Pinoy Weekly » Isyu http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Wed, 04 Mar 2015 17:07:12 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.1.1 ‘Edukasyong ginagawang negosyo,’ muling kumitil ng buhay ng kabataan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/edukasyong-ginagawang-negosyo-muling-kumitil-ng-buhay-ng-kabataan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/edukasyong-ginagawang-negosyo-muling-kumitil-ng-buhay-ng-kabataan/#comments Wed, 04 Mar 2015 16:35:05 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34035 Meme na pinakalat ng NUSP matapos mabalitaan ang sinapit ng isa na namang Iskolar ng Bayan na si Rosanna Sanfuego.

Meme na pinakalat ng NUSP matapos mabalitaan ang sinapit ng isa na namang Iskolar ng Bayan na si Rosanna Sanfuego.

Ang 16-anyos na si Rosanna Sanfuego ang pinakahuling biktima ng komersalisayon sa edukasyon.

Ito ang sabi ng iba’t ibang grupo ng kabataan matapos kitilin ni Rosanna ang sariling buhay noong Pebrero 25. Matapos ito ng pag-text niya sa kapatid na lalaki na hindi siya nakapagbayad ng mga bayarin sa Cagayan State University (CSU) sa Tugegarao City, Cagayan kaya di nakakuha ng midterm examination.

“Nakapanluluong isipin na di pa natuto ng leksiyon ang gobyernong Aquino. Ilan pang mga ‘Iskolar ng Bayan’ ang masasakripisyo sa altar ng mga kapitalista-edukador bago nito ititigil ang mga taas-matrikula at maintindihang karapatan ang edukasyon at hindi prebilehiyo,” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Pakikiramay

Nakiramay ang mga grupong National Union of Students of the Philippines (NUSP), League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan sa kaanak at mahal sa buhay ni Rosanna.

“Pinatay siya ng mga polisiya ng deregulasyon ni Aquino sa edukasyon. Inilagay ng walang habas na taas-singil sa matrikula at iba pang bayarin ang kabataan sa miserableng mga sitwasyon na nagtutulak sa marami sa kanila na kitilin ang sariling buhay,” sabi ni Charisse Bañez, pambansang tagapagsalita ng LFS.

Samantalang sinasabi ng administrasyon ng CSU, isang state university, na wala itong sinisingil na matrikula mula 2009, sinabi ng NUSP na napag-alaman namang naniningil ito ng P2,000 hanggang P4,000 na miscellaneous o other school fees (OSF).

Matagal nang ikinakampanya ng NUSP, LFS, Anakbayan at iba pang grupo ng kabataan sa administrasyong Aquino at Commission on Higher Education na rendahan nito ang pagtaas ng singil ng matrikula at OSF ng mga pampubliko at maging pribadong pamantasan at kolehiyo.

“Pinakikita ng mga kampus ng CSU kung paano ang kulang na subsidyo ng gobyerno sa edukasyon ay naglilikha ng pagtaas at pagpataw ng OSF, bukod pa pagkakaroon ng bulok na pasilidad, pagkaunti ng mga ineempleyong kawani ng paaralan, at pagtaas ng drop-out rate ng mga mag-aaral,” pagpapalawig ni Sarah Jane Elago, tagapangulo ng NUSP.

Napag-alaman din ng NUSP na pinag-aaralan na raw ng CSU na ibalik ang paniningil ng matrikula sa mga estudyante nito.

Samantala, pinabulaanan din ng isang residente ng Tugegarao na nakiramay sa kaanak ni Rosanna ang naunang balita na tumulong na ang administrasyon ng CSU sa kaanak.

(S)ince her death last February 25, 2015, not a single CSU official nor faculty has shown up at the wake. There were probably only three floral arrangements there and I can not find CSU’s there,” sabi ni Raul Ting ng Tugegarao City, sa kanyang Facebook post gabi ng Marso 4. Sabi niya, hanggang alas-tres ng hapon siya nakiramay sa burol noong araw na iyon.

Sinabi rin sa kanya ng kapatid na babae ni Rosanna na walang dumating na opisyal o kinatawan ng CSU hanggang 10:04 ng gabi, nang tawagan siya ni Ting.

Dugo sa kamay ni Aquino

“Dagdag itong patak-ng-dugo sa kamay ni Aquino. Pinahamak si Rosanna ng gobyerno na tumalikod sa tungkulin nitong tiyakin ang karapatan sa edukasyon ng ating kabataan,” sabi naman ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Sinabi naman ni Kamil Manangan, tagapagsalita ng Gabriela-Youth, na di na maitatanggi ni Aquino na hindi isolated case ang nangyari sa mga tulad nina Rosanna.

“Hanggang patuloy ang pagpapatupad ni Aquino ng mapanupil na mga polisiya tulad ng Roadmap to Public Higher Education Reform (na naglalayong tanggalin ang suporta ng Estado sa pampublikong mga pamantasan at kolehiyo), hindi mawawalan ng mga Rosanna at Kristel (Tejada) ang bansa,” sabi ni Manangan.

Si Kristel Tejada ang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila na nagkitil din ng sariling buhay noong Marso 13, 2013 dahil diumano di makabayad sa matrikula.

Halos walong taon na rin ang nakalipas matapos magpatiwakal si Marianette Amper, 12, mag-aaral sa Davao City, dahil sa kahirapan at depresyon.

Naganap ang pagkitil ni Rosanna sa sariling buhay ilang araw bago ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis sa Marso 8, kung kailan pangungunahan ng Gabriela ang pagpanawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino dahil sa iba’t ibang kasalanan. Kabilang dito ang pagsasapribado sa pampublikong mga serbisyo tulad ng edukasyon at serbisyo-medikal.

“Ang kamatayan ni Rosanna ay nagpapakita lamang ng komersiyal at mapaniil na mukha ng edukasyon sa bansa. Itinutulak nito ang mga mag-aaral na itapon ang kanilang pangarap maging ang kanilang mga buhay,” dagdag na pahayag ni Femie Galapon, pangalawang tagapangulo ng NUSP sa Cagayan Valley.

Maliban sa paglahok sa protesta sa Marso 8, nanawagan ang mga grupo ng kabataan na lumahok sa rali sa harap ng Commission on Higher Education sa Marso 6.

Gugunitain din ng mga grupo ng kabataan ang Marso 13, na anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel, bilang “National Day of Walkout Against Tuition and Other School Fees Increases.”

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/edukasyong-ginagawang-negosyo-muling-kumitil-ng-buhay-ng-kabataan/feed/ 0
Kababaihan giniit ang pagbaba sa puwesto ni Aquino, nanawagan ng ‘transition council’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/#comments Wed, 04 Mar 2015 07:33:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33988 Nanawagan ang mga bumubuo ng Women for Aquino's Resignation para agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino dahil sa sunud-sunod na kapalpakan ng rehimen. <strong>Pher Pasion</strong.

Nanawagan ang mga bumubuo ng Women for Aquino’s Resignation para agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino dahil sa sunud-sunod na kapalpakan ng rehimen. Pher Pasion

Nanawagan ang iba’t ibang kababaihan sa ilalim ng Women for Aquino’s Resignation Now (Warn!) na agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino sa pagkapresidente dahil sa mga kapalpakan nito at wala nang moralidad para mamuno sa bansa.

Kaugnay ito ng pinakahuling kapalpakan ni Aquino sa nangyari sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force at mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) gayundin ang mga sibilyan.

“Hindi na tayo makahintay (bago matapos ang termino ni Aquino) kasi baka may sakuna muling dumating. Nagkatotoo, nagdeklara ng all out war (sa Maguindanao) sa halip na ipagpatuloy ng peace process. Ito ang sakuna na sinasabi natin–hanggang nandyan siya sa posisyon,” ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Nagbabala ang Warn! na mas maraming disaster pa ang maaaring mangyayari kung mananatili si Aquino sa puwesto. Ipinakita nito mula sa insidente sa Luneta, mga bagyong Pablo at Yolanda, Zamboanga siege, eskandalo sa pork barrel gayundin ang Disbursement Acceleration Program na idineklarang ilegal ng Korte Suprema, hanggang sa Mamasapano, ang mga disaster ni Aquino.

Patuloy na kahirapan, isa pang dahilan

Maliban sa mga nasabing disaster, binigyan-diin din ng kababaihan ang lumalalang kahirapan sa bansa na pinapasan nila.

Ang mababang pasahod sa mga may trabaho, patuloy na kontraktuwalisasyon, ang mataas na singil sa mga serbisyo gaya ng kuryente, tubig at maging sa pasahe sa MRT at LRT, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng matrikula, at iba pa, na lubhang nagbibigay pasakit sa mga mamamayan ay hindi binago ng tuwid na daan na ipinangako ni Aquino.

Five years is more than enough. Tama na. Umalis na siya dapat diyan. Hihingi pa ng emergency power, para saan? Heto nga Mamasapano, anong nangyari? So ano, bibigyan natin ng emergency power para panibagong pasakit sa mamamayan na naman ang gagawin?” ayon kay Lolita Donato mula sa Alerto Mamimili.

Sa patuloy na pagtatakip sa naging papel ni Aquino sa Mamasapano at paiba-ibang pahayag kung hindi man tuwing pagsisinungaling sa tunay na pangyayari doon, wala nang nakikita ang grupo na “moral na batayan” para manatili pa sa puwesto si Aquino.

Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan (kaliwa) at Rev. Sol Villalon, habang nagpapaliwanag ng mga kasalanan ni Noynoy Aquino sa mamamayan sa isang press conference sa Lungsod ng Quezon. <strong>Pher Pasion>

Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan (kaliwa) at Rev. Sol Villalon, habang nagpapaliwanag ng mga kasalanan ni Noynoy Aquino sa mamamayan sa isang press conference sa Lungsod ng Quezon. Pher Pasion>

“Ang isang presidente na hindi nagmamalasakit sa mas marami ay walang moral ascendancy na mamuno. Sa nangyaring ito, nang mabisto itong DAP na ito, ang korapsyon, at ito ay hinayaan ng presidente ito ay nagsasabing wala siyang karapatang mamuno dahil sa imoral ang mga ito ngunit kanyang binabasbasan,” ayon kay Rev. Sol Villalon mula sa Promotion of Church People’s Response.

Ayon kay Mae Paner, performance activist na mas kilala sa karakter na Juana Change, isang pagkakamali na sinoportahan niya si Aquino sa pagkapangulo noon. Sa naging pagbabago ni Aquino, nakita niya na ang sinasabi nitong tuwid na daan pala ay bangin sa dulo at hindi siya tatalon doon.

“Ang laki talaga ng panghihinayang ko dahil nangarir ako noon para siya ay maluklok. Ngayon naman, nangangarir ako para siya ay hindi na maluklok at matanggal naman. Ganun talaga, nagbago siya,” ayon kay Paner.

All-out war, kinodena

Kinondena naman ng Warn! ang all-out-war sa Mindanao para tugisin ang mga itinuturing nitong mga “terorista”. Dito, libu-libong sibilyan mula sa di-bababa sa 12 barangay ng Maguindanao ang naapektuhan at nakararanas karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

“Sa tuwing may militarisasyon sa mga lugar, numero unong naaapektuhan ang mga bata. At epekto sa mga ito ay hindi na sila nakakapasok sa mga paaralan. Hindi lamang apektado sa pag-aaral kundi ang trauma na kanilang nararanasan,” ani Reina Requioma, tagapagsalita ng Salinlahi.

Pero mas higit na nakakaapekto ang mismong mga bata ang napapatay sa patuloy na militarisasyon na nagiging “collateral damage.”

Tinukoy din ang papel na ginagampanan ng gobyerno ng US sa nangyayari sa Mindanao, partikular sa Mamasapano. Ang US umano ang siyang nagbansag kina Marwan bilang mga terorista at ang US din kung gayon ang may pakana sa likod ng war-on-terror na ito, ayon kay Nancy Gadian, dating tiniyente ng Philippine Navy.

Naging bahagi si Gadian ng mga grupo ng mga opisyal-militar na nakipag-ugnayan sa mga sundalong Kano sa ilalim ng Joint Special Operations Task Force-Philippines sa Camp Navarro, Zamboanga City hanggang 2007.

Isiniwalat ni Gadian ang diumano’y korupsiyon sa P46 Milyong pondo para sa Balikatan military exercises noong 2007. Nagsalita rin siya sa saklaw ng pakikialam ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas.

“Naging sacrificial lamb ‘yung ating mga SAF. Kung may kakayahan pala silang (ang US) maituro o malaman kung saan location ng Marwan na ito, bakit hindi na lang sila ang gumawa ng sarili nilang operation na hindi kasama ang ating front liners, ‘yung mga sundalo at kapulisan,” ayon kay Gadian.

Para kay Gadian, may itinago na katotohanan ang administrasyong Aquino at ang US, base sa nakalap na impormasyon kasama ang mga Amerikanong sundalo sa pagkokomand sa CP o command post (ng operasyon sa Mamasapano).

“Nung bumagsak na lahat ang ating operatives, nasaan (ang US),” ayon kay Gadian.

Dagdag ni Gadian, malinaw umano sa mga pagdinig sa Senada at Kamara na nakabusal ang mga bibig ng mga heneral para isalba si Aquino sa tunay na nangyari sa Mamasapano.

Dating Navy Lieutenant Nancy Gadian (kaliwa) at Lolita Donato ng Alerto Mamili sa pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa pagbibitiw sa puwesto ni Noynoy Aquino bilang presidente. <strong>Pher Pasion</strong>

Dating Navy Lieutenant Nancy Gadian (kaliwa) at Lolita Donato ng Alerto Mamili sa pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa pagbibitiw sa puwesto ni Noynoy Aquino bilang presidente. Pher Pasion

Para naman sa mga alagad ng simbahan, di tunay na nais makamit ni Aquino ang kapayapaan sa Mindanao kung nagsasagawa ito ng all-out-war kahit na sinasabi pa nitong para sa kapayapaan ang kanyang rehimen.

“Hindi na natin kakayanin na ang isang presidente, ang pinakamataas na lider ng mataas ng bansa, ay hindi kayang tumingin sa atin at magturo sa atin kung ano ang moral, kung ano ang makatuwiran, kung ano ang justice, kung ano ang katotohanan. Hindi siya makapagsabi ng totoo. Paano tayo makakagalang?” ani Rev. Villalon.

Paghahanda sa Marso 8

Sa darating na Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8, magsasagawa ng malaking protesta ang Warn! para patuloy na ipanawagan ang pagbibitiw ng pangulo.

Kasabay nito, nananawagan silang itayo ang isang people’s transition council para pansamantalang ipalit kay Aquino para magbigay daan sa isang tunay na eleksiyon.

“Hindi namin gusto ng mga pulitiko na mangangako lang ng matatamis na salita na sa kalaunan na babaliin ng sinasabi. Ang gusto po namin yung totoong people power,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ipapaloob sa people’s transition council ang mga kinatawan ng mga sektor na bahagi sa pagpapaalis kay Aquino, mga may malilinis na track record at walang vested interest, mga taong simbahan, at iba pa. Kasabay din nito ang pagtatayo ng isang Truth Commission kaugnay ng Mamasapano para hindi na makalusot ang mga gustong lumusot kaugnay ng Mamasapano, dagdag ni Salvador.

Bago man daw ito sa bansa, pero nangyari na ito sa ibang mga bansa na matapos magsalita at kumilos ang kanilang mga mamamayan na mapatalsik ang kanilang mga pinuno ay pinalitan ng isang konseho ng mga mamamayan para gawin ang kinakailangang reporma at ihanda ang isang halalan.

Pero bago ang eleksiyon, kailangan munang linisin ang Commission on Elections, sabi ni Salvador.

“Sa Marso 8, ito po’y araw ng mga ina, araw ng mga babae, kapatid. Pero gawin po natin itong araw ng pagkilos na nagsasabing ayaw na natin, tama na, sobra, Aquino magbitiw ka na,” ayon kay Salvador.

Para sa kanila, kailangang matuto sa kasaysayan na hindi uubra ang pagpapalit lamang basta ng mga pulitiko. Kanilang binigyan diin na kailangan palitan ang sistema na siyang nagpapahirap sa mga mamamayan.

Bago ang Marso 8, serye ng mga protesta ang kanilang ilulunsad sa mga komunidad, pabrika, lansangan, at iba pa sa buong Pilipinas ang kanilang ilulunsad para ipanawagan ang pagbibitiw ni Aquino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/feed/ 0
Sa anibersaryo ng Herrera Law, Aquino ginawaran ng ‘end of contract’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/#comments Wed, 04 Mar 2015 07:10:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33993 Ginawaran ng Endo o end of contract si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women's Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. <strong>Pher Pasion</strong>

Ginawaran ng Endo o end of contract si Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women’s Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. Pher Pasion

Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo.

Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law.

“Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang mga manggagawa kasama ang Department of Labor and Unemployment,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Ipinasa ang Herrera Law o Republic Act 6715 noong Marso 2, 1989. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), naging instrumento ang batas na ito para payagan ang kontraktuwal sa paggawa. Sa ganitong kalakaran, ipinapaloob lamang sa kontrata ang isang empleyado nang hindi lalampas sa anim na buwan.

Base sa batas, ang isang manggagawa o empleyado na lampas sa anim na buwan ay maituturing nang regular.

Dagdag ni De Jesus, lalong lumala ang mga pakanang kontraktuwalisasyon sa ilalim ng anak ni dating Presidente Cory Aquino, ina ng kasalukuyang pangulo.

Noong 2011, naglabas si Aquino ng DOLE Order Number 18-A, na nagresulta sa low-skilled jobs katulad ng janitorial ang naging kontraktuwal, maging ang mga regular na posisyon para sa sensitibong serbisyo gaya ng pinansya, information technology, airline, at pagtuturo ay nalusaw.

“Sa 26 na taon ng Herrera Law, mas marami na ngayon ang kontraktuwal kesa sa mga regular na manggagawa sa parehong publiko at pribadong sektor,” ayon kay Nitz Gonzaga, vice-chairperson for women’s affairs ng KMU.

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women's Pary sa harapan ng anila'y Department of Labor and Unemployment. <strong>Pher Pasion>

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women’s Pary sa harapan ng anila’y Department of Labor and Unemployment. Pher Pasion>

Sa kontraktuwalisasyon na umiiral, maliban sa kawalan ng seguridad sa trabaho, mas mababa ang natatanggap na sahod kesa regular, walang mga benepisyo, at inaalisan ng karapatang mag-unyon.

Maliban pa dito, nakararanas din partikular ang mga kababaihang manggagawa ng sekswal na pang-aabuso bilang mga kontraktuwal, ayon kay Lana Linaban, ng Gabriela Women’s Party.

Ayon naman kay Lian Flores ng Gabriela- Metro Manila, isang neo-liberal na polisiya ang kontraktuwalisasyon sa tulak ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

“Naglalayong baratin ang sahod ng mga manggagawa para mas lalong makaganansya ng mga kapitalista sa sistemang ito. Sa bansang may malaking bilang ng mga walang trabaho, napipilitan ang mga manggagawa na tanggapin ang pagiging kontraktuwal,” ayon Flores.

Nanawagan din ang kababaihan na agarang magbitiw sa puwesto si Aquino. Sa darating na Marso 8, pandaigdigang araw ng mga kababaihan nakatakdang maglungsad ng malaking protesta ang mga kababaihan sa Mendiola.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/feed/ 0
Is AFP’s ‘all-out war’ underway in Maguindanao? http://pinoyweekly.org/new/2015/03/is-afps-all-out-war-underway-in-maguindanao/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/is-afps-all-out-war-underway-in-maguindanao/#comments Sat, 28 Feb 2015 18:35:46 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33973 Soldiers were positioned near civilian houses in Datu Unsay, Maguindanao. Photo: <b>Jerome Succor Aba</b>

Soldiers were positioned near civilian houses in Datu Unsay, Maguindanao. Photo: Kilab Multimedia

Is the Armed Forces of the Philippines (AFP) launching an undeclared all-out war against the Moro people in Maguindanao?

This was the question asked by Moro human rights organization Suara Bangsamoro after military and police operations forced civilians from at least 12 barangays in Datu Unsay, Sharif Aguak, and Sharif Saidona towns in Maguindanao province to evacuate their homes, while many of their properties were destroyed.

Residents of Mamasapano, site of the now-infamous bloody encounter that led to the death of 44 police commandos, 18 Moro fighters and four civilians, complained of heavy military presence in their area.

“(We believe) that the encampment of the military in the areas near the civilian community has put in danger the lives of the residents,” said Jerome Succor Aba, Suara Bangsamoro spokesperson.

Media outlets reported that combined elements of the Philippine Army, Philippine Marines and the Philippine National Police (PNP) attacked Sitio Quary, Bgy. Maitumaig in Datu Unsay with airstrikes and mortar bombs. Residents complained that their houses were indiscriminately fired upon during the military operations.

The AFP said that the operations were a punitive action against elements of the Bangsamoro Islamic Freedom Force (BIFF), a pursuit operation against suspected “terrorist” Basid Usman.

“Residents were forced to evacuate at 8:00 in the morning when the combined forces of the military and police started shooting at the community believed to be having a presence of the BIFF. Two hours after, the state forces started ground and aerial assaults, destroying some houses,” said Aba.

Aba said that one resident, Noria Kamid, 45, a farmer-resident of Sitio Quary, related to him that military helicopters shot at their community. A pregnant woman, Aga Zulkarnin, 27, also said that the military’s ground forces, as well as helicopters hovering over their communities, shot at them and forced many to flee.

Jerome Aba (left) interviews one of the civilians affected by the AFP attacks.

Jerome Aba (left) interviews one of the civilians affected by the AFP attacks.

The 12 barangays reportedly affected are Brgys. Pamalian and Sharif Saidona Mustapha from Sharif Saidona municipality; Brgys. Tina, Malingaw, Mungkas, Bagong, Maibunga, Kolumpang, Peking, and Dagutom from Sharif Aguak municipality; and Brgys. Maitumaig and Iganagampong from Datu Unsay.

“At least 17 amphibian tanks were positioned between the municipality crossings of Datu Saudi and Pagatin, while 26 units of 6 x 6 military trucks were also positioned in civilian communities three days before the attack,” added Aba.

He added that the operations are an “overkill” and may lead to a further escalation of the armed conflict in Maguindanao and nearby provinces.

“Suara Bangsamoro fears that this could be used to veer the public’s attention away from the Mamasapano incident that has garnered much criticism and protests against the Aquino administration. (The Aquino administration has) covered up its command responsibility for the botched-up operation that led to the encounter between the PNP-Special Action Force and the Moro Islamic Liberation Front and resulted in deaths on both sides and on civilians,” Aba said.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/is-afps-all-out-war-underway-in-maguindanao/feed/ 0
Aquino, ‘game over’ na, ayon sa mga grupo ng kabataan http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-game-over-na-ayon-sa-mga-grupo-ng-kabataan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-game-over-na-ayon-sa-mga-grupo-ng-kabataan/#comments Sat, 28 Feb 2015 08:49:44 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33941
Kuha ni KR Guda
Simula ng martsa
Martsa mula Morayta Avenue patungong Mendiola. Macky Macaspac
Masayang panawagan
Buong-ngiting nananawagan ng pagpapatalsik kay Aquino. Macky Macaspac
'Thumbs down'
Pinangunahan ng kabataan ang martsa. "Game Over Noynoy" at ang simbolong "thumbs down" sa pangulo (nauso sa Facebook) ang panawagan at simbolo nila. Macky Macaspac
Boses ng PUP
Mga miyembro ng komunidad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), lumahok sa martsa na nananawagan ng pagbibitiw ni Aquino. Pher Pasion
Dumarami
Tinatayang aabot sa 8,000 ang nagmartsa, ayon sa Bayan. Pher Pasion
Kuha ni Pher Pasion
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Dyaryo, ginawang plakard
Ginawang plakard ng isang demonstrador ang special print issue ng Pinoy Weekly. Pher Pasion

Libu-libong mamamayan ang nagtungo sa paanan ng Mendiola sa Maynila para sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino sa pagkapangulo.

Pinangunahan ang protesta ng iba’t ibang grupo ng kabataan sa pangunguna ng alyansang Youth Act Now, at mga organisasyong tulad ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), National Union of Students of the Philippines (NUSP), Student Christian Movement, Karatula at College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Kasama rin nila ang iba’t ibang konseho ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.

Aabot sa 20,000 estudyante ang nagsagawa ng walkout sa iba’t ibang paaralan sa bansa para ipanawagan ang pagbasura sa di-makatarungang fees sa kanilang mga eskuwela at ipanawagan din ang pagbibitiw sa puwesto ni Aquino, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Ayon sa Anakbayan, hindi tatanggapin ng kabataan na manahin ang isang lipunan na manatiling negosyo ang edukasyon. Walang pangil o silbi ang Commission on Higher Education at si Aquino pagdating sa pagtataas singilin sa mga pamantasan at walang maasahan ang mga kabataan kundi ang kanilang mga sarili, ayon kay Sarah Elago, tagapangulo ng National Union Students of the Philippines.

Ngayong buwan ng Pebrero nagaganap ang mga “konsultasyon” sa mga pamantasan kaugnay ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin.

Nagsimula ang walkout ng alas-11 ng umaga. Nagtipon ang mga estudyante sa Nagtahan Bridge sa Maynila, gayundin sa Taft Avenue at Espana Avenue, bago nagmartsa patungong Mendiola. Lumahok sa martsa ang iba’t ibang progresibong grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Maliban sa mga isyu ng kabataan tulad ng di-matigil na taas-singil sa matrikula at iba pang bayarin na itinuturol nito sa administrasyong Aquino, nakiisa ang nasabing mga grupo sa panawagang panagutin si Aquino sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao, isang lingo na ang nakararaan.

“Akala nila tanga ang publiko. Sa desperasyon nilang pagtakpan ang pagkakasangkot ni Aquino at ng (gobyernong) US (sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano), gumawa na naman sila ng bagong script at gumawa-gawa pa ng text messages para ipakitang kunwari’y nakakuha ng maling impormasyon (si Aquino). Pero sa pagdami ng kasinungalingang iniimbento niya, lalong lumalalim ang hukay na pinagbabaunan niya,” sabi pa ni Crisostomo.

Sa Mendiola na

Dalawang araw matapos harangin ng pulisya, sa utos ng Palasyo, ang mga demonstrador sa EDSA noong anibersaryo ng pag-aalsa sa kalsadang ito, nagmartsa muli ang iba’t ibang progresibong grupo para muling irehistro ang panawagang bumaba na sa puwesto si Aquino.

“Sa araw na ito, sinasabi natin sa gobyernong ito, sinasabi sa sinungaling na si Aquino, hindi na kami magtitiis. Kami po ay tatayo. Kami po ay lalaban. Pagbabago ngayon na!” ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Hindi pagpapalit lang ng pangulo o ng nakaupo ang hangad nila kundi ang pagbabago mismo ng sistema. Kailangan umano ang isang konseho ng mga mamamayan na tatayo sa interes ng mga mamamayan, sabi pa ni Reyes.

“Ang People Power na hangad natin sa pagpapatalsik kay Aquino, gusto nating makinabang ang mga tao, ang ordinaryong mga mamamayan. (Gusto natin ng) reporma sa lupa, pambansang industralisasyon, soberanya, kapayapaan, pambansang pagkakaisa. ‘Yan ang ipinaglalabanan natin, hindi po ang magluklok ng mga pulitiko. Ang pinaglalaban natin, baguhin ang bulok na sistemang ito,” ayon kay Reyes.

Mula noong una, malinaw para sa mga nagprotesta ang pananagutan ni Aquino at gobyernong US dahil sa kampanyang war on terror. Isinubo para sa kanila ang  buhay ng 44 miyembro ng Special Action Force at mga Moro kabilang ang sibilyan para tugusin ang mga teroristang binabansagan ng US.

Sa itinatakbo umano ng imbestigasyon sa Senado at Kamara, malinaw ang pagtatakip sa tunay na pangyayari at pagtatakip sa naging papel ni Aquino at ng gobyerno ng US.

“Kung totoong naghahanap tayo ng pananagutan at hustisya, hindi mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa Mamasapano kung hindi natin bibigyan ng wakas ang terorista sa buong mundo (ang US), kung hindi natin bibigyan ng wakas ang numero unong tuta sa ating bansa,” ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Pero maliban sa isyu ng Mamasapano, malaking kasalanan din ng rehimen ang patuloy at tumitinding kahirapan ng mga mamamayan, ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela.

“Bugbog sarado ang kababaihan at mamamayan; bugbog sa mataas na presyo ng mga bilihin; bugbog sa pagkataas-taas na presyo ng kuryente at iba pang batayang pangangailangan; bugbog tayo sa napakahirap na buhay na ibinigay sa atin na ibinigay nitong pangulo na ito na si Noynoy Aquino,” ayon kay Salvador.

Para naman kay Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno o KMU, walang naranasan ang mga manggagawa kundi patuloy na pagpapababa sa sahod at kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa. Isa din siya sa mga naghikayat sa mga kapulisan na lumahok para sa katotohanan at pananagutan kaugnay ng Mamasapano.

Walang utang-na-loob kung tawagin naman ni Rudy Corpuz ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita, si Aquino. Noong EDSA 1, hinakot aniya ang mga taga-Hacienda Luisita pero pinahihirapan ang mga taong asyenda.

“Sa darating na Abril, magtatatlong taon na ang desisyon ng Korte Suprema na ibalik ang lupa sa manggagawang bukid ng Asyenda Luisita at magbayad ng P1.33 Bilyon kapalit ng mga lupang ibinenta. Pero ano ang ginawa nila? Nagbubungkal na kami, ang masakit, gamit ang kapulisan, palay na aanihin na lamang, binuldoser nila. Anong klaseng mga tao ito?” ayon kay Corpuz.

Dagdag ni Corpuz, doon sa Hacienda Luisita, wala silang laya, walang lupa, patuloy na naghihirap, at ang P1.33-B bilyon, hindi pa nila natatanggap.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-game-over-na-ayon-sa-mga-grupo-ng-kabataan/feed/ 0
Buhay at pakikibaka ni Nanay Mameng http://pinoyweekly.org/new/2015/02/buhay-at-pakikibaka-ni-nanay-mameng/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/buhay-at-pakikibaka-ni-nanay-mameng/#comments Fri, 27 Feb 2015 16:47:50 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33934 Nanay Mameng: Sa kabila ng mga sakit, walang kasing-sidhi pa rin ang kanyang damdamin.

Nanay Mameng: Sa kabila ng mga sakit, walang kasing-sidhi pa rin ang kanyang damdamin.

Kahirapan noon, kahirapan ngayon at kahirapan pa rin ba para bukas?

Kung ilang presidente na ang naluklok sa trono, pero wala ni isa sa kanila ang nakalulutas ng suliraning ito. Napapalitan lang kasi ang namumuno pero ganun pa rin ang sistema. Kaya ang mahirap ay nananatiling mahirap at ang iilan ang siyang bundat sa yaman at kapangyarihan.

Ang buhay ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida ay naglalarawan ng paulit-ulit na pagdanas ng kahirapan. Ipinako na sa kasalatan mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Dumanas ng karahasan at pagsasamantala dulot ng pang-aapi sa kababaihan at maging ang paghamak sa uring pinagmulan. Ngunit mistulang rosas siya sa gitna ng digma.

Hindi naging sagka ang taas na 4’7”, kanipisan ng katawan at ang kahirapang pinagdaanan dahil sa oras na marinig ang kanyang tinig sa entablado tila ang lahat ay mapapalingon dahil sa kanyang katapangan at husay na lider-masa.

Saksi siya sa makasaysayang kapabayaan ng gobyerno sa mga maralitang pinangakuan ng kaunlaran at pagbabago.

Kinagisnan sa pamilya

Ipinanganak noong Pebrero 8, 1928 at tubong Bangkusay, Tondo, Manila si Nanay Mameng. Pangatlo siya sa sampung makakapatid. Kapwa nagmula sa mahirap na pamilya ang kanyang magulang na sina Vidal Deunida at Flora Castro.

Factory worker sa isang pagawaan ng pad paper sa Novaliches ang tatay niya. Dahil sa laki ng pamilya at sa maliit na suweldong nakukuha ng kanyang ama, tulung-tulong sila sa paghahanapbuhay. Nagluluto ng suman, bibingka, biko at ginataan ang kanyang ina. Inilalako naman ito ni Nanay Mameng at ng mga nakababatang kapatid.

“Maaga kami nagigising, 5:30 ng umaga. Bitbit ko ang mga suman at bibingka. Umaabot ako ng South Cemetery sa aking paglalako. Makakabalik ako ng 9:00 ng umaga para magpahinga tapos maglilinis na kami sa bahay. Sa hapon ang mga nakababata kong kapatid naman ang maglalako ng biko at ginataan. Ang nakakatanda naming kapatid na sina Flor at Estrella ang nagaasikaso sa aming magkakapatid. Sila ang nakakasama ng aming ina sa bahay at nagtitiyak ng aming pagkain sa araw-araw,” kuwento niya.

Nakatungtong lang ng second year sa Aurollo High School si Nanay Mameng. “Paborito kong sabdyek ang English, pero nang malaman ko kung gaano tayo inaabuso ng Amerika, itinakwil ko ito at sinabi ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako tatangkilik sa salitang banyaga,” sabi niya.

Nahinto siya sa pag-aaral dahil sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan at hindi na nakabalik. Wala sa magkakapatid ang nakungtong ng kolehiyo, liban kay Mustiela (pang-anim sa magkakapatid) na nakapag-aral sa Philippine Normal College sa sarili niyang pagsisikap.

Mahirap man ang buhay at kahit sa maagang edad ay nasabak na sila sa pagtatrabaho, hindi nakaitaan ng karapatang makapaglaro sina Nanay Mameng. Kapag natapos na ang lahat ng gawain sa bahay, pinapalaro na sila ng ama. “Naglalaro kami noon ng patintero, taguan at luksong lubid. Paborito ko ang taguan kaya siguro magaling talaga ako magtago kahit nung panahon ng giyera,” sabi pa ni Nanay Mameng.

Lumaki sila sa mahigpit na disiplina at pagpapalaki ng kanilang ama. “Naaalala ko, ang ama namin ang nasusunod sa bahay at sumusunod din lang sa kanya ang aming ina. Lagi niya kaming dinadala tuwing Linggo sa Singgalong Church at sumasama rin kami sa prusisyon ng birhen sa Ermita at kahit nang nagka-edad na ako lumalahok pa rin ako sa prusisyon mula Antipolo hangang Quiapo,” kuwento pa niya. Natigil lang daw ito nang magkasakit na si Nanay Mameng.

Bawal noon ang maiksing buhok; bawal ang lipstick at make-up. Dapat mahaba pa sa manggas ang damit pang-itaas at ang palda dapat lagpas tuhod. Tulad ng maraming istriktong magulang noon, kadalasa’y pinapalo sila: “Tatlo hanggang limang hampas ng mahabang bakal na binalutan ng balat ng sapatos na galing ng Constabulary ang ipinapalo sa amin,” kuwento pa niya.

Nalala ni Nanay Mameng na lagi raw siyang nagugulpi dahil malimit siyang nasa labas. Lagi siyang natutulak na makipag-away kahit pa sa mga lalaki dahil di niya inuurungan ang mga ito.

“Gusto ko kasi sa labas (ng bahay) – nakikita ko ang ibang tao at ang kalagayan nila,” kuwento pa niya.

Nang dumating ang mga kolonyalistang Hapon, nanirahan na sila sa San Andres Bukid. Isang araw, nawalay si Nanay Mameng sa kanyang magulang dahil iniwan siya kasama si Virgilio na 3-anyos pa lang noon, at ang ikawalo sa magkakapatid.

“Halos dalawang taon kaming naulila sa kanila. Pinakakain ko lang si Virgilio ng mga pinipitas kong talbos sa tabi-tabi. Nang magsawa siya, naisip kong kumuha ng pagkain sa iba. Nakakuha naman ako. Hindi ko alam na headquarters pala ‘yun ng mga Hapon. Pero hindi ako nagdalawang isip dahil naniniwala ako ang kakulangan namin ay kalabisan naman ng iba,” aniya.

Nagtago siya para hindi mahuli ng mga sundalong Hapon. Mahirap daw ito, pero nakayanan niyang tumayo sa sarili at mapakain ang kanyang kapatid. Nang muling nakabalik at nakasama muli niya ang kanyang ama, lumipat sila sa Leveriza.

Hindi na muling nabuo ang kanilang pamilya dahil sa giyera.

Buhay may-asawa

Sa Leveriza, nakilala ng ama ni Nanay Mameng si Mariano Dumlao. “Laging naka-istambay si Mariano sa amin at pinakitaan niya ng maganda ang aking ama kaya nagustuhan (ng ama ito) para raw sa akin. Taong 1948, naging mag-asawa na kami. Nagkaroon kami ng siyam na anak pero namatay ang dalawa maliit pa lamang dahil nagkasakit sila,” aniya.

Pero, kuwento pa ni Nanay Mameng, tila pakitang-tao lang pala ang lahat ng pinamalas noon ni Mariano sa kanyang tatay.

“Kahit kalian, hindi niya ako pinakitunguhan ng maganda. Nang mamatayan ako ng anak, ako pa ang sinisisi ni Mariano. Pinabayaan ko raw ang mga bata gayong siya diyan ang walang silbi sa aming mag-iina,” sabi pa niya.

Pambubugbog, pambababae at kawalan ng suporta ang dinanas niya kay Mariano. Ang buong suweldo niya, diretso sa kanyang nanay at walang nakalaan para sa mag-iina.

“Buwisit ako sa nanay niya dahil sa halip na paliwanagan niya ang anak niya eh kinukunsinti pa. Kahit pera ko na pinag-iinteresan pa,” alala niya. Taong 1970 nang magpasya si Nanay Mameng na hindi siya aasa kailanman kay Mariano. Nung una, hinayaan niyang manatili sa bahay nila ito.

Pero hindi nagtagal, pinaalis niya na ito. Nagtangka kasing makialam ito sa kanya at saktan siya. Nabuo ang pasya ni Nanay Mameng na lalabanan niya ito.

Mag-isang magulang, pagiging lider-maralita

Buong tapang na itinaguyod ni Nanay Mameng ang kanyang mga anak. Tumanggap siya ng mga labada.

Hindi siya tumitigil sa paglalaba hangga’t hindi niya naiipon ang halagang kakailanganin upang tustusan ang araw-araw na pagkain at pagpapaaral sa mga anak. Ang pitong anak ay napatapos niya ng hayskul.

Maaaring naging biktima si Nanay Mameng ng karahasan mula sa dating asawa. Pero ang kagustuhan niyang lumaya sa pang-aapi’t pang-aabuso ni Mariano ang siya ring nagpatatag at nagbigay ng lakas ng loob na lagpasan ang anumang hirap ng buhay para sa kanyang sariling pagpapalaya at pagpapaunlad. Nakatulong sa paggampan niya ng kanyang responsabilidad bilang solong magulang sa kanyang mga anak ang pagtitiyak na buo ang kanyang sarili at hindi nakaasa kanino man.

Samantala, nagsimula na rin ang buhay niya bilang lider ng mga kapwa niya maralita.

Sa tindi ng dinanas na kahirapan ni Nanay Mameng, ang tanging nanatili sa kanyang isipin ang tanong na “Bakit ganito ang buhay ng mga tao at paano ba ito mababago?” Panahon ng diktadurang Marcos, nakaugnayan si Nanay Mameng ng Kabataan para sa Demokrasya at Nasyunalismo (Kadena), isang organisasyon ng kabataan sa komunidad. Gusto kasi ng grupong ito na tipunin ang lahat ng mga kabataan sa lugar nila.

Napabilang sa Kadena ang anak niyang si Lauro. Ibinukas ni Nanay Mameng ang kanyang tahanan sa kabataan at doon dinadaos ang mga pulong ng kabataang organisador. Sa tuwing may pag-aaral, siya’y interesadong nakikinig.

Minsan, sinabi niya sa organisador na isali siya sa Kadena. Pero ipinaliwanag sa kanya ng mga miyembro nito na matanda na siya para mapabilang pa sa samahan. “Minsang dumalo ako sa kanilang pag-aaral. Naupo ako sa pinakaharapan, pero sinabihan akong lumipat sa likod. Ang ginawa ko, lalabas ako at papasok muli ako sa harapang pinto para makaupo muli sa harapan,” kuwento ni Nanay Mameng.

“Gusto kong maunawaan ang lahat ng sinasabi nila. Wala naman sa edad ang pagkatuto hangga’t gusto mo,” sabi niya. Taong 1983 nang pumaloob siya sa Samahan ng Maralitang Kababaihang Nagkakaisa (Samakana). Naging organisador siya at lider-masa. “Naaanyayahan akong magsalita sa mga rali at kumperensiya. Masarap ang magsilbi sa kapwa, sa mga inaapi at inaabuso, tama lang na paglingkuran ang bayan”, ani Nanay Mameng.

Ngayon, 87-anyos na si Nanay Mameng. Masakitin na siya, pero hindi pa rin nababakas ang panghihina ng kalooban. Buhay na buhay ang diwang palaban dahil sa hangad niyang maging bahagi pa rin ng pagpapalaya ng bayan.

“Ilang presidente na ang aking inabot. Pero pinakamasahol itong si Noynoy,” sabi pa niya. Lalong naghirap umano at napasama ang lagay ng bansa.

“Ang mga maralita, laging itinataboy. Bakit, hindi ba atin ang bayan na ito? Bakit hindi unahin ang interes ng mahihirap?” Hindi nabawasan ng kapangahasan si Nanay Mameng sa kabila ng mga sakit.

Pangarap pa rin niyang lumaya ang bayan mula sa pagsasamantala ng iilan at ang pagkamit ng tunay na pagbabago.

(Kung hindi pa ninyo napapanood, panoorin ang huling dalawang palabas ng dulang Nanay Mameng, ngayong araw na lang, Pebrero 28, alas-3 ng hapon at alas-7 ng gabi sa Dr. Paz Adriano Hall, Miriam College [Little Theater])

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/buhay-at-pakikibaka-ni-nanay-mameng/feed/ 0
‘People’s hearings’ para sa katotohanan, pananagutan sa Mamasapano isinagawa ng iba’t ibang grupo http://pinoyweekly.org/new/2015/02/peoples-hearings-para-sa-katotohanan-pananagutan-sa-mamasapano-isinagawa-ng-ibat-ibang-grupo/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/peoples-hearings-para-sa-katotohanan-pananagutan-sa-mamasapano-isinagawa-ng-ibat-ibang-grupo/#comments Tue, 24 Feb 2015 18:07:40 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33864
Daang matuwid, daang mapanganib
Biswal na display ng Karapatan sa daang matuwid na dapat na dumulo, anila, sa pagbibitiw ni Aquino. Darius Galang
Kapayapaan ang hiling
Rali ng mga grupong Moro sa Mendiola noong Pebrero 20 -- kasabay ng 'people's hearing' sa Quiapo -- na nananawagan ng kapayapaan sa Mindanao. Macky Macaspac
Kontra-Giyera
Ayaw na nila sa all-out war, ayon sa mga grupong Moro na nagrali sa Mendiola. Macky Macaspac
Mga tsuper, nanawagan ng hustisya
Nakiisa ang grupong Piston sa mga panawagan para sa hustisya sa mga biktima sa Mamasapano at para sa pagbibitiw ni Aquino. Darius Galang
Pakikiisa
Pakikiisa ng mga grupong Moro para sa kapayapaan sa bansa. Macky Macaspac
Migrante, nanawagan na rin
Hawak ng mga miyembro ng Migrante International ang kanilang panawagan kay Aquino na magbitiw. Darius Galang
'US ang numero unong terorista'
Ayon kay Prop. Roland Simbulan, gobyernong US pa rin ang may pinakamapaminsalang armadong puwersa sa buong daigdig. Darius Galang
'People's Hearing'
Pinangunahan ni Raymond Palatino ng Bayan-Metro Manila ang pagdinig ng mga mamamayan hinggil sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano. Darius Galang
Sa paanan ng palasyo
Sa Mendiola, nanawagan din ang Pamalakaya, sa pangunguna ni Salvador France, ng pagbitiw na ng Pangulo. PW Photo
Nagsalita ang anakpawis
Nanawagan din ang Anakpawis Party-list ng pagbibitiw ni Aquino dahil, anila, "guilty" siya ng maraming kasalanan sa mga mamamayan. PW Photo
Hatol ng magsasaka sa Luisita
Nagkasala si Aquino sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, pasya ni Florida Sibayan ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita. PW Photo
Salot sa mangingisda
Sinunog ng mga magsasaka ang mangingisda ang imahen ni Aquino at ng US na anila'y salot sa kanilang hanay. PW Photo
Tagasuporta ng SAF 44
Mga tagasuporta ng "SAF 44" na pumunta sa isang pagtitipon noong Pebrero 6 sa Liwasang Bonifacio. PW Photo
Panawagan ng kaanak
Nanawagan si Joseph Dulnuan Jr., 35, kapatid ng nasawing miyembro ng SAF na si PO2 Joel Dulnuan, ng hustisya para sa mga nasawing police commandos. PW Photo
Kaanak para sa hustisya, kapayapaan
Nanawagan din ng kapayapaan at hustisya ang mga kaanak ng 'SAF 44' kamakailan. PW Photo

Bigo ang mga naging pagdinig sa insidente sa Mamasapano. Pawang “pagtatakip at paghuhugas kamay” ang mga naihapag ng pangunahing mga tauhang inimbitahan ng Senado at Kongreso.

Ito ang pagtingin ng iba’t ibang progresibong grupo, kung kaya minabuti na nilang maglunsad ng sariling “people’s hearings” para dinggin ang mga testimonya, hindi ng mga pinuno ng pulisya, militar at administrasyong Aquino, kundi ng ordinaryong mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor.

Pinakahuli nito ang pagdinig ng iba’t ibang grupo ng mga magsasaka na ginanap sa mismong tarangkahan ng Malakanyang sa Mendiola Bridge. Pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Amihan, Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas o Pamalakaya, at Ugnayan ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA ang pagdinig sa mga kanilang mga isyu na batayan ng panawagang magbitiw si Pangulong Aquino sa puwesto.

Kabilang sa mga isyung inihapag ng mga magsasaka ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa, pangangamkam ng lupa ng mga panginoong maylupa at malalaking korporasyon, pagkalat ng mga puwersang militar para takutin ang lumalabang mga magsasaka, panggigipit sa maliliit na mga mangingisda para paboran ang malalaking korporasyon at dayuhan, at iba pa.

Sinalang din sa “people’s hearing” sa Mendiola ang pananagutan ni Aquino sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sa testimonya ni Kenneth Guda, patnugot ng Pinoy Weekly at mamamahayag na kalahok sa People’s Fact-Finding Mission sa Mamasapano noong Pebrero 9 hanggang 11, isiniwalat ang kaganapan noong Enero 25 sa punto-de-bista ng mga magsasakang Moro na labis na naapektuhan sa pagsalakay ng mga puwersang pulis sa kanilang komunidad, batay sa utos ni mismong Pangulong Aquino at ng gobyerno ng Estados Unidos (US).

Pagdinig sa Plaza Miranda

Noong Pebrero 20, pinangunahan naman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang “people’s hearing” sa Plaza Miranda sa Quiapo, Manila matapos agarang itigil ng Kamara ang pagdinig hinggil sa Mamasapano.

“Kung sa Senado, may executive session, dito, open session,” sabi ni Raymond Palatino, tagapangulo ng Bayan-Metro Manila, at nagsilbing tagapagpadaloy sa sesyon na dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon.

Kapansin-pansin din ang pakikinig ng mga estudyante, parokyano sa simbahan sa Quiapo, mga maninindang Moro, at iba pang mamamayang nasa Quiapo noong panahong iyon.

Sa naturang pagdinig, tinalakay din ni Guda ang naging mga resulta ng fact-finding mission, lalo na ang maraming impormasyon na di-masyadong nailalantad sa iba’t ibang pagdinig sa Kongreso at ulat sa masmidya.

Sinalaysay ni Guda na sinabi mismo ng mga residente ng Mamasapano na narinig nila ang mga mga ugong ng US drones na siyang naniktik sa lugar isang linggo bago ang mismong operasyon.

Para kay Guda, kahit pa lantaran ang drone bilang ebidensiya ng pagkakasangkot ng US sa operasyon, pilit na pinagtatakpan ng mga pagdinig ang kamay ng US sa insidente, at may paghaharang na ilabas ang dokumentasyon tungkol sa mga naiulat ng mga testigo na paglahok ng mismong tropang Amerikano sa operasyon.

Sa naturang pagdinig, pinalawig ni Prop. Roland Simbulan ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila at eksperto sa ugnayan sa pagitan ng US at Pilipinas, ang kasaysayan ng pagkakasangkot ng US sa mga operasyon sa labas ng bansa nito.

Pilit aniya na pinagtatakpan ang mga bakas ng panghihimasok ng mga tropang US sa operasyon. Pero madiin ang paalala niya na sa kasaysayan, palagiang nandoon ang US sa mga operasyong hindi lang nakatuon sa tinaguriang “giyera kontra sa teroroismo,” kundi pati na rin sa giyera kontra-insurhensiya.

Kabiguan sa pagpapanagot

Tatlong taon nang walang kaguluhan sa lugar, ayon sa mga nakapanayam na kababaihan ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, na kasama rin sa fact-finding mission. Malaking katanungan ang engkuwentro aniya para sa mga mamamayan na nandoon.

Bakit magkakaroon ng encounter, may peace process naman, mayroon ding ceasefire?” sabi ni Ilagan na tinanong sa kanya ng mga residente.

Napilitan aniyang lumikas ang mga mamamayan nang nagsimula ang putukan madaling araw ng Enero 25.

Ikinuwento ni Ilagan ang salaysay ng isang ina na dala ang kanyang dalawang-buwan at pitong taon na mga anak. “Ang kanyang asawa ay nagpaiwan dahil tutulong sa paglaban. Tanghali na nang nalaman niya na namatay ang kanyang asawa. Kaya naman ang tanong ng mga nanay doon, ‘Paano na kami, wala na kaming kabuhayan.’ Ang mga mais ay hindi pa namin puwedeng balikan,” sabi pa niya.

Kuwento ng mga nanay doon, may mga nakuha pang granada at bala sa lupag taniman ilang araw matapos ang insidente.

Matatandaang maisan ang lugar ng insidente. Simbolo ng pang-ekonomiyang pagkilos ng mga mamamayan ang maisan, na hindi binibigyang diin at hindi nailalantad sa nakaraang mga pagdinig.

‘Daang matuwid, daang pamapangib’

Samantala, sa kanilang biswal na display habang nagaganap ang pagdinig, ipinakita ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang kaugnayan ng insidente sa Mamasapano sa mahabang talaan ng mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Aquino.

Upang iligtas ang ating bansa sa lalong kapahamakan, kailangan itulak si Aquino tungo sa “Accountability Street,” ani Cristina Palabay, tagapangulo ng Karapatan. Tinutukoy niya ang kanilang biswal na display ng kalsada na sumisimbolo sa “duwid na daan” pero nakikitaan ng iba’t ibang kaso ng paglabag sa karapatang pantao, tulad ng pagkakaroon ng mga detinidong pulitikal, mga kaso ng pamamaslang at pagdukot, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso, militarisasyon, at iba pa.

Sa pagdinig, nagsilbing tagalitis ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, kabilang sina Sammy Malunes ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Joms Salvador ng Gabriela.

Samantala, nagsalita rin si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na kalahok din sa fact-finding mission sa Mamasapano. Aniya, kung sana’y ganito lang ang sinabi ni Aquino sa publiko, baka mapatawad pa siya ng mga ito: “Inaamin ko ang buong responsabilidad sa Mamasapano. Kaya ako po ay, per advise, ay mag-re-resign.”

“Balikan natin (kung) ano ang responsabilidad ni Pangulong Aquino. Sinasabi niya na siya ang ‘ama ng bayan.’ Napakawalang-hiyang ama naman niya kung hindi niya aaminin ang responsabilidad,” diin ni Zarate. Kabilang sa “pagpapabaya” umano ng “ama ng bayan” ay ang pagpapasubo sa mga commando ng Special Action Force na sinabak sa Mamasapano kahit na malinaw na may ceasefire ang gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front.

Isinubo niya rito hindi lang ang buhay ng 44 SAF. Kasama na ang buhay ng 18 combatants ng MILF na umaasa na magkakaroon na ng katahimikan sa Mindanao, sa ilalim ng ibinabalangkas na Bangsamoro Basic Law, at ang kasamang pinatay rito ay pitong sibilyan na hanggang ngayon ay walang kaseguruhan kung sino ba ang magbibigay sa kanila ng reparation,” sabi pa ni Zarate.

Para sa mga grupong lumahok sa pagdinig, wala pa ring indikasyong aakuin ng Pangulo ang pananagutan niya sa serye ng kabiguan na kanyang nakasadlakan sa loob ng limang taong panunungkulan. Iisa lang ang insidente sa Mamasapano sa mahabang listahan ng kanyang mga kakulangan sa pagtugon, ayon sa Bayan.

Dahil dito, anila, lalong lumalakas ang ugong ng panawagang bumaba na si Pangulong Aquino sa puwesto.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/peoples-hearings-para-sa-katotohanan-pananagutan-sa-mamasapano-isinagawa-ng-ibat-ibang-grupo/feed/ 0
Aquino gov’t accused of ‘criminalizing dissent’ through ‘trumped-up’ cases in Mindanao http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-govt-accused-of-criminalizing-dissent-through-trumped-up-cases-in-mindanao/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-govt-accused-of-criminalizing-dissent-through-trumped-up-cases-in-mindanao/#comments Mon, 23 Feb 2015 11:08:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33859 In response to the Aquino government's tactic of filing trumped-up cases against its critics, people's organizations have called for the passing of the Anti-Slapp Bill in Congress. <b>Kilab Multimedia</b>

In response to the Aquino government’s tactic of filing trumped-up cases against its critics, people’s organizations have called for the passing of the Anti-Slapp Bill in Congress. Kilab Multimedia

DAVAO City – Leaders of peoples’ organizations Karapatan, Barug Katawhan, Balsa Mindanao, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) in Southern Mindanao Region, and Kilusang Magbubukid ng Pilipinas criticized the Aquino government for filing trumped-up charges against their leaders and members to silence the protests against human rights abuses.

Sheena Duazo, Bayan-SMR spokesperson, said this ploy that “smacks of desperation” is part of Aquino’s counter-insurgency program Oplan Bayanihan that violates the democratic rights of individuals and organizations.

As a result of the “food protest” on January 15, 2013 where around 7,000 typhoon Pablo victims and survivors blocked the road in Montevista, Compostela Valley province for nine hours, the Aquino administration filed criminal charges against the progressive bloc.

Duazo, together with Mae Fe Ancheta of Balsa Mindanao, Carlos Trangia, Grace Curso, Leni Camino of Barug Katawhan and others face cases of violating Batas Pambansa 880 or “resistance and disobedience to a person of authority”.

Karlos Trangia of Barug Katawhan condemned the government’s response and described it as a mockery of the plight of Typhoon Pablo victims. Instead of facing accountability in what was widely believed to be a criminal neglect of the Aquino government, it has resorted to glaring harassments and intimidation, said Trangia.

Progressive groups also launched the Anti-Strategic Lawsuits Against Public Participation (Slapp) Bill in Congress and called for its immediate passage.

Slapp is a “legal action filed by corporations, public officials or individuals against non-governmental organizations, People’s organizations, local residents, community groups, and individuals in an attempt to intimidate the latter into discontinuing their protests, oppositions, and criticisms against any initiative of the former that adversely affects public interest and welfare.”

Duazo believes that it is high time to pass the Anti-Slapp Bill in order to end the violations through these schemes.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/aquino-govt-accused-of-criminalizing-dissent-through-trumped-up-cases-in-mindanao/feed/ 0
Academe appeals to ‘Save Our Nation,’ calls for Aquino’s resignation http://pinoyweekly.org/new/2015/02/academe-appeals-to-save-our-nation-call-for-aquinos-resignation/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/academe-appeals-to-save-our-nation-call-for-aquinos-resignation/#comments Thu, 19 Feb 2015 09:56:27 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33830 Teachers and students from public and private schools launch a nationwide movement calling for President Aquino's resignation. Ilang-Ilang Quijano

Teachers and students from public and private schools launch a nationwide movement calling for President Aquino’s resignation. Ilang-Ilang Quijano

Teachers and students from public and private schools today launched a “Save Our Nation” movement calling on Pres. Benigno Aquino III to resign, calling the botched operation in Mamasapano as only the latest tragedy that shows the president’s incapacity to lead the nation.

“He must resign because if he stays, he will also stay arrogant and without any regard for the welfare of ordinary Filipinos,” said National Artist For Literature and UP Professor Emeritus Bienvenido Lumbera in Filipino.

In a press conference in Quezon City, the movement decried the suspension of congressional probes as part of the ongoing “cover-up” of Aquino and the US government’s direct involvement in the Mamasapano operation.

Fatal mistakes?

They said that Aquino’s mistakes–from the Luneta hostage crisis to the pork barrel scam to the Yolanda disaster–have proven to be “fatal.” “Actually, ‘mistake’ is an understatement. These are more of a series of tragedies that prove that Aquino really is in no capacity to lead the nation,” said Miko Pangalanan, spokesperson of Youth Act Now.

The movement has started nationwide efforts to collect signatures for Aquino’s resignation, and vowed to wear black armbands as a sign of protest.

Present at the launch were teachers and students from UP, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines, University of the East, Ramon Magsaysay High School, Manila Science High School, Manuel Roxas High School, Taguig National High School, and representatives from Alliance of Concerned Teachers (ACT), Quezon City Public School Teachers Association, and Manila Public School Teachers Association.

US intervention, unconstitutional

ACT Teachers Rep. Rolando Tinio challenged the Department of Foreign Affairs to cite a legal basis for the US-PH joint combat operations in Mamasapano, saying that such is prohibited under the 1987 Constitution.

Youth Act Now spokesperson Miko Pangalanan: Aquino has no capacity to lead the nation. Ilang-Ilang Quijano

Youth Act Now spokesperson Miko Pangalanan: Aquino has no capacity to lead the nation. Ilang-Ilang Quijano

He also pointed out contradictory statements by Philippine officials and the US embassy. “(SAF chief Getulio) Napeñas said that he was the one who requested for US assistance in retrieving the bodies. But the US embassy said that the request came from the AFP (Armed Forces of the Philippines),” he said.

Tinio also said that the AFP admitted to Congress that on 10 a.m. of January 25, they already had a helicopter on standby at Camp Siongco in Awang, Maguindanao. “So why was the US the first on the scene and not the AFP?” the lawmaker asked.

Prof. Roland Simbulan, a political scientist from UP Manila, said that Mamasapano was clearly a special operation by the US government, which Aquino knew about from the very beginning. “The US went directly to the president, and the president violated the chain of command by assigning it to suspended PNP chief Alan Purisima,” said Simbulan.

He also cautioned against the “terrorist” bogey being whipped up by the administration to justify the loss of lives. The issue, he said, was US direct military intervention, which actually puts the country in danger.

“In all the countries where the US has intervened militarily, the national government is weakened, and more ‘terrorist groups’ emerge. With our troops becoming ‘bounty hunters’ for the US, our enemies around the world increases,” said Simbulan.

He added that the Special Action Force troopers were used as “sacrificial lambs” by the US, and that this was allowed by Aquino himself. “I would not be suprised if there was indeed an order from the president to ‘stand down.’ The US forces brought the SAF to direct engagement, but did not do anything to save their lives when the operation went wrong,” he said.

Teachers say that Aquino has already committed seven "fatal mistakes" that should cost him the presidency. Ilang-Ilang Quijano

Teachers say that Aquino has already committed seven “fatal mistakes” that should cost him the presidency. Ilang-Ilang Quijano

Simbulan said that the Mamasapano incident should serve as an eye-opener for soldiers and police forces, most of whom in the rank-and-file come from poor families. “They should ask themselves, in their long years of service, whom do they really serve? Whose interests are they protecting?”

Atty. Greg Fabros of Centro Escolar University meanwhile said that it was time to “take back our sovereignty” by removing Aquino. He reminded the public on the president’s “treacherous” signing of the Enhanced Defense Cooperation Agreement last year, which practically re-establishes US military bases in the country.

‘Transition council’

Benjie Valbuena, ACT chairperson, said that a “transition council,” which will emerge from the people’s movement calling for Aquino’s resignation or ouster, should replace the president–and not just a single political personality–until elections can take place.

“The council must be made up of people with integrity, and represent different sectors of society,” he said.

“History has taught us that Filipinos, in times like these, can act as one to replace a leader they no longer deserve. Let us unite with our people by joining in these concerted actions. Save our nation, Aquino resign!” Lumbera meanwhile said.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/academe-appeals-to-save-our-nation-call-for-aquinos-resignation/feed/ 1
PHOTO STORY | Land and struggle in Maguindanao http://pinoyweekly.org/new/2015/02/photo-story-land-and-struggle-in-maguindanao/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/photo-story-land-and-struggle-in-maguindanao/#comments Thu, 19 Feb 2015 07:51:33 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33793
For peaceful prayer
Masjid Dimaukom or the pink mosque in Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Pink, they say, stands for peace. KR Guda
Street life
Life is normal in the streets of Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Life after death
Despite the traumatic events of January 25, life continues in Brgy. Tukanalipao. KR Guda
Watching the hearings
In Brgy. Tukanalipao in Mamasapano town of Maguindanao province, a resident fixes her electric fan as she begins to watch the Senate hearings on the Mamasapano debacle. KR Guda
Busy with school
Students in Linantangan Elementary School are busy with school work even as more than half of their classmates are still yet to return to school after the attack in Mamasapano. KR Guda
'Math Park'
A mother and child in Linantangan Elementary School, after dismissal of classes. KR Guda
Signs of times
A child passes by the military camp of the 1st Mechanized Infantry Brigade of the Philippine Army in Shariff Aguak, Maguindanao. The signs offer congratulations to the Philippine President for signing the agreement with the Moro Islamic Liberation Front. KR Guda
Souvenirs
Residents put up pictures of women residents in a hut in Tukanalipao proper. KR Guda
Fellow cops
The People's Fact-Finding Mission members interview members of the local police station in Mamasapano, Maguindanao regarding the bloodbath that occured on January 25. KR Guda
Therapy
Students gather outside their classrooms during a psycho-social intervention by the Children's Rehabilitation Center in Linantangan Elementary School. KR Guda
Where they died
Fallen and unharvested corn crops now remain where the bodies of fallen police commandos were found. KR Guda
Remnant
A Tukanalipao resident shows a bullet, purportedly from an M-60 machine gun, that pierced through their houses after SAF members reportedly opened fire on their houses. KR Guda
Recounting the dead
A local police describes to the People's Fact Finding Mission members how the locals brought to them the bodies of the 44 SAF members after the bloody encounter. KR Guda
'As big as a fist'
A human rights worker points to the huge hole reportedly caused by indiscriminate firing of SAF commandos in the highway during the bloody encounter. A child looks on. KR Guda
Wooden witness
A farmer, with his bicycle, passes by the wooden bridge which was the site of the bloody clash between Moro fighters and police commandos. KR Guda
Survived but traumatized
Samra's child looks on as his mother tells the story of how her other child, the 8-year-old Sarah, was shot and killed during the police commandos' raid in Sitio Inugog in Mamasapano, Maguindanao. Samra herself was grazed by a bullet in her right cheek. KR Guda
From one dynasty to another
The image of the Philippine President, Benigno Aquino III with the Mamasapano mayor, Tahirodin Benzar Ampatuan, inside the town hall. The Ampatuans were themselves implicated in a bloody massacre of 54 people, more than half of which were journalists, in 2009. The case remains unclosed until today. KR Guda
Bangsamoro state
A sign indicating that a different "government" is in operation as one enters Camp Darapanan in Sultan Kudarat, Maguindanao. KR Guda
Sentinel
"You don't have to avoid showing my face," an MILF fighter says, standing guard inside a modern building where central committee members of the MILF hold meetings. "I don't have anything to hide." KR Guda
Real politics
Ghadzali Jaafar, MILF's vice-chairman for political affairs, discusses to visitors the situation in their ranks after the Mamasapano incident. KR Guda
Standing guard
An MILF fighter stands guard outside a modern building that is home to the central committee of the MILF in Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao. KR Guda
Battle-ready
Tanks perennially stationed in Army checkpoints. KR Guda
Red alert
Members of the local unit of the Special Action Force of the Philippine National Police have their own checkpoint near Cotabato City. KR Guda
Not business as usual
A sign announcing that an agreement between the Aquino administration and the MILF has to come soon--or there will be consequences--stands in front of a huge factory in Sultan Kudarat, Maguindanao. KR Guda
A quiet life in Liguasan
A simple house stands amid the sprawling beauty of Liguasan Marsh, which is reportedly home to a vast reserve of natural gas, which is coveted by many multinational corporations. KR Guda

The bloodbath in Mamasapano, Maguindanao once again brought to media (and therefore public) attention the armed struggle being waged by various revolutionary, Bangsamoro groups for more than a century now.

Philippine senators, in their own inquiry, and riding on a wave of Islamophobia and anti-Moro sentiment, questioned the Moro Islamic Liberation Front (MILF)’s description of itself as a “revolutionary organization”. The senators thus betrayed an ignorance of the long history of Bangsamoro revolutionary struggle to determine their own future amid political and economic impositions from what they call “imperial Manila” and exploitation of their natural resources by foreign and local elite interests.

After the MILF’s signing of a comprehensive agreement with the Philippine government, progressive pundits were alarmed that the Bangsamoro struggle may have been compromised, especially after the United States government–which had expressed its desire to tap into the rich natural gas reserves in Liguasan Marsh–were adamantly supportive of the agreement. The MILF dismissed the warnings, saying that peace has to happen sometime, and that the agreement with the Aquino government, as well as the Bangsamoro Basic Law, was the closest thing to a principled peace that they could achieve.

That was before Mamasapano happened, of course. On January 25, the town of Mamasapano, which was clearly an MILF controlled territory, was subjected to a night-to-dawn police operation by dozens of police commandos ostensibly targetting two “known terrorists”. We all know what happened next.

Even in the bloodbath’s aftermath, the MILF affirmed its commitment to the peace process with the Aquino government. Meanwhile, other groups like the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) and factions of the old Moro National Liberation Front (MNLF) now call for a continuation of the armed struggle. With what we now know of the Mamasapano operation, it is clear that the Manila-based government, and its patron US government, did not have the Bangasamoro people’s interests at heart.

The people of Maguindanao, as well as all of Moro Mindanao, will have to brace themselves of an even longer struggle for self-determination and peace.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/photo-story-land-and-struggle-in-maguindanao/feed/ 0