Articles by Teo S. Marasigan

Isang linggo bago ang Mayo Uno, inanunsyo ang pagkakabuo ng isang alyansa ng mga manggagawa na pinangalanang Nagkaisa. Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo sa paggawa rito, bagamat kapansin-pansing wala ang Kilusang Mayo Uno o KMU

(1) Mabilis na nalalantad na kontra-maralita at kontra-mamamayan ang gobyerno ni Noynoy Aquino. Sa pamamagitan ng islogang “pagbabago” at iba pa, sinamantala nito ang mga karaingan ng mga maralita at mamamayan matapos ang halos isang dekadang paghahari ni Gloria Macapagal-Arroyo

Pagtatanggol kay Pang. Noynoy Aquino at pagbanat sa Kaliwa. Iyan ang tampok na pinagkakaabalahan ngayon ng mga lider ng Akbayan na nasa gobyernong Aquino. Mainit-init pa man ang isinulat ni Joel Rocamora, lider ng Akbayan at kasalukuyang hepe ng National Anti-Poverty Commission, laban sa “Noynoying,” heto na si Ronald Llamas, lider din ng Akbayan at pampulitikang tagapayo ng pangulo. Ayon sa isang balita, nagsalita si Llamas sa paksang “The Democratic Left and the CPP-NPA-NDF” sa isang porum ng National Defense College of the Philippines sa Camp Aguinaldo.

Sa mga matagal nang nakakabasa ng mga sulatin ni Joel Rocamora, dating presidente ng Akbayan at ngayo’y hepe ng National Anti-Poverty Commission, may ilang bagay na kapansin-pansin sa kanyang depensa sa pangulo laban sa nauusong “Noynoying.” Sa titulo pa lang na “?Noynoying’ is [the RAs are] Annoying,” napakatahas na ng kanyang tono. Wala na ang mapagpatawa, palabiro, at mapangutyang estilo na gamit niya lalo na sa pagbanat sa Kaliwa. Tirang pikon siya: “annoying political gimmick,” “cheap publicity gimmick.” Ganyan siguro talaga ang transisyon mula sa mga kontra-Kaliwa at mayayamang NGO patungo sa mismong trono ng kapangyarihang pampulitika sa bansa.

“Nabalitaan mo na ang nangyari kay Sheena?” tanong ng isang kaibigan sa text. At nalungkot na siya agad. Alam niya ang ibig sabihin noon, lalo na’t nabanggit na sa text, walang alyas-alyas, ang pangalan ng kaibigang sumapi sa New People’s Army o NPA. Nagtanong pa rin siya, umaasa sa pinakamagandang senaryo sa ganoong pagkakataon, na [...]

Sa ngayon, alam na ng marami ang kasong sexual harassment na isinampa ni Cristy Ramos, anak ni dating Pang. Fidel V. Ramos at match commissioner ng FIFA, laban sa dalawang manlalaro ng Azkals. Aniya, nagsasagawa siya ng “team check” sa dugout ng koponan ng football nang mangyari ang insidente. Ang manlalarong si Lexton Moy, humirit daw tungkol sa size ng bra niya, at nagtawanan ang mga manlalaro. Si Angel Guirado naman, hinarap siya nang naka-brief, parang nanunubok at hindi nagtakip.

“Mabuti bersus masama.” Ito ang balangkas ng kwentong pinalaganap ng kampo ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III noong tumatakbo pa lang siya sa eleksyon. Syempre, siya umano ang mabuti at si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ang masama – kahit pa hindi naman siya tampok na lumaban dito.

Sa isang banda, matagal na siyang patay bilang mang-aawit. Kahit may mga kwento-kwentong magaling pa rin siyang kumanta kapag hindi nakadroga, alam ng mga tunay na tagahanga ang totoo: Hindi na siya makakakanta pang muli, lalo na nang kasing-husay ng dati

Maraming problematiko at kaprote-protesta sa “Restoring US presence,” editoryal ng Philippine Daily Inquirer na lumabas noong 30 Enero. Sinang-ayunan at binigyang-katwiran nito ang pagtagal at pagsaklaw, o ang lubusang pagbabalik, ng presensyang militar ng US sa Pilipinas. Gumamit ito ng maraming kasuklam-suklam na taktika sa propaganda para ibenta ang nasabing posisyon.

Ilang araw matapos magsimula ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Chief Justice Renato Corona, nanawagan si Rep. Niel Tupas, Jr. ng prosekusyon na maging mas “liberal” ang Senado sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa paglilitis. Hindi ako tagahanga ni Tupas, hindi ko alam kung bakit “Niel” at hindi “Neil” ang ispeling ng pangalan niya, at isa siya sa paglilitis na hitik sa drama ang pagsasalita na parang sabik tumakbong senador sa darating na eleksyon. Nadulas ang dila niya: Ang “liberal” kayang panawagan ay kasingkahulugan ng partidong “Liberal” ni Pang. Aquino?