Pinoy Weekly » Kabataan http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Sun, 03 Aug 2014 17:56:33 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.9.1 Pista-protesta para sa wikang Pilipino, isinagawa sa Mendiola http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pista-protesta-para-sa-wikang-pilipino-isinagawa-sa-mendiola/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pista-protesta-para-sa-wikang-pilipino-isinagawa-sa-mendiola/#comments Fri, 25 Jul 2014 11:41:56 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30583 Pagtatanggol ng mga kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola.<strong>Pher Pasion</strong>

Pagtatanggol ng kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola. Pher Pasion

Nagmartsa patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola sa Maynila ang mga propesor, mag-aaral, at iba pa sa ilalim ng Tanggol Wika, isang alyansa na tumututol na tanggalin ang Wikang Filipino sa kolehiyo.

Tinawag nilang Pistang Protesta para sa Wika at Bayan ang nasabing pagkilos.

Layon kasing gawin na lamang optional ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo base sa inilabas na Memorandum No. 20 Series of 2013 ng Commission on Higher Education (CHED) pagdating ng 2016 o sa taon na buong maipapatupad ang K to 12 program.

“Nais namin sabihin sa gobyerno, panahon na na umaksyon dapat si (Noynoy) Aquino na pagkaroon ng Filipino sa tertiary level dahil ang CHED ay hindi umaaksyon sa aming kahilingan. Bilang chief executive, inaasahan na ang presidente ng Pilipinas ay makikinig sa panawagan na magkaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at maging wikang panturo ito sa lahat ng antas,” ayon kay David Michael San Juan, propesor mula De La Salle University at convener ng Tanggol Wika, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Ayon kay San Juan, bahagi ng pagiging neokolonyal na katangian ng edukasyona ng layon ng pagtatanggal ng Wikang Filipino. Nakabalangkas pa rin umano ang edukasyon ng Pilipinas sa pangangailangan ng ibang bansa.

Paliwanag pa niya, maaaring mawalan ang libu-libong guro sa Filipino ng trabaho kung matuloy na matanggal ang Wikang Filipino sa kurikulum. Pero higit na mahalaga na apektuhan ang kultura mismo ng mga Pilipino, ang kanilang pagmamahal sa sariling identidad, ang kanilang pagiging makabayan, at pagkakaroon nila ng sariling wika.

Commission on Higher Education Memorandum no. 20, ipinababasura ng Tanggol Wika.<strong>Pher Pasion</strong>

Commission on Higher Education Memorandum no. 20, ipinababasura ng Tanggol Wika. Pher Pasion

“Ang Wikang Filipino kasi ang wika ng ordinaryong mga mamamayan. Ito ang kailangan para lahat tayo makipagtalastasan sa iba’t ibang larangan. Kapag ito ay nagamit na natin sa iba’t ibang larangan, senyales maaari na tayong umunlad hindi lamang sa edukasyon kundi maging sa ekonomiya. Dahil mabilis ang kaunlaran kapag nagkakaintindihan tayong lahat at gamit natin ang sarili nating wika,” ayon kay San Juan.

Naniniwala naman ang League of Filipino Students (LFS) na may kaugnayan ang programang K-to-12 ng administrasyong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino. Sadya kasi umanong pinapatay ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at ihanda sila sa pangangailangan ng “global market” para pagkunan ng murang lakas-paggawa.

Nanawagan ang LFS na dapat ibasura ang programang K to 12. Nagiging balakid lamang umano ang K to 12 para ilabas ang potensyal ng mga kabataan na paglingkuran ang sariling bayan.

“Lilikhain lamang nito (K-to-12) ang malakihang paglikha ng mga semi-skilled na manggagawa para maglingkod sa ibang bansa. Sa ilalim ng K-to-12, ang paghawak ng diploma ay tulad ng pagtatatak sa mga ito ng ‘ready for export,’” ani Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pista-protesta-para-sa-wikang-pilipino-isinagawa-sa-mendiola/feed/ 1
Sa ilalim ni Aquino, edukasyon di para sa lahat http://pinoyweekly.org/new/2014/07/sa-ilalim-ni-aquino-edukasyon-di-para-sa-lahat/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/sa-ilalim-ni-aquino-edukasyon-di-para-sa-lahat/#comments Mon, 21 Jul 2014 19:01:48 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30415 Paglalahad ng mga bata sa nararanasan nilang edukasyon sa ilalim ni Noynoy Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>

Paglalahad ng mga bata sa nararanasan nilang edukasyon sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion

Edukasyon ang isa sa karapatang kailangang tiyakin ng isang estado para sa mga mamamayan nito, lalo na sa mga bata. Sa Pilipinas, ito ang tinitignan ng marami para maiahon sa kahirapan ang mga mahihirap.

Itinatadhana ng Saligang Batas na karapatan ng bawat mamamayan ang edukasyon. Pero di sikreto ang di pagiging abot-kamay ng edukasyon sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Ito ang laman ng iniulat kamakailan ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, isang grupo na nagtataguyod ng karapatan ng mga bata, sa ‘Ulat Bulilit 3, Education for All: A myth or reality?’ sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman: Dahil sa mga polisiya ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon sa gobyerno, lalong di nagiging-abot-kamay sa mahihirap ang edukasyon.

Ganito (pa rin) ba ang paaralan mo?

Siksikan at/o pinaghahati-hating klasrum sa Pres. Corazon Aquino Elementary School. Kuha noong pasukan, Hunyo 2014. <strong>Pher Pasion</strong>

Siksikan at/o pinaghahati-hating klasrum sa Pres. Corazon Aquino Elementary School. Kuha noong pasukan, Hunyo 2014. Pher Pasion

Nitong pasukan, muling sinalubong ang mag-aaral at mga guro ng pare-parehong problema sa mga eskuwelahan. Sa kabila ito ng ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino na natutugunan na umano ang mga kakulangang ito.

Pebrero pa lamang ng taong ito, natugunan na umano ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa klasrums, ayon kay Noynoy Aquino. Nakapagpatayo umano ang departamento ng 66,813 na mga klasrum na higit sa target ng gobyerno na 66,800 lamang.

Pero hindi nabago ng datos na ito ang nananatiling kalagayan ng mga mag-aaral taun-taon, ayon sa Salinlahi mula sa apat na eskwelahan na kanilang pinuntahan sa Metro Manila para saliksikin ang kalagayan ng mga bata. Kabilang dito ang Batasan Hills National High School, Pres. Corazon Aquino Elementary School, Bagong Silang High School, at Tondo National High School.

“Sinabi ng 86 percent na mga estudyante sa Pres. Corazon Aquino (Elementary School) na hindi raw totoo na 35 per classroom ang kanilang class size,” ani Kharlo Manano, pangkalahatang-kalihim ng Salinlahi.

Hindi rin daw ito totoo sa Batasan, Bagong Silangan, at Tondo; sapat o sakto lamang daw ang bilang ng mga estudyante sa mga klasrum. Hinati umano ang klasrum sa dalawa bilang solusyon para tugunan ang mga kakulangan sa klasrum. Kaya sisiksikan ang mga bata, naiinitan, at hindi nakakapag-aral nang mabuti.

Sa sarbey sa mga eskuwelahang nabanggit, nasa 80 porsiyento ng mga mag-aaral sa Batasan Hills National High School ang nagsasabing hindi komportable sa kanilang mga klasrum at kulang sa bentilasyon. Nasa 79 porsiyento naman ang sa Tondo National High School, nasa 67 porsiyento naman sa Bagong Silangan High School, at 49 porsiyento naman sa Pres. Corazon Aquino Elementary School.

“Kapag ang silid-aralan ng isang bata ay hindi conducive for learning, hindi natin maasahan na maiintindihan ng bata ang itinuturo sa kanya ng teacher,” ayon kay Manano.

Matinding kakulangan

Sa ulat umano ng Management Association of the Philippines Education Task Force noong 2011, aabot ang kakulangan sa mga klasrum ng tinatayang 94,000 hanggang 124,000 kada taon na may konsiderasyon sa pagdating ng mga kalamidad at lumalaking populasyon ng estudyante.

Kharlo Manano ng Salinlahi habang tinatalakay ang kalagayan ng mga bata sa mga paaralan sa Metro Manila.<strong>Pher Pasion</strong>

Kharlo Manano ng Salinlahi habang tinatalakay ang kalagayan ng mga bata sa mga paaralan sa Metro Manila. Pher Pasion

Tinatayang aabot sa P72 Bilyon hanggang P99-B ang kakailanganin kada taon para mapondohan ang pagtatayo ng mga bagong klasrum. Pero sa taong ito, nasa P7.35-B lamang umano ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagtatayo ng mga klasrum, ayon sa Salinlahi.

“Nakakapagtaka na ganito kaliit na badyet ang inilalaan para sa napakalaking serbisyo para sa mamamayan. Pero napakalaki naman, halimbawa ang DAP (Disbursement Acceleration Program)  na nasa P170-B ang nakalaan dyan at si Pangulong Aquino lang ang may kapangyarihan kung saan gagamitin. Pero sa edukasyon kakarampot ang inilalaan,” ayon kay Manano.

Nananatili pa rin umano ang kakulangan sa mga textbook sa Batasan National High School, Tondo National High School, at Pres. Corazon Aquino Elem. School. Mas pinalala pa umano ito ng pagpasok ng bagong kurikulum na K to 12 ng administrasyong Aquino.

“Sinasabi ng mga estudyante ng hayskul, walang textbook na ibinigay specifically para doon sa K to 12 program. Ang ginagawa ng mga bata, yung module na galing sa guro ang kanilang pinapa-photo copy. At yung gastos ay sasaluhin ng magulang,” ayon kay Manano.

Sa mga upuan, sa tatlo sa apat na eskwelahan na nabanggit, sapat umano ang mga upuan ng mga bata. Pero bagama’t nakapagpagawa ng upuan ang DepEd bilang sagot sa kakulangan, marami sa mga upuan na kanilang napansin ang sira-sira na. Ang iba, nagdadala ng kanilang sariling upuan, ayon sa Salinlahi.

“Ito ang bahay ng isang NPA”. Sinulat ng militar sa isang bahay ng katutubo sa Lianga, Surigao del Sur noong 2009. KR Guda/PW File Photo

Pag-atake sa mga alternatibong paaralan

Dahil sa ilang dekada nang problema sa sektor ng edukasyon gaya ng kakulangan sa mga guro, libro, klasrum, at maging mga paaralan, umusbong ang “alternatibong mga paaralan” sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Itinatayo ang mga ito ng relihiyosong mga grupo, gayundin ng mga organisasyon ng mga mamamayan lalo na sa kanayunan.

Pero sa suri ng Children’s Rehabilitation Center (CRC), nagiging target ang naturang mga paaralan ng militar, sa kanilang giyera kontra-insurhensiya.

“Mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2014, may naitala tayong kaso na 52 na attack on schools and/or use of public places such as barangay halls, health centers, and places of worship,” ayon kay Jacquiline Ruiz, executive director ng CRC.

Nasa 5,165 na indibiduwal ang apektado at 2,722 bata ang direktang apektado sa kaso ng pag-atake na ito, sa datos ng CRC.

Kabilang sa mga kaso ng paglabag na kanilang naitala ang pagbansag umanno sa alternatibong mga paaralan na pinatatakbo umano ng New People’s Army (NPA) o ang armadong puwersa ng Communist Party of the Philippines. Gayundin, binabansagang NPA o tagasuporta ng NPA ang mga guro nito na naglalagay sa kanila sa posibleng kapahamakan.

KR Guda/PW File Photo" class /&gt; Mga batang bakwit sa Surigao del Sur dahil sa militarisasyon. <strong>KR Guda/PW File Photo</strong>

Mga batang bakwit sa Surigao del Sur dahil sa militarisasyon. KR Guda/PW File Photo

Ang Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood and Development (Alcadev) na itinayo noong 2004 na nagtuturo ng antas sekondarya sa mga lugar ng Surigao Norte, Surigao Sur, Agusan Norte, at Agusan Sur, ang kabilang sa mga naitalang eskwelahan na inaatake.

Itinatayo umano ang eskuwelahan ng Alcadev para hindi na bumaba pa ng bundok ang mga katutubong kabataan na gustong makapag-aral. Nakatuon din ang naturang eskuwelahan sa pagpapaunlad ng pang-ekonomiyang gawain ng komunidad dahil agrikulturang paaralan din ang Alcadev.

Bilang resulta ng militarisasyon, maraming klase ang nasuspindeng sa mga paaralang ito. Maraming mga guro at mga mag-aaral ang sumailalim umano sa interegasyon ng mga militar sa lugar. Sinusurbeylans din umano ang mga guro sa mga paaralang ito.

Mula 2005 (isang taon mulang nang itayo ang Alcadev) hanggang 2007, walang patlang umano ang military deployment sa mga lugar na ito na nagresulta sa malawakang evacuation at paglabag sa karapatang pantao.

“Halos taun-taon lumilikas ang mga tao — buong komunidad ang lumilikas. Nasa mahigit isang libong katao ang lumilikas dahil sa deployment (ng militar) sa kanilang lugar (lugar ng mga Lumad sa Mindanao),” ayon kay Ruiz.

Noong 2009, nagtuluy-tuloy umano ang panghaharas na ginagawa ng mga militar sa lugar na ito hanggang sa binansagang ilegal ang Alcadev dahil wala umanong accreditation ang nasabing eskwelahan mula sa DepEd at isa umanong communist front ang nasabing eskuwelahan.

(Basahin ang ulat ng PW hinggil sa pagbakwit ng mga katutubo sa Surigao del Sur. Tunghayan din ang photo essay hinggil dito.)

Tinuro ng isang katutubong guro sa alternative school sa Talaingod, Davao del Sur ang sinulat ng mga militar sa kanilang paaralan na nag-aakusa sa mga guro na miyembro raw ng NPA. Tulad ng naganap sa mga paaralan ng Alcadev noong 2009 at sumunod na mga taon, kinampuhan din ng militar ang alternative schools sa Talaingod nitong Mayo 2014. <strong>KR Guda</strong>

Tinuro ng isang katutubong guro sa alternative school sa Talaingod, Davao del Sur ang sinulat ng mga militar sa kanilang paaralan na nag-aakusa sa mga guro na miyembro raw ng NPA. Tulad ng naganap sa mga paaralan ng Alcadev noong 2009 at sumunod na mga taon, kinampuhan din ng militar ang alternative schools sa Talaingod nitong Mayo 2014. KR Guda

Eskuwelahang katutubo, tinatarget

Kabilang din sa mga eskuwelahang inaatake ang B’laan Literacy School and Learning Center at Salugpungan ‘Ta Tanu Igkanogon Community Learning Center sa Talaingod, Davao Del Norte.

Nitong Mayo 2014, bumaba din sa kabundukan ng Talaingod ang mga guro at mga kawani dahil sa panghaharas umano ng militar. Isang araw na lakaran ang kakailanganin para marating o lisanin ang lugar. Dumulog sila sa lokal na gobyerno para humingi ng tulong ang mga guro. Natigil ng limang buwan ang operasyon ng eskuwelahan ng mga katutubo.

“At 190 students ang naapektuhan. Hindi naka-graduate ang mga bata nang taong yan (2010) dahil hindi na sila nakabalik sa kanilang lugar,” ani Ruiz.

Agosto 2011 nang magkaroon ng kampanya para makabalik ang mga estudyante. Doon din naganap ang kauna-unahang recognition day sa B’laan.

Taong 2013 nang itayo ang Salugpungan ‘Ta Tanu Igkanogon Community Learning Center Panansalan Annex. Pero nasa ilalim umano ito ng paniniktik ng militar. Marso 4, 10, at 11, nang iharas umano ng militar ang mga guro at estudyante at pinaratangang tumutulong daw sa NPA. Marso 27 nang may dukutin guro dito.

“Nagpapatuloy ang seryeng ito at hindi siya bago. Dire-diretso siya, hindi siya tumitigil. Walang patlang na inaatake o mini-militarize ang mga eskuwelahan na itinayo para bigyan ng serbisyo sa mga bata sa mga komunidad na malayo at hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan,” ayon kay Ruiz.

Maging sa mga day care center mismo ng pamahalaan sa Maguindanao, Ilocos-Cordillera at Samar, pareho rin umano at walang pinag-iiba ang nararanasang militarisasyon.

Disyembre 2013 nang maglabas ang DepEd ng Memorandum No. 221 na  nagbibigay pahintulot sa Armed Forces of the Philippines na ipagpatuloy ang mga aktibidad na ito sa mga eskuwelahan.

Further violation ito sa mga estudyante, mga guro, at siyempre sa buong komunidad. Sa kabuuan, hindi papabor ang DepEd Memo 221 para sa kagalingan na mabigyan sa karapatan sa edukasyon ang mga bata,” sabi pa ni Ruiz.

Nakapagtala ng mga epekto ng militarisasyon ang CRC, kabilang ang trauma, takot sa mga militar, pagtigil sa araw-araw na gawain sa komunidad, pagbabago sa pagtulog, at pagkatanggal sa kanilang komunidad ang mga bata na nakakaapekto ng matindi sa kanilang kultura.

“Nanatiling bingi at bulag ang administrasyong Aquino sa mga ipinakita nating datos. May mga kaso at nagpapatuloy ang mga kasong ito. Patuloy na ginagawa ng AFP ang mga violations na ito,” paliwanag pa ni Ruiz.

K to 12, di para sa bansa

Sa kabila ng matagal at matinding krisis sa sektor ng edukasyon, binago naman ng administrasyong Aquino ang kurikulum sa batayang edukasyon sa pagpasok ng K-to-12 na nagdagdag ng dalawang taon.

Ayon kay Alex Legaspi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), mula 1945 Ipagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinag-usapan sa Bretton Woods Conference ang rekonstruksiyon ng mga imprastrakturang napinsala ng digmaan kasama ang edukasyon. Ito ang dahilan kung bakit nag-iiba ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Alex Legaspi ng Alliance of Concerned Teachers habang ipinaliliwanag ang kanyang nakalap na datos tungkol sa K to 12.<strong>Pher Pasion</strong>

Alex Legaspi ng Alliance of Concerned Teachers habang ipinaliliwanag ang kanyang nakalap na datos tungkol sa K to 12. Pher Pasion

“’Pag bago ang pangulo, bago ang kurikulum. Ano man ang ipangalan nila d’yan, ang kurikulum ay galing lagi sa ibang bansa. Laging imported yan,” paliwanag ni Legaspi.

Binabago umano nila ngayon ang kurikulum dahil hindi umaabot sa target ang Pilipinas sa achievement dahil sa resulta natin sa achievement test natin ay laging mababa sa Agham, English, at Matematika, ayon kay Legaspi.

Ayon naman sa Trends in International Mathematics and Science Study, sinasabi na palaging huli di umano ang Pilipinas sa ranking. Noong 2003, sa 25 bansang kasali, pang-23 ang Pilipinas sa Science at Mathematics. Taong 2008, sa 10 bansang kasali, ika-10 o pinakamababa ang Pilipinas sa ranking sa Mathematics.

“Kung hindi tayo kulelat, tayo ang susunod sa kulelat,” ayon kay Legaspi.

Wala sa kamay ng maralita

Idinadahilan ng gobyerno sa pagpasa ng K-to-12 na Pilipinas na lamang umano ang hindi o naiiwan na hindi nagpapalit ng kurikulum.

Pero kahit na nagdagdag ng taon, wala umano silang binago sa core ng kurikulum na tinuturo ngayon. Mas pinaigting umano ang bokasyonal na mga kurso para ihanda ang mga bata sa maagang pagtatrabaho. “Kitang-kita natin kung sino ang makikinabang sa ating mga estudyante. Nakikita din natin ang sabwatan ng mga nasa ahensiya ng gobyerno,” ayon kay Legaspi.

Sa 2016, inaasahang maaapektuhan ang 85,000 guro sa kolehiyo dahil mawawalan ang mga ito ng mga estudyante.

“Yan ba ang magbibigay ng trabaho, eh ang laki-laki nang idi-displace mong manpower para lamang ma-accommodate ang K-to-12?” tanong ni Legaspi.

Isa sa mga problema ang pagtuturo ng mga guro ng walang course outline dahil sa pagmamadali na ipatupad ang K-to-12. Hanggang ngayon, wala pa umanong modules na binibigay sa kanila para magamit partikular sa Grade 9. Mismong mga guro pa ang siyang kinakailangang gumastos at mag-download mula sa website ng DepEd.

“Gulung-gulo pati ‘yung usapin ng paggamit ng mother tongue. Eh ‘yung ginagamit na libro ay English. Kaya ‘yung teacher, pagkatapos magtrabaho buong maghapon, ita-translate pa nila sa Ilocano, (halimbawa) kung Ilocano ang mga estudyante n’ya. At hindi libre ‘yun. Teacher pa ang gagastos,” paliwanag pa ni Legaspi.

Kulang sa guro

Bago ang pasukan, naglabas ng memorandum ang DepEd na nagsasabing hindi na dapat kumuha pa muli ng kontraktuwal na mga guro. Nasa 30,000 guro umano ang apektado nito sa buong bansa, ayon sa ACT.

Napag-alaman ng grupo na kailangan ng 132, 483 guro para sa 2012-2013 para maabot ang isang guro kada 30 estudyante sa isang klase o 1:30 ratio. Pero nasa 31,000 lamang ang idinagdag na guro, batay sa datos hanggang nitong Mayo 2014.

Samantala, sa mga eskuwelahan, problema pa rin ang kalinisan; kulang na kulang ng malinis na palikuran para sa mga bata at guro. Maging ang mga kawani na nagtitiyak ng kalinisan sa loob ng paaralan, tinatanggalan din ng trabaho dahil sa rationalization na ginagawa ng gobyerno.

“Gusto lang ng DepEd na magtipid. Kung savings lang ang pag-uusapan, bakit kinuha ang savings at ginawang DAP? Pinarusahan (ng administrasyon) ang mga bata at teacher. Sila na ang pinaglilinis. Sila na ang pinag-guguwardiya,” ayon kay Legaspi.

Maging ang pagigigng computer-based o nakaayon sa technolohiya na pagtuturo na nais ng programang K-to-12 ay di pa rin maayos na pagpapatupad. Nananatili pa rin kasing atrasado ang pagtuturo sa Pilipinas, lalo na sa mga liblib na lugar.

“Gumagamit pa rin tayo ng chalk. Gumagamit pa rin tayo ng ‘MP3′ at ‘MP4′, o Manila Paper 1,2, 3, at Manila Paper 4,” ayon kay Legaspi.

Ang tatlong tagapagsalita  sa ginanap na Ulat Bulilit 3 sa pangunguna ng Salinlahi, Children's Rehabilitation Center, at Alliance of Concerned Teachers sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.<strong>Pher Pasion</strong>

Ang tatlong tagapagsalita sa ginanap na Ulat Bulilit 3 sa pangunguna ng Salinlahi, Children’s Rehabilitation Center, at Alliance of Concerned Teachers sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Pher Pasion

Pinopondohang pribadong eskuwelahan

Dahil sa kakulangan ng pondo para sa edukasyon, nagsusumiksik ang mga estudyante sa kulang na mga silid-aralan at paaralan, habang hirap naman ang mga guro sa pampublikong mga paaralan na makaagapay sa maraming estudyante.

Ang solusyon daw ng gobyerno: Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (Gastpe), na napatupad sa bisa ng Republic Act No. 8545. Sa esensiya, popondohan ng gobyerno ang mga mag-aaral para pag-aralin sa pribadong mga eskuwelahan. Taun-taon, palaki ng palaki ang pondong inilalaan dito:

Government Assistance for Students and Teachers in Private Education

Year Amount Number of Beneficiaries
2013 7.8 billion 800,000
2012 6.3 billion 759,429
2011 3.61 billion 697,708
2010 3.5 billion 690,588
2009 3 billion 665,128
1996 354.57 million 210,630
1986 5 million No data
   Source: Alliance of Concerned Teachers

Ginagamit umano ang sistema ng voucher sa mga estudyante para matiyak ang pagpapatuloy ng programang K-to-12 na hindi kayang ma-accommodate ng publikong mga paaralan. Pribadong mga eskuwelahan ang papalit sa serbisyong dapat ibinibigay ng public schools.

“Babalik sa pribado ang ganansiya. Sila (halimbawa) ang maghahanda para sa senior high school. Hindi kayang i-accommodate ng general education high school yan kasi wala siyang pasilidad,” ayon kay Legaspi.

Ito umano ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ang pribadong mga paaralan sa taas-badyet na para sa Gastpe.

 

Maging sa tertiary education o kolehiyo, tumatagos ang K-to-12: Inanunsiyo ngayong taon ng Commission on Higher Education na tatanggalin sa kolehiyo ang Wikang Filipino sa kurikulum. Ayon sa mga kritiko ng naturang desisyon ng CHED, malaking dagok ito sa pangangalaga ng makabayang diwa sa hanay ng mga estudyante sa kolehiyo.

Samantala, patuloy din ang paghihikayat ng gobyerno sa state universities and colleges (SUCs) na magpatupad ng income-generating schemes–bahagi ng penomenon ng komersalisasyon ng edukasyon. Mismong si Aquino ang nagsabi na layon ng administrasyon niya na bawasan ang pondo ng SUCs para maitulak ang mga ito na kumuha ng kanilang sariling pondo.

“Ano ang nangyari? Magma-manage ka ng commercial education? Hindi na tuloy alam kung ano ang uunahin, kung ang negosyo ba o edukasyon,” sabi pa ni Legaspi.

Sa kabuuan, sinasabi ng mga kritiko na hindi programang K-to-12 ang sasalba sa naghihingalong kalagayan ng edukasyon sa bansa. Bagkus, sa pagpipilit na maipatupad ito, lalo lamang pinahihirapan ang mga mag-aaral, guro, at mamamayan. Samantala, tinutugunan ng mga programang ito ng administrasyon ang interes ng mga negosyante (lokal o dayuhan) para pagkunan ng murang lakas-paggawa.

Lalong nagiging malayo ang edukasyon sa kamay ng mahihirap na mga mamamayan sa bansa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/sa-ilalim-ni-aquino-edukasyon-di-para-sa-lahat/feed/ 0
Pagsikapang patalsikin si Aquino – Sison http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pagsikapang-patalsikin-si-aquino-sison/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pagsikapang-patalsikin-si-aquino-sison/#comments Sat, 05 Jul 2014 16:32:23 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30313 Ipinanawagan ng mga kabataan mula sa iba't-ibang pamatasan ng Metro Manila ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino dahil sa kontoberisyal na DAP. Macky Macaspac

Ipinanawagan ng kabataan mula sa iba’t ibang pamatasan ng Metro Manila ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino dahil sa maraming kasalanan, kabilang ang kontoberisyal na DAP. Macky Macaspac

Pinayuhan ni Prop. Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang progresibong mga mambabatas ng Makabayan bloc na pagsikapan na makakuha ng sapat na bilang para sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino.

Planong maghain reklamong impeachment ang progresibong mga organisasyon dahil sa paglabag sa Saligang Batas ni Aquino kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP), tinaguriang presidential pork barrel.

Sa pamamagitan ng video conference, nagsalita si Sison sa malaking pagtitipon ng kabataan na #MayPagasa kasabay ng paggunita sa “Philippine-American Friendship Day” sa Unibersidad ng  Pilipinas noong Hulyo 4.

“Mahirap (ma-impeach si Aquino), pero dapat pagsumikapan nila na makakuha ng sufficient votes para mapatalsik si Aquino,” ani Sison.

Bagamat  aminado siyang mahirap ang prosesong pagdadaanan ng impeachment complaint dahil alyado ng Pangulo ang mayorya sa Kamara, pagkakataon daw ang prosesong ito para mailantad ang mga nakinabang sa pork barrel. “Pagkakataon din ito para ilantad ang mga pusakal sa loob ng Kongreso at Senado,” aniya.

Hinamon pa ni Sison ang mga mambabatas na suportahan ang impeachment complaint “kung may konsensiya pa sila”. “Madadamay sila sa kinamumuhiang Pork Barrel King (Aquino) sa darating na eleksiyon,” sabi pa ni Sison.

Video conference ni Prof. Jose Maria Sison sa forum ng May Pag-asa. Macky Macaspac

Video conference ni Prop. Jose Maria Sison sa forum ng May Pag-asa. Macky Macaspac

Sinabi pa ni Sison na kung mabigo ang prosesong impeachment patunay ito na malalim na ang korupsiyon sa gobyerno. Kailangan daw na magsikap na baguhin ang buong sistema ng burukrasiya kasabay ng paghimok niya sa kabataan na lumahok sa pagbabago.

Inihalimbawa niya ang pagpapatalsik sa dating Pang. Joseph Estrada noong 2001.  Malaking bilang ng kabataan ang lumahok sa mga protesta noon laban kay Estrada.  “Hindi imposible na mapatalsik ang rehimeng US-Aquino,” aniya.

Samantala, ipinanawagan naman ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Metro Manila kay Aquino na huwag harangin ang ihahain nilang impeachment complain at harapin ang mga reklamo.

“Dapat harapin ni Aquino ang hatol ng sambayanan na matagal nang ninanakawan. Panawagan din namin sa mga kongresista na huwag nang magpagamit at huwag harangin ang impeachment,” sabi ni Mark Louie Aquino, pangkalahatang kalihim ng Bayan-Metro Manila.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pagsikapang-patalsikin-si-aquino-sison/feed/ 0
Panawagang pagpapatalsik kay Noynoy umiinit http://pinoyweekly.org/new/2014/07/panawagang-pagpapatalsik-kay-noynoy-umiinit/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/panawagang-pagpapatalsik-kay-noynoy-umiinit/#comments Sat, 05 Jul 2014 06:04:14 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30269 Protesta ng kabataan sa Mendiola para sa pawagang pagpapatalsik kay Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng kabataan sa Mendiola para sa pawagang pagpapatalsik kay Aquino. Pher Pasion

Pinaiinit ng mga grupo ng kabataan ang panawagang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Aquino. Sa protesta ng kabataan sa paanan ng Mendiola, nanawagan sila sa taumbayan na magkaisa para alisin sa poder si Aquino batay sa sari-saring isyu–pinakamainit nito ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang ilegal ng Korte Suprema kamakailan.

“Naholdap ang kabataan dahil sa DAP na ito ni Aquino. Patunay lamang na walang aasahan ang kabataan sa pangulong simula’t sapul ay pinagkakait ang karapatan ng kabataan at patuloy na pagpapabaya sa sektor ng edukasyon,” ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS) , sa panayam ng Pinoy Weekly.

Ayon sa LFS, nagamit ang pera ng publiko sa pamamagitan ng DAP sa pagpondo umano sa mga bogus na proyektong pang-ekonomiya at pagsuhol sa mga opisyal ng gobyerno noong impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.

Hindi pa umano natatapos ang laban sa pagdeklara ng Korte Suprema na ilegal ang DAP para mabuwag na ang sistema ng pork barrel ni Aquino. Dapat din daw managot sina Aquino at Abad kasama ang kanilang mga alyado, ayon kay Velasco.

Panawagan ng kabataan na dapat umanong managot ang lahat ng sangkot sa korapsyon.<strong>Pher Pasion</strong>

Panawagan ng kabataan na dapat umanong managot ang lahat ng sangkot sa korupsiyon. Pher Pasion

Naging pagkakataon din ang araw na iyon, na tinaguriang “Philippine-American Friendship Day“, na kondenahin muli ng kabataan ang anila’y di pantay na relasyong Pilipinas at Amerika.

“Tinututulan din natin ang EDCA (Enhance Defense Cooperation Agreement) dahil nangangahulugan lamang umano ito ng muling okopasyon ng tropang Amerikano sa bansa. Magdudulot lamang ito ng lalong kahirapan at paglaki ng bilang ng paglabag sa karapatang pantao,” ayon kay Velasco.

EDCA ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika na nagpapahintulot ng pagbabase ng tropang Amerikano sa Pilipinas. Nilagdaan ito noong Abril 28 ngayong taon.

Inilahad ni Velasco ang mga naging kaso ng paglabag ng karapatang pantao ng mga sundalong Amerikano sa bansa, gaya ng Subic Rape Case na isang Pilipina ang nabiktima ng panggagahasa noong 2005, gayundin ang pagkasira ng Tubbataha Reef dahil sa isang barkong pandigma ng Amerika na sumadsad dito, at iba pa. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapanagot ang mga sundalong Amerikano sa mga ito.

Determinado umano ang kabataan para patalsikin si Aquino sa puwesto sa kabila ng mga nagsasabing hindi uusad o pipigilan lamang ng mga alyado ni Aquino ang impeachment laban sa Pangulo.

“Ang pagmonopolyo ni Aquino sa pulitika ng kapangyarihan at solidong suporta ng Kongreso at Senado ay hindi magpapapigil sa lumalawak na panawagan ng mga mamamayang Pilipino na patalsikin ang Pangulo,” sabi pa ni Velasco.

Sinabi ng LFS at iba pang grupo na nagprotesta na paiinitin pa nila lalo ang mga protesta hanggang sa State of the Nation Address ni Aquino sa Hulyo 28.

 

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/panawagang-pagpapatalsik-kay-noynoy-umiinit/feed/ 0
Problema sa klasrum, kagamitan sa eskuwela laganap pa rin http://pinoyweekly.org/new/2014/06/problema-sa-klasrum-kagamitan-sa-eskuwela-laganap-pa-rin/ http://pinoyweekly.org/new/2014/06/problema-sa-klasrum-kagamitan-sa-eskuwela-laganap-pa-rin/#comments Fri, 27 Jun 2014 06:53:05 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30117 Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. <strong>Pher Pasion/PW File Photo</strong>

Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. Pher Pasion/PW File Photo

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum.

Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at hayskul.

.“Tatlong linggo nang nakapagsimula ng klase, at hindi maipagkakailang lumala, mas talamak ang sitwasyon ng edukasyon,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus, sa protesta sa harap ng tanggapan ng DepEd.

Kinukuwestiyon naman ng grupo ng child rights advocates na Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang sinseridad ni Education Sec. Armin Luistro sa pagtugon sa problema.

“Imbes na seryosong tugunan ang matagal nang problema sa sistema ng edukasyon, lumilikha ng ilusyon si Luistro na natinutugunan daw ng gobyerno ang responsabilidad nito sa edukasyon,” ayon kay Kharlo Manano, pangkalahatang kalihim ng Salinlahi.

Dagdag pa niya, ilang buwan bago magbukas ang klase, inanunsiyo ni Luistro na natugunan na ang kakulangan sa mga klasrum. Pero sa reyalidad, iyung kakulangan noong 2010 pa lamang ang natugunan ng DepEd.

Inilahad pa ng Salinlahi ang atake sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga probinsiya. Nakapagtala umano sila ng kaso ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa ng kontra-insurehensiyang mga aktibidad na kabahagi di umano ang mga bata sa Mindanaw at nagdudulot ng takot at matinding kalungkutan sa mga bata, guro, at buong komunidad. Nagiging legal pa umano ito dahil sa DepEd memorandum 221 na inilabas nito noong Disyembre 2013.

Tinuligsa naman ng Gabriela ang Government Assistance to Students and Teachers in Public Education (Gastpe) ng gobyerno bilang isang panandaliang solusyon para pagtakpan ang kabiguan ng gobyerno sa krisis sa edukasyon.

Isa sa layunin ng Gastpe ang bawasan ang labis na populasyon ng mag-aaral sa paglipat sa mga ito mula publiko patungong pribado bilang mga iskolar.

“Ang katotohanan na walang kasiguruhan ibinigay sa mga magulang kung hanggang kailan ang subsidiya sa matrikula, at sa kabilang banda, binibigyan ang mga pribadong paaralan ng kaluwagan para magtaas ng matrikula,” ayon kay De Jesus.

Dagdag ni De Jesus, dapat inilaan na lamang umano ang badyet para sa Gastpe sa pagpapatayo ng mga imprastraktura na tutulong para mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa pangmatagalan.

Binigyang diin din ng Gabriela na kailangan dagdagan ng gobyerno ang badyet para sa publikong edukasyon. Ginamit ng Gabriela ang pag-aaral ng Unesco (United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization) na nagsasabing bagamat tumaas ang paglalaan sa edukasyon mula 13.9 tungong 15 porsyento ng pambansang badyet mula 1999 tungong 2011, bigo pa rin nitong maabot ang rekomendasyon ng Unesco na 20 porsyento ang dapat inilalaan.

“Malinaw na nananatiling ang edukasyon sa prayoridad ng gobyernong Aquino. Tatlong taon sa ‘Tuwid na Daan’ ni Aquino, hindi ito nagdala sa atin sa mas mabuting edukasyon para sa ating mga anak. Responbale si Aquino sa pagtuloy na paghihirap ng ating publikong edukasyon,” ayon kay De Jesus.

 

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/problema-sa-klasrum-kagamitan-sa-eskuwela-laganap-pa-rin/feed/ 0
Alcala ng Agrikultura, sinampahan ng kabataan ng kasong pandarambong http://pinoyweekly.org/new/2014/06/kabataan-nagsampa-ng-kasong-pandarambong-vs-kalihim-ng-agrikultura/ http://pinoyweekly.org/new/2014/06/kabataan-nagsampa-ng-kasong-pandarambong-vs-kalihim-ng-agrikultura/#comments Thu, 26 Jun 2014 01:06:28 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30119 Isang kabataang miyembro ng Youth Act Now, sa isang protesta kontra pork barrel. <strobg>PW File Photo</strong>

Isang kabataang miyembro ng Youth Act Now, sa isang protesta kontra pork barrel. PW File Photo

Sinampahan ng mga miyembro ng Youth Act Now (YAN) ng kasong plunder si Agriculture Sec. Proseso Alcala sa di umano’y pagiging sangkot nito sa multi-milyong pork barrel scam.

Sa 13-pahinang complaint-affidavit na isinumite nila sa tanggapan ng Ombudsman, kinasuhan ng mga lider-kabataan ng “systematic plunder of government resources” sa ilalim ng Republic Act No. 7080 si Alcala.

YAN ang pinakamalawak na grupo ng kabataan na kontra sa sistema ng pork barrel sa bansa na may mga miyembro sa iba’t ibang organisasyon ng kabataan mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Sa nakalipas na mga araw, nasaksihan namin ang naunang criminal proceedings laban sa mga senador na sangkot sa pork barrel scam. Gayunpaman, hindi pa rin nagsasampa ang Palasyo – o ano man sa mga instrumento nito – ng anumang kaso sa matataas na gabinete na sangkot dito,” ani Victor Villanueva, pambansang convenor ng Youth Act Now.

Binanggit ng mga nagpetisyon ang diumano’y pagiging sangkot ni Alcala sa hindi tamang paggamit ng P36 Milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa paglipat nito sa isang non-government organization (NGO) na Economic and Social Cooperation for Local Development Foundation, Inc. noong termino nito bilang kinatawan ng Quezon.

Nasasangkot din si Alcala sa paglipat ng P39-M ng pampublikong pondo kay Janet Lim-Napoles at kanyang NGOs noong termino niya bilang kalihim ng Agrikultura.

“Hindi na makapaghintay ang kabataan sa gobyerno para kasuhan ang mga alyado ng administrasyon na sangkot din sa pork barrel scam,” dagdag ni Villanueva.

Hiniling din ng mga nagpetisyon sa Office of the Ombudsman na kasuhan ng plunder si Alcala dahil sa paglabag ng huli sa mga probisyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices at mahahalagang probisyon ng Revised Penal Code.

Binanggit din ng mga nagpetisyon ang Special Audit Report of the Commission on Audit on the PDAF at ang Mayo 26, 2014 na sinumpaang affidavit ni Napoles bilang pangunahing ebidensiya para sa pagsampa ng plunder.

“Una lamang ang kaso laban kay Secretary Alcala sa marami pang ikakaso ng YAN sa susunod na mga araw,” sabi pa ni Villanueva.

Si Florencio Abad, kalihim ng Department of Budget and Management, ang umano’y isusunod nilang kakasuhan.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/kabataan-nagsampa-ng-kasong-pandarambong-vs-kalihim-ng-agrikultura/feed/ 0
Ang tunay na kalayaan, ayon kay Em Mijares http://pinoyweekly.org/new/2014/06/ang-tunay-na-kalayaan-ayon-kay-em-mijares/ http://pinoyweekly.org/new/2014/06/ang-tunay-na-kalayaan-ayon-kay-em-mijares/#comments Mon, 23 Jun 2014 04:43:13 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=29985 Ang presidential "heckler" (na bansag sa kanya ng midya) na si Pio Emmanuel "Em" Mijares, estudyante ng Ateneo de Naga. Kasama niya, sa kanan, si Vince Casilihan ng Karapatan-Bicol. <strong>Arkibong Bayan</strong>

Ang presidential “heckler” (na bansag sa kanya ng midya) na si Pio Emmanuel “Em” Mijares, estudyante ng Ateneo de Naga. Kasama niya, sa kanan, si Vince Casilihan ng Karapatan-Bicol. Arkibong Bayan

Sa kalagitnaan ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III para Araw ng Kalayaan na ginanap sa Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, napahinto siya kanyang pagsasalita dahil sa pagsigaw ng ilang kabataan.

Isa sa kanila ang hinuli ng mga tauhan ni Aquino sa Presidential Security Group (PSG) at kasalukuyang humaharap sa mga kasong tumults and other disturbances of public order at assault upon an agent of a person in authority. Siya si Pio Emmanuel “Em” Mijares, estudyante ng Psychology sa Ateneo de Naga University at miyembro ng Anakbayan at Kabataan Party-list. Siya rin ang pangkalahatang-kalihim ng Youth Act Now-Bicol.

“Nandoon kami para i-celebrate ang Independence Day. Pero hindi rin kami nandoon para tumango na lang at umoo nang umoo sa mga sinasabi niya (ni Aquino) na kesyo nagbago na daw at maganda na ang buhay ng mga Pilipino,” kuwento ni Mijares.

Nakita nila na perpektong pagkakataon ang pagdating ni Aquino para malapitang idulog sa Pangulo ang kanilang hinaing.

“Isa pa sa nagtulak sa amin para gawin iyon–nakikita namin na maraming mali. Sa sektor pa lamang ng edukasyon, nawawalan ng priority sa paglalaan ng badyet, sa pagpigil ng pagtaas ng matrikula, sa pagdagdag ng klasrum. Kung kaya, hindi mo rin masasabi na hindi valid ang nais naming irehistro noong araw na iyon,” sabi ni Mijares.

Pansamantalang nakalaya si Mijares matapos siyang magpiyansa ng P8,000.

Walang balak na sumigaw

Kasama ng iba pang kabataan, tinatayang nasa 40 hanggang 50 metro ang layo nila Mijares noong nagsasalita si Aquino.  Nagtaas umano siya ng plakard na “Edukasyon para sa lahat” at walang intensyong sumigaw talaga.

“’Yung pagsigaw, reaction na lang siya doon sa nangyaring violent na pagdakip sa akin. Wala talagang intensyon na sumigaw. Hindi totoo na nauna ‘yung sigaw tapos hinuli na ako,” aniya. Matapos niyang itaas ang plakard, inagaw ito ng pulis at kinaladlad na siya palayo. Nung tangkain pa sana niya ulit magladlad ng isa pang plakard, pinadapa na siya ng mga tauhan ng PSG.

“May naramdaman akong suntok at kalmot, pero hindi ko ramdam na masakit siya noon. Noong nangyari iyon, sinabi ko na ‘sasama ako sa inyo’. Willing akong sumama. Kasi the fact na nagtaas lang kami doon at wala talaga kaming balak sumigaw, sana ineskort na lang kami sa venue palayo,” sabi pa ni Mijares.

Hindi rin umano siya ang sumigaw ng “Pork barrel king, patalsikin kundi isa marahil sa kanyang mga kasamahan na sumigaw din. Pero siya lamang ang dinampot ng mga pulis.

Kasabay din ng araw na iyon ang malawakang pagkilos ng iba’t ibang sektor sa bansa para ihayag ang paglaban sa sistema ng pork barrel maging ang presidential pork barrel.

Kuwento pa ni Mijares, hindi siya nanlaban nang idinapa siya. Pero sinuntok diumano siya sa kanyang likuran ng mga humuli sa kanya–kahit na matiwasay na siyang sumasama sa kanila.

Si Em Mijares, hawak ang papel na pinahawak kanya ng pulis na naglalaman ng kaso laban sa kanya. <strong>Arkibong Bayan</strong>

Si Em Mijares, hawak ang papel na pinahawak kanya ng pulis na naglalaman ng kaso laban sa kanya. Arkibong Bayan

“Nung kumapal na ang tao, sumigaw ulit ako (na) ‘Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino.’ Nung sa kalagitnaan na sinisigaw ko iyon, yung dalawang banner, binilog at isinalpak sa bibig ko,” ayon kay Mijares.

Ayon sa mga ulat sa midya, matapos siyang hulihin ng PSG ay ipinasa si Mijares sa pulis para ikulong at kasuhan.

Dinala siya ng mga pulis sa presinto. Doon, naging antagonistiko sa kanya ang halos lahat ng mga pulis. Hindi umano siya pinayagan na kontakin niya ang kanyang abogado para madepensahan siya. Pinilit pa siyang posasan ng mga pulis. Hindi rin siya iniharap sa paralegal na agad na sumaklolo sa kanya.

Nakiusap si Mijares na alisin ang kanyang posas dahil di naman daw siya tatakbo. Hindi rin siya pinayagan na makapag-CR dahil naiihi na siya.

Nasa 32 oras nakulong si Mijares bago pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa.

Magsasampa ng kontra-kaso

Sa kabila ng kasong kinakaharap niya, nakatakda namang pagsampa ng counter charges ang kanilang kampo.

Ayon kay Vince Casilihan ng Karapatan-Bicol, tatlo ang kanilang kasong isasampa laban sa kapulisan at mga humuli sa kanya. Isa rito ang hindi pagdala kay Mijares sa judicial authority dahil lumampas na siya sa 12 oras na pagkakakulong. Ikalawa, police brutality sa pananakit at paraan ng pang-aaresto sa kanya. Ikatlo, magfi-file din sila ng motion to suspend proceedings, dahil hindi pwedeng mawala kung karapatan ng isang akusado sa pag-i-inquest.

Magfi-file umano ang Karapatan at National Union of People’s Lawyers sa Ombudsman at Commission on Human Rights para magkaroon ng imbestigasyon.

Eight times kaming hinarangan bago siya narating. Pinipigilan kaming makarating at makapag-fact finding o maka-QRT (quick response team) sa kanya. Matagal kami bago nakarating. Ako nga hindi na ako na sini-single-out ako ng PSG (Presidential Security Group) na hindi ko makapunta,” ayon kay Casilihan.

Naniniwala sina Casilihan na gawa-gawa ang kasong isinampa kay Mijares.

“Sa tingin namin talaga, may hold ang Malakanyang, at nakikialam talaga ang pangulong ito sa kasong ito,” ayon kay Casilihan.

Nagsagawa naman ng online campaign ang mga tagasuporta ni Mijares para manawagan sa kanyang agarang pagbasura sa kanyang mga kaso.

Pero higit pa rito, ikakampanya nila ang laman ng mga plakard at sigaw ni Mijares: ang paglalantad sa tunay na katangian ng kasalukuyang Pangulo at sistema. At ang kawalan ng tunay na kalayaan sa bansa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/ang-tunay-na-kalayaan-ayon-kay-em-mijares/feed/ 0
Pagtanggal ng wikang Filipino sa kurikulum ng CHED, binatikos ng mga guro, kabataan http://pinoyweekly.org/new/2014/06/pagtatanggal-ng-wikang-filipino-sa-kurikulum-binatikos-ng-mga-guro-kabataan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/06/pagtatanggal-ng-wikang-filipino-sa-kurikulum-binatikos-ng-mga-guro-kabataan/#comments Mon, 23 Jun 2014 03:52:13 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=29989 Malansang isda kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education at gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa pagtuturo.<strong>Pher Pasion</strong>

Malansang isda kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education at gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa pagtuturo.Pher Pasion

Dala ang mga isdang sumisimbolo sa pagiging malansa umano sa mga di-nagmamahal sa sariling wika, nagprotesta ang mga guro at mag-aaral sa harapan ng Commission on Higher Education (CHED) laban sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo.

Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS) ang nasabing pagkilos na may maskara ni Jose Rizal. Tinutulan ng mga ito ang inilabas na Memoramdum No. 20 series of 2013 ng Ched na ginagawang opsyon na lamang ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo.

“Ang CHED at si (Pangulong) Noynoy mismo ang nangangamoy malansan isda sa kanilang ginawang opsiyon na lamang na ituro ang Wikang Filipno at opsiyon para gawing midyum sa pagtuturo,” ayon kay France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Kaugnay ng K to 12

Pero para sa ACT, magkaugnay ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo at ang implementasyon ng K to 12 na ipinatupad ng administrasyong Aquino.

“Bahagi lang ito ng polisiya na plano ng pamahalaan na pagiging kolonyal. Kolonyal talaga ang ating edukasyon. Mismong ating Filipino bilang ating wika ay ibinabasura ng CHED. Ito ang pagpapakita nang hindi pagmamahal ng Ched sa wika natin,” ayon kay Castro.

Dadag pa ni Castro, sa pagpapatupad pa lamang ng K to 12 noong 2011, ipinakikita na ng gobyerno ang pagiging kolonyal nito sa pagpapatupad ng programang ito kahit na hindi handa ang gobyerno. Kabahagi ang CHED Memo No. 20 ang K to 12 na naglilingkod lamang sa pangangailangan ng malalaking negosyante at dayuhan.

Ayon kay Ruby Ann Bernado, guro ng Filipino sa Sta. Lucia High School, matapos ang ilang taong implementasyon ng K to 12, hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga modules sa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang mga  guro at iba pang rekisitos para sa programang ito.

“Isa sa hindi nakita ng CHED noong nagtatalakay ng K to 12, ang nakikita natin ngayon na malawakang tanggalan ng mga guro sa private at state universities and colleges,” sinabi pa ni Castro.

Tinatayang nasa mahigit kumulang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang implementasyon ng K to 12.

Pagtutol ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.<strong>Pher Pasion</strong>

Pagtutol ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.Pher Pasion

“Ito ay isa lamang sa mga negatibong dala ng K to 12 at matagal na naming sinasabi na hindi ito solusyon upang matugunan ang mga suliranin ng edukasyon sa bansa,” ani Castro.

Dagdag pa ni Castro, mula nang maipatupad ang K to 12, lumala ang sitwasyon ng edukasyon lalo na ang publikong edukasyon sa bansa. Kailangan umanong maglaan ang gobyerno ng malinaw at makataong solusyon sa problema na nagsisiguro sa karapatan ng mga guro.

Atake sa mga mamamayan

Pag-atake naman umano sa ating potensiyal para sa pambansang kaunlaran ang pagtatanggal ng Wikang Filipino, sabi ni Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

“Imbes na magsayang ng oras at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para lamang matugunan ang pangangailangan ng mga malalaking negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad ng kalidad at abot-kayang edukasyon na may kakayahang lumikha ng pambansang industriya at ekonomiyang nakakatindig sa sarili,” ayon kay Velasco.

Ayon naman kay Wilmor Pacay III, isang guro sa kolehiyo sa pribadong pamantasan, may diskriminasyon na noon pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino.

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon ng gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan. Pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas nitong memo,” sabi pa ni Pacay.

Ayon sa LFS, nag-uugat umano ang polisiyang ito sa walang kupas na dedikasyon ni (Noynoy) Aquino na paglingkuran ang pangangailangan at kagustuhan ng amo nitong Estados Unidos.

“Sadyang walang hiyang nararamdaman ang gobyernong ito sa paglapastangan ng ating soberanya at pagkakakilanlan bilang mamamayan,” ayon kay Velasco.

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/pagtatanggal-ng-wikang-filipino-sa-kurikulum-binatikos-ng-mga-guro-kabataan/feed/ 0
Sa pasukan, dagdag-suweldo giniit ng mga guro, sinuportahan ng kabataan http://pinoyweekly.org/new/2014/06/sa-pasukan-dagdag-suweldo-giniit-ng-mga-guro-sinuportahan-ng-kabataan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/06/sa-pasukan-dagdag-suweldo-giniit-ng-mga-guro-sinuportahan-ng-kabataan/#comments Wed, 04 Jun 2014 09:52:03 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=29749  

Siksikan ang mga mag-aaral sa  loob ng hinating klasrum.<strong>Pher Pasion</strong>

Siksikan ang mga mag-aaral sa loob ng hinating klasrum ng Pres. Corazon Aquino Elementary School sa Lungsod ng Quezon. Pher Pasion

Muling sumalubong sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ang dati nang mga problema sa eskuwelahan gaya ng kakulangan ng mga silid-aralan, mga upuan, mga libro, at mga guro.

Sa pagkakataong ito, sinalubong din ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang unang araw ng pasukan ng isang protesta–isang paggiit sa administrasyong Aquino na dagdagan ang suweldo ng mga guro at taasan ang badyet sa sektor ng edukasyon.

Sinabi ng mga lider-guro ng ACT na walang bago sa kalagayan ng krisis sa sektor ng edukasyon. Pinabulaanan nila ang mga pahayag ng administrasyong Aquino na nabibigay ng gobyerno ang sapat na rekurso at pasilidad para sa mga estudyante at pampublikong mga eskuwelahan.

Sa paanan ng Palasyo

Sinugod ng mga guro at mag-aaral ang Malakanyang para singilin ang administrasyong Aquino sa “pagpapabaya sa sektor ng edukasyon.”

Isang raling iglap ang isinagawa ng mga guro sa Gate 7 ng Malakanyang nitong Hunyo 2 para sa kanilang panawagang dagdag sa sahod na patuloy na ipinagkakait ng adminstrasyon Aquino.

“Pagpapahayag ito ng galit ng mga guro sa aming panawagan para sa nakabubuhay na sahod. Mula nang maupo sa puwesto si (Benigno) Aquino III, walang anumang narinig ang mga guro mula sa kanya tungkol sa aming panawagan,” ani Benjamin Valbuena, tagapangulo ng ACT.

Pinagtutulak ng mga pulis palayo ng gate 7 ng Malakanyang ang mga guro sa isinagawang lightning rally ng huli.<strong>Pher Pasion</strong>

Pinagtutulak ng mga pulis palayo ng gate 7 ng Malakanyang ang mga guro sa isinagawang lightning rally ng huli.Pher Pasion

Panawagan ng ACT na itaas ang sahod ng mga guro sa P20,000 mula P18,549 at P15,000 mula P9,000 para naman sa mga kawani.

Binatikos din nila ang administrasyon sa tangkang pagtaboy sa mga guro na nagprotesta sa Malakanyang. Anila, imbes na hayaang makapagprograma, marahas umano silang itinaboy ng mga pulis. Maging ang mga babaeng guro ay nasaktan.

“Pinipilit kaming itulak kahit kaming mga babae na teachers. Hindi nagawang pakiusapan ang mga pulis,” ayon kay Jocelyn Martinez, isa sa mga gurong nasaktan.

Tinugunan din ng mga guro sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang protesta para sa dagdag-suweldo at karagdagang badyet para sa edukasyon.

Samantala, nagmartsa naman ang mga mag-aaral sa paanan ng Mendiola sa Maynila para ipanawagan ang pagbabasura sa programang K+12 (Kindergarten + 12 taon), pagbaba ng matrikula, at dagdag na badyet para sa edukasyon.

Problemang pinagtatakpan

Nag-ikot sa unang araw ng pasukan si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa unang araw ng pasukan.

Ayon kay Tinio, nanatili pa rin ang problema sa mga pampublikong eskuwelahan sa kabila ng pahayag ng Malakanyang at Department of Education (DepEd) na kanila na umanong natutugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon.

“Nakikita natin na nariyan pa rin ang mga dati ng problema tuwing pasukan. Siksikan pa rin ang mga estudyante dahil hindi lamang kulang ang mga silid-aralan kundi kulang ang mga eskuwelahan,” ani Tinio.

Sinabi pa ni Tinio na apat sa sampung kabataan na nasa edad mula 13 hanggang 19 na taon ang wala o hindi nakatutuntong ng hiskul.

Binigyan naman ng bagsak na marka ng mga mag-aaral si Aquino. Sa halip na mapaunlad umano ang sektor ng edukasyon ay mas pinalala ito ng mga polisiya ng administrasyon.

“Unang araw pa lang ng klase, bagsak na agad ang gradong ibinibigay ng kabataan kay Pangulong Aquino. Bagsak sa pasilidad, bagsak sa curriculum, at bagsak sa pagsagot sa lumulobong presyo ng matrikula,” pahayag ni Kabataan Rep. Terry Ridon.

Protesta ng Kabataan sa Mendiola sa unang araw ng pasukan.<strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng Kabataan sa Mendiola sa unang araw ng pasukan.Pher Pasion

Kabilang sa mga polisiya ang K+12 na dagdag dalawang taong sa pag-aaral at ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (Gastpe) para paluwagin (“decongest”) ang pampublikong mga paaralan.

Ayon sa League of Filipino Students (LFS), maliban sa dagdag na gastusin ang K+12, hindi din ito tumutugon sa pangangailangan ng bansa kundi para sa mga kapitalista at dayuhang bansa na nangangailangan ng murang-lakas paggawa.

“Ginagawa lahat ng administrasyong Aquino para ibenta ang kanyang kabataan,” ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

Ayon naman sa ACT, minadali ang pagsasanay para sa mga guro at nananatili pa ring kulang ang mga modules para sa K+12.

Hindi naman umano tinutugunan ng Gastpe ang isyu sa kawalan ng pasilidad at guro. Katunayan, pinopondohan umano ng gobyerno ang pribadong sektor imbes na magbigay ng pondo sa publikong paaralan, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

“Pinalala ng mga polisiya ng administrasyong Aquino ang krisis sa sistema ng edukasyon. Hinayaan ni Aquino na lalong maging negosyo at prebilehiyo para sa iilan. May pera para sa pork (barrel) pero wala para sa ating mga paaralan at mga guro,” ayon Crisostomo.

Para sa kay Valbuena, mahusay na napagtatakpan ng administrasyong Aquino ang krisis sa sektor ng edukasyon sa kapahamakan ng mga guro at mga mag-aaral.

Babala

Nagbabala ang mga guro ng isang malawakang mass leave kung mananatiling wala sa badyet para sa 2015 ang dagdag sahod para sa mga guro.

Nakikiisa din ang mga mag-aaral sa labang ito na nagbanta din ng malawakang kilos-protesta at strike sa mga pamantasan.

“Ang pang-iinsultong ito ni Aquino ay kinakailangan tapatan ng mga protesta. Kung mag ma-mass leave ang mga guro, susuportahan ng mga kabataan ng malawakang mga strike,” ayon kay Crisostomo.

 

Iba pang mga larawan:

Klasrum na hinati sa dalawa dahil sa kulang ang mga klasrum.<strong>Pher Pasion</strong>

Klasrum na hinati sa dalawa dahil sa kulang ang mga klasrum sa Pres. Corazon Aquino Elem. School.Pher Pasion

Dahil kulang sa klasrum, sa mga daanan pa rin nagkaklase ang mga mag-aaral sa isang paaralan sa Lungsod ng Quezon.<strong>Pher Pasion</strong>

Dahil kulang sa klasrum, sa mga daanan pa rin nagkaklase ang mga mag-aaral sa Payatas B Elementary School sa Lungsod ng Quezon.Pher Pasion

Protesta sa Malakanyang:

Lightning rally ng mga guro sa gate 7 ng Malakanyang para sa dagdag sahod. <strong>Pher Pasion</strong>

Lightning rally ng mga guro sa gate 7 ng Malakanyang para sa dagdag sahod. Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/06/sa-pasukan-dagdag-suweldo-giniit-ng-mga-guro-sinuportahan-ng-kabataan/feed/ 0
CHED ‘inutil’ sa taas-matrikula, pinasasara ng kabataan http://pinoyweekly.org/new/2014/05/ched-pinasasara-ng-kabataan-dahil-sa-kainutilan/ http://pinoyweekly.org/new/2014/05/ched-pinasasara-ng-kabataan-dahil-sa-kainutilan/#comments Fri, 30 May 2014 03:53:08 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=29660 Simbolikong pagkandado ng kabataan sa Commission on Higher Education dahil sa pagiging inutil umano nito. <strong>Pher Pasion</strong>

Simbolikong pagkandado ng kabataan sa Commission on Higher Education dahil sa pagiging inutil umano nito. Pher Pasion

Kinandado ng mga grupo ng kabataang estudyante ang Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City bilang protesta sa “kainutilan (nito) napigilan ang taun-taong pagtataas ng matrikula”.

Pinangunahan ng alyansang Rise for Education Alliance ang naturang kilos-protesta.

“Isara na lamang itong komisyon na ito dahil wala itong silbi sa kinabukasan ng kabataan. Wala itong ginagawa kundi maging tagapagsalita at payagan lang ang pagtataas ng matrikula ng mga pamantasan,” ani Sarah Jane Elago, presidente ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Sinabi pa ni Elago na nagdaan na ang ilang buwan mula nang magpasa sila sa CHED ng reklamo sa mga taas-matrikula sa mga pamantasan. Inireklamo ng grupo na “ilegal” umano ang mga taas-matrikula dahil di-sumunod sa tamang proseso.

Pero sa halip na dinggin ng CHED ang kanilang hinaing, pinayagan pa umano nito ang mga pamantasan na magtaas ng matrikula ngayong taon.

Sa taong 2014-2015, nasa 1,683 ang pribadong higher education institutions (HEIs) sa bansa. Nasa 353 dito ang nagsumite ng kanilang interes na magtaas ng matrikula.

Nasa 171 pamantasan ang pinayagan ng CHED at hinihintay pa resulta ng iba.

Ilang epekto ng pagtataas ng matrikula

Sinabi ng NUSP na sa enrollment ngayong taon, marami sa mga pamantasang nagbigay ng aplikasyon para magtaas ng matrikula ay di-sumunod sa mga patakaran ng konsultasyon.

Hindi naman tinanggap ng League of Filipino Students (LFS) ang mga alternatibo na sinasabi ng Malakanyang gaya ng paglipat sa state universities and colleges at pagkuha ng scholarships o student loans.

Sinunog ng kabataan ang satirikal na logo ng Che na 'Commission on Highly Expensive Education' bilang simbolo ng kanilang galit. <strong>Pher Pasion</strong>

Sinunog ng kabataan ang satirikal na logo ng Che na ‘Commission on Highly Expensive Education’ bilang simbolo ng kanilang galit. Pher Pasion

“Ano ang binabigay sa atin ng CHED at Malakanyang? Parehong nakamamatay na mga alternatibo ito para bitiwan ang kanilang tungkuling magbigay ng kalidad na edukasyon sa publiko habang sinisiguro naman ang tubo ng mga pribadong pamantasan sa nagtataasang bayarin sa eskuwela,” sabi ni Charlotte Velasco, tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS).

Dahil umano dito, nasa 80 porsiyento ng mga nagsisipagtapos sa hayskul ang hindi nakakapasok sa kolehiyo. Samantala, dalawa sa limang mag-aaral sa kolehiyo ang nagda-drop-out sa pamantasan matapos ang kanilang unang taon, ayon sa LFS.

Sa ulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) Institute of Statistics noong 2013, nakasaad na sa limang bansa na may pinakamalaking bilang ng dropout sa mundo, panglima ang Pilipinas na may 1.5 milyong dropout at nangunguna sa Timog Silangang Asya.

Maliban pa rito, mayroon 15 milyong Pilipino ang out-of-school youths, ayon sa NUSP.

“Ang pagsabing di makatao at iresponsable (ang ahensiyang ito) ay hindi sapat para ilarawan ang inefficiency at negligence ng CHED. Wala nang iba pang paraan kundi ikandado ang komisyong ito para hayagang sabihin sa administrasyong Aquino na punung-puno na kami sa kanilang pagiging iresponsable. Hindi kami kailanman susuko,” ani Elago.

Nangangamba naman si Marc Lino Abila, presidente  ng  College Editors Guild of the Philippines, na muling tumaas ang bilang at tumindi ang represyon sa mga pamantasan dahil sa patuloy na pagtataas ng matrikula na tinututulan ng mga mag-aaral.

Moratoryo kailangan

Sinabi naman ng Kabataan Party-list na may agarang pangangailangan para agad na maipasa sa Kamara ang House Bill (HB) 698 o ang Tuition Regulation Bill.

Layon ng naturang panukala  na kontrolin ang matrikula at iba pang bayarin sa pribadong mga pamantasan at pagbubuo ng isang private school fee regulatory board.

Protesta ng kabataan laban sa pagtaas ng matrikula sa harap ng Commission on Higher Education. <strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng kabataan laban sa pagtaas ng matrikula sa harap ng Commission on Higher Education. Pher Pasion

Hulyo noong nakaraang taon nang ipinasa nila Kabataan Rep. Terry Ridon at nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ang HB 698.

“Hindi puwedeng maupo na walang ginagawa ang lehislatura habang tumataas ang halaga ng edukasyon at hindi na maabot ng ordinaryong Pilipino. Kailangan maging prayoridad ito (HB 698) ng Kongreso para sa nahihirapang kabataan at mga magulang,” ani Ridon.

Maliban pa sa HB 698, isinumite rin nina Ridon, Colmenares, Zarate, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa Kamara ang House Bill 354. Layon nitong magkaroon ng tatlong-taong moratorium sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa lahat ng lebel ng edukasyon.

“Sa matagal na panahon, ginagawang multi-milyong negosyo ng pribadong mga may-ari ng mga pamantasan ang edukasyon. Napapanahon na para sa Kongreso na ipasa ang HB 698 at HB 354 para maprotektahan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang laban sa tumataas na mga bayarin taun-taon,” ayon kay Ridon.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/05/ched-pinasasara-ng-kabataan-dahil-sa-kainutilan/feed/ 0