Pinoy Weekly
Category archives for: Istorya ng Linggo

Misteryo sa sobrang presyo ng kartel sa langis

Hindi napag-usapan ang overpricing sa langis sa dayalogo ng iba’t ibang grupong transportasyon kay PNoy. Paano ba talaga nagpapatong ng sobrang presyo ang mga kompanya ng langis? At papaano sila nakakalusot sa garapal na kotong na ito?

Pangangamkam, pagkawasak ng kalikasan sa proyektong panturismo sa Hacienda Looc

Matagal na panahong nanirahan at nagsaka ang mga magsasaka ng Hacienda Looc. Ngayon, sa ngalan ng “proyektong pangkaunlaran” ng gobyernong Aquino, nais itong idebelop para sa turismo – isang panganib sa pagiging “paraiso” ng Looc at pagsasaka ng mga magsasaka.

‘Protestang Bayan’ vs. OPH: Transportasyon paralisado sa ilang probinsiya

Ipinoprotesta ng iba’t ibang sektor ang P9.00 na overpricing sa kada litro ng langis. Umano’y mas mataas ang sinisingil ng mga lokal na kompanya ng langis sa bawat pagtaas ng presyo ng langis sa world market, at mas mababa naman ang inirorolbak sa bawat pagbaba ng presyo nito.

Overpricing sa presyo ng langis

Walang tiyak na pormula sa presyuhan ng langis; pabagu-bago ito batay sa gusto ng dambuhalang mga kompanya. Ang malinaw lang, lugi rito ang masang Pilipino.

CCT, perwisyo, at panlulumo

Ang 1.4 milyong pamilya sa ilalim ng Conditional Cash Transfer program ay ginawa na ring parang mga pulubi—at lalo pa silang dadami, habang patuloy na tinatalikuran ng gobyernong Aquino ang responsabilidad nito sa tunay na kaunlaran.

SONA ni PNoy: Pagbabago para kanino?

Mahigit isang taon na sa pagkapangulo si Benigno “Noynoy” Aquino III. Pangalawang State of the Nation Address na rin niya sa Lunes, Hulyo 25. Kumusta na ang mga isyu ng mga mamamayang dapat niyang tinutugunan?

Bungkalan muli sa Hacienda Luisita

Patuloy ang paggiit ng mga manggagawang bukid sa kanilang karapatan sa lupain ng asyenda. Ang pinakahuling hakbang: pagbubungkal at pagtanim sa lupang binakuran ng isang bangko na di-makatarungang pinagbentahan ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

‘Kawalang hustisya’ sa panahon ni PNoy

Anumang pag-usad ng kaso ng mga paglabag ng karapatang pantao, ito’y dahil sa pagpupursigi ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao. Sabi nila, walang itinutulong ang gobyernong Aquino para maresolbahan ito. Malala pa, ipinagpapatuloy pa ni PNoy ang sa esensiya’y parehong madugong programang kontra-insurhensiya ng nakaraang administrasyon.

Iba’t ibang tinig sa iisang himig ng pakikibaka

Pagkakaisa laban sa imperyalismo at tiraniya, at para sa karapatan at kaunlaran ng mga mamamayan ng mundo ang nilayong mabuo ng mga aktibista mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na dumalo sa ikaapat na pandaigdigang asembliya ng International League of Peoples’ Struggles o ILPS.

Protesta sa ‘di-pantay na relasyong PH-US’ marahas na dinispers

PW-us-embassy-fil-am-friendship-day-screenshot

Bidyo ng marahas na pagdispers ng mga pulis sa mga aktibistang nagrali sa harap ng embahada ng US para kondenahin ang anila’y di pantay na relasyon ng Pilipinas at US. Ipinamalas ng insidente, ayon sa mga aktibista, kung sino ang tunay na pinaglilingkuran ng mga pulis.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes