Articles by Teo S. Marasigan
Popular pa rin si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III. Malamang na hindi sa antas na sinasabi ng mga sarbey, dahil nasa pamunuan ng dalawang nangungunang kumpanya ng sarbey sa bansa ang kadikit at kamag-anak niya. Pero tiyak na malayo sa inabot na suklam sa rehimen ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Syempre pa at syempre naman.
O mga Liham sa Patnugot hinggil sa Kung Anu-ano. Hanga ako sa liham sa patnugot bilang porma ng pagsulat: magaang, direkta-sa-punto, maiksi at naglalahad ng personal na paghusga, kahit ng suhetibismo. Heto ang ilan tungkol sa ilang isyu.
Setyembre 16, 1991. Kahit aktibo siya sa mga debate sa eskwela tungkol sa isyu, hindi niya alam kung kailan pagbobotohan ang ekstensyon ng US-RP Military Bases Agreement. Tutol siya, salamat sa mga babasahing uwi ng ate niya, bukod pa sa natural yatang pagkampi sa mga rebelde.
Hindi ko inakalang magiging ganito ka-sikat ang planking. Noong ipinapakilala pa lang ito ng mga kabataang aktibista sa bansa, ang inisip ko, uso lang ito na lilipas din. May reserbasyon pa nga ako dahil pasibo ang itsura, hindi palaban. Tapos mas madalas ay iilan lang ang gumagawa, hindi maramihan. Parang mas indibidwal na kalokohan kaysa sama-samang pagkilos o paglaban. Parang mas pakikiuso kaysa pakikibaka. Peace!
Ano kayang pumasok sa kukote ng mga tagapayo ng gobyernong Aquino at sunud-sunod nilang ipinapatupad ang mga patakarang lalong nagpapahirap sa mga mamamayan? Kahit ang posibilidad na magdudulot ang mga hakbanging ito ng malawak at matitinding protesta, parang hindi nila alintana.
Marami, ang totoo’y napakarami, nang naisulat tungkol sa kontrobersyal at ipinasarang eksibit na “Kulô” sa Cultural Center of the Philippines, partikular sa likhang-sining na “Poleteismo” ng alagad ng sining na si Mideo Cruz. May ilan lang akong gustong idagdag o patampukin, batay sa mga nakita kong larawan/bidyo ng likhang-sining sa Internet.
Usap-usapan ang matinding krisis na bumabayo ngayon sa ekonomiya ng US, gayundin ang masamang epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas. Mababawasan ng uutangan ang rehimeng Aquino – mas para sa operasyon nito, dahil hindi naman sa serbisyong panlipunan napupunta ang pondo nito.
Matapos ulanin ng batikos, natabunan ng ibang balita ang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino. Kasamang natabunan ang isang balitang may batayang tingnan bilang paghahanda rito: ang pagpapadala umano ni Virgilio “Garci” Garcillano, sikat na dating komisyoner ng Comelec, ng paramdam o feelers na handa na itong magkwento ng buong nalalaman hinggil sa kontrobersyang nakapangalan sa kanya.
Nitong Hunyo 26, Linggo, maaga siyang gumising para pumunta sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Sa petsang iyun, limang taon nang dinukot ng mga militar ang mga aktibistang sina Karen Empeño, Sherlyn Cadapan at Manuel Merino. May paggunita raw, pagpanawagan ng paglitaw at katarungan, sa academic oval na magsisimula sa tapat ng Palma Hall. Nagulat siya sa [...]
Hindi mahirap hulaan ang mga magiging laman o sangkap ng darating na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 25.