Pinoy Weekly » Magsasaka http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Tue, 11 Nov 2014 12:23:12 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.0 Farmers blame DAR, CARP for allowing ‘Hacienda Binay’ conversion http://pinoyweekly.org/new/2014/11/farmers-blame-dar-carp-for-allowing-hacienda-binay-conversion/ http://pinoyweekly.org/new/2014/11/farmers-blame-dar-carp-for-allowing-hacienda-binay-conversion/#comments Wed, 05 Nov 2014 13:06:16 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=32156 Rafael Mariano PW file photo

Rafael Mariano PW file photo

Farmers group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) accused the Department of Agrarian Reform (DAR) and the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) for allowing the conversion to an agribusiness park of a 350-hectare agricultural land in Rosario, Batangas reportedly owned by Vice-President Jejomar Binay and his alleged dummy businessman Antonio Tiu.

The group said that it is ridiculous for DAR officials to claim that it has no record of any transaction regarding the 350-hectare agricultural land. “It’s conversion into an agribusiness park will not transpire without the consent and blessings of the DAR,” said KMP chair Rafael Mariano.

Mariano said that DAR is responsible for monitoring and giving clearance in every transaction involving any sale, transfer, conveyance, and change of nature of agricultural lands.

“This clearly demonstrates the bankruptcy and failure of the sham CARP and the DAR to defend peasants’ rights over the lands,” Mariano said.

The group said that under CARP, widespread conversion of agricultural lands transpired, like in President Aquino’s Hacienda Luisita in Tarlac, Hacienda Roxas and Hacienda Looc in Nasugbu also in Batangas, Araneta Estate in Bulacan, Hacienda Dolores in Pampanga, and in the case of the  so-called Hacienda Binay.  Under section 65 of the CARP the conversion of agricultural lands are allowed into other uses five years after the award to supposed farmer beneficiaries.

The group maintained that “the agribusiness park in Rosario, Batangas allegedly owned by the Binays is a classic example of CARP’s failure to break big landlords’ monopoly of lands.

KMP also accused Tiu of being a “local conduit of global landgrabbers”, pointing to a study on global landgrabbing by Grain, an international non-profit organization that works to support small farmers and social movements in their struggles for community-controlled and biodiversity-based food systems.

According to a Grain study, Tiu entered into international agribusiness ventures with China and Saudi Arabia.

“We challenge Aquino’s DAR and Congress to immediately stop Tiu’s landgrabbing deals with China and Saudi Arabia. Aquino’s failure to stop Tiu’s deal with China and Saudi Arabia is tantamount to approval of big ticket landgrabbing and massive displacement of farmers in the countryside,” Mariano said.

The group reiterated that landgrabbing by big agribusinesses transnational proliferated under the CARP. The group cited figures from the research think-tank Ibon Foundation that said that some 1.2 million hectares are under agribusiness contracts and that leasehold farmers have increased from 555,232 in 1988 to 1,216,430 in 2012.

“Lands under leasehold arrangements increased from 582,476 hectares in 1988 to 1,740,345 hectares in 2012. Millions of farmers are still under contract agreements with plantation owners and agribusiness corporations, many of which contracts are onerous to the interests of farmers and farm-workers,” Mariano said.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/farmers-blame-dar-carp-for-allowing-hacienda-binay-conversion/feed/ 0
Kawalang-hustisya sa mga magsasaka, lumalala sa ilalim ni Aquino http://pinoyweekly.org/new/2014/10/kawalang-hustisya-sa-mga-magsasaka-nagpapatuloy-sa-ilalim-ni-aquino/ http://pinoyweekly.org/new/2014/10/kawalang-hustisya-sa-mga-magsasaka-nagpapatuloy-sa-ilalim-ni-aquino/#comments Wed, 22 Oct 2014 11:52:13 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31931 Martsa ng mga masasaka sa Mendiola, para patalsikin si Pang. Benigno Aquino III.<strong>Pher Pasion</strong>

Martsa ng mga masasaka sa Mendiola para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino. Pher Pasion

Hindi nakikita ng magsasakang si Renato Mendoza na may tunay na repormang agraryo sa bansa sa ilalim ni Pangulong Aquino.

Ramdam ito sa mismong Hacienda Luisita na inaangkin ng pamilya ng Pangulo. Dito rin nagsasaka si Mendoza.

“Wala pa rin kaming sariling lupa hanggang sa ngayon sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na dapat ipamahagi na ang lupa. Gamit pa rin (ng pamilyang Aquino-Cojuangco) ang impluwensiya nito. Gamit pa rin nila ang mga militar at pulis para dahasin kami sa araw-araw,” ayon kay Mendoza, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kaisa siya sa libu-libong mga magsasaka sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na nagmartsa patungong Mendiola sa para kanilang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Aquino sa puwesto.

Sinunog ng mga magsasaka ang imahe ni Pang. Aquino na nagpapakita nang paghahangad nito para sa ikalawang termino.<strong>Pher Pasion</strong>

Sinunog ng mga magsasaka ang imahe ni Pangulong Aquino na nagpapakita ng paghahangad nito para sa ikalawang termino. Pher Pasion

Para sa mga magsasaka, walang anumang maaasahang reporma sa lupa at magpapatuloy lamang ang pandarahas sa kanilang hanay kung mananatili pa si Aquino sa puwesto.

Wala sa gusto ng pangulo

Para sa KMP, mga kapwa panginoong maylupa ang pinagsisilbihan ni Aquino sa kanyang mga polisiya. Sa halip na isabatas ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), pilit na binubuhay ng administrasyong Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ang batas na nagpanatili sa mga asyenda sa pagmamay-ari ng iilang panginoong maylupa sa bansa.

Ayon sa Ibon Foundation, institusyon ng independyenteng pananaliksik, isa si Aquino sa mga pangulong may pinakamababa o pinakamabagal sa pagmamahagi ng lupa. Siyam sa sampung magsasaka na dapat ay benepisaryo (ng pamamahagi ng lupa) ang walang sariling lupang sinasaka. Tatlo naman sa apat na magsasaka ang hindi kayang magbayad sa lupa dahil hindi libre ito sa ilalim ng CARP.

Nasa 19,700 ektarya kada buwan ang lupaing napapamahagi ng administrasyong Aquino. Malayo ito sa 27,600 ektarya kada buwan na average sa kasaysayan ng pamamahagi ng lupa ng mga administrasyon.

Pinuna rin ng Ibon ang pagiging bukas ng gobyerno sa dayuhang pag-aari at pagnenegosyo sa mga lupain sa bansa.

“Kinakaharap pa rin ng maraming magsasaka sa bansa ang kawalan ng sariling lupang sinasaka. Nariyan ang land use conversations o pagpapalit ng gamit sa lupa, pagpasok ng mga dayuhang minahan lalo na ngayon sa pagpasok ng Asean (Association of Southeast Asian Nations) Intergration 2015 at Trans-Pacific Partnership na dominado ng imperyalismong US,” ayon kay Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP.

Banta rin sa mga magsasaka ang Charter Change. Hindi lang ito tungkol sa pagpapalawig ng termino ni Aquino. Mas mapanganib sa kanila ang pagpapahintulot ng 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan sa lupain ng Pilipinas, ayon kay Flores.

Pandarahas, panunupil

Kasabay ng kawalan ng tunay na repormang agraryo ang patuloy na pandarahas sa hanay din ng mga magsasaka, ayon sa KMP.

Nasa mahigit 100 biktima ng pamamaslang sa mga magsasaka ang naitala ng KMP sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino, ayon kay Joel Maglungsod, pangalawang tagapangulo ng KMP.

Tuloy ang laban para sa mga magsasaka sa kabila ng panunupil at pandarahas sa kanilang hanay.<strong>Pher Pasion</strong>

Tuloy ang laban para sa mga magsasaka, sa kabila ng panunupil at pandarahas. Pher Pasion

Laganap din ang pagdukot at pagsasampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga lider-magsasaka. Matindi rin ang militarisasyon lalo na sa mga lugar na may sigalot sa usapin sa lupa, ayon kay Maglunsod.

Ayon naman kay Zen Soriano, napag-alaman ng kanilang international fact finding mission na matindi ang epekto ng patuloy na pandarahas sa hanay ng mga magsasaka at sa kanilang pamilya.

“Apektado ang kanilang pang-ekonomiyang kalagayan. Sinira ang kanilang pananim, binoldoser ang kanilang pananim, nawalan sila ng ikabubuhay. Nariyan na pati ang kanilang mga anak nahihinto sa pag-aaral,” ayon kay Soriano.

Dagdag pa ni Soriano, napipilitang lumpitang na lang sa ibang trabaho ang mga magsasaka. Ang iba ay namamasukang katulong o di kaya nakikilabada na lamang.

Patalsikin, hindi palawigin

Hindi pagpapahaba sa termino, kundi pagpapatalsik sa puwesto, ang dapat na gawin ng mga mamamayan kay Aquino, ayon sa mga magsasaka.

“Kaya naming isa-isahin ang isang libo’t isang dahilan kung bakit nararapat patalsikin si Aquino. Dapat siyang matanggal sa Malakanyang. Hindi namin mapapayagan na ma-extend ang kanyang termino kahit isang araw,” ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP.

Tanging si Aquino at mga kauri niya lang ang nakikinabang sa kasalukuyang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya, pagtatapos ni Mariano.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/10/kawalang-hustisya-sa-mga-magsasaka-nagpapatuloy-sa-ilalim-ni-aquino/feed/ 0
Larawan | Patuloy ang pagkait ng lupa sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita http://pinoyweekly.org/new/2014/10/larawan-tumitinding-pagkait-ng-lupa-sa-mga-magsasaka-sa-hacienda-luisita/ http://pinoyweekly.org/new/2014/10/larawan-tumitinding-pagkait-ng-lupa-sa-mga-magsasaka-sa-hacienda-luisita/#comments Fri, 17 Oct 2014 17:52:44 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31854 Isang buwan bago ang ika-sampung taon na anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita.

Itinuturo ng magsasaka na si Rebecca Santos ang dating lupa sa Hacienda Luisita na kanyang binubungkal bago sirain ng mga tauhan ni Virgie Torres, dating pinuno ng Land Transportation Office at sinasabing malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino   Plano rin na bakuran ang lupang ito para pigilan ang mga magsasaka na  muling bungkalin ang lupa. <strong>Macky Macaspac</strong>

Itinuturo ng magsasaka na si Rebecca Santos ang dating lupa sa Hacienda Luisita na kanyang binubungkal bago sirain ng mga tauhan ni Virgie Torres, dating pinuno ng Land Transportation Office at sinasabing malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino Plano rin na bakuran ang lupang ito para pigilan ang mga magsasaka na muling bungkalin ang lupa. Macky Macaspac

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita <strong>Macky Macaspac</strong>

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita Macky Macaspac

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/10/larawan-tumitinding-pagkait-ng-lupa-sa-mga-magsasaka-sa-hacienda-luisita/feed/ 0
LETTER | Luisita landgrabbers cited ‘labor-law compliant’ by DOLE http://pinoyweekly.org/new/2014/10/letter-luisita-landgrabbers-cited-labor-law-compliant-by-dole/ http://pinoyweekly.org/new/2014/10/letter-luisita-landgrabbers-cited-labor-law-compliant-by-dole/#comments Mon, 06 Oct 2014 04:36:55 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31727 Labor Sec. Rosalinda Baldoz helps inaugurate Luisita Industrial Park. Photo courtesy: <strong>DOLE Region III</strong>

Labor Sec. Rosalinda Baldoz helps inaugurate Luisita Industrial Park. Photo courtesy: DOLE Region III

LIHAM iconWhat kind of message is the Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz sending to the public in conferring unprecedented distinction to the Luisita Industrial Park – a hub widely-known to be part of the still dispute-ridden and controversial Hacienda Luisita estate?

While it is up to the workers themselves in the Luisita Industrial Park (LIP) to contest the ostentatious designation made by the DOLE in naming the LIP as the very first “Labor Law Compliant Eco-zone” in the country, this does not belie the fact that aggressive land grabbing and brazen human rights violations are continuously being perpetrated by the LIP administration under the Luisita Realty Corporation (LRC).

The LRC is one among the many notorious corporate avatars of the Cojuangco-Aquino family in Hacienda Luisita, where presidential sister Ballsy Aquino-Cruz is director while Pinky Aquino-Abellada and Viel Aquino-Dee sit as top stockholders.

DOLE’s conferment may be used to prop up the LRC’s pending application before the Philippine Economic Zone Authority’s (PEZA) Board to incorporate 260.4 hectares of agricultural land in Barangay Balete, Luisita to the existing Luisita Industrial Park complex. The PEZA granted the LRC a pre-qualification clearance on February 13, 2014, barely a week after the Cojuangco-Aquinos ordered the burning of farmers’ homes and the bulldozing of crops within the contested property.

Another Cojuangco-Aquino firm, Tarlac Development Corporation (TADECO) ordered the aggressive attacks against Hacienda Luisita farmers in Balete.  Violent eviction of farmers, bulldozing of ready-to-harvest palay crops and fencing off of the 260-hectare area from its tillers continued even after the Department of Agrarian Reform (DAR) affirmed the agricultural nature of the said property by issuing a Notice of land reform coverage (NOC) on December 17, 2013. The DAR did not lift a finger to stop TADECO’s assaults against Luisita farmers.

The headquarters of the 31st company of the 3rd Mechanized Battalion of the Philippine Army was constructed within this 260-hectare area last year with the blessings of the LRC. Soldiers have, since then, been practically deployed to serve in the Cojuangco-Aquino private army, intermittently mobilized to harass and evict farmers from the area. Bulldozers of the Cojuangco-Aquino family which were used to destroy farmers’ crops and homes are usually  parked right beside the army headquarters.

In successive incidents from September 2013 to March 2014, TADECO was able to evict tillers even without a court order through the deployment of private security guards, local police and fully-armed SWAT teams. The attacks resulted in the death of one of our members, Dennis dela Cruz, several cases of mauling, attempted murder and unlawful arrest, and the filing of harassment suits against hundreds of farmers.

Personnel – thugs – hired by the Cojuangco-Aquino family from the Great Star Security Agency, one of the Luisita Industrial Park’s subcontractors, are directly responsible for the violent attacks against farmers in Barangays Balete and Cutcut.  Great Star Security Services, Inc. was also declared compliant with General Labor Standards and issued Certificates of Compliance (CoC) yesterday, October 1, in a high-profile ceremony at the LIP compound which was graced by Baldoz herself.

Security guards from the Great Star Security Services Inc. are also involved in the shooting of a group of farmers in disputed farmlands in Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga on July 28, 2014. It seems that violation of human rights is their forte.

The Cojuangco-Aquinos are hell-bent on maintaining control of the Luisita estate and in implementing their grand master plan to convert the sugar plantation into a giant commercial hub, in contempt and complete reversal of the 2012 Supreme Court decision for total land distribution.

Ten years after the Hacienda Luisita Massacre, Luisita farmers are still denied land and justice. President BS Aquino’s alter-egos like Baldoz of  DOLE and Gil delos Reyes of DAR, act like extensions of this insatiable landlord family in ruthlessly extracting every last drop of blood, sweat and tears from Luisita farmworkers.

FLORIDA SIBAYAN
AMBALA – Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura
56 K-9 St., Kamias, Quezon City

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/10/letter-luisita-landgrabbers-cited-labor-law-compliant-by-dole/feed/ 0
Pagbuhay sa expired na CARP, kinuwestiyon ng mga magsasaka http://pinoyweekly.org/new/2014/09/pagbuhay-sa-carp-binatikos-ng-mga-magsasaka/ http://pinoyweekly.org/new/2014/09/pagbuhay-sa-carp-binatikos-ng-mga-magsasaka/#comments Fri, 19 Sep 2014 08:53:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=31507 Macky Macaspac

Macky Macaspac

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpasa sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Senado, at sinabing desperadong hakbang ito para muling buhayin ang matagal nang patay na reporma sa lupa.

Noong Miyerkules, ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2278 ni Sen. Gregorio Honasan. Papayagan ng panukalang batas na tapusin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi umano sa mga lupang may notice of coverage.

Pero sabi ni Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, matagal nang patay ang CARP at walang pagbabatayang batas ang panukalang ekstensiyon ng reporma sa lupa. “Legally, morally, and politically questionable ito dahil expired na ang CARP noon pang June 30, 2014,” pahayag ni Mariano.

Isa sa mga urgent bill ni Pangulong Aquino ang pagpapalawig sa CARP, pero bago pa maipasa ang ekstensiyon ng Carper (CARP Extension with Reforms) noong Hunyo, napaso na ang nasabing batas.

Pero ayon kay Honasan, umiiral pa ang batas. “The law does not, in effect, expire. It is a continuing process until the acquisition and distribution is terminated,” pahayag ng senador.

Giit naman ni Mariano, pinapalawig ng Senado ang isang batas na hindi na umiiral. Nais lang daw na bigyang katwiran ng Senado ang P6.3 Bilyong alokasyon ng naturang batas para sa susunod na taon.

Sabi naman ng Unyon ng ng mga Manggagawang Bukid sa Agrikultura (UMA) na nililinlang lamang ng Senado ang sarili nito sa pagpasa sa panukalang batas. Ayon sa UMA, mismong ang DAR na ang nagsabi na walang kaseguruhan na maipamamahagi ang lupa kahit pa ito’y saklaw ng notice of coverage.

“The issuance of an NOC does not contemplate the actual taking of property for the purposes of the land acquisition, and distribution process under the Comprehensive Agrarian Reform Program,” pahayag umano ng DAR sa pagtanggi nito sa petisyon para sa cease and desist order ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (Ambala) noong May 22, 2014.

Dagdag ng grupo, hindi lamang tinanggihan ng DAR ang petisyon ng Ambala, iginawad pa nito ang kahilingan ng Tarlac Development Corporation (Tadeco) na magkaroon ng special hearing para pakinggan ang protesta ng kompanya sa pagpapalabas ng NOC sa pinag-aagawang 358-ektaryang lupang agrikultural sa Barangay Cutcut at Balete sa loob ng Hacienda Luisita.

Nakatakda ang nasabing pagdinig sa Oktubre 28 hanggang 30.

“ Ang masama, ang mga magsasaka pa ngayon ang kailangang magpatunay sa DAR na kailangang ipamahagi ang lupa sa mga manggagawang-bukid. Samantalang sila (DAR) ang nag-isyu ng notice of coverage,” pahayag ng UMA.

Posible umano na ibasura ng DAR ang NOC ng mga lupang pinag-aagawan dahil sa planong ideklara ng pamilyang Coquangco na bahagi ito ng Luisita Industrial Park.

“Malinaw ang ipinapakita nito. Nais ng rehimeng Aquino na pahabain ang kontrol at monopolyo ng mga panginoong maylupa tulad niya sa malalawak na lupain, gayundin ang makapagdambong ng bilyun-bilyong pondo sa pamamagitan ng CARP,” pahayag ni Mariano.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/09/pagbuhay-sa-carp-binatikos-ng-mga-magsasaka/feed/ 0
Magsasakang tumutulong sa mga biktima ng bagyong Glenda pinaslang http://pinoyweekly.org/new/2014/08/magsasakang-tumutulong-sa-mga-biktima-ng-bagyong-glenda-pinaslang/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/magsasakang-tumutulong-sa-mga-biktima-ng-bagyong-glenda-pinaslang/#comments Thu, 07 Aug 2014 05:00:06 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30811 Candelaria, Quezon

Candelaria, Quezon

Kinondena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpaslang sa isang magsasaka sa Candelaria, Quezon kahapon.

Pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang salarin na nakasakay ng motorsiklo ang biktimang si Gil Fernandez miyembro ng Pagkakaisa ng mga Magsasaka at Tagapagtaguyod sa Ikalawang Distrito ng Quezon (Pamatid-Quezon). Nagtamo ng tama ng bala si Fernandez sa ulo, mukha, leeg at katawan na sanhi ng kanyang kamatayan.

Malakas ang hinala ng KMP na armadong mga puwersa ng estado ang mga salarin. “Mariin naming kinukondena ang brutal na pagpaslang kay Fernandez na tumutulong sa mga biktima ng bagyong Glenda,” ani Antonio Flores, pangakalahtang kalihim ng KMP.

Ayon sa grupo, si Fernandez na isa ring organisador ng maliliit na magniniyog sa Quezon ay kasamang naghahanda para sa relief operations ng Pamatid-Quezon nang maganap ang pamamaslang.

Sabi ni Flores, halata daw na ang intensiyon ng pamamaslang ay dahil sa kaugnayan ng biktimang si Fernandez sa progresibong mga organisasyon. Isinisisi ng grupo sa kontra-insurhensiyang programang Oplan Bayanihan ng gobyerno ang pagpaslang.

“Lumalabas ang mabangis na pangil ng Oplan Bayanihan laban sa mga magsasaka,” ani Flores.

Idinagdag pa ng grupo na matindi ang militarisasyon sa probinsiya ng Quezon.

“Kasalukuyang nag-ooperasyon sa Candelaria ang 710th Special Air Force Wing at ang 741st Special Operations Squadron na may saklaw sa Central Quezon,” sabi pa ni Flores.

Ayon naman sa datos ng grupong Karapatan, mayroong 108 na biktimang magsasaka ang pinaslang mula Hunyo 30, 2010 hanggang noong Marso 2014.

Nananawagan ang KMP sa Kongreso na agarang imbestigahan ang tumitinding pamamaslang ng mga magsasaka sa ilalim ng adminsitrasyong Aquino.

“Gawain na ng mga panginoong maylupa ang paggamit ng dahas para lamang mapanatili nila ang kontrol nila sa lupa. Nakakaalarma na ang pamamaslang sa mga magsasaka,” pagtatapos ni Flores.

 

 

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/magsasakang-tumutulong-sa-mga-biktima-ng-bagyong-glenda-pinaslang/feed/ 0
Imbestigasyon ng masaker sa Hacienda Luisita, pinabubuksan ng mga kaanak http://pinoyweekly.org/new/2014/08/imbestigasyon-ng-masaker-sa-hacienda-luisita-pinabubuksan-ng-mga-biktima/ http://pinoyweekly.org/new/2014/08/imbestigasyon-ng-masaker-sa-hacienda-luisita-pinabubuksan-ng-mga-biktima/#comments Tue, 05 Aug 2014 10:00:06 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30790 Masaker sa Hacienda Luisita (File Photo)

Isa sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita, si Jesus Laza.

Nais pabuksang muli ng mga kaanak ng mga biktima ang kaso ng masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004.

Nagsampa ng motion for reconsideration sa tanggapan ng Ombudsman kamakailan ang mga kaanak ng biktima ng masaker. Kinukuwestiyon nila ang dalawang resolusyon ng Ombudsman na nagbabasura sa mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga inaakusahang maysala sa masaker.

“Taun-taon, nanawagan kami sa opisina ng Ombudsman na aktibong siyasatin ang kaso ng masaker sa (Hacienda) Luisita. ‘Yun pala na-dismiss na lahat ng mga kaso nang wala man lang imbestigasyon at hindi nalalaman ng mga biktima,” galit na sinabi ni Florida Sibayan, tumatayong tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala).

Sabi pa ni Sibayan, sa halip na managot sa nangyaring masaker nabigyan pa ng promosyon si Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin si Col. Ricardo Visaya.

Samantala, ang ilan naman sa mga nagsampa ng kaso tulad ni Ricardo Ramos, pangulo ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union o Catlu at Tirso Cruz ng United Luisita Workers Union o ULWU, ay naging biktima ng extra-judicial killings matapos ang masaker.

Si Aquino, paiyak-iyak pa sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Pero wala siyang awa para sa mga manggagawang-bukid na inaapi nila sa Luisita. Sampung taon nang walang hustisya – at pati na ang lupa na ikinamatay ng mga martir, ipinagkakait at inaagaw pa rin sa amin ng ganid na pamilya Cojuangco-Aquino,” sabi ni Sibayan.

Bukod sa kawalang hustisya sa mga biktima ng pagmasaker, patuloy umano ang pagkait ng lupa para sa mga manggagawang bukid at patuloy pa rin ang pandarahas kanila.

Ayon kay Sibayan, “bogus” ang programa sa lupa ng gobyerno. “Nakadisenyo ito para maangking muli ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang lupain at manatili ito sa kanilang kontrol,”sabi pa niya.

Inaakusahan din ng Ambala ang pamilya ni Pangulong Aquino na kasama sa kasalukuyang agresibong landgrabbing, pagpapa-alis sa mga magsasaka, paninira ng pananim, panunog ng mga bahay, pambubugbog, iligal na pag-aresto at pagkulong.

Aquino, kasama sa akusado

Alyansa ng mga Magbubukid sa Hacienda Luisita

Sa unang resolusyon, ibinasura ang mga kaso laban sa mga sibilyang inaakusahan tulad ni dating Department of Labor Employement Sec. Patricia Sto. Tomas, Usec. Manuel Imson, Sherriff Francis Reyes at ilang miyembro ng angkang Cojuangco-Aquino. Sa ikalawang resolusyon, ibinasura naman ng korte ang mga kaso laban sa mga militar at pulis kabilang sina Catapang at Visaya.

Kasama sa mga inakusahang sibilyan si Pangulong Aquino na kongresista noon sa Tarlac at dating administrador ng pamilya sa kanilang negosyong asukal.

Kasong multilple murder, multiple frustrated murder, multiple attempted murder, theft at malicious mischief ang isinampa ng mga kaanak at biktima laban sa nabanggit na mga akusado.

Ang motion for reconsideration ay isampa nina Pastor Gabriel Sanchez at Violeta Basilio, mga magulang ng mga pinakabatang biktima ng masakaer na sina Juancho Sanchez at Jhaivie Basilio, kasama si Sibayan na isa sa mga sugatan noon.

Tinulungan sila magsampa ng mga abogado mula sa Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo, National Union of Peoples’ Lawyers, Public Interest Law Center, at Pro-Labor Legal Assistance Center.

Mayroong 52 biktima ang nagsampa noong Enero 2005, pero ibinasura ito sa unang resolusyon ng Ombudsman noong Hulyo 2005, at sa ikalawang resolusyon ng Ombudsman’s Military and Law Enforcement Offices noong Disyembre 2010.

Pitong manggagawang bukid ang namatay sa piketlayn sa asyenda matapos magpaputok ng baril ang mga sundalo, pulis at armadong tauhan ng Hacienda Luisita Inc. noong Nobyembre 16, 2004.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/08/imbestigasyon-ng-masaker-sa-hacienda-luisita-pinabubuksan-ng-mga-biktima/feed/ 0
VIDEO | Bakit ka sumama sa protesta sa SONA? http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-bakit-ka-sumama-sa-protesta-sa-sona/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-bakit-ka-sumama-sa-protesta-sa-sona/#comments Sun, 27 Jul 2014 23:14:10 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30618

Bakit ka sumama sa protesta sa SONA?

Sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program, P450 Milyon ang ibinayad ng gobyernong Aquino sa pamilya Cojuangco-Aquino para sa kompensasyon sa Hacienda Luisita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sasama ang magsasakang si Rey Garcia sa protesta sa ika-5 State of the Nation Address ni Benigno Aquino III.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/video-bakit-ka-sumama-sa-protesta-sa-sona/feed/ 0
Resting farmers driven away by police in pre-SONA clearing operations http://pinoyweekly.org/new/2014/07/resting-farmers-driven-away-by-police-in-pre-sona-clearing-operations/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/resting-farmers-driven-away-by-police-in-pre-sona-clearing-operations/#comments Sun, 27 Jul 2014 14:46:20 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30610 At around 3:00 a.m. last July 27, around 1,000 farmers from different provinces in Southern Tagalog were resting in a covered court in Brgy. Old Balara along Commonwealth Ave in Quezon City. Tired from a whole day journey to reach Quezon City in time for protests on the eve of President Aquino’s fifth State of the Nation Address (SONA), most of the farmers, including women and children, were asleep when fully armed members of the Philippine National Police (PNP) awakened them and forced them to find another place to sleep.

Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog, who organized the contingent, said they were forced to pack up in the middle of the night and seek shelter elsewhere, despite having a permit from barangay officials to sleep in the said covered court.

Ganito karahas ang PNP at estado. Hindi pa man SONA ay pinaparanas na ni Aquino ang bangis nito laban sa mga mamamayan,” Bayan-ST said in a statement.

Below are some photos of the early morning dispersal of farmers by the PNP by the multimedia group Southern Tagalog Exposure. Benjie Villacruel, a volunteer of ST Exposure, told Pinoy Weekly that he was prevented from taking more photos of the farmers being herded away by the police, because he was threatened by a policeman that his camera will be broken. “Babasagin ko ‘yang camera mo,” the unnamed policeman allegedly told him.

Around 10,000 policemen and 400 military personnel have been deployed in Commonwealth Ave. to try to prevent protesting citizens from getting near Batasang Pambansa, where Aquino will hold his SONA.

Around 1,000 farmers were resting peacefully in Old Balara covered court along Commonwealth Ave. when they were awakened by the police. Southern Tagalog Exposure

Around 1,000 farmers were resting peacefully in Brgy. Old Balara covered court along Commonwealth Ave. in Quezon City when they were awakened by the police. Southern Tagalog Exposure

Fully armed policemen arrived to drive away the farmers from their sleeping grounds. Southern Tagalog Exposure

Fully armed policemen arrived to drive away the farmers from their sleeping grounds. Southern Tagalog Exposure

The farmers, including women an children, were forced to wake and look for another place to sleep. Southern Tagalog Exposure

The farmers, including women and children, were forced to wake and look for another place to sleep. Southern Tagalog Exposure

The police dispersed the farmers who said that they hold a barangay permit to sleep in the said covered court. Southern Tagalog Exposure

The police dispersed the farmers who said that they hold a barangay permit to sleep in the said covered court. Southern Tagalog Exposure

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/resting-farmers-driven-away-by-police-in-pre-sona-clearing-operations/feed/ 0
Southern Tagalog farmers appeal for help in wake of Typhoon Glenda http://pinoyweekly.org/new/2014/07/southern-tagalog-farmers-appeal-for-help-in-the-wake-of-typhoon-glenda/ http://pinoyweekly.org/new/2014/07/southern-tagalog-farmers-appeal-for-help-in-the-wake-of-typhoon-glenda/#comments Fri, 18 Jul 2014 08:44:43 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=30439 A damaged bridge in Tiaong, Quezon. Twitter user Ronna Ella Brual

A damaged bridge in Tiaong, Quezon. Twitter user Ronna Ella Brual

Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), an organization of farmers in the Southern Tagalog Region, today appealed for help in the wake of Typhoon Glenda (international name: Rammasun), which has left thousands of farmers homeless and hungry.

In a solicitation letter, Orly Marcellana, spokesperson of Kasama-TK, said that vast hectares of crops were destroyed in the region, leaving farmers’ livelihoods in peril.

“We are calling for help for our countrymen in the region, especially farmers. They immediately need food, clothing, and medicines. In the following days they will also need materials to rebuild their homes, also seeds and farm tools to enable them to resume farming,” Marcellana said in Filipino.

“Whatever help will come a long way to ease the suffering of our farmers, and help them rise from this calamity,” he added.

The group also released initial data on the damages brought by Typhoon Glenda. (See infographic below)

Southern Tagalog and Bicol are the worst-hit regions by the typhoon, the strongest to hit the country since last year’s Typhoon Yolanda or Haiyan.

For donations and assistance, Kasama-TK can be contacted through +639166584102 and kasamatk@gmail.com.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/southern-tagalog-farmers-appeal-for-help-in-the-wake-of-typhoon-glenda/feed/ 0