Pinoy Weekly » Kababaihan http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sat, 21 Mar 2015 10:35:23 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.1.1 Ika-284 kaarawan ni Gabriela Silang, ginunita ng kababaihan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/ika-284-kaarawan-ni-gabriela-silang-ginunita-ng-kababaihan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/ika-284-kaarawan-ni-gabriela-silang-ginunita-ng-kababaihan/#comments Thu, 19 Mar 2015 13:25:25 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34307 Nag-alay ng bulaklak ang grupong Gabriela sa monumento ni Gabriela Silang sa paggunita sa ika-284 kaarawan ng nasabing bayani. <strong>Pher Pasion</strong>

Nag-alay ng bulaklak ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa monumento ni Gabriela Silang sa paggunita sa ika-284 kaarawan ng nasabing bayani. Pher Pasion

Ginunita ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang ika-284 na kaarawan ng bayaning si Gabriela Silang sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento nito sa Makati City ngayong Marso 19.

Ayon sa grupo, napakahalagang ipaalala sa kababaihan ang buhay at pakikibaka ni Gabriela Silang.

“Sa panahong ngayon, dapat tayong patuloy na maging mapagmahal sa ating soberanya gaya ni Gabriela at tulad niya ay handang lumaban para rito,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Sa Santa, Ilocos Sur na lugar ng kapanganakan ni Gabriela Silang, nakiisa naman si Gabriela Women's Party Rep. Emmi de Jesus at iba pang miyembro ng kanyang partido sa unang pagpapakita ng bagong estatwa ng kababaihang bayani. <b>Kontribusyon</b>

Sa Santa, Ilocos Sur na lugar ng kapanganakan ni Gabriela Silang, nakiisa naman si Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus at iba pang miyembro ng kanyang partido sa unang pagpapakita ng bagong estatwa ng kababaihang bayani. Kontribusyon

Dagdag pa ni Salvador, wala na ang dayuhang Espanyol na mananakop. Pero buhay pa rin ang panghihimasok ng mga dayuhan lalo na ng Estados Unidos (US) sa pulitika at ekonomiya ng Pilipinas kaya mahalaga pa rin ang pakikibaka.

“Malinaw ngayon na may pinakamalaking impluwensiya sa ating gobyerno ang US. Makikita ang pakikialam nito sa usaping pulitikal gaya na lang sa pangyayari sa Mamasapano na naging bahagi ang mga Kano sa palpak na operasyon,” sabi pa ni Salvador.

Hinikayat niya ang kababaihan na maging mapangahas sa pakikibaka gaya ni Gabriela at huwag magpalimita sa atrasadong mga pananaw hinggil sa lugar ng kababaihan sa lipunan.

“Marami tayong kakayanan bilang indibidwal at bilang grupo o organisasyon ng kababaihan. Sa katunayan, kung nanaisin natin, kaya rin nating magpalayas sa puwesto ng Presidenteng nagtatraydor sa mamamayang Pilipino. Ang hamon sa atin ngayon, ipakita ang tunay na lakas at totohanin natin ang kakayanang ito,” pagtatapos ni Salvador.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/ika-284-kaarawan-ni-gabriela-silang-ginunita-ng-kababaihan/feed/ 0
#WomensDay | Paglala ng kanilang kalagayan, batayan ng panawagang #AquinoResign ng kababaihan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/womensday-paglala-ng-kanilang-kalagayan-batayan-ng-panawagang-aquinoresign-ng-kababaihan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/womensday-paglala-ng-kanilang-kalagayan-batayan-ng-panawagang-aquinoresign-ng-kababaihan/#comments Mon, 09 Mar 2015 09:30:12 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34130
Iba-ibang porma
Sinayaw ng mga lider-kababaihan, kasama ang mga babaing manggagawa, ang kani-kanilang bersiyon ng sayaw para sa One Billion Rising Revolution. Jaze Marco
Sayaw-itsa
Mga miyembro ng Sining Bulosan ng Migrante International. Boy Bagwis
Ayon sa kababaihang manggagawa ng Kilusang Mayo Uno, tumindi ang kahirapan nila sa ilalim ni Aquino dahil sa pagtutulak ng huli ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, habang di binibigyan ng nakabubuhay na sahod ang mga manggagawa. Boy Bagwis
Kuha niDarius Galang
Sa init ng araw
Hawak ang mga banderitas na nananawagan ng pagbibitiw ni Aquino, naghandang magmartsa patungong Mendiola ang mga nanay at anak nila. Macky Macaspac
Laksa-laksa
Martsa patungong Mendiola. Darius Galang
Kabahagi ang LGBT
Dala ng mga kabataan at miyembro ng komunidad ng LGBT ang rainbow flag na nananawagan ng hustisya para kay Jennifer Laude. Jaze Marco
Babaing obrero
Kababaihan ng Kilusang Mayo Uno. Jaze Marco
Alagad ng sining
Kasama sa martsa ng Women for Aquino's Resignation (Warn) ang mga babaing artista tulad ni Skarlet Brown (mang-aawit ng Put3Ska at Brown Beat All Stars, pang-apat mula sa kaliwa). Macky Macaspac
10,000 nagmartsa
Martsa patungong Mendiola. Pher Pasion
Kuha ni Pher Pasion
Kuha ni Pher Pasion
Kuha ni Boy Bagwis
Sigaw
Sigaw para sa kanyang pagbibitiw. Boy Bagwis
Migrante't kaanak
Nakiisa ang mga migrante at kaanak nila sa artsa ng kababaihan. Kuha ni Pher Pasion
Konsehong Bayan
Idinagdag ng kababaihan ang boses nila sa mga nananawagan ng isang Transition Council na siyang papalit sa isang magbibitiw na Pangulo. KR Guda
Sakay ng drone at Peleliu
Dinala ng mga demonstrador sa Mendiola ang isang effigy ni Aquino na nakasakay sa isang drone, habang nasa ibabaw din ng USS Peleliu, ang barkong pandigma na sinakyan ni PFC Joseph Scott Pemberton, ang sundalong Kano na akusado sa pagpaslang kay Jennifer Laude. Darius Galang
Hila pababa
Hinila ng kababaihan ang effigy ni Aquino papaba ng eroplanong drone at barkong pandigma. Boy Bagwis
Kuha ni Jaze Marco
Taas-kamao pa rin ang simbolo ng paglaban ng kababaihan. KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni Pher Pasion
Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela: Hindi na matitiis kahit ng pinakamatiising babae, ang panunungkulan ni Aquino. Priscilla Pamintuan
Sulo ng kababaihan
Naghawak ng sulo ang kababiahan ng Gabriela bilang pagtatapos ng programa sa Mendiola. Macky Macaspac
Kuha ni Pher Pasion

PW march 8 meme

Aabot sa 10,000 kababaihan at iba pang mamamayan ang nagprotesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong Marso 8 para ipanawagang bumaba na sa puwesto ang anila’y “pahirap, pahamak, pabaya, at pasista” na si Pangulong Aquino.

Sa umaga, lumahok ang ilang miyembro at lider ng grupong pangkababaihan ng Gabriela sa sympathy march ng ilang aktibo at retiradong miyembro ng pulisya kasama ang ilang kaanak ng police commandos na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Sa hapon, naglunsad ang grupo ng malakihang programa sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila para igiit ang katotohanan at pananagutan ng administasyong Aquino sa Mamasapano.

Pagkatapos, nagmartsa ang kababaihan at iba pang sektor mula Bonifacio Shrine patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola Bridge, Manila para igiit ang pagbibitiw ni Aquino.

Wala nang puwang ang pagtitiis para sa kababaihan at mga mamamayan sa serye ng kapalpakan ng administrasyong Aquino–mula sa Luneta hostage crisis, kapabayaan sa mga biktima ng mga bagyo gaya bagyong Yolanda, Zamboanga siege, eskandalo sa congressional at presidential pork barrel, at ang pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, ayon sa Gabriela.

Kailangang magbitiw

Hindi lamang ang nangyari sa Mamasapano ang basehan ng kababaihan sa kanilang panawagan para bumaba si Aquino sa puwesto.

Maliban sa nasabing insidente, wala umanong kahulugan ang limang taon ni Aquino kundi pinakamataas na bilang ng mga kaso ng karahasan sa kababaihan at mga bata, pinakamataas na bilang ng kababaihang walang trabaho, at pinakamataas na presyo ng pagkain, ng yutilidad, at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

Naranasan din ng kababaihan ang pinakabulok na kalagayan ng serbisyong panlipunan sa bansa, gayundin ang pinakatalamak na pagkakaapi ng kababaihan at mga mamamayang Pilipino, ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

“Kapag ganito ang pangulo, kapag ganito ang kanyang pamumuno, kahit siguro ang pinakamatiisin, pinakapasensiyosa, pinakamaunawaing babae, magsasabing tama na, sobra na ang pahirap! Aquino, mag-resign ka na, lumayas ka na,” sabi ni Salvador, sa kanyang talumpati sa programa sa Mendiola.

Punakahuli na lang ang insidente sa Mamasapano sa maraming kaso ng pagtraydor diumano ni Aquino sa mga mamamayan, ayon sa Gabriela. <b>Macky Macaspac</b>

Punakahuli na lang ang insidente sa Mamasapano sa maraming kaso ng pagtraydor diumano ni Aquino sa mga mamamayan, ayon sa Gabriela. Macky Macaspac

Dahil umano nakaugat sa mga polisiya at patakaran ng estado ang patuloy na karahasan at kahirapan ng kababaihan at mga mamamayan, naging rebolusyon ang panawagan ng kampanyang One Billion Rising (OBR) ngayong taon.

“Ang naging panawagan natin ay mag-resign na si Aquino. Dahil hindi natin puwedeng baguhin ang sistema kung ang pangulo ay ang siyang pinakabulok,” ani Monique Wilson, global director ng OBR at isang aktibista.

Dagdag ni Wilson, hindi matatanggal ang lebel ng karahasan, kahirapan, at impunity na nararanasan ng kababaihan kung ang pangulo ay “walang compassion, walang silbi, at walang pakialam sa kababaihan.”

Ayon sa Center for Women Resources, tinatayang nasa 45 kaso kada araw ang naitatalang kaso ng domestic violence noong 2013. Mas mataas ito ng 43 porsiyento noong 2012. Ibig sabihin isang babae ang nabubugbog kada 31 minuto.

Tumaas din nang 24 porsiyento ang bilang ng naitalang mga kaso ng panggagahasa, mula 5,180 noong 2012 sa 6,432 sa taong 2013. Katumbas ito ng isang babae o bata ang nagagahasa kada isang oras at 21 minuto.

Mga bata ang 75 porsiyento ng mga biktima sa mga kasong naitala. Maliban pa rito, isang babae o bata ang nakararanas ng panghaharas kada dalawang oras at 25 minuto.

“Ang mga patakarang pang-ekonomiya at pangpulitika ay lalong nagluluwal ng kulturang marahas lalong lalo na sa kababaihang kabilang sa uring inaapi at pinagsasamantalahan,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Pagsulong

Itinakda ng Gabriela ang Marso 8 bilang hudyat ng pag-igting ng panawagan para sa agarang pabibitiw ni Aquino sa pagkapangulo. Malinaw para sa kababaihan na bigo ang administrasyong Aquino para isulong ang kapakanan at kagalingan ng mga mamamayan partikular ng kababaihan.

“Nangangako tayo sa araw natin, mas malaking pagkilos, mas malaking pagtitipon ng mga mamamayan, mas malaking paglaban dahil ayaw na natin  na ang ating kababaihan, ang ating pamilya, ay pinahihirapan at pinahahamak ni Aquino,” ayon kay Salvador.

Layon nilang itayo ang isang people’s transition council o isang konseho na binubuo ng mga nagpatalsik kay Aquino sa puwesto. Layunin ng konsehong ito, na magtalaga ng mga reporma at pansamantalang patakbuhin ang gobyerno para bigyan-daan ang isang eleksiyon.

“Hamon ito ng pagbabago. Nasa ating kamay para mabago ang ating landas. Nasa kamay ng mga mamamayan ang kapangyarihan para tayo ay tumahak ang landas ng pagbabago at paglaya,” ayon kay Liza Maza , tagapagsalita ng Noynoy Aquino Out Now!, network ng mga grupo at personalidad na nananawagan ng pagbitiw ni Aquino.

Kailangang pumili ang mga mamamayan, anila, sa pagitan ng paghintay ng panibagong kapalpakan ng administrasyong Aquino at patuloy na itago ang katotohanan, o ang pababain sa puwesto si Aquino at itayo ang konseho ng mga mamamayan.

“Sa diwa ng rebolusyunaryong si Gabriela Silang, narito (ang kababaihan sa Mendiola) kasama ang mga mamamayan, kasama ang kalalakihang inaapi’t pinagsasamantalahan. Itutuloy natin ang pakikibaka,” pagtatapos ni De Jesus.

Teksto ni Pher Pasion | Larawan nina Boy Bagwis, Darius Galang, Macky Macaspac, KR Guda, Jaze Marco at Pher Pasion

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/womensday-paglala-ng-kanilang-kalagayan-batayan-ng-panawagang-aquinoresign-ng-kababaihan/feed/ 0
Kababaihan, kumakawala sa gapos ng pagsasamantala’t kawalang kabuhayan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-kumakawala-sa-gapos-ng-pagsasamantalat-kawalang-kabuhayan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-kumakawala-sa-gapos-ng-pagsasamantalat-kawalang-kabuhayan/#comments Sat, 07 Mar 2015 10:08:58 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34073 Pagtatanghal ng panunupil sa mga babaing manggagawa/ <b>PW File Photo</b>

Pagtatanghal ng panunupil sa mga babaing manggagawa. PW File Photo

Bahagi ng trabaho ni Jinky Glipa, 19, ang pagbuhat ng mabibigat na sapin-saping tabla na siyang ipinapasok sa malaking makina sa isang pabrika ng plywood sa Valenzuela City.

Panlalaki raw ang ganitong klase ng trabaho. Pero kapit na siya sa patalim, kumbaga. Sa trabahong ito, masuwerte na kung maka-P250 siya isang araw.

Pakwayan kung tawagin ang klase ng trabaho ni Jinky na nakadepende ang kita sa produksiyon sa pabrika. Kalauna’y hindi rin niya natagalan ang ganitong trabaho. Mapanganib kasi sa kalusugan.

Maliban sa pagiging feeder ng kahoy sa makina, pati pagpipintura’y pinagagawa sa kanya. Tuloy, lagi siya noong sinusumpong ng hika. Ang masama, walang anumang benepisyo sa trabahong ito. Mahirap ito dahil lalo siyang nagkakasakit.

Samantala, katulad ni Jinky, malupit din ang pagbabanat ng buto ni Shella Nuñez, 49, taga-Northville B sa Valenzuela. Street sweeper si Shella.

Hindi sapat ang kanyang kinikita para itaguyod nang mag-isa ang tatlong anak. Sa utang siya nakakatawid, kaya laging nakasangla ang ATM card. Maliban pa rito, nangangalakal din siya ng napupulot na mga basura sa pagwawalis para pandagdag kita. Kaya kapag di naglilinis ng kalsada, pagsa-sub-con (sub-contract) ng paggawa ng scotch tape galing pabrika si Shella. Karagdagang P1,200 kada linggo din ito. Pero madalas na kapos pa rin.

Ilan lamang sina Jinky at Shella sa maraming kababaihang hirap makakuha ng trabaho—trabahong may suweldong kahit papaano’y nakabubuhay. Dahil sa desperasyon, araw-araw na napagsasamantalahan ang kanilang lakas-paggawa. Araw-araw, inaapi sila, araw-araw na wala silang karapatan sa pagawaan.

Di rin sila napoprotektahan ng gobyernong dapat sana’y kumalinga sa kanilang pinakabulnerable sa lipunan.

Kawalang kabuhayan

Kita rin ang bulnerabilidad ng manggagawang kababaihan sa mga tulad ni Daisy Torres, 37, na nabubuhay din sa pakyawan, habang nakatira sa isang relocation site sa Valenzuela. Nananahi siya ng mga notebook mula pabrika. Dito, nasa P120 ang kanyang kita kada araw, depende sa gawa.

“Mahirap pa ring pagkasyahin, kaya nakikilabada rin ako para pandagdag. Wala namang trabaho na ibinigay ang gobyerno (nung ilipat sila rito). Nagturo lang ng livelihood, gagawa ng tocino, jewelry making, pero wala namang puhunan. Panandalian lang ’yun,” ani Daisy.

Batid niyang dapat gobyerno ang nagsisigurong may permanenteng trabaho ang mga mamamayan na maaaring bumuhay sa kanila. “Kaya ngayon, umaasa lang kami sa mga ganitong sideline. Tulad ngayon, kapag may tatlong notice (bayaran sa pabahay), tatakutin ka na papaalisin ka (sa tinitirhan mo),” aniya.

Napalalala ang kawalang kabuhayan niya ng mga polisiya sa mga relocation site na ginagawang negosyo ang mga pabahay sa halip na makatulong na maibsan ang paghihirap nila.

Isang masahol na klase ng pagsasamantala sa mga manggagawa, kabilang ang kababaihang manggagawa, ang pagpapatupad ng kontraktuwalisasyon at outsourcing sa paggawa. Sa mga kalagayang kontraktuwal ang mga manggagawa o tagagawa siya ng outsourced na trabaho, walang benepisyo o karapatan sila. Madali ring baratin ang kanilang sahod.

PW march 8 memeBilang babae, bilang obrero

Ganito ang kalagayan, halimbawa, ni Saila Delos Santos, 28, na nang makapanayam ng Pinoy Weekly ay katatapos lang sa kontrata bilang repacker sa isang pabrika ng diaper. Factory worker naman ang asawa niya at sabay na itinataguyod nila ang tatlong anak.

Pakyawan din ang kanyang trabaho. Nasa P1,200 kada linggo ang kinikita ni Saila. Kaya naman, nasa 12-oras ang kanyang inilalaan sa trabaho kada araw para kumita nang mas malaki. Siyempre, wala siyang overtime pay. Di niya sigurado na talagang napupunta ang mga kaltas sa sahod niya sa SSS at PhilHealth.

Ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, labis na tagibang ang sub-con pabor sa mga kapitalista. Di na kasi kailangan pang magpatayo ng pabrika ang kapitalista. Di na rin nila kailangang gumastos sa utilities gaya ng kuryente. Mababa ang pasahod nila sa mga empleyado at walang benepisyo ito—dahil madalas na sa bahay na nagtatrabaho ang mga manggagawang subcontracted.

“Ang punu’t dulo nito’y kung paano pa hahayaan (ng gobyerno) na makapiga pa ng mas malaking tubo ang mga kapitalista sa kapahamakan ng karapatan ng kababaihan. Hindi makatao at kontra-kababaihan ang mga patakaran sa paggawa kahit pa sabihin na may mga batas tayo na dapat pumuprotekta sa karapatan ng kababaihan,” ani Salvador.

Dahil sa tindi ng trabaho, halos wala nang oras sa pamilya bilang ina si Saila. “Pag-uwi, asahan ko, ang bahay ko’y magulo. Kailangan ko pang magluto, magpaligo ng bata. Lalo na kung panggabi ako, pagdating ng bahay, sobrang pagod ko na,” aniya. Ganito ang dobleng pagpapahirap sa kababaihang maralita: ang pagpapahirap sa kanila bilang manggagawa at pang-aapi sa kanila bilang babae dahil sa kanila naiimbudo ang mga trabahong pambahay.

Inaapi rin ang mga tulad ni Saila bilang babae sa kanilang mga pinagtatrabahuan.

“Yung ibang dumaan sa agency, kuwento sa akin, tinatanong sila (ng interviewees) kung virgin pa sila o kung kailan sila huling nakipag-sex. Kung tutuusin, wala namang kinalaman sa trabaho ito. May isa nga, dahil sa hindi kagandahan, hindi tinanggap sa trabaho,” ani Saila.

Ito ang polisiya ng virginity test sa ibang pabrika. “Matindi ang pagre-require ng virginity test sa kababaihan para mas kaiga-igaya sa kapitalista ang walang asawa at anak. Hindi na maoobliga na ibigay ang maternity leave at iba pa,” galit na sinabi ni Salvador.

Kahirapang pinalalala ng gobyerno

Ayon sa Gabriela, bahagi ng neoliberal na mga polisiya ng administrasyong Aquino—at iba pang administrasyon bago ito—ang gawing mura at “pleksible” ang lakas-paggawa para akitin daw ang dayuhang mga mamumuhunan. Pero sa pag-akit sa mga ito, nasasakripisyo ang karapatan ng mga manggagawa—kabilang ang kaseguruhan sa trabaho, sahod na nakabubuhay at karapatang mag-organisa, mag-unyon, at magwelga.

Dahil walang batayang mga industriya ang bansa at wala pa ring tunay na repormang agraryo sa kanayunan, laging limitado o kulang ang trabaho sa bansa. Dahil dito, ayon sa alyansang All Workers’ Unity, mahigpit na magkaugnay ang kakulangan sa trabaho sa bansa at mababang sahod: Dahil may matinding unemployment, nag-aagawan sa trabaho ang dumaraming manggagawa. Sa kalagayang ito, lalong naeengganyo ang mga kapitalista na baratin ang sahod ng mga manggagawa at ipagkait ang kanilang mga karapatan. Laging panakot ng kapitalista: Kung aangal ka sa mababa mong sahod, madali ka lang palitan ng iba pang manggagawa na desperadong magkatrabaho.

Tinatayang nasa 12.4 milyong Pilipino ang walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations noong huling bahagi ng 2014. Tumaas naman ang bilang ng kababaihang walang trabaho sa 41.7 porsiyento noong Disyembre mula 33.2 porsiyento noong Setyembre 2014. Pinakamataas na ito mula noong Agosto 2012 na nasa 42.5 porsiyento.

“Sa Pilipinas, may malaking reserve labor force na gustong magtrabaho o ’yung nasa edad para magtrabaho pero walang mapasukang trabaho. Kahit hindi regular na trabaho, mababa sa minimum wage, tinatanggap ng manggagawa,” ani Salvador.

Sabi ng Gabriela, kahit pa may mga batas na nagsisiguro daw sa proteksiyon ng manggagawang kababaihan gaya ng batas sa maternity leave, dapat na pagkakaroon ng child care facilities sa mga pabrika, at iba pa, balewala ito dahil maraming manggagawang kababaihan ang kontraktuwal at hindi sinasakop ng mga batas na pawang para sa regular na mga manggagawa lang. Bukod pa rito, laganap din ang paglabag mismo ng mga kapitalista sa mga batas na ito.

Sa tantiya ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa, baka umabot na lang ngayon sa 10 porsiyento ng mga manggagawang Pilipino ang regular. Ibig sabihin, 90 porsiyento na siguro ang kontraktuwal. Pero walang aktuwal na datos ang gobyerno—o tinatago nito.

Samantala, nadiskubre ng Gabriela ang iba’t ibang pamamaraan ng administrasyong Aquino para “dayain” ang datos nito hinggil sa may-trabahong kababaihan.

Sa sektor ng agrikultura, halimbawa, marami sa kababaihang magsasaka ang nabibilang sa walang trabaho gaya sa panahon na wala o tigil ang pagtatanim. Lumuluwas sila sa karatig-bayan para mamasukan ng iba’t ibang trabaho o pagtitinda.

“Ginagawa itong taktika ng gobyerno na isama sila sa bilang ng may-trabaho. Para bang sinasabi na okey na na ganito ang klase ng trabaho nila na hindi permanente, hindi sigurado ang kita. May pagtatabon sa katotohanan na napakalala ng sitwasyon ng kawalang trabaho lalo na sa kanayunan,” paliwanag ni Salvador.

Dahil sa mga taktikang ganito, pinagmumukha diumano ng administrasyong Aquino na nilulutas nito ang kawalang trabaho sa bansa. Sa kabila nito, sinasabi ng maraming eksperto sa ekonomiya na wala pa ring batayang industriya ang ekonomiya ng bansa na maglilikha sana ng trabaho. Atrasado pa rin ang agrikultura ng Pilipinas dahil monopolisado ng iilang panginoong maylupa ang kalakhan ng mga lupaing agrikultural.

“Mahalaga ang mga bagay na ito dahil ito ang lilikha ng totoong trabaho (ang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo)…Ito ang kikilala sa papel ng kababaihan sa produksiyon na hindi ginagawa ng gobyerno dahil sa pagsunod sa mga diktada ng imperyalistang mga bansa gaya ng Estados Unidos,” sabi pa ni Salvador.

Lakas ng kababaihan

Para sa kababaihan gaya nina Jinky, Shella, Daisy, at Saila, napaliligiran nga sila ng mga pabrika sa kanilang lugar sa Valenzuela, pero hindi ito nangangahulugang may permanenteng trabaho para sa kanila.

Naging lugar pa ito ng pagsasamantala sa kanila dahil sa pagtutulak ng gobyerno sa mga patakarang nagpapayaman sa mga kapitalista at dayuhan.

Pero ito rin pagpagsasamantala at kahirapan ang nagtuturo umano sa kanila ng kababahan na ipaglaban ang ipinagkakait na mga karapatan nila.

Kalahok ngayon sila sa Gabriela at aktibong nag-oorganisa sa mga kapwa maralita at manggagawa. Nag-aaral sila ng kalagayan ng mga manggagawa at kababaihan sa lipunang Pilipino.

“Sa pagkilos ko nalaman na kaya palang lumaban ng babae. Lalo na ngayon na tumitindi ang kahirapan, talagang mas kailangang makilahok, makiisa sa iba pang inaapi. Kasi kapag walang kumilos, walang nag-ingay, walang mangyayari sa atin,” ani Saila.

Kalahok ang mga tulad nila ngayon sa lumalakas na kilusan para panagutin ang mismong nakaupong Pangulo—si Benigno Aquino III—na promotor ng mga polisiyang nagpapahirap sa kanila bilang manggagawa at bilang kababaihan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-kumakawala-sa-gapos-ng-pagsasamantalat-kawalang-kabuhayan/feed/ 0
Kababaihan giniit ang pagbaba sa puwesto ni Aquino, nanawagan ng ‘transition council’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/#comments Wed, 04 Mar 2015 07:33:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33988 Nanawagan ang mga bumubuo ng Women for Aquino's Resignation para agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino dahil sa sunud-sunod na kapalpakan ng rehimen. <strong>Pher Pasion</strong.

Nanawagan ang mga bumubuo ng Women for Aquino’s Resignation para agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino dahil sa sunud-sunod na kapalpakan ng rehimen. Pher Pasion

Nanawagan ang iba’t ibang kababaihan sa ilalim ng Women for Aquino’s Resignation Now (Warn!) na agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino sa pagkapresidente dahil sa mga kapalpakan nito at wala nang moralidad para mamuno sa bansa.

Kaugnay ito ng pinakahuling kapalpakan ni Aquino sa nangyari sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force at mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) gayundin ang mga sibilyan.

“Hindi na tayo makahintay (bago matapos ang termino ni Aquino) kasi baka may sakuna muling dumating. Nagkatotoo, nagdeklara ng all out war (sa Maguindanao) sa halip na ipagpatuloy ng peace process. Ito ang sakuna na sinasabi natin–hanggang nandyan siya sa posisyon,” ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Nagbabala ang Warn! na mas maraming disaster pa ang maaaring mangyayari kung mananatili si Aquino sa puwesto. Ipinakita nito mula sa insidente sa Luneta, mga bagyong Pablo at Yolanda, Zamboanga siege, eskandalo sa pork barrel gayundin ang Disbursement Acceleration Program na idineklarang ilegal ng Korte Suprema, hanggang sa Mamasapano, ang mga disaster ni Aquino.

Patuloy na kahirapan, isa pang dahilan

Maliban sa mga nasabing disaster, binigyan-diin din ng kababaihan ang lumalalang kahirapan sa bansa na pinapasan nila.

Ang mababang pasahod sa mga may trabaho, patuloy na kontraktuwalisasyon, ang mataas na singil sa mga serbisyo gaya ng kuryente, tubig at maging sa pasahe sa MRT at LRT, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng matrikula, at iba pa, na lubhang nagbibigay pasakit sa mga mamamayan ay hindi binago ng tuwid na daan na ipinangako ni Aquino.

Five years is more than enough. Tama na. Umalis na siya dapat diyan. Hihingi pa ng emergency power, para saan? Heto nga Mamasapano, anong nangyari? So ano, bibigyan natin ng emergency power para panibagong pasakit sa mamamayan na naman ang gagawin?” ayon kay Lolita Donato mula sa Alerto Mamimili.

Sa patuloy na pagtatakip sa naging papel ni Aquino sa Mamasapano at paiba-ibang pahayag kung hindi man tuwing pagsisinungaling sa tunay na pangyayari doon, wala nang nakikita ang grupo na “moral na batayan” para manatili pa sa puwesto si Aquino.

Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan (kaliwa) at Rev. Sol Villalon, habang nagpapaliwanag ng mga kasalanan ni Noynoy Aquino sa mamamayan sa isang press conference sa Lungsod ng Quezon. <strong>Pher Pasion>

Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan (kaliwa) at Rev. Sol Villalon, habang nagpapaliwanag ng mga kasalanan ni Noynoy Aquino sa mamamayan sa isang press conference sa Lungsod ng Quezon. Pher Pasion>

“Ang isang presidente na hindi nagmamalasakit sa mas marami ay walang moral ascendancy na mamuno. Sa nangyaring ito, nang mabisto itong DAP na ito, ang korapsyon, at ito ay hinayaan ng presidente ito ay nagsasabing wala siyang karapatang mamuno dahil sa imoral ang mga ito ngunit kanyang binabasbasan,” ayon kay Rev. Sol Villalon mula sa Promotion of Church People’s Response.

Ayon kay Mae Paner, performance activist na mas kilala sa karakter na Juana Change, isang pagkakamali na sinoportahan niya si Aquino sa pagkapangulo noon. Sa naging pagbabago ni Aquino, nakita niya na ang sinasabi nitong tuwid na daan pala ay bangin sa dulo at hindi siya tatalon doon.

“Ang laki talaga ng panghihinayang ko dahil nangarir ako noon para siya ay maluklok. Ngayon naman, nangangarir ako para siya ay hindi na maluklok at matanggal naman. Ganun talaga, nagbago siya,” ayon kay Paner.

All-out war, kinodena

Kinondena naman ng Warn! ang all-out-war sa Mindanao para tugisin ang mga itinuturing nitong mga “terorista”. Dito, libu-libong sibilyan mula sa di-bababa sa 12 barangay ng Maguindanao ang naapektuhan at nakararanas karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

“Sa tuwing may militarisasyon sa mga lugar, numero unong naaapektuhan ang mga bata. At epekto sa mga ito ay hindi na sila nakakapasok sa mga paaralan. Hindi lamang apektado sa pag-aaral kundi ang trauma na kanilang nararanasan,” ani Reina Requioma, tagapagsalita ng Salinlahi.

Pero mas higit na nakakaapekto ang mismong mga bata ang napapatay sa patuloy na militarisasyon na nagiging “collateral damage.”

Tinukoy din ang papel na ginagampanan ng gobyerno ng US sa nangyayari sa Mindanao, partikular sa Mamasapano. Ang US umano ang siyang nagbansag kina Marwan bilang mga terorista at ang US din kung gayon ang may pakana sa likod ng war-on-terror na ito, ayon kay Nancy Gadian, dating tiniyente ng Philippine Navy.

Naging bahagi si Gadian ng mga grupo ng mga opisyal-militar na nakipag-ugnayan sa mga sundalong Kano sa ilalim ng Joint Special Operations Task Force-Philippines sa Camp Navarro, Zamboanga City hanggang 2007.

Isiniwalat ni Gadian ang diumano’y korupsiyon sa P46 Milyong pondo para sa Balikatan military exercises noong 2007. Nagsalita rin siya sa saklaw ng pakikialam ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas.

“Naging sacrificial lamb ‘yung ating mga SAF. Kung may kakayahan pala silang (ang US) maituro o malaman kung saan location ng Marwan na ito, bakit hindi na lang sila ang gumawa ng sarili nilang operation na hindi kasama ang ating front liners, ‘yung mga sundalo at kapulisan,” ayon kay Gadian.

Para kay Gadian, may itinago na katotohanan ang administrasyong Aquino at ang US, base sa nakalap na impormasyon kasama ang mga Amerikanong sundalo sa pagkokomand sa CP o command post (ng operasyon sa Mamasapano).

“Nung bumagsak na lahat ang ating operatives, nasaan (ang US),” ayon kay Gadian.

Dagdag ni Gadian, malinaw umano sa mga pagdinig sa Senada at Kamara na nakabusal ang mga bibig ng mga heneral para isalba si Aquino sa tunay na nangyari sa Mamasapano.

Dating Navy Lieutenant Nancy Gadian (kaliwa) at Lolita Donato ng Alerto Mamili sa pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa pagbibitiw sa puwesto ni Noynoy Aquino bilang presidente. <strong>Pher Pasion</strong>

Dating Navy Lieutenant Nancy Gadian (kaliwa) at Lolita Donato ng Alerto Mamili sa pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa pagbibitiw sa puwesto ni Noynoy Aquino bilang presidente. Pher Pasion

Para naman sa mga alagad ng simbahan, di tunay na nais makamit ni Aquino ang kapayapaan sa Mindanao kung nagsasagawa ito ng all-out-war kahit na sinasabi pa nitong para sa kapayapaan ang kanyang rehimen.

“Hindi na natin kakayanin na ang isang presidente, ang pinakamataas na lider ng mataas ng bansa, ay hindi kayang tumingin sa atin at magturo sa atin kung ano ang moral, kung ano ang makatuwiran, kung ano ang justice, kung ano ang katotohanan. Hindi siya makapagsabi ng totoo. Paano tayo makakagalang?” ani Rev. Villalon.

Paghahanda sa Marso 8

Sa darating na Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8, magsasagawa ng malaking protesta ang Warn! para patuloy na ipanawagan ang pagbibitiw ng pangulo.

Kasabay nito, nananawagan silang itayo ang isang people’s transition council para pansamantalang ipalit kay Aquino para magbigay daan sa isang tunay na eleksiyon.

“Hindi namin gusto ng mga pulitiko na mangangako lang ng matatamis na salita na sa kalaunan na babaliin ng sinasabi. Ang gusto po namin yung totoong people power,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ipapaloob sa people’s transition council ang mga kinatawan ng mga sektor na bahagi sa pagpapaalis kay Aquino, mga may malilinis na track record at walang vested interest, mga taong simbahan, at iba pa. Kasabay din nito ang pagtatayo ng isang Truth Commission kaugnay ng Mamasapano para hindi na makalusot ang mga gustong lumusot kaugnay ng Mamasapano, dagdag ni Salvador.

Bago man daw ito sa bansa, pero nangyari na ito sa ibang mga bansa na matapos magsalita at kumilos ang kanilang mga mamamayan na mapatalsik ang kanilang mga pinuno ay pinalitan ng isang konseho ng mga mamamayan para gawin ang kinakailangang reporma at ihanda ang isang halalan.

Pero bago ang eleksiyon, kailangan munang linisin ang Commission on Elections, sabi ni Salvador.

“Sa Marso 8, ito po’y araw ng mga ina, araw ng mga babae, kapatid. Pero gawin po natin itong araw ng pagkilos na nagsasabing ayaw na natin, tama na, sobra, Aquino magbitiw ka na,” ayon kay Salvador.

Para sa kanila, kailangang matuto sa kasaysayan na hindi uubra ang pagpapalit lamang basta ng mga pulitiko. Kanilang binigyan diin na kailangan palitan ang sistema na siyang nagpapahirap sa mga mamamayan.

Bago ang Marso 8, serye ng mga protesta ang kanilang ilulunsad sa mga komunidad, pabrika, lansangan, at iba pa sa buong Pilipinas ang kanilang ilulunsad para ipanawagan ang pagbibitiw ni Aquino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/kababaihan-giniit-ang-pagbaba-sa-puwesto-ni-aquino-nanawagan-ng-transition-council/feed/ 0
Sa anibersaryo ng Herrera Law, Aquino ginawaran ng ‘end of contract’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/#comments Wed, 04 Mar 2015 07:10:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33993 Ginawaran ng Endo o end of contract si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women's Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. <strong>Pher Pasion</strong>

Ginawaran ng Endo o end of contract si Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women’s Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. Pher Pasion

Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo.

Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law.

“Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang mga manggagawa kasama ang Department of Labor and Unemployment,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Ipinasa ang Herrera Law o Republic Act 6715 noong Marso 2, 1989. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), naging instrumento ang batas na ito para payagan ang kontraktuwal sa paggawa. Sa ganitong kalakaran, ipinapaloob lamang sa kontrata ang isang empleyado nang hindi lalampas sa anim na buwan.

Base sa batas, ang isang manggagawa o empleyado na lampas sa anim na buwan ay maituturing nang regular.

Dagdag ni De Jesus, lalong lumala ang mga pakanang kontraktuwalisasyon sa ilalim ng anak ni dating Presidente Cory Aquino, ina ng kasalukuyang pangulo.

Noong 2011, naglabas si Aquino ng DOLE Order Number 18-A, na nagresulta sa low-skilled jobs katulad ng janitorial ang naging kontraktuwal, maging ang mga regular na posisyon para sa sensitibong serbisyo gaya ng pinansya, information technology, airline, at pagtuturo ay nalusaw.

“Sa 26 na taon ng Herrera Law, mas marami na ngayon ang kontraktuwal kesa sa mga regular na manggagawa sa parehong publiko at pribadong sektor,” ayon kay Nitz Gonzaga, vice-chairperson for women’s affairs ng KMU.

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women's Pary sa harapan ng anila'y Department of Labor and Unemployment. <strong>Pher Pasion>

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women’s Pary sa harapan ng anila’y Department of Labor and Unemployment. Pher Pasion>

Sa kontraktuwalisasyon na umiiral, maliban sa kawalan ng seguridad sa trabaho, mas mababa ang natatanggap na sahod kesa regular, walang mga benepisyo, at inaalisan ng karapatang mag-unyon.

Maliban pa dito, nakararanas din partikular ang mga kababaihang manggagawa ng sekswal na pang-aabuso bilang mga kontraktuwal, ayon kay Lana Linaban, ng Gabriela Women’s Party.

Ayon naman kay Lian Flores ng Gabriela- Metro Manila, isang neo-liberal na polisiya ang kontraktuwalisasyon sa tulak ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

“Naglalayong baratin ang sahod ng mga manggagawa para mas lalong makaganansya ng mga kapitalista sa sistemang ito. Sa bansang may malaking bilang ng mga walang trabaho, napipilitan ang mga manggagawa na tanggapin ang pagiging kontraktuwal,” ayon Flores.

Nanawagan din ang kababaihan na agarang magbitiw sa puwesto si Aquino. Sa darating na Marso 8, pandaigdigang araw ng mga kababaihan nakatakdang maglungsad ng malaking protesta ang mga kababaihan sa Mendiola.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/feed/ 0
Pagsuspinde ng pagdinig sa Kamara, ‘pakana ni Aquino, ng US’ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagsuspinde-ng-pagdinig-sa-kamara-pakana-ni-aquino-ng-us/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagsuspinde-ng-pagdinig-sa-kamara-pakana-ni-aquino-ng-us/#comments Wed, 18 Feb 2015 07:10:27 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33716 Noynoy Aquino, dapat na umanong magbitiw sa puwesto ayon sa iba't ibang grupo. <strong>Pher Pasion</strong>

Pinagbibitiw si Pangulong Aquino ng iba’t ibang grupo matapos ang madugong operasyon sa Mamasapano. Pher Pasion

Sinugod ng grupo ng kababaihan at mga maralita ang harapan ng Kamara para kondenahin ang pagsuspinde ng pagdinig sa naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa araw ng dapat na ikalawang pagdinig dapat sa Kamara, sinuspinde ng House Committee on Peace, Recognition and Unity ang pagdinig para sa nangyari sa  Mamasapano para hintayin na lamang daw ang resulta ng Board of Inquiry na binuo ng Philippine National Police.

“Ang sabi nila ayaw nilang magkagulo (kaya sinuspinde). ‘Yung ginagawa nilang pagsupil sa katotohanan, tumatakbo ang oras, hindi nagiging malinaw lalong lumalabo ang pananagutan ni Presidente Aquino dito sa nangyari sa Mamasapano, ‘yan ang nagpapagulo ng sitwasyon,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela.

Ayon sa Gabriela, malaki ang posibilidad na ang Palasyo ang may kamay sa pagsuspinde sa pagdinig sa Kamara para patuloy na pagtakpan ang tunay na papel ni Noynoy Aquino at ng gobyerno ng Estados Unidos (US) sa Mamasapano.

Para naman kay Kabataan Rep. Terry Ridon, maaaring may pakana ang gobyerno ng US sa pagsuspinde ng pagdinig sa Kamara.

“Halata na pinresyur ng Malakanyang ang mga alyado nito sa Kamara para itigil ang imbestigasyon. Gayunman, di lamang si Aquino ang may gawa. Naniniwala kami na ang may pakana nito ay di ang Palasyo kung ang mismong gobyerno ng Amerika. Ang utos na itigil ang imbestigasyon ay nagmula mismo sa White House,” ayon kay Ridon.

Dagdag pa ni Ridon, iniiwasan ng Palasyo na mapokus sa imbestigasyon sa Kamara ang naging papel ni Aquino at ng gobyerno ng US.

Nagtirik muna ng kandila ang grupong Gabriela sa harapan ng Kamara bago magprograma bilang pakikiramay sa lahat ng naging biktima sa Mamasapano. <strong>Pher Pasion<strong>

Nagtirik muna ng kandila ang grupong Gabriela sa harapan ng Kamara bago magprograma bilang pakikiramay sa lahat ng naging biktima sa Mamasapano. Pher Pasion

Ayon naman kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, isa lamang ang pagsuspindeng ito sa maraming paraan ng Palasyo para pagtakpan ang tunay na katotohanan. Si Hicap sana ang unang magtatanong kung natuloy ang ikalawang pagdinig sa Kamara.

Nagtirik naman ng kandila ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa harapan ng estasyon ng pulis sa may south gate ng Kamara para hikayatin ang kapulisan na sumama sa panawagan na magbitiw sa puwesto si Aquino.

Ayon naman kay Diamond Kalaw, isang Moro at lider ng grupong Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-aabuso, sa kabila ng pandarahas sa kanila ng kapulisan at pagwasak sa kanilang kabuhayan, alam nilang sumusunod lang ang mga pulis sa dikta ng mga korap at mga berdugo nilang opisyal.

Dapat makita ng mga pulis na hindi ang tunay na interes ng taumbayan ang kanilang pinagsisilbihan kundi ang interes ng iilan at ng mga dayuhan—kagaya ng naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, sabi pa ni Kalaw.

“Ang tunay na kalaban ng mga pulis at sundalo ay hindi ang mga Moro sa Mindanao, o maging ang mga Muslim sa mga overpass at bangketa sa Metro Manila. Asa loob mismo ng kanilang mga opisina ang kalaban, kabilang na ang kanilang CommanDeath-in-chief na nasa Malacanang,” dagdag pa niya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagsuspinde-ng-pagdinig-sa-kamara-pakana-ni-aquino-ng-us/feed/ 0
‘US kasama sa operasyon sa Mamasapano’ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/us-kasama-sa-operasyon-sa-mamasapano/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/us-kasama-sa-operasyon-sa-mamasapano/#comments Wed, 18 Feb 2015 07:04:44 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33706 Ipinakita ng Gabriela, Gabriela Women's Party, at Children Rehabilitation Center ang inisyal na ulat ng people's fact finding mission sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano. <strong>Pher Pasion</strong>

Ipinakita ng Gabriela, Gabriela Women’s Party, at Children Rehabilitation Center ang inisyal na ulat ng people’s fact finding mission sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano. Pher Pasion

Malinaw sa mga residente ng Mamasapano na may mga dayuhan at hindi lamang mga Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang mga nagsagawa ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ito ang napag-alaman ng Gabriela Women’s Party kasama ng iba’t ibang grupo at miyembro ng midya sa ginawang People’s Fact-Finding Mission (PFFM) noong Pebrero 9 hanggang 11 sa lugar ng madugong bakbakan na ikinasawi ng 44 SAF at 18 mandirigmang Moro at di-bababa sa dalawang sibilyan.

US troops kasama sa operasyon

Isang magsasaka na naunang nagtungo sa pinangyarihan ng bakbakan ang nakakita ng isang dayuhang Caucasian (matangkad, maputi, asul ang mga mata, at matangos ang ilong) na walang buhay kasama ng mga nasawing SAF.

Hindi nagpakilala ang magsasaka dahil sa seguridad. Takot kasi ang umiiral sa mga residente doon, ayon sa grupo.

Isang bata din ang nagpatotoo ng salaysay na ito, ayon sa Children Rehabilitation Center (CRC), nang magbigay ito ng psycho-social intervention sa mga bata sa Barangay Lintangan Elementary School na na-trauma sa pangyayari. Sila umano ang unang nakapagbigay ng psycho-social therapy sa mga bata sa lugar.

Pinatunayan din ng mga residente ang pag-iikot ng drone na pinaniniwalaang galing sa tropang Amerikano ang nagpapaikot-ikot sa kanilang lugar bago mangyari ang bakbakan.

Salaysay din ng nasabing magsasaka na may isang bangkay na nakalagay sa isang stretcher na malalaki ang boots sa karaniwang sundalo at nang bumagsak ang maputing kamay nito, malaki ang posibilidad na hindi umano ito sundalong Pilipino.

There should be further investigation into the role of US government in the Mamasapano incident based on the reports coming from the residents. Doon sa drones at sa retrieval ng mga bangkay,” ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Iba pang paglabag

Maliban sa pagkakapatay sa mga miyembro ng SAF, naitala din ng grupo ang iba’t ibang porma ng paglabag sa pangyayari.

Kabilang na dito ang extrajudicial killing, frustrated extrajudicial killing, forced evacuation, destruction of properties, child rights violations, at iba pa.

“Sabi nung isang nanay, magkakaroon kaya ng encounter na naman. Pero sabi nila, ‘bakit magkakaroon ng encounter eh may peace negotiations, may cease fire? Peace na tayo, bakit magkakaroon ng encounter?’ Nagulat na lang sila nung early morning mayroon nang bakbakan,” ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, isa sa mga personal na sumama sa PFFM.

Gabriela Rep. Luz Ilagan (kaliwa) at Joms Salvador ng Gabriela (kanan) habang nagpapaliwanag sa ginawang press conference sa Lungsod ng Quezon. <strong>Pher Pasion</strong>

Gabriela Rep. Luz Ilagan (kaliwa) at Joms Salvador ng Gabriela (kanan) habang nagpapaliwanag sa ginawang press conference sa Quezon City. Pher Pasion

Lumikas umano ang mga nanay dala ang mga anak. Naiwan naman ang mga tatay dahil sumama sa bakbakan. Tanghali na nang sabihan sila na napatay na ang mga asawa nila.

Isa sa mga naitalang na napatay si Badrudin Langalan,18, na natagpuang kasama ng mga walang buhay na SAF. Pero nakatali ang mga kamay at paa ni Langalan.

Mag-cha-charge lamang daw dapat ng kanyang cellphone si Langalan sa sentrong bayan dahil walang kuryente sa kanilang lugar noon. Gamit ang kaniyang bisikleta, tila nagkataong nasalubong nito ang mga SAF kaya kasama nito ang mga SAF nang matagpuan.

“Preliminary finding, the PNP-SAF police operation, undermined the civilian community and the peace process. Kasi meron silang cease fire. There was a violation of the cease fire agreement on the general cessation of hostilities resulting in human rights violations,” ayon kay Ilagan.

Walang habas na pamamaril

Sa testimonya ng mga residenteng nagsilikas, maging ang mga SAF umano ay walang habas na nagpaputok sa kanilang lokasyon. Maging ang mga nasa highway ay nagpapatok din ng walang habas sa direksiyon ng putukan, ayon kay Ilagan na nagbahagi ng report ng PFFM sa midya.

Isa pa sa mga namatay ang 8-taong-gulang na bata na si Sarah Pananggulon na natamaan sa tagiliran habang lumilikas. Nasugatan naman ang kanyang mga magulang.

Isang batang pipi din ang naitalang sugatan sa pangyayari. Hindi pa rin nakakabalik ang mayorya ng mga bata sa mga paaralan ayon sa mga guro.

Ayon kay Eule Bonganay, tagapagsalita ng CRC, nakakitaan ng galit ang mga bata sa mga miyembro ng PNP-SAF at mga sundalo na sumugod sa kanilang lugar. Nalulungkot ang mga bata sa nangyari sa pagkamatay ng mga kapwa nila Moro. Lungkot, takot, at pagkaantala sa kanilang mga araw-araw na buhay.

“Sinasabi nila (ng mga bata) na hindi magkakaroon ng bakbakan, ng giyera, sa kanilang lugar kung nagpaalam at hindi basta-basta pumasok (ang PNP-SAF) sa community,” ayon kay Bonganay.

Ayon din sa mga guro, matinding trauma ang inabot ng mga bata. Sa 600 estudyante, nasa 200 pa lang ang nagsisipasok sa paaralan. Ibinahagi ng mga guro na mula noong mag-aaral sila at hanggang ngayon na guro na sila gera pa rin ang meron sa Mindanaw. Masakit sa mga guro na makita ang ganitong takot sa kanilang mga mag-aaral.

“Nakita namin ang matinding kapabayaan ng pamahalaan, hindi pagsasaalang-alang sa seguridad ng mga sibilyan lalong-lalo na sa mga kababaihan at bata. At maging dun sa pagkatapos (ng bakbakan) dahil kami yung kauna-unahang nagbigay ng psycho-social therapy sa mga bata,” ayon kay Bonganay.

Gayundin, hindi makabalik sa kanilang kabuhayan sa bukirin ang mga residente dahil may mga gamit pandigma pa gaya ng mga granada kaya natatakot silang magsibalik sa sakahan.

“Papaano sila makaka-harvest, nandoon pa ang mga bala, may grenade pa daw na naiwan. In fact the day before we arrived, mayroon pang isang granada na napulot ng bata. Kaya takot silang bumalik para kunin yung dapat i-harvest. Hindi naman din daw sila pwedeng mag-araro in preparation for the next planting kasi may mga grenade nga,” ayon kay Ilagan.

Sa datos ng Humanitarian Emergency Assistance and Relief Team ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM-HEART), tinatayang nasa P300,000 ang pinsala sa kabuhayan ang naidulot ng bakbakan. Nasa 13 eskuwelahan ang apektado na sumasaklaw sa 5,000 mag-aaral sa nangyaring bakbakan.

Maliban pa rito, daing din ng mga residente ang pagkawala at pagkasira ng kanilang mga ari-arian nang kanilang balikan matapos iwan ang kanilang mga tirahan.

Gabriela Rep. Emmi De Jesus habang ipinaliliwanag ang pangangailangan na mailabas ang tunay na naging papel ng Amerika at ni Noynoy Aquino sa Mamasapano. <strong>Pher Pasion</strong>

Ipinaliwanag ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus ang pangangailangan na mailabas ang tunay na naging papel ng Amerika at ni Pangulong Aquino sa trahedya sa Mamasapano. Pher Pasion

Katarungan sa lahat ng mga biktima

Ayon sa Gabriela, hindi makakamit ang katarungan sa mga biktima at hindi mapapanagot nang buong-buo ang nasa likod ng madugong pangyayaring ito kung hindi kasamang pinag-uusapan at nailalantad ang epekto ng sagupaang ito sa sibilyang populasyon lalo na sa mga Moro.

“Nanawagan po ang Gabriela ng katarungan doon sa 44 na PNP-SAF na napaslang sa Mamasapano. Pero nanawagan din kami ng katarungan doon sa mga biktimang Moro na kababayan natin doon. Hindi po nakakabuti ang kasalukuyang nangyayari ‘yung ginagawang pong pilit na i-cover-up ang tunay na katotohanan. At lalong hindi nakakatulong ‘yung ginagawa ng ibang senador at ibang opisyal ng gobyerno na paypayan ang anti-Moro sentiment,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela.

Ayon naman kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus, sa tinatakbo ng imbestigasyon sa Kamara at Senado, dalawang tanong ang kailangan sagutin: Ano ang papel ni Presidente Aquino? At ano ang basbas at pakikialam na ginawa ng gobyerno ng Amerika?

“Kailangang palabasin ano ang naging papel ng pakikialam ng Amerika sa pagkakaladkad sa atin dito sa kanilang gera at ano ang kaugnayan din ni Presidente Aquino na gusto natin ituloy sa Kamara?,” ayon kay De Jesus.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/us-kasama-sa-operasyon-sa-mamasapano/feed/ 0
Women to rise vs violence, poverty, other social issues for this year’s One Billion Rising for Revolution http://pinoyweekly.org/new/2015/02/women-to-rise-vs-violence-poverty-other-social-issues-for-this-years-one-billion-rising-for-revolution/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/women-to-rise-vs-violence-poverty-other-social-issues-for-this-years-one-billion-rising-for-revolution/#comments Fri, 13 Feb 2015 07:54:23 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33658 Different groups vow to join once more for the One Billion Rising campaign this time for revolution. <strong>Pher Pasion</strong>

Different groups vow to join once more the One Billion Rising campaign–this time for revolution. Pher Pasion

Now on its third year, the One Billion Rising (OBR) campaign in the Philippines sets the stage once more to rise and dance with the world — this time to revolt against the continuing violence against women and children in all forms on February 14.

With this year’s theme “Rise Against Violence, Poverty and Impunity,” OBR Philippines, led by Gabriela alliance, Gabriela Women’s Party, and New Voice Company, will be held in major cities all over the country. The “main rising” will happen at the Bonifacio Shrine in Manila.

“Impunity is deeply entrenched because the violence we have is state and policy instigated. Revolution is a radical change in consciousness, change in mindset. And our message is we will not stop until we get the justice that long we’ve been fighting for,” said Monique Wilson, theater artist, activist and global director of the One Billion Rising campaign.

It will also serve as a kick-off event for their campaign to end violence, poverty, and impunity and for “truth, justice and accountability” that will highlight the Philippine women’s movement’s commemoration of the International Women’s Day on March 8.

“The worsening poverty in the lives of the Filipino is the reason why women become more vulnerable to violence. If the number of those engage in prostitution, sex trafficking, domestic violence, and others is growing, it is because of the worsening economic condition of women,” according to Joms Salvador, secretary-general of Gabriela.

One Billion Rising-Philippines during a press conference in Quezon City. <strong>Pher Pasion</strong>

Organizers of the One Billion Rising in the Philippines, in a press conference in Quezon City. Pher Pasion

Rising for victims of Mamasapano debacle

Amid the investigation on the Mamasapano bloodbath by the Upper and Lower Houses of Congress, Gabriela echoed the demands of the Filipino people who are “getting more confused rather than enlightened” on the botched operation that took the lives of 44 police commandos, at least two civilians and 18 Moro rebels.

“Impunity is perpetuated by President Aquino’s lack of accountability. Each of his kapalpakan (errors) is someone else’s fault. In every speech he has delivered to explain himself, he pointed his finger at someone else. In the Mamasapano case, it’s ex-SAF (Special Action Froce) chief (Getulio) Napeñas (Jr.) who is the current favorite fall guy,” said Salvador.

According to Gabriela Rep. Emmi De Jesus, the Filipino women refuse to allow the bloodbath in Mamasapano to be just another example of impunity in the country.

“It is very important for the truth and accountability to surface. What is needed is the voice of the people outside the walls of Senate and Congress to call for accountability. We no longer want impunity to happen,” said De Jesus.

According to the Gabriela representative, there is a need to know the blueprint of the operation that killed SAF members and a number of casualties on the side of the Moro Islamic Liberation Front, and, of course, civilians.

“What is the accountability not only of the Philippine government but also the government of the United States?” pressed De Jesus.

Several media agencies, including Pinoy Weekly, have independently reported on alleged presence of US forces before, during and after the botched operation in Mamasapano.

It is the “US war on terror” that led to the attack in Mamasapano in the expense of the lives of the Filipino people, according to Gabriela.

Salvador said they fear that if no one will be held accountable in the Mamasapano bloodbath, and that the cycle of violence that affects not only combatants in armed conflicts but more so to civilians especially women and children will continue.

Sectors rising

Various sectors also vowed to join the event, bringing their respective sectoral issues from the viewpoint of women’s rights.

Progressive labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) called for regularization of workers and for a national minimum wage, while calling for Aquino’s resignation from the presidency. The labor group hit the continuing practice of labor contractualization, as well as the lack of jobs, and low wages in the country that resulted in neo-liberal policies being implemented by the Aquino administration.

One Billion Rising-Philippines shows their newest dance for the OBR this year. <strong>Pher Pasion</strong>

Activists show their newest dance for the OBR campaign this year. Pher Pasion

Migrante International, an organization of overseas Filipinos and their families, also stood with KMU on the issue of joblessness and low wages. This labor situation, Migrante said, continues to push Filipinos away from their families to work abroad where they suffer from different kinds of abuses like sexual harassment, unfair labor practices, mysterious deaths, and many others.

“We are rising to end the labor-export policy of the Aquino administration. With the 6,000 Filipinos going outside the country each day to work abroad, it is clear that the administration can’t provide jobs for its people and it can’t even protect them when they are overseas,” said Sol Pillas of Migrante International.

Students led by National Union Student of the Philippines (NUSP), meanwhile, called for the scrapping of other school fees that turn educational institutions into “business ventures”. February marks the tuition and other fees consultations in different colleges and universities across the country.

“Higher education cost transcends into higher number of drop-out rates and out of school youths. As students can’t afford education, they are pushed to sell their bodies to pay for their tuition. It is what we called ‘prosti-tuition‘ and it is outrageous,” said Lovely Carbon of NUSP.

Kharlo Manano of Salinlahi Alliance for Children Concerns, called for justice not only the 44 SAF members but also for Moro people, especially the eight-year-old civilian girl who was killed during the Mamasapano operation.

Manano also said joblessness and low wages affects the children.

“Due to extreme poverty, about 5.5 million children today are engaged in early labor practice to cope with the hardship besetting their families. Even the lack of social services, form education and health, affects the lives of these children,” added Manano.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/women-to-rise-vs-violence-poverty-other-social-issues-for-this-years-one-billion-rising-for-revolution/feed/ 1
Pagkawasak ng agrikultura sa ika-20 taon ng WTO http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagkawasak-ng-agrikultura-sa-ika-20-taon-ng-wto/ http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagkawasak-ng-agrikultura-sa-ika-20-taon-ng-wto/#comments Mon, 02 Feb 2015 08:53:07 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33607 farmer file photo

Halos hindi na maibenta ng lokal na mga magsasaka ang kanilang ani, dahil sa pagdagsa ng imported na mga produkto. PW File Photo

Ngayong 2015, mahigit 20 taon nang nakapailalim ang bansa sa General Agreement on Tariffs and Trade-World Trade Organization (GATT-WTO). Hindi man inaamin ng gobyerno, nagkatotoo ang pinangangambahan noon ng mga tumutol sa nasabing kasunduan: wawasakin nito ang lokal na ekonomiya.

“Natalo man tayo sa botohan, tayo ang tama. Nagkatotoo ang ating mga pangamba,” ani Sen. Vicente Sotto III, isa sa mga senador na bumoto laban sa GATT-WTO, na niratipika ng Senado noong Disyembre 14, 2004.

Nagtipun-tipon ang mga magsasaka, negosyante, mambabatas, at ekonomista para pag-usapan ang naging epekto ng WTO sa kabuhayan ng mga Pilipino at ekonomiya ng bansa, partikular sa agrikultura. Ginanap ito sa isang porum sa Polytechnic University of the Philippines noong Enero 29 na inorganisa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Lokal na ani, hindi nabibili

Malubha ang sitwasyon, lalo na para sa mga magsasaka.

Anila, maraming lokal na pananim ang hinahayaan na lamang mabulok kaysa anihin, o hindi kaya’y nabubulok sa mga trading post, dahil wala nang mga trader na bumibili. Ang dahilan: ang pagdagsa ng mga mas murang imported na produktong agrikultural.

Sen. Vicente Sotto III: Pinatunayan ng kasaysayan na tama ang pagboto laban sa GATT-WTO. Ilang-Ilang Quijano

Sen. Vicente Sotto III: Pinatunayan ng kasaysayan na tama ang pagboto laban sa GATT-WTO. Ilang-Ilang Quijano

Halimbawa na lamang ang sibuyas. Kuwento ng magsasakang si Elmer Dayson ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, noong 2014 ang pinakamasaganang ani ng sibuyas sa Nueva Ecija, ang probinsyang pangunahing prodyuser nito.

Ngunit dahil sinabayan ng importasyon, sumadsad din sa pinakamababa ang bentahan o farmgate price ng sibuyas: mula P10 hanggang P18 na lamang kada kilo. “Kaya ‘yung ibang sibuyas, hindi na lang inani. Gagastos ka pa, wala namang bumibili,” aniya.

Ganito rin halos ang kuwento ng mga magsasaka ng gulay sa Kordilyera, tinaguriang vegetable capital ng Pilipinas. Noong 2003, kuwento ni Fernando Bagyan ng Apit-Tako, sumadsad sa P1 hanggang P2 kada kilo ang bentahan ng carrots, repolyo, at patatas. “Walang bumibili, dahil ang lahat ng traders nasa pier, nag-aabang ng imported,” aniya.

Tuwing sumasadsad ang presyo sa bentahan, lubhang natatamaan ang 40,000 pamilya sa Kordilyera na umaasa sa pagsasaka ng gulay.

Umaangal maging ang mga lokal na negosyante sa industriya ng poultry. “Noong 1995 (bago pa ang WTO), zero importation ang manok. Ngayon, nasa 174 milyong kilo ng manok ang imported,” ani Atty. Bong Inciong ng United Broilers Raisers Association.

Sa datos ng Ibon Foundation, kasama ang manok (10%) sa mga produktong agrikultural na pinakamaraming inaangkat. Kasama rin ang bigas (19%), bawang (65%), mongo (54%), kape (45%), baka (21%), mani (70%), sibuyas (8%), at baboy (5%).

Umaasa sa imported

Sa ilalim ng GATT-WTO na nagliliberalisa sa ekonomiya, mabilis na ibinaba ng gobyerno ng Pilipinas ang taripa sa mga dayuhang produktong agrikultural—mas mabilis at mas mababa kaysa sa ibang bansa sa Asya gaya ng Cambodia, Vietnam, Malaysia, Thailand, at Indonesia.

Magsasakang si Elmer Dayson: Pinabubulok na lang ang mga sibuyas, kaysa anihin. Ilang-Ilang Quijano

Magsasakang si Elmer Dayson: Pinabubulok na lang ang mga sibuyas, kaysa anihin. Ilang-Ilang Quijano

Dahil dito, dumagsa ang mga imported na produkto at bumagsak ang kontribusyon ng agrikultura sa Gross Domestic Product o GDP. Mula sa 15% ng GDP noong 1994, naging 10% na lamang ito noong 2014: nakakabahala para sa isang agrikultural na bansa.

Halos wala rin mga bagong trabaho sa agrikultura na nalikha sa pagpasok ng malalaking dayuhang agribusiness. Ang 11.3 milyong trabaho sa agrikultura noong 1994, nadagdagan lamang ng 200,000 makaraan ang dalawang dekada.

Bumaba pa ang halaga ng sahod ng mga manggagawang-bukid. Mula P126 noong 1994, nasa P122 na lamang ito noong 2014, ayon sa Ibon.

Sa madaling salita, hindi umunlad ang agrikultura, at mga magsasakang umaasa dito, sa kabila ng mga pangako ng mga nagtulak ng GATT-WTO na mabuti para sa lokal na mga industriya ang “malayang kompetisyon.”

“Ang totoo, hindi interesado ang gobyerno sa pagiging competitive natin,” ani Inciong. Umano’y wala itong ibinibigay na suporta o subsidyo sa lokal na mga magsasaka at industriyang pang-agrikultura.

Ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon, hinahayaan lamang ng gobyerno ang Pilipinas na maging kuhanan ng murang lakas-paggawa at hilaw na materyales, at tambakan ng mga produktong surplus ng malalaking dayuhang bansa.

Alternatibo sa WTO

Sa ngayon, malayong magbago ang mga polisiyang pang-ekonomiya ng gobyerno na nakatuon sa lalo pang pagliliberalisa ng ekonomiya. Ngunit idiniin ni Inciong na kailangan nitong magbago upang maseguro ang pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino.

Dahil sa epekto ng climate change, inaasahan na tataas ang presyo ng mga produktong agrikultural sa pandaigdigang merkado sa darating na panahon, ayon sa isang pag-aaral ng US Council of Science and Agro-Technology. “Kung nakaasa pa rin tayo sa imported, kawawa naman ang ating mga anak,” aniya.

Pero posible ang “pagbaklas” sa WTO. Ayon kay Africa, mangyayari ito sa ilalim ng isang gobyerno na hindi sunud-sunuran sa dikta ng malalaking dayuhang kapitalista, at nakatuon sa pagpapalakas ng pambansang ekonomiya. Madali ito dahil mayaman sa natural na rekurso ang Pilipinas, at malaki ang populasyon.

Hindi ibig sabihin nito na magsasara ang Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa. “Habang may pakinabang ang ibang bansa sa pakikipagkalakalan sa atin, gagawin nila ito,” sabi ni Africa. Inihalimbawa niya ang sosyalistang bansang Cuba, na ilang dekadang pinatawan ng economic embargo ng Estados Unidos (noong nakaraang taon lamang ito tinanggal). Umano’y patuloy na nakipagkalakalan ang Cuba sa iba’t ibang bansa.

Si Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, ay isa sa mga nagprotesta laban sa GATT-WTO sa harap ng Senado, 20 taon na ang nakakaraan. Lider-estudyante pa siya noon.

“Marami doon sa sinabi namin noon, naganap na. Huwag natin hayaan na ang mga problema natin sa ekonomiya ay ganoon pa rin, dalawang dekada mula ngayon. Mag-organisa tayo para may panlaban tayo. Posibleng tumindig tayo sa sarili nating mga paa,” aniya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/02/pagkawasak-ng-agrikultura-sa-ika-20-taon-ng-wto/feed/ 0
Mga batang salamin ng lipunan http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ang-mga-batay-salamin-ng-kasalukuyang-lipunan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ang-mga-batay-salamin-ng-kasalukuyang-lipunan/#comments Sat, 31 Jan 2015 06:45:49 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33531 Si Petang, batang sakada. <b>Cynthia Espiritu</b>

Si Petang, batang sakada. Iya Espiritu

Madalas ituring ang mga bata na isang biyaya. Liban sa pag-asa sila sa kinabukasan, nakapagbibigay sila ng tuwa sa bawat pamilya, at nakakaalis din ng pagod.

Sa kanilang taglay na katangian, nararapat lang na arugain sila, pakainin, pag-aralin, gabayan at hayaang sa kanilang paglalaro at pakikisalamuha sa kapwa ay ganap na umunlad at lumaking kapaki-pakinabang na mamamayan. May mga karapatan silang dapat kilalanin, ipagtanggol at proteksiyunan.

May mga batang ikinukubli o tinataboy ng gobyerno para di mailantad ang bakas ng kahirapan. Pero mayroon din sa kanila na sadyang nakatago, hindi nakikita pero laganap sa buong bayan. Sila ang mga batang manggagawa. Tulak ng labis na kahirapan, napipilitan silang magtrabaho para makatulong sa kabuhayan ng pamilya.

Sa pananaliksik ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), napag-alamang sa bawat 10 pamilya, may dalawang bata na sa edad lima hanggang 17 na nagtatraho. Ayon kay Anna Leah Escresa-Colina, executive director ng Eiler, “Hindi tamang maliitin ang datos dahil kinakailangang matiyak na walang batang nagtatrabaho at napagsasamantalahan.”

Ang higit pang nakakapag-alala ay ang katotohanan sa likod ng mga datos. Ang dinadanas nila sa araw-araw at ang mga sitwasyong ninanakaw ang kanilang lakas at kabataan para sa kanilang kinabukasan.

Ang buhay ni Jeraldine Macapaar Aboy, o kilala sa palayaw na Petang, beneficiary ng Eiler sa programa nitong Bata-Balik Eskwela Project, ay larawan din ng iba pang mga batang manggagawa at sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.

Sa loob ng plantasyon

Si Petang, 14, ay ipinanganak sa San Nicolas, Don Carlos, Bukidnon. Siya’y pangalawa sa limang magkakapatid. Mula siya sa tribo ng Manobo Pulangihon na may konting impluwensiya ng Moro. Isa siyang sakada na nagtatrabaho sa isang plantasyon ng tubo.

Isinalaysay ni Petang ang kanyang mga karanasan sa loob ng plantasyon.

“Nagsimula ang aking buhay bilang batang manggagawa nang ako’y sumama sa aking ama na nagtatrabaho sa tubuhan. Limang taong gulang pa lang ako noon,” ani Petang. “Habang nag-aani ng tubo ang aking ama, ako nama’y tagapulot ng kanyang inaning tubo para ikarga sa truck. Halos isang buwan kaming nakatira sa loob ng plantasyon at tumatanggap lamang ng P120 kada araw ang aking ama.”

Subalit nang magkasakit ang ama niya, nagpaalam siya sa “amo” nila na makauwi sa bahay. Pero para mangyari ito, kailangang may kapalit daw, dahil malaki na ang “bale” (advance) nila. Kalakaran sa plantasyon ang mangutang muna bago magkatrabaho, kaya maliit na lang ang natatanggap na sahod. Dahil dito, maiisipan na nilang mangutang.

Ang mga bata ay nagsisilbing ekstensiyon ng lakas paggawa ng mga magulang. Hindi sinasahuran at itinuturing na natural na bahagi ng buhay-bukid ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang kanilang partisipasyon sa produksiyon. Sa kabila nito, napakababa pa ng sinasahod ng kanilang magulang.

“Walong taong gulang ako nang maging kapalit ng aking ama sa pagtatrabaho. Kasama ko ang aking tiyuhin na 16 taong gulang,” kuwento ni Petang.

Magkasabay daw silang magtrabaho at magkampo sa tubuhan dahil buwanan bago sila payagan ng amo na makauwi.

Sumasahod lang raw siya ng P120 kada araw. Kapos na kapos ito para tustusan ang pagpapagamot ng ama niya at para din sa pagkain ng pamilya.

“Takot na takot ako noon, lalo na sa gabi, dahil hindi ko na kasama ang aking ama kaya hindi na ako kumportable. Pero kapag naiisip kong kailangan kong buhayin ang aking pamilya biglang lumalakas ang loob ko. Minsan lamang magkaroon ng trabaho ang aking ina dahil inaalagaan din niya ang nakatatanda kong kapatid na ‘special child’ kaya sa murang edad ay kailangan kong magbanat ng buto.” aniya.

Kuha ni <b>Cynthia Espiritu</b>

Kuha ni Iya Espiritu

Natutulak ang mga bata sa paghahanap-buhay hindi dahil gusto ng kanilang mga magulang. Sitwasyon ang nagpupuwersa sa kanila. Pero paano matitiyak na ligtas ang mga bata sa pagsasamantala o pagmomolestiya kung sila’y walang masasandigan at mapagkakatiwalaan sa mga ganitong kundisyon?

“Mahirap sa loob ng tubuhan. Mainit, nakakapagod at nakakatakot dahil may mga ahas,” kuwento pa ni Petang. “Takot ako sa ahas dahil minsan nasaksihan ko nang makagat ang isang batang kasama ko nang kami ay magdamo. Minsan naman, nasugatan ako nang pagkalaki-laki na halos nawalan ako ng ulirat dahil sa dami ng dugo.”

Hindi man lang daw siya pinagamot ng kanyang amo. Nilagyan na lamang ng isang herbal treatment ng tiyuhin niya ang sugat at muling bumalik sa pagtatrabaho. Ganito din ang dinadanas ng iba pang mga bata na nasusugatan, aniya.

Walang proteksiyon

Ayon sa United Nations Declaration on the Convention on the Rights of the Child (UNDCRC), kinakailangang proteksiyunan ang mga bata sa lahat ng pagkakataon, ilagay sila sa ligtas na kalagayan at malayo sa kapahamakan.

Kadalasan hindi lamang aksidente ang inaabot ng mga bata. May mga kaso din ng pagmomolestiya, rape at pisikal na pang-aabuso na nakakarating sa tanggapan ng Eiler. Pero ayon sa grupo, nangangailangan pa rin ng hiwalay na pananliksik tungkol dito.

May mga batas din sa Pilipinas tulad ng Anti-Violence Against Women and Children (Anti-VAWC) at iba pa. Pero hindi nito matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR), isang institusyong nananaliksik sa kapakanan ng kababaihan at bata, may isang babae o bata na dumaranas ng pambubugbog o pisikal na pang-aabuso kada 55 minuto. Isang babae o bata ang nagagahasa kada 21 minuto, at may 75 porsiyento na mga menor-de-edad na biktima ng panggagahasa. Sa kundisyon ng mga batang manggagawa hindi imposible na sila dumanas din sila ng ganitong mga tipo ng karahasan.

Salaysay ni Petang, “Sampung taong-gulang ako nang matigil sa pag-aaral. Akala ko wala na akong pag-asa kaya nagkasya na lamang akong mangarap bilang isang singer. Dinaan ko lahat ng sakit at hirap sa pagkanta habang nagtatrabaho sa loob ng tubuhan.”

Napatigil siya sa pag-aaral ng apat na taon at Grade IV lamang ang inabot niya dahil nga tumutok na lamang siya sa pagtatrabaho.

“Nawalan na ako ng pag-asa na makapag-aral muli dahil walang mapagpipilian kundi ang mapilitang umako ng responsabilidad. Mahirap talaga ang maging mahirap. Kundi lang naagaw ang aming lupa, ang lupa ng aming ninuno di sana’y may kabuhayan pa kami. Ang kahirapan at kawalan kasi ng lupa ang naging dahilan kung bakit kaming mga batang katutubo ay napipilitang maging batang manggagawa,” kuwento pa ni Petang.

Ang paglutas sa lumalaking bilang ng mga batang manggagawa ay hindi nahihinto sa pagkakaroon at pagpapatupad lamang ng mga batas, ayon sa Eiler. Habang hindi inuugat ang suliranin sa kawalan ng lupa ng mga maralitang magsasaka, hanggang ang lupang tinubuan ay nasa kamay ng iilang panginoong maylupa at kapitalista, mananatiling laganap ang presensiya ng mga batang manggagawa sa ating lipunan.

Pagbawi sa pagkakataon

Masalimuot man ang buhay-bata ni Petang, hindi siya napanghihinaan ng loob ngayon dahil sa kagustuhang matupad ang kanyang mga pangarap. Laking tuwa niya dahil may mga grupo tulad ng Eiler na sumusuporta sa kanya upang makabalik sa paaralan.

Sa pagtatapos ni Petang, hindi lamang ang sarili ang kanyang nais makabangon.

“Mabuti na lang at napunta sa aming lugar ang programa ng Eiler. Nagkaroon ako ng pag-asa na makapag-aral muli. Hindi nga alam ng aking mga magulang noon na kusa akong pumasok sa Bata-Balik Eskwela Project. Sana marami pang mga batang manggagawa ang matulungan ng programang ito. Alam kong ito ang magiging tulay ng aking mga pangarap,” sabi pa niya.

Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral. Pangarap din ito ng bawat magulang sa kanilang mga anak. Pero hindi libre ang edukasyon sa bansa. Nauudlot ang pag-aaral ng mas nakararami at kulang sa kalidad ang serbisyong pang-edukasyon ng gobyerno. Sa harap nito, patuloy ang paggiit ng iba’t ibang organsiasyong masa sa gobyerno para huwag talikuran ang tungkuling magbigay ng serbisyong panlipunan.

Kapag namamalas ang kalagayan ng mga bata, nasasalamin na rin kung anong uri ng lipunan mayroon sa kasalukuyan. Kung kayat ang paglutas sa kanilang abang kalagayan ay kasabay din ng pagkamit ng batayang mga kahilingan ng kanilang mga magulang: Tunay na reporma sa lupa na magbibigay daan upang magkaroon ng marangal na hanapbuhay at tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ang-mga-batay-salamin-ng-kasalukuyang-lipunan/feed/ 0