagulo kaninang umaga sa Sitio Buntog, Brgy. Canlubang sa Calamba, Laguna dahil sa usapin kaugnay ng Hacienda Yulo. Ayon kay Axel Pinpin, dating detenidong pulitikal at pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK, nagpoprotesta malapit sa mayor na kalsada ng sityo ang […]

Dagdag kompensasyon sa BEIs hiniling

May 13, 2010

Hiniling ngayon ng Act Teachers Party-list sa Comelec (Commission on Elections (COMELEC) na bigyan ng dagdag na kompensasyon ang mga titser na nagsilbi sa BEI (Boards of Election Inspectors) sa katatapos lamang na halalan. Ayon kay Antonio Tinio, pambansang presidente at unang nominado ng Act Teachers, karapat-dapat lamang na purihin ang ginawa ng mga titser […]

Sarbey sa makakalikasang kandidato, ibinunyag

March 22, 2010

Ibinunyag ng isang alyansa ng mga grupong makakalikasan kung sino sa mga kumakandidato sa eleksiyong 2010 ang may malasakit sa kalikasan, at kung sino ang wala. Ayon sa Lyfe (League of the Youth for the Environment), na nakabase sa Unibersidad ng Pilipinas, isinagawa nila ang sarbey at background check na “Environment Vote 2010” para matulungan […]

Magsasaka tutol sa pagkopo ni Danding sa MRT7

March 12, 2010

Nagprotesta ang mga magsasaka sa harap ng punong tanggapan ng San Miguel Inc. sa Ortigas, Pasig City noong Marso 12 para irehistro ang kanilang pagtutol sa pagkopo ni Eduardo “Danding” Cojuangco sa proyektong MRT7. Ayon sa mga magsasaka mula sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan, magdudulot ng pagpapalayas mula sa kanilang lupa ang […]

Sa ika-24 anibersaryo ng EDSA I: Pilipinas lalong lumala

February 24, 2010

Mas lalong lumala ang landas na tinahak ng Pilipinas, 24 taon makalipas ang pag-aalsang Edsa I na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan). “Makalipas ang 24 na taon, nasa mas malalang landas ang Pilipinas. Ang rehimeng Arroyo, gamit ang puwersa ng estado, ay lumabag sa karaptang pantao […]