Pinoy Weekly » Teo S. Marasigan

Bantayan si Enrile
Ilang araw matapos magsimula ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Chief Justice Renato Corona, nanawagan si Rep. Niel Tupas, Jr. ng prosekusyon na maging mas “liberal” ang Senado sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa paglilitis. Hindi ako tagahanga ni Tupas, hindi ko alam kung bakit “Niel” at hindi “Neil” ang ispeling ng pangalan niya, at isa siya sa paglilitis na hitik sa drama ang pagsasalita na parang sabik tumakbong senador sa darating na eleksyon. Nadulas ang dila niya: Ang “liberal” kayang panawagan ay kasingkahulugan ng partidong “Liberal” ni Pang. Aquino?

Anu’t anuman, kapansin-pansin ang madramang tugon ni Sen. Juan Ponce Enrile, pangulo ng Senado at – huwag natin kalimutan – isa sa mga tagapagpatupad ng batas militar ng diktadurang Marcos. Parang na-highblood, itinaas niya ang usapin sa pagtitiwala sa kanya ng mga senador at isinalang ang katungkulan niya bilang pangulo ng Senado at nangungulong hukom. Hindi ba’t pahiwatig ni Tupas na masyadong mahigpit ang Senado, at sa gayo’y si Enrile? Karaka-daka, nagpahayag ang mga senador ng pagtitiwala sa pamumuno ni Enrile, gayundin sa umano’y “patas” na pagdadala nito.

Ang nangyari, napaatras ang panawagan ni Tupas. Lumutang ang sa totoo nama’y mahinang pagtutulak ng prosekusyon sa kaso nito. Napagmukhang “patas” ang Senado, at lalo na si Enrile, sa pagharap sa paglilitis. Malinaw kung sino ang nakinabang pangunahin sa kahinaan ng prosekusyon at sekundaryo sa madramang tugon ni Enrile: si Corona mismo – at ang kanyang among target ng sentimyentong maka-impeachment, si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Dahil matagumpay ang naging drama, at malaganap ang sentimyentong mahina o palpak ang prosekusyon, hindi malayong ulitin ito.

Dapat bantayan si Enrile ng mga mamamayan na gustong matuloy ang impeachment at matanggal si Corona para maparusahan si Arroyo. Pansinin: Ibayong pinupuri si Enrile ng mga propagandista ni Arroyo. Nariyan si Winnie Monsod, na maagang nagbigay-katiyakang aayusin ng senador ang paghawak sa kaso dahil huling termino na niya ito. Nariyan si Alex Magno, na todo-palakpak sa husay umano ng maginoong pulitiko. Kakatwa ang itsura ng dalawang akademikong lumaban sa diktadurang Marcos na todo-saludo ngayon sa isang heneral nito – dahil sa tigas-ulo nilang pagkapit-tuko kay Arroyo.

Ang hinala ko, pinapatatag ang kredibilidad ni Enrile ng mga tutol sa impeachment, lalo na ng mga maka-Arroyo at maging ni Enrile mismo. Mas malamang, gagamitin ang umano’y maganda niyang reputasyon para isabotahe ang paglilitis, syempre sa pakinabang nina Corona at Arroyo. Hindi naman binitawan ni Enrile si Arroyo sa mahigit siyam na taon ng pananalasa ng huli sa bayan. Hindi man siya tumampok bilang tagapagtanggol nito, konsistent naman ang kanyang rekord ng pagkampi rito. Walang batayang isiping muling naisilang na siya bilang kampeon ng demokrasya.

Pahabol: Natutunugan na rin ng gobyernong Aquino ang papel ni Enrile sa plano ng mga maka-Arroyo. Naglabas daw ang Kilusang Mayo Uno ng pahayag na nananawagang buksan ang imbestigasyon sa pagpatay sa dating lider nitong si Rolando Olalia at sa aide nitong si Leonor Alay-ay. Syempre pa, si Enrile ang “ninong” ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa o RAM, ang grupong itinuturong nasa likod ng pagpatay. Kaya lang, itinanggi ng KMU na naglabas ito ng ganoong pahayag. Kapani-paniwala ang pagtanggi ng KMU, dahil nakalagay sa pahayag na gumaganda ang hustisya sa bansa.

Ang hinala ko, ang mga propagandista mismo ng gobyernong Aquino ang nasa likod ng pekeng press release ng KMU. Bukod sa gusto nitong marinig ang KMU na pumupuri sa sistema ng hustisya sa bansa, gusto nitong siraan si Enrile. O kaya nama’y ipresyur ito para maging nyutral sa paglilitis o maging pabor sa paghatol na maysala si Corona. Bagamat may dapat managot sa pagkamatay nina Olalia at Alay-ay, mukhang propaganda lang ang habol ng gobyernong Aquino, hindi katarungan para sa dalawa. Ginagamit lang nito ang mga patay para sa sariling pakinabang. Walang konsensya!

Ginawa na ito dati ng mga propagandista ni Aquino. Noong eleksyong 2010, naglabas umano si Monsod ng e-mail na “Why I will vote for Noynoy,” sa panahong binabanatan niya ang umano’y pagiging mahirap ni Manny Villar. Itinanggi paglaon ni Monsod ang paglalabas ng naturang e-mail. Malinaw na ang layunin ay palakasin si Noynoy at siraan si Monsod para galitin ito lalo laban kay Villar. Sino ang nagsabing ang kampo ni Villar ang naglabas? Syempre pa, ang mga maka-Noynoy. Sinumang nakatutok sa eleksyon ang makapagsasabi: hindi aktibo, halos patay noon, ang mga propagandista ni Villar.

28 Enero 2012

40% Hanap-seks
Little brown fucking machines – powered with rice

– Kamiseta sa paligid ng mga dating

base-militar ng US sa bansa

Sumikat, lalo na sa Internet, ang “It’s more fun in the Philippines,” ang bagong islogang panturismo ng gobyernong Aquino. Tama si Katrina Stuart-Santiago: pinagkatuwaan ang islogan pero hindi gaanong nakwestyon ang pinagmumulan nito – ang patakaran ng gobyerno na ibayong palakasin ang turismo sa bansa. Kung titingnan nga ang Philippine Labor and Employment Plan ng gobyernong Aquino para sa 2011-2016, nangunguna ang turismo sa itinuturing nitong dapat palakasin para makapagparami ng may-trabaho.

Noong nakaraang taon, may isang insidenteng hindi gaanong tumampok sa balita pero mahalagang iugnay sa nasabing islogan at sa kampanyang panturismo ng gobyerno. Tinutukoy ko ang pagsasabi ni Harry Thomas Jr., ambassador ng US sa Pilipinas, na sa pagtaya niya, 40% ng mga lalakeng turista ang pumupunta sa bansa para sa seks. Kung tama ang alala ko, kumbaga’y pinagsisigawan siya para bawiin ang kanyang pahayag. Hindi ang nilalaman ng sinabi niya ang naging usapin, kundi ang pagsasabi niya nito.

Binawi ni Thomas ang pahayag, sa batayang wala siyang datos para suportahan ito. Pero alam natin ang karanasan ng bansa sa WikiLeaks. Maaaring may pinagkukuhanan ng datos ang ambassador ng US na hindi nito sinasabi sa publiko. Maaari ring walang datos pero mahalaga ngang siya ang nagsabi, dahil mangangahulugan ng patakaran na magpapatibay sa kanyang sinabi. Anu’t anuman, ipinapakita nito ang persepsyon ng isang nasa kapangyarihan sa kalakaran ng turismo, at sa lugar rito ng seks, sa bansa.

Kaya mahalaga ang mga tanong ni Santiago: Ano ang panlahi, pangkasarian at pang-uring dimensyon ng islogan at kampanyang panturismo ng gobyerno? Ano’ng bahagi nito ang pagbebenta sa maralitang Pinay sa mga lalakeng dayuhan? Paanong ang pagpapalakas ng gobyerno sa turismo ay aktwal na pagtalikod nito sa pagpapalakas ng mga batayang industriya sa bansa – na tunay na lilikha ng trabaho sa sariling bayan? Sino ang nagbabayad para sa saya (fun) sa Pilipinas? At sino naman ang nakikinabang?

Sa kanyang librong Bananas, Beaches and Bases [1989], pinalutang ni Cynthia Enloe, sosyalistang feminista, ang papel ng kababaihan sa industriya ng turismo sa Pilipinas at ibang bansa. Aniya, mula flight attendants sa eroplano hanggang sa mga manggagawa sa otel hanggang sa mga ikinakama sa mga kwarto nito, mga maralitang kababaihan ang siyang nakataya. Sa kanila nagmumula ang malaking kinikita ng gobyerno sa turismo – na napupunta, syempre pa, sa pambayad-utang sa dayuhan at kurakot sa pamahalaan.

21 Enero 2012

Tsansa ng Tsina
(1) Sa mga kasaysayan ng neoliberalismo, na kinikilalang naging tampok na pwersang pampulitika sa mundo noong huling bahagi ng dekada ’70 at maagang bahagi ng dekada ’80, madalas na ang tinutukoy na mga lider-pasimuno ay sina Ronald Reagan ng US at Margaret Thatcher ng Britanya. May mahalagang dagdag si David Harvey, Marxistang intelektwal: si Deng Xiaoping ng Tsina. Kung ang neoliberalismo ay ang pagbuwag sa lahat ng hadlang sa mas matinding pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa at mamamayan, gamit ang makabagong mga teknolohiya sa harap ng krisis ng labis na produksyon at pag-atake sa Kaliwa, dapat ngang kasama si Deng.

(2) Nitong ika-10 anibersaryo ng teroristang atakeng 9-11 sa US, naglabas ng komentaryo si Francis Fukuyama, neo-konserbatibong manunuring pampulitika. Nakilala si Fukuyama sa kanyang pagsusuri tungkol sa “Katapusan ng Kasaysayan” o “End of History” – kung saan nagtagumpay na umano ang kapitalismo at demokrasyang liberal laban sa sosyalismo at diktadura noong 1989. Aniya, “Simula 2001, ang pinakamahalagang kwentong pandaigdig-pangkasaysayan ay ang pag-usbong ng Tsina. Pangyayari itong ang epekto ay halos tiyak na mararamdaman sa loob ng 50 taon.” Ipinapakita ng pahayag niya ang pagbabantay ng mga neo-konserbatibo sa Tsina.

(3) Simula noong dekada ’90, may grupo ng mga akademiko na nagsasabing natural na magkaakibat ang malayang pamilihan at demokrasya, at inilalatag ng malayang pamilihan ang mga kalagayan para manumbalik at sumigla ang demokrasya. Ito ang kinokontra ni Slavoj Zizek, pilosopong Slovenian, sa madalas niyang sabihin tungkol sa Tsina. Aniya, lumalabas na ang Tsina ngayon ang ideyal na kapitalistang bansa – kung saan matinding pinagsasamantalahan ang mga manggagawa sa ilalim ng mapanupil na paghahari ng isang Partido Komunista. Ang nakakapangamba, sabi niya, ay posibleng Tsina ang hinaharap ng maraming bansa: kapitalista pero nasa ilalim ng diktadura.

(4) “Sosyalismo na may mga katangiang Tsino” ang islogan ni Mao Zedong na ginamit ng mga lider na pumalit sa kanya para ilarawan at bigyang-katwiran ang kanilang pagtahak sa kapitalistang landas. Ayon kay Orville Schell [Discos and Democracy: China in the Throes of Reform, 1988], ginamit ni Deng ang alaala at mga sinabi ni Mao para patatagin ang naghaharing Partido Komunista ng Tsina, kahit pa kontra-sosyalista na ito. Para mailugar si Mao, sinabing may mga “kaliwang oportunista” siyang pagkakamali at may panahon siyang “nawalay sa reyalidad.” Ginamit din laban kay Mao ang husga niya kay Joseph Stalin: 30% ang kahinaan at 70% ang kalakasan. Pinalabas ding maayos siya bago ang 1957 – bago ang simula ng Dakilang Hakbang Pasulong.

(5) Ayon sa Komite Sentral ng Communist Party of the Philippines, na malinaw na nagsasabing hindi na sosyalista ang mga naghahari sa Tsina kundi mga tumalikod at traydor sa sosyalismo, “Nasa katayuan ang China na makipagtulungan sa Pilipinas sa programa ng pambansang industriyalisasyon.” Nagsusulong ang CPP ng pambansang industriyalisasyon ng Pilipinas, kaya tawag-pansin ang pahayag na ito. Ang sabi ng isang kaibigan, ang sinasabi’y nasa katayuan ang Tsina; ibang bagay pa kung gusto talaga nito o, lalo na, kung gagawin talaga nito. Ang pinapatampok ay ang igting ng girian ng Tsina at US sa ngayon. Sa katulad na konteksto ng kontradiksyon ng mga makapangyarihang bansa, ng modernong rebisyunistang Rusya at Maoistang Tsina noon, tumulong ang Rusya sa industriyalisasyon ng kapitalistang India laban sa Tsina.

(6) Nitong Disyembre, nagpahayag ng pagkaalarma si Paul Krugman, ekonomistang kontra-neoliberal, hinggil sa posibleng pagkalugmok ng Tsina sa krisis. Bagsak ang kakayahan ng mga manggagawa at mamamayang Tsino na kumonsumo ng mga produktong nililikha nila. Dahil diyan, US ang kumokonsumo ng naturang mga produkto at dahil sa krisis sa US, hindi rin mabenta ang mga produktong likha ng Tsina. Ayon kay Krugman, tulad ng Japan noon at US nitong huli, nagmukhang umuunlad ang Tsina dahil sa lumalaking bula sa real estate, na nagbabantang pumutok ngayon. Posible raw na maging panibagong sentro ng krisis pang-ekonomiya ngayon ang Tsina.

(7) Maganda ang puntong pahiwatig ng isang artikulo sa China Left: Mahalaga ang uring manggagawa sa Tsina dahil dumanas sila ng 30 taon ng sosyalismo at 30 taon ng kapitalismo. Sabi ng isang editoryal ng New Left Review, masyadong tumaas ang pag-asa ng mga manggagawa at mamamayan sa mga bansang BRICS, kasama ang Tsina, na patuloy na uunlad ang mga ekonomiya nila, kaya posibleng maging mas mahapdi ang magiging hagupit ng krisis sa kanila. Mas tama: ang mga naghihirap na manggagawa at mamamayang Tsino, na pinapaasa ng paparating na “pagpatak” sa kanila ng kaunlaran, ay malulugmok sa mas matinding paghihirap, nang walang pag-asang uunlad sila.

(8) Ayon pa sa NLR, “Ang 200 milyong Tsinong manggagawa sa pabrika, minero at manggagawa sa konstruksyon ang pinakamapanganib na uri sa planeta. (Itanong mo pa sa State Council sa Beijing.) Ang kanilang lubos na pagkamulat mula sa bula ang maaaring magsabi kung posible pa o hindi na ang sosyalistang daigdig.” Medyo eksaherado, at nagpapakita ng tendensya ng mga intelektwal sa Kanluran na ipasa at iasa sa iba ang potensyal ng rebolusyon, pero nagbibigay ng hamon at optimismo.

11 Enero 2012

Segunda Mano, Segunda Klase
Kung hindi ako nagkakamali, madalas na may lahok na pelikulang katatakutan o horror sa taunang Metro Manila Film Festival. Higit pa siguro sa usapin ng paghahain ng de-kalidad na sine, na umano’y dahilan ng MMFF, kumikita ang ganitong mga pelikula. Sa hirap ng buhay, tiyak na magtatatlong-isip ang kahit sino na maglabas ng P180 para lang manood sa sinehan – kumpara sa di-hamak na mas murang DVD. Pero may pang-akit ang panonood ng katatakutan sa mismong sinehan, dahil swak ang dilim at buong sitwasyon at sensasyon sa ganitong palabas.

Pero parang may bago rin sa pelikulang katatakutan. Dati, parang ang layunin talaga ay matakot ang manonood at multuhin siya hanggang panaginip, ang magdulot ng bangungot, ang maalala bilang nakakatakot. Ngayon, sa panahong marami na siguro ang hindi naniniwala sa multo at lalo na sa aswang, may mga pelikulang katatakutan na mas haluan ng gulat at takot ang iniaalok. Paano kung biglang may magpakitang multo sa isang sitwasyong hindi inaasahan, dahil hindi na talaga inaasahan?

Ganyan ang pelikulang Segunda Mano – na dahil hindi ko pa naririnig dati ay inakala kong kaserye ng Mano Po, hindi pala. Umikot ang istorya kay Kris Aquino, may-ari ng shop na nagbebenta ng antigo pero may minumulto ng nakalipas: nawala, ipinagpalagay nang namatay, ang mas batang kapatid niyang babae habang nagtatakbuhan sila sa gilid ng dagat na malakas ang alon. Para maging kapani-paniwalang may malulunod sa pagtangay ng malakas na alon, may karatula: San Juan – na siguro’y sa La Union, kung saan pamatay ang mga alon. Ipinapakita si Kris na minumulto sa panaginip ng kapatid.

Magtatagpo ang landas nila ni Dingdong Dantes, mayamang negosyante. Naghahanap si Dingdong ng asawa, dahil nawala na lang bigla ang asawa niyang si Angelica Panganiban. Magkakaroon ng relasyon sina Kris at Dingdong pero hindi makaabante dahil nagsimula nang multuhin ni Angelica si Kris. Kung bakit naman kasi naaagnas na si Angelica kapag nagpapakita. Tulad siguro ng mga narinig kong manonood na tumitili – mas sa pandidiri, hindi sa kilig – nabagabag si Angelica sa love team ng kapatid ng pangulo at kampanyador ng pangulo noong eleksyon.

Spoiler alert! Sa dulo, malalantad na nawala si Angelica, hindi dahil pinatay ito ng kalaguyo, gaya ng ipinapahiwatig ng pelikula sa una. Pinatay ni Dingdong si Angelica, matapos matunton ang isang pakikipagkita nito sa kabit – na oo nga pala’t si Rico Blanco. Kung ayaw may dahilan; kung gusto, palaging mayroong paraan. Syempre, kasama si Rico sa pinatay ni Dingdong.

Mas malamang, gusto ng mga gumawa ng pelikula na sabihin ng mga nagrerebyu na ang kapana-panabik ay kung paano tumakbo ang istorya. Dahil nga nasa negosyong segunda mano si Kris, gayundin ang kaibigan niyang nagbebenta ng mga segunda-manong bag, dito dumaloy ang pagpaparamdam. Parang OFW si Angelica, ipinadala ang lahat kay Kris at sa kaibigan nito mula sa kabilang buhay: bag, damit at ang kotseng pinalubog sa ilog ni Dingdong matapos patayin ang dalawa. Hindi kapana-panabik ang dating, kundi overkill. Hindi ko lang alam kung may epektong takot talaga ang kwento sa mga bumibili ng mga segunda mano.

Matutuklasan, at ipapaliwanag talaga ng pelikula – sa paraang berbal, dahil kinapos sa paraang biswal – na kaya pala nagmumulto si Angelica ay para protektahan si Kris at iba pang tao laban kay Dingdong. O para ba ipaghiganti ang pagkamatay nila ni Rico? Lahat ng namatay sa pelikula, pinagpakitaan ni Angelica, pero dahil papatayin na pala ni Dingdong. Ang pelikulang katatakutan, magiging pisikalan at habulan sa dulo. Mananaig si Kris, sa tulong ni Angelica na buhay na buhay lang kung makialam sa mga bakbakan.

Ang hindi ko maintindihan, pinalabas na ang nawawalang kapatid ni Kris at ang asawa ni Dingdong ay iisa – si Angelica. Sa yugtong ito, ang katatakutang Japanese (ala-Sadako ang ramdam ng mga eksena) at Amerikano (may pisikalan sa dulo laban sa taong nananakot at pumapatay) ay naging telenobelang Pinoy (may malalantad na magkamag-anak sa dulo ng istorya). Kaya ano? Tanga lang sina Kris at ang nanay niyang si Helen Gamboa – na nakakatakot nang unang lumabas dahil kamukha nina Nida Blanca at Charito Solis – sa buong panahong pagdadrama dahil sa nawalang kapamilya.

Ang sabi ng kasama kong manood pagkatapos ng sine: “Magasin ka ba? Kasi andami mong isyu!” Totoo. Halatang nagtagal ang pagpaplano ng Segunda Mano. Sobrang tagal. Sa puntong wala nang pokus at hindi na nasinsin ang pagpaparurok sa kwento. At dahil sala-salabid ang mga istorya, maraming balik-tanaw o flashbacks. Kung ganito lang ang flashbacks sa kasaysayan sa totoong buhay, napakarami na sana ng aktibista. Ayos naman ang hindi dire-diretsong naratibo, pero parang niloloko ang manonood sa isang buhos na pagsisiwalat sa dulo, hindi unti-unti.

Bakit nga ba naging bayolente at mamamatay-tao si Dingdong? Dahil nasaksihan ng tatay niyang baldado ang madrasta niyang umuwi nang may kabit. Nakita niyang magpakamatay ang tatay niya dahil sa nakita. Mas grabe ang dinanas ni Dingdong kaysa kay Kris. Pero bakit si Dingdong, naging mamamatay-tao at si Kris ay naging tindera lang ng antigo? Okey naman ang pagkwestyon sa hatiang masama bersus mabuti sa mga karakter, pero bakit ang karakter ni Kris, malinis lang? Tipong ekstensyon ng pagiging celebrity ni Kris sa kabila ni Joey Marquez at ng masaker sa Luisita.

Kung panandaliang gulatan at mababaw na takutan lang ang hanap, mayroon namang pambayad, at kayang tagalan ang pag-arte ni Kris, ayos ang Segunda Mano. Ang nakakaaliw sa pelikula ay si Bangs Garcia, kaibigan ni Kris. Hindi mo alam kung umaarte siya o ganoon lang talaga siya bilang kikay. Pero sana sa buong pelikula siya nabigyan ng puwang para mang-aliw. Ayos ding umarte ang anak ni Dingdong, na nagpahirap kay Kris bilang madrasta.

30 Disyembre 2011

Krismas Wish ng Kapatid ni Kris
[N]ot even the dead will be safe from the enemy…

– Walter Benjamin

Nobyembre pa lang, may Christmas wish na si Pang. Noynoy Aquino: ang itigil ng mga tao ang inggit at ang kaliwa’t kanang pagpuna, at sa halip ay magtulungan at kalingain ang isa’t isa. Aniya, si Santa Claus ay “isang personipikasyon ng… pinakamahusay sa mga tao, ang ideya ng pagiging mapagbigay.” Ang kailangan daw ay “itransporma ang ating sarili sa kung paano makakatulong sa ating mga kapit-bahay… o kahit sino, kahit iyung hindi natin kilala.” Kailangan daw payabungin ang “ideya ng pagkalinga sa lahat.”

Fast-forward sa Disyembre: Nanalasa ang bagyong “Sendong.” Habang isinusulat ito’y mahigit 1,000 na ang kumpirmadong patay at tinatayang lalampas pa ito sa 3,000. Libu-libo ang malubhang nasaktan at buu-buong komunidad ang nawasak at inanod. Ang itinuturong sanhi ng mga eksperto: ang pagkawasak ng kalikasan sa lugar, dulot ng malawakang pagtotroso at pagmimina. Idagdag pa ang kawalan ng paghahanda sa mga disaster, ang hindi paglikas ng gobyerno sa mga tao, ang pagtanggal ng pondo para rito.

Naobligang magsalita si Pang. Aquino. Ano ang laman ng talumpati niya sa harap ng mga biktima? Ipinagyabang niya na dahil sa pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan, “bago pa man lumapag sa lupa ang unang patak ng ulan, nailatag na ang mga hakbang na kailangang gawin ng bawat ahensya.” Sinumbatan at kinonsensya niya ang mga biktima ng bagyo’t baha: “kung tatanggi kayong lumikas sa panahon ng sakuna, hindi lang po buhay ninyo ang nalalagay sa panganib, kundi pati na rin ang rescuer…”

Patanong niyang tinukoy ang mga kagyat na isyu sa naganap: Bakit may mga taong nakatira sa mga lugar “kung saan magiging mabilis ang ragasa ng tubig?” Bakit hinayaan ang pagputol ng “punong-kahoy” para raw “masaka ang lupa?” Bakit daw “may nagpipilit pa ring gumawa ng mali?” Sinabi niya ang gagawin ng gobyerno – ang pagpapahusay sa pagmonitor sa lakas ng tatamang bagyo sa bansa. Inisa-isa rin niya ang dumarating na tulong para sa mga nasalanta mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa bandang dulo, itinago niya sa magalang na “tayo” ang mga panawagan niya sa mga nasalanta. Pangangalaga sa kalikasan at pagkalinga sa mga nangangailangan. “Higit sa lahat, matutuhan sana nating talikuran ang mga gawaing nagdala sa atin sa kinalalagyan natin ngayon…. [K]ailangan nating matuto sa ating pagkukulang.” Tutulong daw ang pamahalaan – sa porma ng tulong sa pagtatayo ng bahay, “trabaho’t pagkakakitaan” – pero huwag na sanang bumalik ang mga nasalanta sa dating tirahan.

Sinisi ni Pang. Aquino ang lahat ng posibleng sisihin – ang mga maralitang nasalanta, ang lokal na pamahalaan, ang mga nagtotroso – maliban sa sariling gobyerno. Para siyang tatay na nagsasabi sa anak: “Sige, tutulungan kita, ha. Pero huwag ka nang uulit. Huli na ito.” Hindi niya sinisi ang matinding kakulangan ng trabaho at mababang kalidad ng trabaho. Hindi ang kawalan ng tulong ng gobyerno sa pabahay at paglikas. Hindi ang mga patakarang nagpapahintulot sa matinding pagtotroso at pagmimina.

Nakasunod ang talumpati ni Pang. Aquino sa neoliberal na pagtingin sa lugar at papel ng pamahalaan. Dito, ang papel lang ng gobyerno ay pagtiyak sa paglago ng tubo at kita ng mga dayuhan at lokal na kapitalista at iba pang naghaharing uri – sa ilusyong ito ang magpapaunlad sa lahat. Dito, hindi dapat tumulong ng gobyerno sa mga mamamayan – hindi sa pagbibigay ng disenteng empleyo at paninirahan at hindi sa pagsawata sa mga sumisira sa kalikasan. Ibig sabihin, kasalanan ng mga nasalanta kaya sila nagkaganyan.

Sa neoliberal na konsepto ng pamahalaan, hindi ito mekanismo ng mga mamamayan para tulungan ang isa’t isa. Mekanismo ito ng mga naghaharing uri para patuloy na paunlarin ang sarili – sa ilusyong pinapaunlad na rin ang lahat. Nangangaral si Pang. Aquino ng pagtutulungan, pagbibigayan at pagkakalingaan, pero pinipigilan niyang gawin ito ng pamahalaan, na siya mismong instrumento ng mga mamamayan para rito. Nangangaral siya ng pagbibigayan, pero ipinagdadamot niya ang pamahalaan.

Nangangaral siya tungkol sa diwa ng Pasko, pero ipinagdadamot niya sa mga mamamayan ang isang paraan para isabuhay ito. Kahit may kalamidad, hindi siya natitinag para magbigay. Ayaw niyang tanggapin ang sisi. Ang iniisip pa rin niya ay sarili.

24 Disyembre 2011

Kampuhan ay Makatwiran
Sabi ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo, gaya-gaya lang ang mga nagtangkang magprotesta sa Mendiola nitong mga unang araw ng Disyembre. Tinutukoy niya ang mga kalahok sa “Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan,” na hindi natuloy sa Mendiola dahil sa pandarahas ng pulisya. Ginagaya lang daw ng mga nagprotesta ang protestang Occupy sa US, habang ibang isyu naman ang dala-dala at tinutugunan. Poprotektahan ng gobyernong Aquino, sabi niya, ang mga mamamayan – laban marahil sa mga “bangko at korporasyong multinasyunal” na siya namang kinokondena sa US.

Matapos pilit busalan ang mga nagprotesta – mga estudyante at kabataang tutol sa kaltas sa subsidyo sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, mga manggagawang nagigiit ng makabuluhang dagdag-sahod at pagbasura sa kontraktwalisasyon, mga maralitang kumokondena sa sunud-sunod na demolisyon, at iba pang sektor ng lipunan na may kanya-kanyang panawagan – gusto ng gobyerno ngayong itakda at idikta sa publiko kung ano ang isyu ng protesta. Matapos labagin ang karapatang magpahayag ng mga nagprotesta, inaangkin nito ang karapatang sabihin kung ano ang kanilang pahayag.

Totoong sa 1% ng populasyon sa US nakatarget ang protestang Occupy doon. Binubuo ito ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan doon, at sa buong mundo, na tinatawag na oligarkiya sa pinansya. Pero sila rin ang puntirya ng “Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan.” Kongkretong manipestasyon ng paghahari nila sa US at maging sa Pilipinas ang mga isyung dala-dala ng mga nagprotesta. Ang iniaaray naman talaga ng gobyernong Aquino ay naging puntirya ito ng protesta. Pero dapat lang: ito ang tagapagpatupad ng mga dikta ng 1%. Hindi nito pinoprotektahan ang mamamayan.

Pilit ding binibigyang-katwiran ni Lacierda ang marahas na pagpapaatras sa hanay ng mga nagprotesta. Nanggugulo lang daw sila at nag-uudyok sa mga pulis na dahasin sila. Sa kabilang banda, pinagpasensyahan sila ng mga pulis. Malaking kasinungalingan ito. Simula pa lang ng pagkilos, dinahas na ng mga pulis ang mga nagpoprotesta at halatang utos ito ng Malakanyang. Ang palusot nila: batay raw sa pahayag sa website at Facebook ng mga nagprotesta, naghahanda sila ng pag-aalsa (uprising) laban sa gobyernong Aquino. Hindi ang anumang panggugulo o probokasyon ng mga raliyista ang dahilan.

Ang totoo, dinahas ng pulisya ang mga nagprotesta dahil natakot ang gobyerno na lumawak ang hanay nila. Sa isang banda, nariyan ang isang bagong porma ng protesta na tinatangkilik at sinusubaybayan sa mundo. Sa Mendiola pa ito nakatakda, nakaturol sa gobyerno. Higit sa lahat, lehitimong mga isyu ng mga mamamayan ang dala-dala –mga paunang lunas sa kagutuman at kahirapan – at malaki ang potensyal na makahatak ng malawak na suporta. Sa kabilang banda, arogante ang gobyerno, dahil “popular” pa raw ayon sa sarbey, at inisip na hindi mababawasan ang popularidad kung mandadahas.

Sa kabila ng pandarahas, pambubusal at pambabaluktot ng gobyerno kasabwat ang kapitalistang masmidya – at sa kabila ng malakas na ulan – nagpunyagi ang mga nagprotesta na itindig ang kampuhan. Naisiwalat nila ang kanilang mga kahilingan sa publiko sa mga lugar ng kampuhan at gamit ang social networking sites, kung hindi pa man ang masmidya. Napatatag nila ang kanilang hanay sa tuluy-tuloy na ahitasyon at edukasyon sa kampuhan – bukod pa sa paggagap sa mga aral ng pakikitunggali sa gobyerno. Nalantad nila ang pangil ng gobyernong ito sa pamamagitan ng paglaban dito.

Madaldal man si Lacierda at ang gobyernong Aquino, at kasabwat man nila ang burgis na masmidya, hindi sa kanila ang huling salita. Kahit saan ka tumingin at kahit paano mo tingnan, patuloy ang pagbagsak ng ekonomiya ng mundo at maging ng Pilipinas. Hindi ito mapagtatakpan ng panlihis ng gobyerno ngayon sa atensyong publiko, ang pakitang-taong pagpapanagot kay Gloria Macapagal-Arroyo. Kaliwa’t kanan ang indikasyong titindi pa ang kagutuman at kahirapan. Tiyak, iigting pa ang kagustuhan ng mga mamamayan na magprotesta, maggiit ng reporma at ng radikal na pagbabago.

Kung hindi napagsikapang ilunsad ang “Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan,” madaling hulaan ang sasabihing pambabaluktot ng gobyerno: Hindi kinayang maglunsad ng mga nagpoprotesta sa bansa dahil napakapopular ng pangulo, ramdam ng mga mamamayan ang pag-unlad, at kung anu-ano. Hindi na ito masasabi ngayon ng gobyerno. Sa pagdahas ng gobyernong Aquino sa mga nagprotesta, nagpakita ito ng matinding takot dahil walang tunay na pagbabago sa ilalim nito. At kung may pagbabago man, patuloy na sumasahol lang ang lagay ng mga mamamayang Pilipino.

13 Disyembre 2011

Huwag Maging Drug Mule
Dapat masulat ito sa mga libro ng kasaysayan: nanawagan si Pang. Noynoy Aquino sa mga Pilipino na huwag maging drug mule. Mahigpit ang batas ng Tsina kontra rito, aniya. Bumubuti na rin ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa, dagdag pa niya. Sa kabilang banda, sabi pa niya, isang pandaigdigang problema rin talaga ang droga.

Muli, patunay ito ng magkahalong desperasyon at arogansya ng gobyernong Aquino sa propaganda. Desperasyon dahil ano nga naman ang masasabi nito na isa na namang Pilipino ang nakatakdang bitayin sa Tsina sa 08 Disyembre dahil sa pagiging drug mule? Arogansya dahil ayaw nitong kilalanin ang pananagutan sa kalagayang maraming Pilipino ang nagiging drug mule. Sa puntodebista nito, popular ito, maraming bayarang propagandista at makakalusot na sisihin ang mga sindikato o ang mga Pilipino mismo.

Kakatwa ang unang batayan nito: na mahigpit ang mga parusa ng Tsina laban sa mga drug mule. Eh kung ibang krimen, pwede kaya? Eh kung sa ibang bansa gawin, okey lang? Humahantong na ito sa simpleng pananakot, na parang payo ng sindikato sa kapwa-sindikato. Kakatwa rin ang mga salitang gamit nito: “pursigido at tuluy-tuloy (relentless)” na “bibigyang-babala (warning)” ang mga Pilipino hinggil sa pagiging drug mule. Umaasta itong mapagpasya sa napakalamyang hakbangin sa seryosong problema.

Higit pa diyan, patunay ang pahayag ng desperadong lagay ng ekonomiya ng bansa. Anong sahol ang inabot ng ekonomiya ng isang bansa na ang pangulo’y nananawagan na sa mga mamamayan na huwag maging drug mule, na para bang karaniwang pagpipiliang karera lang ito tulad ng pagiging guro o nars? Ang totoo, lahat ng salbabida ng ekonomiya ng bansa, nawawalan ng hangin ngayon. Ang remitans ng mga OFW, ang eksport ng bansa, ang pumapasok na dayuhang pamumuhunan – lahat lumiliit ngayon.

Pinipilit ni Aquino na paasahin ang mga mamamayan sa isang “pag-unlad” na hindi nila ramdam. Ipinapaalala nito ang “trickle-down economics” kung saan tinitiyak ng gobyerno ang paglaki ng tubo at kapital ng mga kapitalista. Ang paniwala, dahil mga kapitalista ang motor na nagpapaandar sa sistema, mainam na nakakonsentra sa kanila ang yaman. Kapag namumuhunan sila, pinapaandar nila ang ekonomiya, lumilikha sila ng empleyo. Hindi magtatagal, “papatak-patak” na aabot ang kaunlaran sa lahat.

Ang totoo, palusot ang naturang ekonomiks sa pagkaltas sa buwis na sinisingil sa mga kapitalista, sa paghahain sa kanila ng mura at siil na paggawa, at sa iba pang suporta ng gobyerno sa kanila. At ganyan naman talaga ang balangkas ng mga patakaran ng gobyernong Aquino: Public-Private Partnerships, Charter Change, at iba pa. Paglikha ito ng empleyo na nakaasa sa dayuhang pamumuhunan, hindi sa internal na kakayahan at pangangailangan ng bansa. Kaya napakaraming walang trabaho, migrante at drug mule.

Sinisikap ng gobyerno ang pagkamit sa kaunlaran, pero pandaigdigan talaga ang problema ng droga. Iyan ang sinasabi ni Aquino. Nagsisikap naman ang gobyerno, kaya tanggapin na lang natin na may mga bibitayin pang drug mule sa hinaharap. Sa aktwal, walang pagbabago. Kulang-kulang 20 taon na ang nakakalipas, ang pagbanggit ng gobyerno sa daigdig ay paalala ng pangarap na kaunlaran na pwedeng kamtin. Ngayon, nagiging mas paalala ito ng mga suliraning hindi kayang solusyunan sa loob ng bansa.

Kakatwa rin ang pagkatao o subjectivity ng masa na ipinapasipat ng pahayag ni Aquino, na mas neoliberal kaysa sosyal-demokratiko: nag-aasam, kung hindi man desperado, sa kaunlaran at tanging banta ng dahas o kaparusahan ang nauunawaan. Sagot ng mga pangako ng mga patakarang neoliberal ang una. Ipinapakita naman ng ikalawa ang kakambal ng neoliberalismo: ang pasismo ng Estado. Kaya naman unti-unti, sa pagtindi ng pandaigdigan at lokal na krisis, pinapawalan na ang huli ni Aquino.

04 Disyembre 2011

One Percent
May dalawang malaking hamon ang protestang Occupy sa US sa ating mga Pilipino. Una, ang magprotesta nang maramihan laban sa tumitinding kahirapan, kagutuman at kawalan ng pagkakapantay-pantay – ang kagyat na nararamdamang epekto ng krisis pang-ekonomiya. Ikalawa, ang magprotesta laban sa tinatawag na “1%” – na ang totoo’y mas kaunti pa sa one percent – ng US, bukod pa sa 1% na mga naghaharing uri sa bansa.

One percent ng US? Oo. Dahil sa kabila ng mga pagsusuring walang teorya o ideolohiya na gumagabay sa protestang Occupy, may isang mahalagang bagay rito na ikakatuwa ng isang mahusay na manunuri ng pandaigdigang sistemang kapitalista: ang puntirya nito, ang 1%, na madalas tawaging “bankers.” Ang matutuwa: si Lenin, na nagsabing sa ilalim ng sistemang imperyalista, pinakamakapangyarihan na ang “oligarkiya sa pinansya.”

(Sa ganitong pagtingin, pinakamalaking kabastusan sa protestang Occupy sa US ang inilulunsad ngayong “Occupy for Reproductive Health Bill” ng Akbayan at mga grupong kadikit nito. Una, sang-ayon ang oligarkiya sa pinansya sa pagkontrol sa populasyon (population control) na siyang balangkas ng kanilang panukalang batas. Pangalawa, may ayuda ang naturang kampanya mula sa mga daluyan ng oligarkiya sa pinansya.)

Sa ganitong pagtingin, ang oligarkiya sa pinansya sa US ang responsable sa maraming patakaran sa bansa na matagal nang kinokondena bilang maka-imperyalista. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sila ang nagpwersa sa Pilipinas sa mga hindi-pantay na kasunduang nagtali sa ekonomiya natin sa ekonomiya ng US. At hindi bilang kapantay, kundi bilang neokolonya: walang sariling pag-unlad, lubos na nakaasa sa US.

Sila ang naglulong sa gobyerno sa pautang, na suporta sa mga naghaharing uring tagapagpatupad ng kanilang mga dikta sa ekonomiya. Walang tunay na reporma sa lupa. Walang industriyalisasyon. Pagbawas sa subsidyo sa mga serbisyong panlipunan, debalwasyon ng salapi, pagpaparami ng eksport, pagbarat sa gastos sa paggawa. Tinuntungan at itinuloy ang mga ito ng mga patakarang neoliberal simula dekada ’80.

Sa madaling salita, tuluy-tuloy tayong pinautang habang tuluy-tuloy tayong inalisan ng kakayahang makabayad. Binigyan tayo ng pautang na ang paglago ng interes ay mas mabilis pa sa paglago ng tunay na ekonomiya ng bansa. Kapag pinag-uusapan ang utang panlabas, nakakarinig tayo ng “X ang utang ng bawat Pinoy,” na kadalasa’y napakalaki –halagang hindi natin kayang likhain dahil inalis ang oportunidad magtrabaho sa bansa.

Mauugat ang lahat ng pang-ekonomiyang isyung hinaharap ng mga Pilipino ngayon sa mga dikta ng oligarkiya sa pinansya: konsentrasyon ng lupa sa iilan; barat na sahod at kontraktwal na empleyo; demolisyon ng mga maralitang komunidad; pagsirit ng hinuhuthot sa langis, kuryente at kung anu-ano pa; at pagkaltas sa subsidyo sa mga serbisyong panlipunan. Lahat, pahirap sa nakararami at pagkonsentra ng yaman sa iilan.

Lahat, naipatupad sa pamamagitan din ng pautang na suporta sa iilan sa lipunan at maging sa mga kapitalistang dayuhan – pahirap, pinagbabayaran ng mamamayan.

27 Nobyembre 2011

Dani Misalucha
Ganyan kung tawagin ng mga kaibigan at kasama niya si Daniel C. Imperial, Jr., 29, aktibistang mula sa College of Music sa Unibersidad ng Pilipinas–Diliman na naging kasapi ng New People’s Army at napatay sa pagsalakay ng militar nitong 27 Oktubre sa Cagayan Valley. Naging kagawian ng mga aktibista ang magbansag, at may mga panahong nagagamit ang mga alyas – lalo na kay Daniel mula nang siya’y maging NPA.

(1) Maraming pakahulugang natitipon sa pangalang iyan. Ang paghanga niya sa mahuhusay na mang-aawit na babae, kasama na si Lani. Ang husay niya sa pagkanta, gayundin sa pangkalahatang pagpapasaya o pag-entertain sa kausap. Isama na ang pagiging “diva” niya sa totoong buhay: napaka-talentado, napaka-maalab sa mga bagay na kinatutuwaan at kinaiinisan, napaka-demanding sa sarili, sa mga kasama at kaibigan.

“Napaka-demanding.” May nagbago at hindi nagbago kay Daniel sa pagiging NPA, na makikita sa pana-panahong pagdalaw niya. Ang dating mabilis uminit ang ulo, naging mapagpasensya. Ang dating mapangutya, naging mapagpaliwanag. Ang dating nakakanerbyos kausap, naging magaan. Pero hindi siya nagbago sa pananalig na pwedeng magbago at umunlad – ang sarili, ang pakikibaka, at syempre ang lipunan.

(2) Bakla siya, bagay na hindi niya ikinaila kahit kailan at ipinagmalaki pa nga. Alam niya kung paanong hindi matanggap ng iba ang pagkabakla kaya isinisisi ito sa iba’t ibang dahilan, na para bang kaya niyang gumising isang araw at hindi na maging bakla. Nakatulong ito para maunawaan niya ang mahihirap – na ang kahirapan ay isinisisi ng mga hindi umuunawa sa “katamaran,” “hindi pagsusumikap” at kung anu-ano pa.

Alam niya kung paano isantabi, maliitin at kutyain dahil sa kung sino siya. Sa ganito, mas naunawaan niya kung paano maging maralita. Naging lagusan ang personal na karanasan niya ng pakikiramdam, o pakikibahagi sa nararamdaman, ng iba. Syempre, alam niyang hindi sa antagonistikong pakikitunggali mareresolba ang diskriminasyon sa mga bakla – hindi tulad ng pagsasamantala, pambubusabos at panunupil sa mahihirap.

(3) May mga aktibista, lalo na iyung mga galing sa uring petiburges, na dumaan sa yugto na lubos ang paniniwala sa rebolusyon at mga prinsipyo nito, pero may huling personal na reserbasyon bago yakapin nang buung-buo ang pakikibaka. May iba, kinailangan munang makita ang suporta ng mga magsasaka. May iba, gusto munang makitang hindi paulit-ulit lang at may pag-unlad. May iba, gusto lang makita ang sariling lugar sa lahat.

Si Daniel, ang huling reserbasyon ay sa paggamit ng mga kanta ng kulturang popular para maghatid ng rebolusyunaryong mensahe. Hanggang minsan, narinig niya ang ilang magsasaka na kinakanta ang “Boulevard” ni Dan Byrd na nilapatan ng mga titik na rebolusyunaryo. Sa puntong iyun, sabi niya, nabuo ang pasya niyang sumampa. Nitong huli, mga rebolusyunaryong kantang mala-Aegis ang ipinagmamalaki niyang likha nila.

(4) May kakaiba siyang gamit sa wika. Noong uso ang pa-sosyal na wikang bakla, parang pinulot sa kung saang parlor ang mga salita niya: “lapes,” hindi “lafang” (pagkain), “was,” hindi “wiz” (hindi). Nitong huli, may magagandang baon siya, malamang mula sa erya. “Ayan. Ayan tayo eh…” kapag may pinupuna. Sinabihan daw sila na paghusayan ang gawaing pagpapalawak. Ang sagot niya: “Oo na, oo na. Heto na nga kami eh.”

(5) Diva si Daniel, pero hindi mapagmataas. Mas gusto niya sigurong inaalala nang tumatawa, higit pa sa humahanga. Wala yata siyang nakausap nang matagal-tagal na hindi niya napatawa. Kaya mahal na mahal daw siya ng mga kasama at masa. Hindi siya pa-star, pero star: isa sa mga bituin ng pakikibaka sa buong bansa. Namatay man siya, patuloy siya sa pagbibigay-liwanag sa mga gustong kumuha ng direksyon at sumunod.

Napakahirap isiping patay na si Daniel. Hindi maiwasang maisip na kung buhay pa siya, pinatigil na niya ang pagbuhos ng mga parangal. Hindi siya komportable kapag siya’y pinupuri. Nagluluksa lang kami ngayon, Daniel. Pero oo na, oo na. Heto na kami.

04 Nobyembre 2011

Prospek ng Occupy sa Pilipinas
Marami sa mga progresibo ang katulad ngayon ni Prop. Leonor Magtolis-Briones ng Unibersidad ng Pilipinas: nagmumuni tungkol sa posibilidad ng pagputok ng protestang Occupy sa bansa. Halata ang simpatya niya sa pagkakaroon ng lokal na kaakibat – higit pa sa lokal na bersyon – ng ganitong protesta sa mundo. Sa isang banda, nakilala siya bilang isa sa mga lider-estudyante na nagsalaksak ng trak ng bumbero sa tarangkahan ng Malakanyang noong Sigwa ng Unang Kwarto. Anu’t anuman, heto ang ilang ambag ko sa mga umiinog na talakayan hinggil sa prospek ng protestang Occupy sa ating bansa:

(1) Mainam ang kalagayan. Hindi na siguro kailangang isa-isahin pa ang mga isyung nagpapatunay na tumitindi at titindi pa ang kahirapan at kagutuman ng mga mamamayan. Sa pangkalahatan, ang mga interes ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal, ng mga dayuhang bangko, ng malalaking panginoong maylupa, at ng mga tiwaling pulitiko ang nananaig sa bansa. Ang gobyernong Aquino, bukod sa pagpanig sa mga nabanggit na grupo, ay nagpapatupad ng di-idinedeklarang programa ng pagtitipid o austerity para sa mga mamamayan, habang pinapatindi rin ang paghuthot sa huli. Minana rin nito ang napakaraming komitment na neoliberal ng mga naunang rehimen.

(2) Ang mga aktibistang pambansa-demokratiko ang nasa pinakamainam na katayuan na pamunuan ito. Bukod sa sila ang pinakamarami, sila rin ang pinakalubog sa masa. Sila rin ang tuluy-tuloy na naglalantad at lumalaban sa pagpapatindi ng kahirapan at kagutuman. Hindi maaasahan ang mga grupong nagpapakilalang “Kaliwa” pero todong nagpalamon sa gobyernong Aquino. Takot na takot silang magalit ang kanilang alyado dahil sa kung anong protesta; takot na takot silang matanggalan ng posisyon at sweldo sa gobyerno. Hindi nila iniisip ang magandang kalagayan para magmulat at mag-organisa dahil wala naman silang tinatanaw na rebolusyon sa saklaw ng kanilang buhay.

(3) Nakatuntong ito sa lawak at lakas ng mga naunang protesta ng mga mamamayan. Sa propaganda, may naipundar nang puhunan hinggil sa iba’t ibang isyu; ang hamon ay kung paano ikakawing at itataas ang mga ito – sa isang paraan na madaling maunawaan ng marami. Sa lunsaran ng protesta, may mga nahawan nang sentro ng protesta; ang hamon ay kung paano eengganyuhin ang mga mamamayan sa paligid nito na lumahok. Sa mahalagang suporta ng mga nasa panggitnang uri, sila mismo ay nakakaramdam ng krisis at sila ang mas inaabot, sa pamamagitan ng Facebook at iba pang social networking sites, ng impormasyon at ahitasyon hinggil sa protestang Occupy sa US.

(4) Ang isang susi ay ang pagtukoy sa puntirya ng protesta batay sa iba’t ibang isyu. Sa US, “corporate greed” ang tampok na target ng protesta. Sa Pilipinas, isang panukala ang “Kapitalistang Gahaman, Kasabwat na Pamahalaan.” Sa US, ang panahong binabalik-tanawan ay ang “gera kontra-terorismo” simula 2001 at tampok ang pagsambulat ng matinding krisis noong 2008. Sa Pilipinas, maaari ring simula 2001, sa bungad ng pagrereyna ni Gloria Macapagal-Arroyo. O mas maaga, sa 1992, bungad ng rehimen ni Fidel Ramos. Kung ang huli ang pipiliin, kailangan at ibubunga ng protesta ang pagbuo sa kamalayan ng mga mamamayan ng epekto ng neoliberalismo sa bansa.

(5) Mahirap kung ilulunsad ang protestang Occupy sa Makati na, tulad ng Wall Street, ay sentro ng pampinansyang aktibidad sa bansa. Malayo kasi ito sa malawak na mamamayan na maaasahang lalahok. Maaari ang Maynila para malapit sa mga sentro ng kapangyarihan at tradisyunal na pinagraralihan, tulad ng Mendiola at US Embassy. Pero ang mahalaga ay kung saan ito makakaakit ng malawak na paglahok at suporta ng mga mamamayan. Pwede ang Morayta, Welcome Rotonda, o Quezon City Memorial Circle. Ayon sa isang balita, nakaasa ang mga nagpoprotesta sa Wall Street sa kabaitan ng Burger King sa pagpapagamit ng kubeta. Ganito kaya ang mangyayari sa bansa?

(6) Ilan pang punto: Mas mainam kung hindi magtatagal ang protesta nang walang taning. Mas magiging rurok ito ng protesta, na maaaring tumagal nang ilang araw, pero hindi pipiliting isustine nang matagal. Ang mas mahalaga pa rin ay ang pag-abot, paghikayat at pagpapakilos sa paparaming mamamayan sa kanilang konsentrasyon. Tiyak na magiging mahalaga ang papel rito ng mga kabataan at estudyante, silang kayang tumao sa paglulunsaran ng protesta. Sigurado, may musika rito, na pwedeng pana-panahon o gabi-gabing rumurok sa mga konsyerto. Babalik-aralan at tutugtugin ang maraming awit at himig ng protesta, at maging mga awit at himig ng pagrerebelde.

24 Oktubre 2011