Pinoy Weekly
Category archives for: Buhay Pinoy

May angking kakayahan, kahit walang industriya

Mahusay magkumpuni at maghasa ang mga manggagawang Pinoy na tulad nito ng mga kagamitang gawa sa bakal, tulad ng lagari. Walang sariling industriya ng bakal ang bansa, kahit mayaman ito sa rekursong mina ang bansa. Pero ipinapakita ng mga manggagawang Pinoy na may kakayahan sila na balikatin ang pambansang industriyalisasyon ng bansa, kung seseryosohin lang ito ng gobyerno. (Macky Macaspac)

Ang Bundok Apo at mga mangingisda ng Samal

Matayog ang tinding ng maganda at hinahangaang Mount Apo sa papawirin, habang matapang na hinaharap ng mga mangingisda mula sa isla ng Samal ang malalaking alon sa dagat. (Karlos Manlupig)

Taas-presyo ng langis at estasyon ng krus

Mistulang susunod na Station of the Cross ng mga deboto at relihiyoso ang plakard ng mga miyembro ng Gabriela sa Brgy. Tatalon, Quezon City na nananawagan ng pagbaba ng presyo ng langis at pagbasura sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT). Kunsabagay, kung bawat Station of the Cross ni Kristo ay pagpapakita ng pagpapahirap sa kanya, kumakatawan din ng pagpapahirap sa mga mamamayan ang walang-patid na taas-presyo ng langis at pananatili sa E-VAT. (Macky Macaspac)

Kasalang Bayan

Share

Mahal na puhunan pero mura pa rin

Share

Kasama sa pamamalakaya

Share

Pagpapadala ng OFW

Isang migranteng Pilipino sa Dubai, UAE ang nagpapadala ng perang pinaghirapan niya para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Taun-taon, sinasabi ng gobyerno na remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero tanong ng OFWs, ano ang ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang buhay nila? (Kuha ni Ross Pivena sa Dubai, UAE)

Magandang tanawin, libreng ligo

Kahit malamig ang panahon, masaya pa ring maligo sa dagat ang mga binatilyong ito. Bagong pasyalan sa Legazpi City ang sinementong daan sa tabing-dagat na dating komunidad ng mga mangingisda mapalit sa komersiyal na istrukturang Embarcadero. Tanaw ang bulkang Mayon, libre pang mamasyal at maligo ang dating mga residente rito. Pero balak daw ng mga debeloper na magtayo ng mga komersiyal pang istruktura sa lugar — kabilang ang casino. (Kuha ni KR Guda sa Legazpi City)

Para may pambaon

Masigasg siyang nagtitinda ng daing sa palengke ng Rosario, La Union sa umaga para may maibabaon at pamasahe sa pagpasok sa eskuwela sa hapon. (Soliman A. Santos)

Tagumpay ni Pacman, tagumpay din nila

Tumigil ang oras sa mga kasalda ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Pilipinas para manood ang mga tao sa tagumpay ni Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa Dallas Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, USA. (Macky Macaspac)

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes