
Sa paggunita sa unang malaking protesta kontra sa diktadurang Marcos na pinangunahan ng kababaihan noong Oktubre 28, 1983, muling dumagsa ang libong kababaihan patungong Mendiola. Kinondena nila ang kartel ng langis na kumakamal ng kasakiman ng dambuhalang mga tubo habang lugmok sa hirap at gutom ang bayan.
Matagal na panahong nanirahan at nagsaka ang mga magsasaka ng Hacienda Looc. Ngayon, sa ngalan ng “proyektong pangkaunlaran” ng gobyernong Aquino, nais itong idebelop para sa turismo – isang panganib sa pagiging “paraiso” ng Looc at pagsasaka ng mga magsasaka.
Kakarampot na, kinaltasan pa, ang panukalang badyet ng administrasyong Aquino sa sektor ng mga magsasaka at agrikultura para sa taong 2012. Ipinapakita lamang nito, ayon sa mga magsasaka, na walang pagpapahalaga ang gobyerno sa kontribusyon ng kanayunan sa ekonomiya ng bansa.
Aug 30 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Mapangwasak sa kalikasan ang pangmalawakang komersiyal na pagmimina sa bansa. Ngunit maaaring mamaksimisa ang isang responsableng pagmimina para sa panlipunang kapakanan, kung aalisin ito sa komersiyal na interes patungong pagsasabansa.
Aug 28 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Pagkakaisa laban sa imperyalismo at tiraniya, at para sa karapatan at kaunlaran ng mga mamamayan ng mundo ang nilayong mabuo ng mga aktibista mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na dumalo sa ikaapat na pandaigdigang asembliya ng International League of Peoples’ Struggles o ILPS.
Pinuri ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Natural Resources (DENR) na ipatupad ang mining ban sa probinsiya ng Romblon. Pinuri din ng grupo ang mga taga-Romblon na nagprotesta laban sa pagmimina sa kanilang probinsiya. Ipinahayag ni DILG Secretary [...]
Jun 20 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Kinondena ni Anakpawis Partylist Rep. Rafael Mariano ang patuloy na panghaharas sa mga nagpoprotestang magsasaka sa Central Mindanao University (CMU) sa Bukidon.
Jun 15 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Hindi dumating kahapon ang matagal nang pinakahihintay ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita; ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng pagkansela sa stock distribution option (SDO) na magbibigay-daan sa pamamahagi ng 6,543 ektaryang asyendang pag-aari ng pamilya ni Pangulong Aquino. Matapos ang buong araw na paghihintay sa labas ng tanggapan ng kataas-taasang hukuman, umuwing puno [...]
Jun 15 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Kung papanig lang sa katwiran at katarungan ang Korte Suprema, nakatitiyak ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa kanila ang desisyon nito. Pero posibleng may mga makapangyarihang puwersang nagtutulak sa korte na magdesisyong di-pabor sa mga magsasaka.
Isiniwalat ng isang internasyunal na grupo ang malawakang pangangamkam ng lupa sa komunidad ng mga magsasaka sa San Mariano, Isabela matapos itong magsagawa ng isang International Fact Finding Mission (IFFM) noong Mayo 29 hanggang Hunyo 3. Sa presentasyon ng grupo noong Hunyo 7 sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kinumpirma nito ang ulat ng naunang fact finding [...]
Jun 9 2011 | Posted in
Balita |
Read More »