
Nadismaya ang internasyunal na grupong Human Rights Watch sa kabiguan noon ng gobyernong Arroyo na parusahan ang mga miyembro ng militar na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. Nang muling siyasatin ng grupo ang sitwasyon ngayon, natuklasan nitong halos walang nagbago.

Taliwas sa tunay na nangyayari sa bansa ang iuulat ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino sa Universal Periodic Review (UPR) sa United Nations (UN) sa susunod na linggo

Tumitindi ang atake sa mga komunidad ng mga magsasaka sa Timog Katagalugan. Nitong panahon ng pista ng Pahiyas, hindi sila nagdiwang, kundi nagprotesta

Maraming sibilyan at grupo ang nakasasaksi sa paggamit ng Unmanned Aerial Vehicles, o sa partikular ang attack at surveillance drones ng US, sa Pilipinas. Malinaw na labag ito sa Saligang Batas at kahit sa Visiting Forces Agreement. Pero payag na payag sa paggamit nito ang administrasyong Aquino

“Taun-taon, napipilitan kaming lisanin ang aming mga komunidad, ang aming mga tanim na handa nang anihin. Tumitigil sa pag-aaral ang aming mga anak para lamang magtago sa mga lugar na walang kaseguruhan, matulog sa malamig na semento sa mga gym at basketball o eskuwelahan.” Ito ang pahayag ng isa sa mga katutubong dumalo sa kumperensiya ng mga Internally Displaced People.

Ipinagtibay ng Malolos Regional Trial Court ang warrant of arrest laban sa nagtatagong si Heneral Jovito Palparan na tinuturong salarin sa pagdukot sa dalawang nawawalang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. Binasahan na rin ng kaso (arraigment) ang dalawa sa mga akusadong sina Lt. Col. Felipe Anotado at Sgt. [...]

“Wanted: Palparan” poster na ipinaskil ng mga grupong tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa mga sakayan ng bus sa Cubao papunta sa mga probinsiya. Si dating Hen. Jovito Palparan ay notoryus na opisyal ng militar na nagpatupad ng madugong mga atake laban sa mga aktibista sa iba’t ibang probinsiya ng bansa. Naglabas noong Nobyembre ng mandamyento de aresto ang korte sa Bulacan sa kaso ng pagdukot sa dalawang kabataang aktibista na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. (Macky Macaspac)

Ang mararahas na demolisyon sa mga komunidad at patuloy na arbitraryong pang-aaresto at detensiyon ang partikular na inireklamo ng Philippine UPR (Universal Periodic Review) Watch sa United Nations Human Rights Council

Kasabay ng isinasagawang pulong ng United Nations Human Rights Committee sa New York kung saan nakatakdang pag-usapan ang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas, nagsagawa kahapon ng isang piket-protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo. Kanilang binatikos ang Oplan Bayanihan, ang kontra-insurhensiyang programa [...]

Nababahala ang mga child rights advocate sa diumano’y dumaraming bilang ng paglabag ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa karapatan ng mga bata, lalo na sa mga liblib na lugar ng bansa. Sa isang press conference na isinagawa ng Childrens Rehabilitation Center (CRC), Salinlahi Alliance for Childrens Concerns, at Hustisya noong [...]