Pinoy Weekly » Balita http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Tue, 12 May 2015 22:16:16 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.2.1 Health workers call for compensation, stop to PPP http://pinoyweekly.org/new/2015/05/health-workers-call-for-compensation-stop-to-ppp/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/health-workers-call-for-compensation-stop-to-ppp/#comments Tue, 12 May 2015 21:42:41 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34926 Health workers by the hundreds flooded the streets of Manila carrying placards that call out President Aquino’s “incompetence” for not keeping his word for the health sector.

Participants of the protest rallied at the Chino Roces bridge and identified themselves as affiliates of the Alliance of Health workers (AHW).

AHW is the labor center for health workers, which advocates for health workers’ rights, and healthcare.

The protesters asserted that health workers need more benefits, and that Public-Private-Partnerships targetting the health sector need to be abolished.

They said that they need more compensation, benefits, and job security. Many, if not most, of the protesters used to be ,or are still contractual workers in the health sector.

They also called for the boycott of the Private-Public-Partnership program of the Aquino government. They said that it was a move by the government to abandon their responsibility to its labor workers and ultimately its citizens.

To this day, thousands of health workers still suffer from contractualization, entailing irregular schedules and backbreaking long hours that are painstakingly compensated by substandard wages.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/health-workers-call-for-compensation-stop-to-ppp/feed/ 0
Celia Veloso, iba pang nanay binigyang-pugay sa Araw ng mga Ina http://pinoyweekly.org/new/2015/05/celia-veloso-pang-mga-nanay-binigyang-pugay-sa-araw-ng-mga-ina/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/celia-veloso-pang-mga-nanay-binigyang-pugay-sa-araw-ng-mga-ina/#comments Sun, 10 May 2015 16:05:07 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34902 Mothers Walk for Mary Jane, isinagawa sa Quezon Memorial Circle sa Araw ng mga Ina. <strong>Pher Pasion</strong>

Mothers Walk for Mary Jane, isinagawa sa Quezon Memorial Circle sa Araw ng mga Ina. Pher Pasion

Bitbit ang mga rosas at mga lobo, sama-samang ginunita ng mga nanay ang Araw ng mga Ina na pinangunahan ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane Veloso, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Kasama ang mga grupong Gabriela, Gabriela Women’s Party at Migrante International, tinawag nila itong “Mothers Walk for Mary Jane” bilang patuloy na pasasalamat sa mga ina na sumuporta kay Mary Jane at pagpapatuloy sa panawagan na mailigtas siya at mapauwi na sa Pilipinas.

“Nagpapasalamat po ako at buo naming pamilya sa lahat ng mga tumulong sa aking anak. Bilang ina, kailangan po nating maging matatag at ipaglaban ang para sa atin. Huwag tayong pumayag na habambuhay ay tapak-tapakan tayo,” ayon kay Celia.

Celia Veloso, ina ni Mary Jane, na nag-abot ng mga rosas sa mga ina sa Quezon Memorial Circle habang nagpapasalamat sa mga ina at pagbibigay pagbati sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina. <strong>Pher Pasion</strong>

Celia Veloso, ina ni Mary Jane, na nag-abot ng mga rosas sa mga ina sa Quezon Memorial Circle habang nagpapasalamat sa mga ina at pagbibigay pagbati sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina. Pher Pasion

Ayon naman kay Gabriela Women’s Party Rep. Emmi De Jesus, kanilang ipinagdiriwang ang araw na ito sa diwa ng pagpapahalaga sa mga nanay sa pagtataguyod ng mga isyu sa kanilang komunidad, sa mga isyu ng bayan.

Nakiisa din sa nasabing pagtitipon ang mga ina ng mga overseas Filipino workers na nakakulong sa ibayong dagat. Nanawagan si Editha Dacanay, ina ni Rose Dacanay na nasa death row ngayon sa Saudti Arabia, ng tulong sa publiko.

Gayundin ang tulong na hinihingi ni Maritess Aquino, ina ni Edmar Aquino na anim na tanon ng nakakulong sa Iran.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/celia-veloso-pang-mga-nanay-binigyang-pugay-sa-araw-ng-mga-ina/feed/ 0
Ilegal na rekruter ng ‘DC Teachers’, pinagpapanagot ng DOJ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/ilegal-na-rekruter-ng-dc-teachers-pinagpapanagot-ng-doj/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/ilegal-na-rekruter-ng-dc-teachers-pinagpapanagot-ng-doj/#comments Sun, 10 May 2015 16:01:15 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34893 wanted-isidro

Poster ng Migrante International para sa paghahanap kay Isidro Rodriguez

Isa na namang inisyal na tagumpay laban sa illegal recruitment ang natamasa ng mga biktima nito.

Inilabas ng Department of Justice (DOJ) noong Abril 30 ang resolusyon na nagsasaad na hatol na guilty kay Isidro Rodriguez sa mga kasong large-scale illegal recruitment at syndicated estafa. Tugon ito sa reklamong isinampa ng ilan sa may 300 guro na nabiktima ni Rodriguez.

Masayang tinanggap ng Migrante International ang resolusyon, na mahigit isang taon matapos tinugunan ng ayuda ng mga guro, na narekruta ni Rodriguez para magturo sa Washington DC, US pero kung saan-saang trabaho ipinasok.

Ayon sa Migrante, inisyal na tagumpay ito para sa nabiktimang mga guro.

Noong Disyembre 18, 2013 pa nang nakipag-usap ang ilang miyembro ng tinaguriang “DC Teachers”, kasama ang Migrante International at Gabriela, sa National Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Department of Justice (DOJ).

“Tuluy-tuloy ang tagumpay ng sama-samang pagkilos at paglaban. Maghihitay kami ng paborableng resolusyon para naman sa motion for reconsideration na isnampa namin ukol sa trafficking cases,” ani Sol Pillas, pangkalahatang kalihim ng Migrante International.

Umaasa sana ang mga biktima, maging ang Migrante at Gabriela, na makasuhan din si Rodriguez sa ilalim ng Republic Act No. 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 bilang unang kaso ng human trafficking na mapaparusahan sa ilalim ng naturang batas.

Pero ayon sa Migrante, tila, minaliit ito noon ng DOJ. Saad noon ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, “‘Yung mga napapalis na nasa US na may 50 teachers ay dinidinig na yung kaso nila sa human trafficking. (Pero) kapag dito (sa Pilipinas), hindi nila kinonsider na trafficking ito, kahit may mahigit 100 complainant.”

Nakatala si Rodriguez bilang isa sa notoryus na mga illegal recruiter at human trafficker, ayon sa konsulada ng Pilipinas sa Estados Unidos. Mayroon pa rin siyang nakabinbin na mga kaso sa US na isinampa ng mga nabiktima niya at ngayo’y nakabase sa US.

Pawang lisensiyado at propesyunal na mga guro ang nabiktima ni Rodriguez. Hindi bababa sa 500 katao ang mga biktimang ito, sa ilalim ng mga ahensiyang Renaissance Staffing and Support, Inc., (kilala dati na Great Provider Service Exporters, Inc.), at ang katuwang nito sa US na Green Life Care International, LLC.

Umaabot sa hanggang kalahating milyong piso ang nasingil ni Rodriguez sa bawat isa para umano sa “processing, service, pick-up, housing and interview fees”. Pangakong trabaho sa iba’t ibang paralan sa US ang alok sa mga nabiktima, ngunit wala naman palang ganoon na maaabutan ang mga nakaalis ng bansa.

Nasentensiyahan na rin si Rodriguez ng 11-taong pagkakabilanggo noong Nobyembre ng nakaraang taon, sa kasong pambibiktima ng isang guro. Ngunit malayo pa ito sa hinihiling ng iba pang mga biktima dahil iisa lamang ito habang nakaantabay pa ang iba pang patong na patong na kaso kay Rodriguez.

Patuloy rin umano ang pagmamatyag sa mga kinaroroonan ni Rodriguez. Napabalitaang nakita siya sa Madrid, Spain.

Sinabi ni Pillas na patuloy ang kanilang pangangalampag sa DOJ upang aksiyunan ang iba pang mga kaso kay Rodriguez.

“Patuloy ang aming pagmamatyag at pangangalampag hangga’t matamasa ng mga biktima ang hustisya, at panawagan din namin, na arestuhin na sa lalo’t madaling panhon si Rodriguez,” dugtong pa ni Pillas.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/ilegal-na-rekruter-ng-dc-teachers-pinagpapanagot-ng-doj/feed/ 0
Kaso ni Mary Jane, kailangang batayan ng taumbayan http://pinoyweekly.org/new/2015/05/kaso-ni-mary-jane-kailangang-batayan-ng-taumbayan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/kaso-ni-mary-jane-kailangang-batayan-ng-taumbayan/#comments Sun, 10 May 2015 15:50:40 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34898 Preliminary investigation ng Department of Justice sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon sa kaso laban sa mga illegal recruiter di umano ni Mary Jane Veloso. <strong>Pher Pasion</strong>

Preliminary investigation ng Department of Justice sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon sa kaso laban sa mga illegal recruiter di umano ni Mary Jane Veloso. Pher Pasion

Nagprotesta ang iba’t ibang mga grupo sa harapan ng Department of Justice (DOJ) sa pagbubukas ng preliminary investigation sa kaso nina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao, ang itinuturong mga rekruter ni Mary Jane Veloso.

Ayon kay Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kailangang patuloy na manawagan sa pagliligtas at pagpapalaya kay Mary Jane.

“Hindi dapat na hayaan na muling matulog ang kaso ni Mary Jane lalo na’t nasa gobyerno na ng Pilipinas nakasalalay ang kaso ni Mary Jane,” ayon kay Reyes.

Nagbigay ng hanggang Mayo 11 ang DOJ para sa pagsusumite ng lahat ng ebidensiya laban sa mga suspek. Matapos ang nasabing deadline, hindi na tatanggap ng ano pa mang ebidensiya ang DOJ.

Kinuwestiyon naman ni Edre Olalia, abogado ng pamilya Veloso, ang pagbibigay ng mga abogado mula sa Public Attorneys Office (PAO) kina Sergio at Lacanilla. Tanong ni Olalia, kung dapat bang bigyan ng serbisyo ng PAO sina Sergio kung may kakayahan naman itong magbayad ng pribadong abogado.

Hindi naman nakapagbigay agad ng legal na batayan ang mga abogado ng PAO. Binigyan sila ng DOJ hanggang Mayo 11 para isumite ang kaukulang legal na batayan para ipresenta sina Sergio at Lacanilao.

Nagprotesta ang iba't ibang grupo sa harapan ng Department of Justice sa pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ng umano'y mga rekurter ni Mary Jane Veloso. <strong>Pher Pasion</strong>Nagprotesta ang iba't ibang grupo sa harapan ng Department of Justice sa pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ng umano'y mga rekurter ni Mary Jane Veloso. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagprotesta ang iba’t ibang grupo sa harapan ng Department of Justice sa pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ng umano’y mga rekurter ni Mary Jane Veloso. Pher Pasion

“Nililinawin namin, may karapatan ang respondents sa abogado. Hindi namin inaalis yan… Ang punto, bakit sa isang taong labas masok ng Pilipinas, in one month tatlo, apat, lima? Paano naging indigent yun? Pinagkakait mo yung nangangailangan,” ayon kay Olalia.

Pinabulaanan din ni Olalia na minamadali ang proceedings ng kaso. Kung talagang inosente sina Sergio nasa bentahe umano ng kabilang kampo na magmadali.

“Ayaw din namin na maparatangan na niratsada. Hindi kami papaya kasi dapat may integridad ang legal proceedings para kung maging tuntungan ito Indonesia ay walang kuwestiyon. Kailangan ang integridad ng proceeding, yung awtoridad ng abogado niya,” ayon kay Olalia.

Samantala, ayon kay Howard Areza, abogado nina Sergio at Lacanilao, mula sa PAO, wala umanong inamin sina Sergio patungkol sa lumabas na balita kamakailan na inamin di umano nila na sangkot sila sa isang international na sindikato ng droga sa imbestigasyong isinagawa ng National Bureau of Investigation.

“Yung confession na sinasabi hindi ko alam kung saan nila kinuha. In fact, hindi ko alam kung bakit isinama doon sa resolution. Hindi ko malaman yung mga facts doon kung saan nila kinuha,” ayon kay Areza.

Ayon naman kay Olalia, hindi pa sila nakakakuha ng kopya ng nasabing imbestigasyon na pag-amin umano nila Sergio.

Nakatakda naman sa Mayo 20, 25, at Hunyo 1 ang mga susunod na pagdinig para bigyan ng sapat na panahon ang mga inaakusahan sa kanilang counter affidavits.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/kaso-ni-mary-jane-kailangang-batayan-ng-taumbayan/feed/ 0
Mga lider-kawani ng gobyerno, hinaharas ng militar http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/#comments Tue, 05 May 2015 18:55:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34833 Mga sulat na ipinadala sa iba't ibang lider-kawani bago ang Mayo Uno. <b>Darius Galang</b>

Mga sulat na ipinadala sa iba’t ibang lider-kawani bago ang Mayo Uno. Darius Galang

Ferdie Gaite ng Courage <b>PW File Photo</b>

Ferdie Gaite ng Courage PW File Photo

Sa likod ng malaking pagkilos ng mga manggagawa noong Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, naganap ang panghaharas sa mga kawani at manggagawa ng pamahalaan.

Isiniwalat kamakailan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Empoyees (Courage) ang panghaharas sa mga nasa pamunuan ng mga unyon ng mga kawani sa pamahalaan.

Ibinahagi ni Rosalinda Nartates, tagapangulo Consolidated Union of Employees of the NHA (CUE-NHA) na nakapailalim sa Courage, na isang Capt. Evangelista ng Philippine Army ang nakapirma sa isang sulat-kamay sa liham na kanyang natanggap. Isa pang lider ng unyon ang nakatanggap na kaparehas na liham.

Hindi lamang si Nartates ang nakatanggap ng kaparehas na liham. Ibinunyag din ni Manny Baclagon, tagapangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines-Department of Social Welfare and Development (SWEAP-DSWD) na nakatanggap siya ng kaparehas na liham, na ipinadala direkta sa kanilang bahay.

Nag-ulat din ang National Food Authority Employees Association ng kahaintulad na liham na nilagdaan ng isang Capt. Mandiwang at isang “Jay.”

Bukod sa mga liham, nag-ulat din si Tess Gonzales ng Kapisanan Para sa Kagalingan ng mga Kawani ng MMDA (KKK-MMDA) ng pagmamanman ng dalawang hindi nagpakilalang lalake sa sa kanilang opisina.

Diumano’y hinahanap siya at hiniling na magpunta sa isang lugar upang makapag-usap. Nang tumanggi si Gonzales, nagpakilala ang dalawa bilang galing sa mga unyon, ngunit umalis nang tinanong ang kanilang mga pangalan.

Sa mga sulat na ito, nakasaad ang mga numero ng kanilang umano’y lalapitan, upang umano’y makipagtulungan, dahil ayon sa mga liham, alam na ng nagpadala ng liham na naibunyag na ang kanilang “pagiging miyembro ng nangununang organo ng Communist Party of the Philippines”.

Sinabi ni Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Courage, na direktang atake ito sa kanila at walang ibang sisisihin kundi ang gobyerno kapag may nangyaring masama sa kanila.

“Patunay ito na matagal na nila kaming minamanmanan, alam nila kung saan kami nakatira, anong oras kami pumapasok at umuuwi,” ani Gaite.

Pinanatili niya na walang ginagawang masama ang kanyang mga kasama sa Courage.

“Kung mayroon man kaming aaminin, iyon ang krimen ng organisadong pagkilos upang isulong ang mga karapatan ng mga kawani ng pamahalaan at isulong ang tunay na serbisyo publiko,” sabi pa ni Gaite.

Malaki ang kanilang hinala na nakadugtong ang mga liham at paniniktik sa paghahanda ng pagkilos para sa Mayo 1. Inalala rin nila ang nangyari kay Randy Vegas at Raul Camposano, dalawang kasapi ng Courage na dinakip at ikinulong sa Bikol sa mga gawa-gawang kaso na isinampa ng militar.

“Ang aming pagsali sa pagkilos noong Mayo Uno ay patikim lamang sa mga nalalabing buwan ng pamamahala ni Pangulong Aquino na nagpahirap sa mahigit 1.4 milyong kawani ng pamahalaan,” pagtatapos niya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/feed/ 0
Mary Jane’s second appeal rejected, supporters continue with vigil http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mary-janes-second-appeal-rejected-supporters-continue-with-appeal/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mary-janes-second-appeal-rejected-supporters-continue-with-appeal/#comments Mon, 27 Apr 2015 20:07:27 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34654 savemaryjaneveloso-featuredIndonesia’s Sleman district court rejected the appeal of Mary Jane Veloso for second judicial review on her case today. Minerva Lopez, one of the Filipino lawyers of Mary Jane, confirmed the decision in a press conference held in front of the Indonesian embassy in Makati City where Mary Jane’s supporters held a vigil.

“We confirm that 4:15 in the afternoon, Mary Jane’s second application for judicial review was been rejected,” said Lopez, who just came from Indonesia. “The biggest option now is political action from the Filipino people and people all over the world who are supporting Mary Jane.”

The appeal was denied based on a technicality in the Indonesian Supreme Court rule that only one judicial review per case may be allowed.

But according to Mary Jane’s Indonesian lawyers, said Lopez, there were instances when a second judicial review was allowes by the Indonesian courts.

“At the moment, our Indonesian counterpart lawyers are studying what may be our next possible move to save the life of Mary Jane,” said Lopez.

Gary Martinez, chairperson of Migrante International, hit Indonesian President Joko Widodo’s “double standard”. Martinez cited Widodo’s decision to halt the execution of a French national due to pressure imposed by the French president.

“He is heartless. Is (the decision not to grant clemency to Mary Jane) because our country is poor and we have a President who cannot stand for its people? What is more painful is that they (Indonesia) will kill an innocent Filipina and President Aquino does nothing. There will be blood in Aquino’s hands in the next hours,” said Martinez.

Barred from prison island

Migrante, meanwhile, condemned the Philippine government and the Department of Foreign Affairs (DFA) for not allowing Edre Olalia, one of Mary Jane private lawyers from National Union of People’s Lawyers, to go with the Veloso family in their visit to Mary Jane in the prison island.

The purported reason given was that there were stricter security measures that day. Neither the Philippine ambassador, the consul general nor the DFA representatives took the chance to explain to Olalia why he was disallowed from joining Veloso delegation even after he was duly recognized by the Indonesian authorities and the Integrated Bar of the Philippines.

No embassy or DFA representative asserted Olalia’s legal standing to the Indonesian authorities, according to Migrante.

Intensifying actions

As crucial hours approached before Mary Jane’s execution, Mary Jane’s supporters called on the Filipino people and supporters around the world to intensify their call and actions to save the life of Mary Jane.

“It is not acceptable. If the government gave up already, it is now the people who can only save Mary Jane,” said Martinez.

Various sectors across the country have shown their solidarity to save the life of Mary Jane. Even international boxing icon, Manny Pacquiao appealed to President Widodo to halt the executiion. He also appealled to Filipino people to pray for Mary Jane.

“This is horrible news we received this afternoon. The Philippine president must exhaust all possible means to secure the safety of our kababayan, Mary Jane Veloso. The Philippine president must step up in appealing to the Indonesian president to halt the execution,” said Renato Reyes Jr., secretary-general of multi-sectoral group Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mary-janes-second-appeal-rejected-supporters-continue-with-appeal/feed/ 0
‘Gobyerno ng Pilipinas, nagsisinungaling sa kaso ni Mary Jane’ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/gobyerno-ng-pilipinas-nagsisinungaling-sa-kaso-ni-mary-jane/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/gobyerno-ng-pilipinas-nagsisinungaling-sa-kaso-ni-mary-jane/#comments Sat, 25 Apr 2015 03:08:29 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34623 Protesta ng Migrante International sa harapan ng Department of Foreign Affairs para sa pagsasalba ng buhay ni Mary Jane Veloso. <strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng Migrante International sa harapan ng Department of Foreign Affairs para sa pagsasalba ng buhay ni Mary Jane Veloso. Pher Pasion

“Pawang mga kasinungalingan” ng administrasyong Aquino ang natuklasan ng mga abogado ni Mary Jane Veloso sa kanilang pagdating sa Indonesia para tumulong sa kaso.

Taliwas sa sinasabi ng gobyerno ng Pilipinas na ginagawa nila ang lahat para kay Mary Jane, malinaw na kapabayaan ang ginawa sa kaso ni Mary Jane, ayon sa PH legat team sa pangunguna nina Edre Olalia at Minnie Lopez, mga abogabo ni Mary Jane mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ayon sa mga ulat sa midya, umutos na ang gobyerno ng Indonesia sa pangunguna ni Pang. Joko Widodo na bitayin si Mary Jane.

Hindi pa rin naisusumite umano ng gobyerno ng Pilipinas ang apela nito para sa second judicial review. Sa pinakahuling pahayag ng Migrante, naisumite na ng mga abogado ni Mary Jane, ngayon lamang Abril 24, 2015 ganap na 3:50 ng hapon ang apela para sa second judicial review para sa kaso ni Mary Jane.

Nakikipag-usap ang human rights lawyer na si Edre Olalia sa mga kapwa abogadong Indonesian sa harap ng isang bilding sa Jakarta. Larawan mula sa FB page <b>Save the Life of Mary Jane Veloso</b>

Nakikipag-usap ang human rights lawyer na si Edre Olalia sa mga kapwa abogadong Indonesian sa harap ng isang bilding sa Jakarta. Larawan mula sa FB page Save the Life of Mary Jane Veloso

Sa  pakikipag-usap din ng PH legal team sa Rudyantho & Partners (R&P), mga abogadong Indonesian ni Mary Jane, kanilang natuklasan na hindi totoo na nagbigay ang embahada ng Pilipinas kay Mary Jane ng abogado mula sa umpisa ng kaso. Kinumpirma umano ito ng isang Atty. Agus Salim, na sa appeal stage lamang kinuha ng embahada ang serbisyo ng R&P.

Bago at sa pagtakbo ng pagdinig sa korte, isang abogado ng korte, katulad ng Public Assistance Office (PAO) sa Pilipinas ang nagrepresinta lamang kay Mary Jane.

Sa mga lumipas na taon, humingi na umano ng tulong ang R&P sa gobyernong Aquino para imbestigahan si Kristina “Tintin” Sergio, ang itinuturong recruiter at trafficker ni Mary Jane, kahit bago pa man maisumite ang unag petisyon para sa judicial review.

Malaking instrumento sana ito para sa pag-apela nila. Dismayado sila nang malamang inasikaso lamang umano ito ng gobyerno ng Pilipinas matapos ibasura ng Indonesian Supreme Court ang judicial review noong Marso 25, 2015.

Nito lamang Abril 16, 2015 nakapagsumite ng letter-complaint laban kay Sergio, sa tulong ng mga abogado ng NUPL na pawang mga pro bono (o nagbigay ng libreng serbisyo), sa National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Inter-Agency Council against Trafficking (IACAT).

Isang sertipikasyon mula sa may mga awtoridad sa Pilipinas na nakasalin sa Bahasa ay krusyal para suportahan ang paghiling sa second judicial review. Hinihintay pa rin sa kasalukuyan ang nasabing sertipikasyon.

Nito lamang nakaraang lingo nang ibigay ng embahada ng Pilipinas sa R&P ang mga opisyal na salin ng una at ikalawang hatol sa kaso ni Mary Jane. Oktobre 11, 2010 nang hatulan si Mary Jane ng kamatayan ng District Court of Justice of Sleman sa Yogjakarta, Indonesia. Pinagtibay naman ng Court of Appeal ng Yogjakarta ang parusang kamatayan kay Mary Jane noong Pebrero 10, 2011.

Sa isinumiteng report ng PDEA para sa plano nitong pagtulong sa pagsumite ng second petition for judicial review, na nagmula sa testimonya ni Mary Jane matapos siyang bisitahin noong Marso 29, 2015, nito lamang Abril 23, 2015 nakatanggap ang R&P ng salin ng report sa Bahasa. Halos isang buwan matapos makuha ng PDEA ang testimonya ni Mary Jane.

Hindi pa umano nakikipagkoordina ang PDEA sa Indonesian counterpart nito na Basan Narkotika Basional (BNN) para ipagkumpara ang resulta ng kanilang mga imbestigasyon. Hindi pa nakakakuha ng kopya ng report ang PH legal team at ang R&P.

Hindi rin daw totoo ang sinasabi ng gobyerno ng Pilipinas na hindi agad mangyayari ang pagbitay kay Mary Jane hangga’t hindi nareresolba ang lahat ng apela ng Bali 9 (isang sindikato ng droga sa Indonesia kung saan pilit iniuugnay si Mary Jane).

Nilinaw ng R&P na walang epekto ang pagkakabinbin ng apela ng Bali 9 sa sentensiyang kamatayan kay Mary Jane, kaya higit ang agarang makuha ang mga kinakailangang dokumento mula sa gobyerno ng Pilipinas para maisalba si Mary Jane.

“Ang katotohanan ay walang ginawa ang gobyernong Aquino sa kaso ni Mary Jane, kaya nagkukumahog sila ngayon. Nasa bingit ng kamatayan ang isang inosente nating kababayan dahil sa kapabayaan at kawalang-pakialam ng gobyerno. Hindi ito bago. Ganito rin sa lahat ng mga OFW. Ganito rin sa Mamasapano. Ganito rin sa Hacienda Luisita. Ganito rin kay Jennifer Laude. Ganito rin kay Kristel Tejada. Ganito rin sa lahat ng Pilipino,” ayon kay Garry Martinez, chairperson ng Migrante International.

Nanawagan si Martinez sa lahat ng mga tagasuporta ng #SaveMaryJaneVeloso campaign na panagutin ang administrasyong Aquino sa “kriminal na kapabayaan” nito sa kaso ni Mary Jane.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/gobyerno-ng-pilipinas-nagsisinungaling-sa-kaso-ni-mary-jane/feed/ 0
Kawalan ng trabaho sa Pilipinas, nagtulak kay Mary Jane Veloso na mangibang-bansa — Gabriela http://pinoyweekly.org/new/2015/04/kawalan-ng-trabaho-sa-pilipinas-nagtulak-kay-mary-jane-veloso-na-mangibang-bansa-gabriela/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/kawalan-ng-trabaho-sa-pilipinas-nagtulak-kay-mary-jane-veloso-na-mangibang-bansa-gabriela/#comments Sat, 25 Apr 2015 02:46:24 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34613 Nagtungo sa Mendiola sa Maynila ang kababaihan sa ilalim ng Gabriela para sa trabaho sa bansa at pagsalba sa buhay ni Mary Jane Veloso at iba pang mga migranteng Pilipino na nasa death row. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagtungo sa Mendiola sa Maynila ang kababaihan sa ilalim ng Gabriela para sa trabaho sa bansa at pagsalba sa buhay ni Mary Jane Veloso at iba pang mga migranteng Pilipino na nasa death row. Pher Pasion

Nagtungo ang kababaihan ng Gabriela sa Mendiola mula Trabaho Market sa Maynila para singilin ang administrasyong Aquino sa patuloy na kawalan ng tunay na trabaho para sa mga mamamayan na nagtutulak sa maraming Pilipino para mangibang bayan.

Bahagi rin ito ng panawagawan nila para isalba ang buhay ni Mary Jane Veloso, Pilipinang hinatulan ng kamatayan sa Indonesia.

Tinawag nilang “Martsa ng Kababaihan para sa regular na trabaho sa sariling bayan” ang nasa nasabing pagkilos. Kanilang iginigiit sa administrasyong Aquino na lumikha ng mga pambansang industriyang magbibigay ng trabaho sa loob ng bansa para hindi mapilitang umalis ng Pilipinas ang maraming Pilipino tulad ni Veloso.

Maraming nais magtrabaho para mabuhay pero walang trabahong mapasukan, ayon kay Misty Lorin, deputy-secretary general ng Gabriela.

“Kung anu-anong trabaho na lang ang pinapasukan gaya ng paggugupit, pagtitinda, paglilinis ng kuko, at kung anu-ano pa para lamang may mapakain sa pamilya. Lahat naghahanap at nawawalan ng trabaho sa bansa dahil na rin sa neo-liberal na mga polisiyang ipinatutupad ng gobyernong Aquino,” ayon kay Lorin.

Dahil sa kawalan ng trabaho, nasa 6,000 Pilipino ang lumalabas ng bansa para doon makipagsapalaran, ayon sa Migrante. Ganito na umano ang naging kuwento ng buhay ng maraming Pilipino na pikit-matang iniiwan ang kanilang mga pamilya para makapaghanapbuhay dayuhang bayan, ayon sa Migrante International.

“Isa lamang si Mary Jane sa maraming Pilipinong nasa bingit ng kamatayan na hindi man lamang matulungan ng mismong gobyerno ng Pilipinas. Maraming kababayan natin ang nasa kulungan, biktima ng iba’t ibang anyo ng karahasan at pang-aabuso pero wala silang makuhang tulong mula sa gobyerno,” ayon kay Sol Pillas, secretary-general ng Migrante.

Ayon naman kay Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus, hindi mga hangal ang mga migranteng Pilipino na nagnanais ng mapanganib na trabaho sa ibang bansa. Nagagawa nila ito dahil sa desperasyon na humanap ng trabaho na hindi nila makita sa Pilipinas.

Gayundin, isinusulong ng GWP ang House Bill 4396 o Regular Employment Bill para ipagbawal ang mga mapang-abusong kontrata sa paggawa sa bansa para masigurong mayroong disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod at benepisyo ang mga Pilipino.

“Pero ang hakbang nating ito sa Kongreso ay ambag lamang. Nasa kamay pa rin ng mamamayan, nasa sama-sama nating pagkilos sa labas ng Kongreso ang ikatatagumpay para wakasan ang sistema ng kontraktuwalisasyon sa bansa,” ayon kay De Jesus.

Dagdag ni Lorin, imbes na paglikha sa pambansang industriya, pinasasahol pa umano ng gobyerno ang pribatisasyon ng mga mahahalagang industriya gaya ng kuryente, tubig, at langis na siyang naging dahilan ng pataas nang pataas na singil sa mga ito.

“Ngayong darating na buwan ng Mayo, tataas na naman ang singil sa kuryente, tubig ng Maynilad, at presyo ng langis. Mas lalo pang matindi ang epekto nito dahil limos lamang ang binibigay na dagdag-sahod sa mga manggagawa,” ayon kay Lorin.

Umaasa ang Gabriela na makikisimpatya ang mga mamamayan sa kaso ni Mary Jane dahil tiyak na may isang  OFW sa pamilya o sa kamag-anak nila at nararamdaman din nila ang epekto ng hirap ng buhay sa Pilipinas lalo na at walang trabaho sa bansa.

Makikiisa umano ang kababaihan sa kilos-protesta sa Mayo Uno, pandaigdigang araw ng mga manggagawa, para singilin ang administrasyong Aquino sa mga pag-atake at pagpapabaya nito sa mga manggagawa at mamamayan.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/kawalan-ng-trabaho-sa-pilipinas-nagtulak-kay-mary-jane-veloso-na-mangibang-bansa-gabriela/feed/ 0
Larawan | Ika-42 taon ng pagkakatatag ng NDF, ginunita sa raling iglap http://pinoyweekly.org/new/2015/04/larawan-ika-42-taon-ng-pagkakatatag-ng-ndf-ginunita-sa-raling-iglap/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/larawan-ika-42-taon-ng-pagkakatatag-ng-ndf-ginunita-sa-raling-iglap/#comments Fri, 24 Apr 2015 16:55:24 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34603 Nagsagawa ng raling iglap sa mataong kalsada ng EDSA at Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City ang  rebolusyonaryong mga organisasyong kaanib ng National Democratic Front (NDF), bilang paggunita sa ika-42 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Sa kanilang martsa, muling ipinanawagan ng NDF ang pagpapatalsik sa namamayaning sistemang pampulitika at panlipunan sa Pilipinas na kinakatawan ng administrasyong Aquino. Ayon sa NDF,  sunud-sunuran lang ang administrasyong Aquino sa dikta ng imperyalismong Estados Unidos.

Hinikayat din ang publiko ng mga nagmartsa na lumahok sa digmang bayan na pinapangunahan ng New People’s Army 0 NPA sa kanayunan para anila sa pagpapalaya ng sambayanan.

Rebolusyonaryong grupo ng mga magsasaka. <b>Macky Macaspac</b>

Rebolusyonaryong grupo ng mga magsasaka. Macky Macaspac

Kuha ni <b>Darius Galang</b>

Kuha ni Darius Galang

Rebolusyonaryong grupo ng mga kawani ng gobyerno. <b>Boy Bagwis</b>

Rebolusyonaryong grupo ng mga kawani ng gobyerno. Boy Bagwis

Nagkabit ng tarpaulin ang mga rebolusyonaryong guro ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan o Kaguma. <b>Boy Bagwis</b>

Nagkabit ng tarpaulin ang mga rebolusyonaryong guro ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan o Kaguma. Boy Bagwis

Mga miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan. <b>Boy Bagwis</b>

Mga miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan. Boy Bagwis

Daan-daan ang lumahok sa lightning rally na ito. <b>Darius Galang</b>

Daan-daan ang lumahok sa lightning rally na ito. Darius Galang

May mga manggagawang pangkalusutan na rebolusyonaryong organisasyon na nakapaloob sa NDF. <b>Macky Macaspac</b>

May mga manggagawang pangkalusutan na rebolusyonaryong organisasyon na nakapaloob sa NDF. Macky Macaspac

Mga miyembro ng NDF-Metro Manila. <b>Macky Macaspac</b>

Mga miyembro ng NDF-Metro Manila. Macky Macaspac

Nanood ang isang maralita sa pagdaan ng rebolusyonaryong mga manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Unions. <b>Macky Macaspac</b>

Nanood ang isang maralita sa pagdaan ng rebolusyonaryong mga manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Unions. Macky Macaspac


 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/larawan-ika-42-taon-ng-pagkakatatag-ng-ndf-ginunita-sa-raling-iglap/feed/ 0
K-12, paparamihin lamang ang mga Mary Jane – LFS http://pinoyweekly.org/new/2015/04/k-12-paparamihin-lamang-ang-mga-mary-jane-lfs/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/k-12-paparamihin-lamang-ang-mga-mary-jane-lfs/#comments Thu, 23 Apr 2015 21:44:25 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34592 Piket ng mga grupo ng kabataan sa harap ng DepEd NCR. <b>Darius Galang</b>

Piket ng mga grupo ng kabataan sa harap ng DepEd NCR. Anila, nakatuon lang ang K-to-12 sa labor export policy ng pamahalaan. Darius Galang

Nagpiket ang grupo ng kabataan sa tanggapan ng Department of Education sa National Capital Region (DepEd-NCR) para ipanawagan ang pagbabasura ng programang Kindergarten-to-12 Years (K-12) sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Anila, magdudulot ito ng lalong pagdami ng murang lakas-paggawa na iluluwas palabas ng bansa.

Tumungo nag mga grupong pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS), kasama ang Migrante International at Kilusang Mayo Uno, sa tarangkahan ng opisina upang irehistro ang panawagan. Kasama rin nila ang ilang estudyanteng naka-uniporme.

Anila, pag-iibayuhin ng K-12 ang pagsandig ng ekonomiya ng bansa sa pag-eeksport ng lakas-paggawa dahil sa kawalan ng trabaho sa loob ng Pilipinas. Itinuon din nila ang piket sa pagtuligsa sa paggawa ng “marami pang Mary Jane Veloso”.

Kasalukuyang nakasalang sa death row si Mary Jane sa Indonesia sa kasong ilegal na pagdala ng ilegal na droga. Pero iginiit niyang biktima lang si Mary Jane ng human trafficking at ginawang drug mule o tagapagdala ng ilegal na droga nang di niya nalalaman.

“Malinaw na halimbawa si Mary Jane sa kahihinatnan ng ating mga overseas Filipino worker sa ilalim ng labor export policy ng administrasyong Aquino. Aasahan nating sasapitin ng milyong kabataan ang ganitong uri ng kapahamakan kapag tuluyan nang ipinatupad ang K-12,” ani Charisse Bañez, tagapagsalita ng LFS.

Sinabi pa ni Banez na apektado ang mga tulad ni Mary Jane ng K-12 dahil kailangang dumaan sa bagong programa sa eksuwela ang dalawang anak niya na sina Mark Daniel at Mark Darrel.

Maaaring sapitin din umano nila ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa tulad ng sinapit ng kanilang ina, dagdag ng lider-kabataan.

Ihinalintulad pa ni Bañez ang Senior High School na programa ng K-12 sa programa ng TESDA, na magbibigay ng mga teknikal at bokasyonal na kurso tulad ng housekeeping, welding, plumbing, bartendering, at iba pa. Malinaw na pagtugon umano ito sa malaking pangangailangan para sa kanila sa ibang bansa.

Tuloy pa ni Bañez na hahatakin pa lalo pababa ang sahod ng mga manggagawa sa pagpapatupad ng K-12.

“Paparamihin lang nito ang walang trabaho sa pagpapalabas ng mga magtatapos sa hayskul at may edad na hanggang 18 anyos. Ito ang minimum na edad upang makapasok sa isang kontrata. Gagamitin lamang ito ng mga kompanya para hatakin pababa ang sahod para maseguro ang kita nila,” paliwanag pa ni Banez.

Dagdag pa niya na hindi pa rin mareresolbahan ng K-12 ang kaseguruhan sa trabaho pagtapos ng pag-aaral.

Sa datos ng Ibon Foundation, apat sa 10 Pilipino na walang trabaho ay nakapagkolehiyo, habang dalawa sa 10 ang nakapagtapos sa kolehiyo. Samantala, walo sa 10 na walang trabaho ang nakapaghayskul.

“Kailangan talagang ipanawagan ang pagbasura sa isang kontra-mamamayan na polisiya tulad ng K-12, at ipanawagan din ang pagpapababa sa puwesto ni Pangulong Aquino sa pagpapasimuno ng isang depektibong programa na nagsasalang sa ating kabataan sa kapahamakan at pagsasamantala,” pagtatapos ni Bañez.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/k-12-paparamihin-lamang-ang-mga-mary-jane-lfs/feed/ 0