Pinoy Weekly » Manggagawa http://pinoyweekly.org/new Philippine news, analysis, and investigative stories Tue, 12 May 2015 22:16:16 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.2.1 Mga lider-kawani ng gobyerno, hinaharas ng militar http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/#comments Tue, 05 May 2015 18:55:51 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34833 Mga sulat na ipinadala sa iba't ibang lider-kawani bago ang Mayo Uno. <b>Darius Galang</b>

Mga sulat na ipinadala sa iba’t ibang lider-kawani bago ang Mayo Uno. Darius Galang

Ferdie Gaite ng Courage <b>PW File Photo</b>

Ferdie Gaite ng Courage PW File Photo

Sa likod ng malaking pagkilos ng mga manggagawa noong Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, naganap ang panghaharas sa mga kawani at manggagawa ng pamahalaan.

Isiniwalat kamakailan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Empoyees (Courage) ang panghaharas sa mga nasa pamunuan ng mga unyon ng mga kawani sa pamahalaan.

Ibinahagi ni Rosalinda Nartates, tagapangulo Consolidated Union of Employees of the NHA (CUE-NHA) na nakapailalim sa Courage, na isang Capt. Evangelista ng Philippine Army ang nakapirma sa isang sulat-kamay sa liham na kanyang natanggap. Isa pang lider ng unyon ang nakatanggap na kaparehas na liham.

Hindi lamang si Nartates ang nakatanggap ng kaparehas na liham. Ibinunyag din ni Manny Baclagon, tagapangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines-Department of Social Welfare and Development (SWEAP-DSWD) na nakatanggap siya ng kaparehas na liham, na ipinadala direkta sa kanilang bahay.

Nag-ulat din ang National Food Authority Employees Association ng kahaintulad na liham na nilagdaan ng isang Capt. Mandiwang at isang “Jay.”

Bukod sa mga liham, nag-ulat din si Tess Gonzales ng Kapisanan Para sa Kagalingan ng mga Kawani ng MMDA (KKK-MMDA) ng pagmamanman ng dalawang hindi nagpakilalang lalake sa sa kanilang opisina.

Diumano’y hinahanap siya at hiniling na magpunta sa isang lugar upang makapag-usap. Nang tumanggi si Gonzales, nagpakilala ang dalawa bilang galing sa mga unyon, ngunit umalis nang tinanong ang kanilang mga pangalan.

Sa mga sulat na ito, nakasaad ang mga numero ng kanilang umano’y lalapitan, upang umano’y makipagtulungan, dahil ayon sa mga liham, alam na ng nagpadala ng liham na naibunyag na ang kanilang “pagiging miyembro ng nangununang organo ng Communist Party of the Philippines”.

Sinabi ni Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Courage, na direktang atake ito sa kanila at walang ibang sisisihin kundi ang gobyerno kapag may nangyaring masama sa kanila.

“Patunay ito na matagal na nila kaming minamanmanan, alam nila kung saan kami nakatira, anong oras kami pumapasok at umuuwi,” ani Gaite.

Pinanatili niya na walang ginagawang masama ang kanyang mga kasama sa Courage.

“Kung mayroon man kaming aaminin, iyon ang krimen ng organisadong pagkilos upang isulong ang mga karapatan ng mga kawani ng pamahalaan at isulong ang tunay na serbisyo publiko,” sabi pa ni Gaite.

Malaki ang kanilang hinala na nakadugtong ang mga liham at paniniktik sa paghahanda ng pagkilos para sa Mayo 1. Inalala rin nila ang nangyari kay Randy Vegas at Raul Camposano, dalawang kasapi ng Courage na dinakip at ikinulong sa Bikol sa mga gawa-gawang kaso na isinampa ng militar.

“Ang aming pagsali sa pagkilos noong Mayo Uno ay patikim lamang sa mga nalalabing buwan ng pamamahala ni Pangulong Aquino na nagpahirap sa mahigit 1.4 milyong kawani ng pamahalaan,” pagtatapos niya.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/mga-lider-kawani-ng-gobyerno-hinaharas-ng-militar/feed/ 0
Gobyerno: Dambuhalang employer ng kontraktuwal na paggawa http://pinoyweekly.org/new/2015/05/gobyerno-dambuhalang-employer-ng-kontraktuwal-na-paggawa/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/gobyerno-dambuhalang-employer-ng-kontraktuwal-na-paggawa/#comments Thu, 30 Apr 2015 19:21:32 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34734 Pagpapanawagan para sa pambansang minimum na sahod, sa harap ng tanggapan ng National Housing Authority, noong Nob. 2014. <b>Kontribusyon</b>

Pagpapanawagan para sa pambansang minimum na sahod, sa harap ng tanggapan ng National Housing Authority. Kontribusyon

Sabi nga raw, di ka magtatagal sa trabaho kung di mo ito mahal. At kung mahal mo ang trabaho mo, ito rin ang magpapaangat sa buhay mo. Pero paano kung minahal mo ang trabaho mo, pero di ka man lang umasenso, at wala pang benepisyo?

Ganito ang pakiramdam ni Boni (di-tunay na ngalan). Admin assistant personnel siya sa isang opisina ng Department of Social Welfare and Development, at 18 taon nang nagtatrabaho rito. Dahil matagal na siya sa trabahong ito, alam niya ang halaga niya sa opisina. “Dahil admin assistant ako, kung ano ang kailangan nila, ako ang humahawak. Kaya kailangan talaga nila ako,” ani Boni.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin siya ginagawang regular na empleyado. Taun-taon pa rin siyang pumipirma ng kontrata.

Mahalagang trabaho

“Kailangan ang trabaho (ni Boni) kaya hindi siya matatanggal,” ani Manuel Baclagon, tagapangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (Sweap), pambansang samahan ng mga empleyado ng DSWD.

Paliwanag niya, nakakatanggap naman ang mga kontraktuwal ng benepisyo, maliban pa sa suweldo. Pero may dalawa pang kategorya sa kanila. “’Yung casual-contractual, iyan ‘yung mga temporary lang. Mayroong nire-renew ang kontrata bawat anim na buwan, o bawat taon. Pero may parehong benepisyo sila sa regular na mga empleyado. Ang pangatlong category, iyon ‘yung tinatawag naming cost-of-service workers or Memoramdum of Agreement (MOA) workers,” aniya.

Pinakamasahol ang kinalalagyan ng huli. “Iyung MOA workers, iyan ‘yung walang employer-employee relationship sa DSWD. Ang binabayaran lang sa kanila, ‘yung (nakasaad sa) kontrata nila,” ani Baclagon.

Parang “pakyawan” sila. Kung ang regular ay may tinatanggap na sahod na P10,000 sa isang takdang item, ganun din daw ang tatanggapin nila. “Pero hanggang doon na lang. Walang benepisyo ang MOA worker. Wala silang 13th month pay, walang Christmas Cash gift, walang clothing allowance, leave benefits. Hindi rin sila entitled sa collective negotiation agreement (CNA) benefits,” paliwanag pa niya.

Mas marami na

Ang nakakapag-alala, pinaka-maraming bilang na ng empleyado ng kagawaran ang kontraktuwal. Sa 23,000 na mga manggagawa ng DSWD, lagpas sa kalahati nito’y MOA workers. “Dito sa DSWD, nationwide, (pinakamarami) ang nasa special projects tulad ng sa conditional cash transfer at iba pang special projects. Sa 23,000 na iyan, ang permanent lang ay 2,000. ‘Yung casual o contractual, 9,000. Kaya may 12,000 na tinatawag namin na MOA workers,” ani Baclagon.

Lumiit na nga ang bilang ng mga empleyado ng DSWD. Matapos ipinasa sa local government units ang mga programa at tauhan ng ahensiya noong 1991, umabot sa 10,000 na lang ang natirang mga kawani. Ang iba rito’y napunta sa mga LGU.

“Mga 1995, may special projects na ipinatupad. (Umabot sa) 2,000 ang regular at ang casual/contractual. (Umabot sa) 2,000 ang MOA workers,” paliwanag pa niya. Halos exponential ang paglago nito. Noong taong 2000, naging 6,000 na sila. “So 2,000 yung (regular), 4,000 ’yung (MOA),” ani Baclagon.

“Noong ipinatupad na ang CCT, dumami na. Tapos may special projects pa. Kasi, maraming foreign-funded projects, (at may) social pension din. Tsaka ’yung iba pang projects. Ngayon, 23,000 na nga kami nationwide,” aniya.

Mapapansing karamihan sa mga proyekto ng DSWD ay pagtugon sa kahirapan, pero di naman nauugat ang kahirapan ng bansa.

“Parang ang solusyon kasi ng gobyerno, pansamantalang maresolba ang kahirapan,” tuloy niya. Hindi nito natutugunan ang ugat ng kahirapan, tulad ng kawalan ng lupang mabubungkal ng mga magsasaka, at walang industriyang mag-eempleyo ng malaking bilang na mga manggagawa. Kaya pati ang empleyong inaalok ng ahensiya, pansamantala, mababa ang sahod, walang benepisyo. Nananatiling mahirap ang mga empleyado. Samantala, papalit-palit lang ng pangalan ang mga proyekto ng DSWD.

Bulnerable

Sa pagpasok ni DSWD Sec. Dinky Soliman, lalong dumami ang MOA workers.

“Biruin mo, saan ka nakakakita ng programa na may direktor na MOA. Sa (CCT), meron pa kami. Sa (proyekto sa) disaster, iyung direktor, MOA rin. Lahat ng mga importante sa department, pinusisyunan ni Soliman ng MOA officials,” ani Baclagon.

Ang problema, walang pananagutan ang mga opisyal na MOA. “Wala ngang employer-employee relationship eh,” aniya. Kaya dapat sana’y regular ang mga natatalaga sa responsableng mga posisyon. “Pabor ang MOA sa kurap na mga opisyal, kasi madali kang makakapagpasok (ng tao at walang pananagutan),” sabi ni Baclagon.

Pag-oorganisa

Sinabi pa ni Baclagon na pinag-iigihan nilang nasa unyon ang pag-oorganisa at pakikipagkaisa sa mga kapwa-empleyado na kaswal o kontraktuwal.

“Puwede naming ipagmayabang na kami lang ang unyon na nakapagpanalo ng CNA benefits sa MOA workers. Marami ring job order sa ibang (ahensiya), pero wala silang benepisyo,” aniya. Naipanalo pa ng Sweap ang employer-employee relationship ng ahensiya at MOA workers. Ngayon, nagkaroon na ang MOA workers ng health cards.

Gayunman, marami pang kailangang ipaglaban.

“Ang (prayoridad) namin, CNA. Pangalawa, ang employee rights in terms of selection, promotion, tsaka scholarship availment,” sabi pa ni Baclagon. Itinutulak din nila ang bereavement assistance, maging ang pagtataguyod ng mga kooperatiba.

Kasabay nito, kaisa sila sa paglaban ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor. Ipinaglalaban nila ang taas-suweldo sa mga kawani, ang pagtalaga ng national minimum wage sa lahat ng mga manggagawa, at kalahok sila sa paglaban sa kontraktuwalisasyon.

“Tutol kami sa lahat ng kontraktuwal na iskema ng paggawa para lang maiwasan (ng mga employer at ahensiya ang paggalang) sa mga karapatan namin, tulad ng benepisyo at nakabubuhay na suweldo. Karapatan din ng mga kontraktuwal na mag-unyon,” sabi pa ni Baclagon.

Sa bahagi ni Boni, batid niya ang pangangailangang lumahok sa laban. “Ang ipinaglalaban namin, lahat maging regular, hindi lang casual/contractual, hindi lang MOA,” ani Boni.

Pagkakaisa ng mga manggagawa, sa pribado at pampublikong sektor, ang kailangan.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/gobyerno-dambuhalang-employer-ng-kontraktuwal-na-paggawa/feed/ 0
Makasaysayang welga ng mga manggagawa sa La Tondena http://pinoyweekly.org/new/2015/05/makasaysayang-welga-ng-mga-manggagawa-sa-la-tondena/ http://pinoyweekly.org/new/2015/05/makasaysayang-welga-ng-mga-manggagawa-sa-la-tondena/#comments Thu, 30 Apr 2015 19:12:39 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34686 Kasama ng mga manggagawa ng KMU sina Luis Jalandoni, Coni Ledesma at Randy Echanis na nagdiwang ng ika-40 anibersaryo ng welga sa La Tondena. <b>Kontribusyon</b>

Kasama ng mga manggagawa ng KMU sina Luis Jalandoni, Coni Ledesma at Randy Echanis na nagdiwang ng ika-40 anibersaryo ng welga sa La Tondena. Kontribusyon

Tama na! Sobra na! Welga na! Unang umalingawngaw ang panawagang ito sa unang pinakamalaking welga sa ilalim ng batas militar, halos 40 taon na ang nakararaan – ang La Tondena strike.

Ito’y sa kabila ng pagbabawal sa welga ayon sa General Order No.5, na ibinaba ng dating diktador na si Ferdinand Marcos sa ikalawang araw ng batas militar. Liban sa welga, bawal din ang piket, rali, demonstrasyon at anumang tipo ng sama-samang pagkilos.

Gayunman, 800 manggagawa ng La Tondena Distillery sa Velasquez, Tondo, Manila, na karamiha’y kababaihan, ang naglakas-loob na nagwelga at bumasag sa “katahimikan” ng batas militar noong Oktubre 24-25, 1975, sa kabila ng banta ng pang-aaresto at pagkakakulong sa kanila.

Bitbit nila sa welga ang isyung mainit noon hanggang ngayon—kontraktuwalisasyon. Inilaban ng mga manggagawa na gawing regular ang may 600 kaswal (na tinagurian nang kontraktwal) at 500 pang ang turing ay “extra” gayong lampas na sa anim na buwan. Nais din nilang maibalik ang lahat ng kaswal na tinanggal at gawing regular.

Kagyat na hinarang ng tropa ng Metropolitan Command (Metrocom) ang mga lumabas na manggagawa at, kahit buntis, ay pinagpapalo at pinilit na sinakay sa Metrocom bus papuntang Camp Crame. Hindi nagpapigil ang noo’y mga pari, madre at seminarista na nakikiisa sa welga, kasama sina Fr. Joe Dizon at Sr. Mary John Mananzan, at agarang sumampa sa estribo at nangunyapit sa pinto at mga bintana ng bus para samahan ang mga welgista. Noo’y nanawagan ng suporta ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) at Church-Labor Center sa welga.

Hindi naitago ng diktadurang Marcos ang pangyayaring ito, di tulad ng iba pang naunang protesta ng mga manggagawa sa ibang lugar. Halimbawa, nakapaglunsad ng piket ang mga manggagawa ng Lirag Textile Mills, Malabon, noong 1974, dahil sa mababang sahod at nagmartsa ang mga manggagawa ng Gelmart sa Paranaque.

Noon namang 1973, isang taon matapos ideklara ang batas militar, nag-sitdown strike ang garment workers sa Canlubang, Laguna, gayundin sa Gentex, Libis, Quezon City at sa Pampanga Sugar Mills.

Bahagi ng pahayag ng mga manggagawa ng La Tondena sa kanilang welga.

Bahagi ng pahayag ng mga manggagawa ng La Tondena sa kanilang welga.

Malawak na suporta

Natatangi ang La Tondena hindi lamang sa ipinakitang militansiya ng mga manggagawa kundi maging sa inaning malawak na suporta sa mga kapwa mangaggawa sa iba’t ibang pabrika at pati na sa iba’t ibang sektor ng lipunan, tulad ng mga alagad ng simbahan, sa panahong ang batas na bakal ni Marcos ang umiiral.

Tuloy, kahit kontrolado ni Marcos ang mass media, kumilos naman ang iba’t ibang unyon at organisasyon ng mga mamamayan para ibalita ang welga ng La Tondena. Laksa-laksang polyeto dala ang panawagang ‘tama na, sobra na, welga na” ang kumalat sa publiko. Nilaman ang balita ng mga independyenteng publikasyon tulad ng popular na Signs of the Times at underground publications tulad ng Ang Bayan, Liberation, Balita ng Malayang Pilipinas at umabot pa ito sa foreign press. Lumaganap ang karanasan ng welga ng La Tondena mula Luzon hanggang Mindanao.

Hindi rin nagtagal at nailabas din ang mga welgista sa Crame at naipagtagumpay ng welga na maging regular ang 300 manggagawa.

Tatlong buwan makalipas ang welga ng La Tondena, binago ni Marcos ang batas sa welga at ginawa na lamang bawal ang welga sa mahahalagang (“vital”) industriya. Ngunit napakasaklaw at nakalilito ang depinisyon ng “vital industries”, kung kayat hindi malinaw kung saan puwedeng magwelga nang legal.

Hindi nagpapigil ang mga manggagawa. Pumutok ang mga welga sa iba’t ibang kapuluan sa 14-taong paghahari ng batas militar. Pinalakas at pinalawak pa ng mga manggagawa ang kanilang pagkilos. Noong 1976, lumahok ang mga manggagawa sa 10,000 rali ng mga mamamayan sa Plaza Bustillos laban sa batas militar. Sinindihan pa ng welga ng La Tondena ang pagbubuo ng maraming unyon at mga alyansa ng mga manggagawa.

Malawak na pagkilos

Noong Mayo 1, 1975, nabuo ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa Metro Manila, na idineklarang ilegal ni Marcos noong 1977. Pero noong Mayo 1, 1978, naitatag naman ang Kapatirang Anakpawis (KAP) na kinapalooban ng mga lider-unyonista mula sa Metro Manila, Cavite at Laguna. Muli ring dinakip ni Marcos ang mga lider nito.

Gayunman, matapos muling magpalakas, hindi na lamang sa Luzon kundi sa buong bansa, isinilang ang Kilusang Mayo Uno (KMU) noong Mayo 1, 1980, sa gitna ng rumaragasang kilusang manggagawa at, sa loob ng 35 taon hanggang ngayon, ay tumitindig bilang tunay, palaban at militanteng sentro ng kilusang manggagawa.

Sa militanteng pagkilos, napapurol ng kilusang manggagawa ang bisa ng batas militar at ng pagbabawal sa welga. Mahalaga ang mga pagkilos na ito, mula pa sa karanasan ng mga naunang manggagawa tulad ng La Tondena, para mag-ambag ang kilusang manggagawa sa tuluyang pagtatapos ng batas militar sa bansa.

Nang alisin ang batas militar noong 1981, humirit pang pataas ang bilang ng mga welga na umabot ng isanlibo. Mula 1981 hanggang 1985, naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 245 ang taunang average ng welga kumpara sa 48 lamang bawat taon ng 1976-1980. Ngunit ito’y mga bilang na naitala lamang.

Gayunman, naalarma pa rin ang gobyerno ni Marcos at naglabas ng mga batas na nagpapahigpit ng mga kondisyon para makapagwelga ang mga manggagawa, na patuloy na pinapatupad at pinalala pa ng mga sumunod na administrasyon, tulad ng pagbabawal ng barikada sa welga at assumption of jurisdiction. Ang mga paghihigpit na ito ay umaabot pa sa extra-judicial killings tulad ng pagpatay sa mga lider-manggagawa.

Ngunit hanggang sa ngayon hindi nito masupil o makitil ang mapanlabang diwa ng mga manggagawa.

Hindi pa nga tapos ang kasaysayan ng La Tondena. Hindi isinusuko ng mga mangaggawa ang karapatang magwelga gaano man kahirap o kahigpit ang sitwasyon. Batas na ito ng kanilang pakikibaka dahil welga ang angking sandata ng uri laban sa pang-aapi at pagsasamantala.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/05/makasaysayang-welga-ng-mga-manggagawa-sa-la-tondena/feed/ 0
VIDEO | Mga manggagawa, nanawagan para sa Mayo Uno http://pinoyweekly.org/new/2015/04/video-mga-manggagawa-nanawagan-para-sa-mayo-uno/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/video-mga-manggagawa-nanawagan-para-sa-mayo-uno/#comments Sat, 18 Apr 2015 04:39:02 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34554

may 1 2015 sobra naIba’t ibang grupong manggagawa ang bumuo ng alyansang SOBRA NA! (Sigaw ng Obrero: Resign Aquino!). Anila, sobra-sobra na ang pagpapahirap na nararanasan ng mga manggagawa sa ilalim ng administrasyong Aquino, na nagpatupad kamakailan ng “mumong” P15 dagdag-sahod.

Binubuo ang SOBRA NA! ng Kilusang Mayo Uno, Federation of Free Workers, National Labor Union, Philippine Association of Labor Unions, Alliance of Filipino Workers, at Young Christian Workers.

Hinikayat ng alyansa ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino na ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong darating na Mayo Uno, sa pamamagitan ng pagbuhos sa lansangan at pagpapakita ng kanilang lakas at pagkakaisa.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/video-mga-manggagawa-nanawagan-para-sa-mayo-uno/feed/ 0
Mga kawani ng gobyerno, lumabas sa kanilang mga opisina para igiit national minimum wage http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mga-kawani-ng-gobyerno-lumabas-sa-kanilang-mga-opisina-para-igiit-national-minimum-wage/ http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mga-kawani-ng-gobyerno-lumabas-sa-kanilang-mga-opisina-para-igiit-national-minimum-wage/#comments Tue, 14 Apr 2015 18:22:46 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34499 Matapos lumabas sa kanilang mga opisina, naglunsad ng maikling protesta ang mga kawani sa Elliptical Road, Quezon City. <b>Darius Galang</b>

Matapos lumabas sa kanilang mga opisina, naglunsad ng maikling protesta ang mga kawani sa Elliptical Road, Quezon City. Darius Galang

Lumabas ng kanilang mga opisina ang mga kawani ng gobyerno para igiit ang pagkakaroon ng national minimum wage para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

Pinangunahan ng Confederaton for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang paglabas ng mga kawani ng pamahalaan tulad ng sa National Food Authority, National Housing Authority, Department of Agriculture, at Department of Agrarian Reform.

Ayou sa Courage, sumama rin sa pagkilos ang iba pang kagawaran tulad ng National Meat Inspection Services, National Printing Office, National Museum, Sandiganbayan at MMDA. Kasama rin anila ang mga kawani mula sa local government units.

Nagsagawa ng piket ang mga grupo na nagmula sa kani-kanilang kagawaran sa Elliptical Road sa Quezon City. Hawak nila ang mga plakard at sinisigaw ang kanilang hiling na P16,000 national minimum wage.

Ani Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Courage, kalahati lang ang naturang halaga ng na P32,000 na tinatayang buwanang halaga na makakatustos sa batayang pangangailangan ng isang pamilya na may anima na miyembro.

“Noong 2012 pa ang huling salary adjustment, kaya umaasa na lang ang mga kawani sa mga benepisyo,” saad ni Gaite. “Isa rin (ang national minimum wage) sa paglaban sa diskriminasyon bunsod ng iba’t ibang wage levels sa buong bansa, at sa pagiging ‘second class citizens’ na pagtingin sa ating mga empleyado sa mga LGU,” ani Gaite.

Dagdag pa niya, hindi pa nakukuha ng mg kawani ng mga LGU ang mga itinaas ng kanilang mga sahod mula 2011 at 2012, alinsunod sa ipinatupad na Salary Standardization Law.

Bukod sa national minimum wage, panawagan rin ng Courage ang pagtitigil ng kontraktuwalisasyon sa kanilang kapwa-kawani sa gobyerno, at maging sa mga pribadong mga kompanya.

Hindi lang sa kamaynilaan isinagawa ang kilos-protesta. Nag-ulat din ng paglabas sa kani-kanilang opisina ang mga nasa Baguio, Pampanga, Calamba City, San Pablo City, Iloilo City, Bacolod City, Davao City, Cagayan de Oro, Kidapawan, at North Cotobato.

Dugtong pa ng Courage na paghahanda na rin ang isinagawang paglabas sa kani-kanilang opisina, para sa mas malaking pagkilos ng kanilang hanay sa darating na Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/04/mga-kawani-ng-gobyerno-lumabas-sa-kanilang-mga-opisina-para-igiit-national-minimum-wage/feed/ 0
Unang unyon ng BPO workers, itinatag http://pinoyweekly.org/new/2015/03/unang-unyon-ng-bpo-workers-itinatag/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/unang-unyon-ng-bpo-workers-itinatag/#comments Mon, 30 Mar 2015 14:48:52 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34431 Asembleya ng BPO workers para sa pagtatatag ng unyon sa West. <b>Kontribusyon</b>

Asembleya ng BPO workers para sa pagtatatag ng unyon sa West. Kontribusyon

Humigit-kumulang 70 empleyado mula sa industriya ng call centers o business process outsourcing (BPO) ang nagtipon sa Makati Medical Auditorium nitong Marso 28 para itatag ang pinakaunang unyon sa naturang industriya.

Sinuportahan ang hakbang na ito ng halos 800 empleyado mula sa West Contact Services, Inc., isang kompanyang BPO na binili ng isa pang malaking kompanya na Alorica. Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado ng West dahil sa naturang takeover.

Pinangalanang Unified Employees of West Contact Services, Inc. (UEWCSI) ang naturang unyon.

Layunin ng UEWCSI na bigyan ng nagkakaisang-tinig at lakas ang mga manggagawa sa industriya ng BPOs sa lahat ng panig ng bansa. Mula sa ating sama-samang pagkilos upang pigilan ang samu’t-saring iskema ng ating mga employers para bawiin ang mga karampatang benepisyo at makatarungang sahod ang nagudyok sa ating pagtatayo ng unyon,” bungad ni Leo Lanuzo ng UEWCSI-Mandaluyong.

Naging susi sa pagbubuo ng unyong ito ang ambag ng BPO Industry Employees’ Network (BIEN) Philippines. Ito ang asosasyon ng mga manggagawa ng BPO na mula sa 47 pinakamalalaking kompanyang BPO mula Baguio, Pampanga, Cebu, Bacolod, at Iloilo. Sa Metro Manila, may mga miyembro ito sa Alabang, Makati, Bonifacio Global, Mandaluyong, Ortigas at Quezon City.

Taliwas sa inaakala ng marami na maalwan ang kalagayan ng mga manggagawa sa call centers dahil malaki ang kanilang sahod, marami pa rin sa kanila ang inaalisan ng mga benepisyo at walang katiyakan sa trabaho. Sa aming pagsisiyasat, marami sa ating mga kasamahan mula sa Tacloban ang tumatanggap lang ng P4,000 kada buwan at marami sa ating mga kasamahan ang tinanggalan ng kanilang incentives sa kabila ng halos isa hanggang dekadang pagsisilbi sa kompanya,” paliwanag ni Ian Porquia ng Automated Data Processing (ADP) at presidente ng BIEN Philippines.

Nagbigay-pugay at nakiisa sa makasaysayang pagtitipon at pagbubuo ng UEWCSI ang All Workers’ Unity (AWU), network ng mga manggagawa, empleyado mula sa pribado at pampublikong sektor tulad ng mga guro at nars, empleyado ng bangko, propseyunal, kabataan at maralitang tagalungsod.

Tinitiyak namin na ang inyong laban ay kaisa ng ipinaglalaban ng AWU upang isulong ang national minimum wage sa halagang P16,000 kada buwan at ang pagbasura sa malawakang kontraktuwalisasyon sa ating bayan,” sabi ni Rea Alegre, tagapagsalita ng AWU.

Matapos ang mga talakayan kaugnay ng kalagayan at kahalagahan ng unyonismo sa mga manggagawa at empleyado sa call centers, sinundan ito ng masiglang paglahok ng mga kasapi sa eleksiyon para sa mga pamunuan ng UEWCSI.

Tinanghal si Francis Ugay mula sa UEWCSI-Makati bilang presidente ng UEWCSI.

Inspirasyon ang naganap ngayon sa ating asembleya. Kahanga-hangang ating gampanan ang mga tungkulin na pangunahan ang pagdadala ng makatarungang paglaban para sa kagalingan at karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng BPO. Napapanahon lang na panghawakan ang ating kolektibong igiit at ipaglaban ang ating mga karapatan bilang manggagawa sa industriyang ito,” sabi pa ni Ugay.

Sinabi rin niya na makasaysayan ang pagtatag ng unang unyon sa isang “large-scale” na kompanyang BPO.

Naitakda sa kasaysayan ang ating mga pagsisikap at magmamarka ito upang maging pamantayan ng mga iba pang unyon sa darating na panahon na magpapalakas sa kolektibong lakas ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa,” pagtatapos ni Ugay.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/unang-unyon-ng-bpo-workers-itinatag/feed/ 1
Larawan | Obrero ng AGC, nag-ingay vs ‘di-makatarungang’ tanggalan http://pinoyweekly.org/new/2015/03/larawan-obrero-ng-agc-nag-ingay-vs-di-makatarungang-tanggalan/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/larawan-obrero-ng-agc-nag-ingay-vs-di-makatarungang-tanggalan/#comments Fri, 27 Mar 2015 16:58:54 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34411 Nagsagawa ng noise barrage ang manggagawa ng AGC Flat Glass Phils. Inc, laban sa pagtatanggal ng 37 manggagawa nito kabilang ang mga miyembro ng unyon. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagsagawa ng noise barrage ang manggagawa ng AGC Flat Glass Phils. Inc, laban sa pagtatanggal ng 37 manggagawa nito kabilang ang mga miyembro ng unyon. Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/larawan-obrero-ng-agc-nag-ingay-vs-di-makatarungang-tanggalan/feed/ 0
Pambansang kilos-protesta vs Aquino ng mga tsuper ikinasa http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pambansang-kilos-protesta-vs-aquino-ng-mga-tsuper-ikinasa/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pambansang-kilos-protesta-vs-aquino-ng-mga-tsuper-ikinasa/#comments Mon, 23 Mar 2015 17:28:38 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34389 George San Mateo (kanan) ng Piston. <b>PW File Photo</b>

George San Mateo (kanan) ng Piston. PW File Photo

Nagkasa ng pambansang koordinadong kilos-protesta ang mga tsuper sa Metro Manila at iba pang rehiyon at lungsod ngayong araw. Pangungunahan ito ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston).

Ayon sa tagapangulo nito na si George San Mateo, layunin ng kilos-protesta na singilin at usigin si Pangulong Aquino sa lahat ng mga kasalanan at pahirap na pinatupad nito sa mga drayber at mga mamamayan sa nakaraang limang taong panunungkulan nito.

Bukod sa panawagan na panagutin si Aquino sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao at magbitiw na siya sa puwesto, inisa-isa rin ni San Mateo ang mga pagpapabaya ng Pangulo sa transportasyon, lalo na sa mga pampasaherong dyipni.

Ayon kay San Mateo, magtitipon ang mga drayber dala ang kanilang mga sasakyang jeepneys at UV Express simula alas-8 ng umaga sa harap ng ng punong tanggapan ng National Housing Authority sa Quezon City Elliptical Circle.

Tutungo ng Mendiola ang grupo bandang 9:30 ng umaga, at doon maglulunsad ng programa simula 10:30 ng umaga.

“Tumindi sa ilalim ni Aquino ang overpricing sa produktong petrolyo na puminsala ng husto sa kabuhayan ng mga drayber at mga mamamayan dahil sa pagtanggi ni Aquino na ibasura ang Oil Deregulation Law at sa patuloy na pagtanggi ni PNoy na ipatupad ang regulasyon at nasyunalisasyon sa industriya ng langis sa Pilipinas,” pahayag ni San Mateo.

Aniya, “pampapogi” lamang ni Aquino ang malaking rollback sa langis sa pamamagitan ng sapilitang pagpapatupad ng pisong rollback sa pasahe sa jeep at P10 rollback sa pasahe sa taxi na minamaneho ng mahihirap na jeepney at taxi drivers.

“Inutil si Aquino na ibaba ang presyo ng pangunahing bilihin, spare parts, bayarin sa kuryente at tubig, pasahe sa barko at eroplano. Katunayan, pinahintulutan pa ng gobyerno ni Aquino ang pagtaas sa pasahe sa MRT/LRT sa kabila ng napaka-pangit nitong serbisyo gayundin ang pagtaas sa bayarin sa tubig at kuryente na pinatupad ng Maynilad, Manila Water at Meralco,” paliwanag pa ni San Mateo.

Ipinatupad noong 2012 ang 300 porsiyento pagtaas sa toll fees sa South Luzon Expressway, kasabay ng pagpapatupad ng 12 porsiyento sa Expanded Value-Added Tax o E-VAT sa toll fees.

Ipinatupad naman noong 2013 ang mandatory 13-year model phase-out sa Utility Vehicle Express, na nagresulta sa maraming UV drivers at operators ang nawalan ng kabuhayan.

Marami pang iskemang “money-making”, nasaad ni San Mateo ang “patraydor na ipinatupad” sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Kasama rito ang inilabas ng Department of Transportaiton and Communications-LandTransportaton Office-Land Transport Franchising Regulatory Board na Joint Administrative Order No. 2014-01, na nagpapataw ng mga multa at parusa sa mga drayber at motorista, noong Hunyo 19.

“Ito ay matapos manalo sa korte ang Piston at ibinasura ng Baguio Regional Trial Court Branch 5 noong Mayo 2012 ang naunang money-making fines and penalties na ipinapatupad ng gobyerno sa mga drayber at motorista sa ilalim ng DOTC Dept. Order No. 2008-39,” saad ni San Mateo.

Binanggit din ni niya ang Motor Vehicle Plate Standardization, na nag-obliga sa mga may-ari ng lahat ng siyam hanggang 10 milyong pribado at pampublikong sasakyan sa Pilipinas na magbayad ng P450 para sa panibagong plaka.

“Tinatayang mula P4 to P4.5 Bilyon ang kikitain ng pinaboran ng gobyerno na supplier ng panibagong plaka,” paliwanag niya.

Maaari din aniya na matanggal ag mga dyipni at traysikel sa Bus Rapid Transit (BRT) na ipapatupad sa Metro Manila, Cebu at General Santos sa 2018, na makakaapekto sa kabuhayan ng mga namamasada at opertors ng pampublikong transportasyon.

Dugtong pa ni San Mateo, ang “Good Shepherd badge” o mandatory PUV Drivers I.D. ay isa pang “money-making scheme” ng administrasyong Aquino.

Bukod sa kilos-protesta sa Metro Manila, sinabi ni San Mateo na kasado rin sa Marso 24 ang pagkilos ng mga tsuper sa mga probinsiya sa pamamagitan ng mga transport caravan protest at picket-rally ng mga tsuper sa Santiago City (Isabela), Baguio City, Calamba City (Laguna), Roxas City (Capiz), Iloilo City, Bacolod City, Dumaguete City, Cebu City, Cagayan de Oro City, Davao City at General Santos City.

“Kailangang mapatalsik na sa puwesto ang pahirap, bolero, tuta ng Kano at incompetent na presidente na si Aquino upang maisulong ang tunay na reporma para sa bayan, hindi para sa dayuhan at iilan,” sabi pa ni San Mateo.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/pambansang-kilos-protesta-vs-aquino-ng-mga-tsuper-ikinasa/feed/ 0
‘P15 dagdag-sahod, ni hindi papasa bilang limos’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/p15-minimum-na-sahod-ni-hindi-papasa-bilang-limos/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/p15-minimum-na-sahod-ni-hindi-papasa-bilang-limos/#comments Thu, 19 Mar 2015 15:21:30 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=34303 Pinababasura ng mga manggagawa ang Wage Rationalization Law na ginagamit umano ng malalaking kapitalista at gobyerno para manatiling mababa ang sahod nila. Kontribusyon

Pinababasura ng mga manggagawa ang Wage Rationalization Law na ginagamit umano ng malalaking kapitalista at gobyerno para manatiling mababa ang sahod nila. Kontribusyon

Binatikos ng alyansa ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na All Workers’ Unity ang regional wage board ng National Capital Region (NCR) na nag-apruba ng P15 dagdag-sahod. Anila, ni hindi papasa bilang “abuloy” ang naturang halaga.

Matagal nang hirap ang mga manggagawa na pagkasyahin ang mababang sahod sa tumataas na gastusin, kabilang ang tumataas na bayarin sa kuryente at tubig, pamasahe, matrikula sa eskuwela, at presyo ng batayang mga bilihin.

“Hindi tinutugunan ng kakarampot na P15 taas-sahod sa Metro Manila ang pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino,” sabi ni Rea Alegre, tagapagsalita ng All Workers’ Unity. “Nakakainsulto ito kasi nauna pang nag-anunsiyo ng P238 hanggang P268 na wage rate increase sa Caraga Region na nagpapayag sa mga kompanya at industriya na bigyan ang mga manggagawa ng mga coupon sa halip na aktuwal na dagdag-sahod.”

Iginiit niya na ang kailangan talaga ng mga manggagawa ay agarang ayuda at isang pambansang minimum wage, na di dapat umano bumaba sa P16,000 kada buwan.

Sa tantiya ng Ibon Foundation, isang research think-tank, aabot lang sa 44 porsiyento ng halagang kailangan ng mga manggagawa ang natutugunan ng kasalukuyang minimum wage, kahit pa may P15 dagdag-sahod na sa Abril pa ipapatupad.

Masyadong mababa ang dagdag-sahod na napakalayo nito sa P1,088 na estimated family living wage sa isang araw o P32,580 sa isang buwan, ayon pa sa Ibon.

Sinabi pa ng naturang grupo na pinipigilan ng maliit na dagdag-sahod na ito ang lakas-paggawa na makaambag nang malaki sa ekonomiya ng bansa.

Samantala, sinabi naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na kung mababa na nga ang sahod sa NCR, lalong mas mababa pa ang sahod sa ibang rehiyon.

“Sa ilalim ni (Pangulong) Aquino, nanatiling mababa ang minimum wage sa Metro Manila, pero lalo pang mas mababa ang minimum wage levels sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila. Ang masama pa, sa ilalim ni Aquino, tumaas at di bumaba ang pagitan ng regional minimum wage levels,” paliwanag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Ayon kay Labog, sa limang taon ng panunungkulan ni Aquino, tumaas ang sahod sa Metro Manila ng P77 lang. Pero sa Cordillera Autonomous Region, tumaas lang ito ng P20. Ang iba pang taas-sahod sa mga rehiyon: sa Ilocos, 13; Cagayan Valley, P20; Calabarzon, P42.50; Bicol, P13; Central Visayas, P55; at Autonomous Region in Muslim Mindanao, P28.

Ipinapakita umano nito na pinalalala ng polisiya ng wage regionalization, sa ilalim ng Wage Rationalization Law of 1989, ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Patuloy na ginagamit umano ang naturang batas ng malalaking kapitalista at gobyerno para panatilihing mababa ang sahod ng mga manggagawa.

Dahil sa rehiyunalisasyon ng sahod, tumindi ang paglabag sa minimum-wage levels, ayon kay Labog. Inamin umano mismo ng National Statistice office Labor Force Survey na noong Oktubre 2011, umabot sa 46 porsiyento ng mga manggagawa sa bansa ang nakakatanggap nang mas mababa pa sa minimum na sahod.

“Ang kinalalabasan, walang minimum wage sa bansa ngayon. Mula 1989, ibinalik ang mga manggagawang Pilipino sa panahon ng matindi at garapalang pagsasamantala, sa panahon bago natin napagwagian ang implementasyon ng minimum wage sa pamamagitan ng ating mga protesta,” sabi pa ni Labog.

Para naman kay Alegre, nakapagdududa ang intensiyon ng administrasyong Aquino sa pagtulak ng kakarampot at tila pampalubag-loob na dagdag sahod.

“Posibleng dahilan lang ng dagdag-sahod ay pahupain ang galit ng mga mangaggawa, pero lalo lang niyang ginalit tayo,” sabi pa ni Alegre. Nagkataon din umanong inanunsiyo ang dagdag-sahod sa panahon ng pagbagsak ng popularity ratings ni Aquino.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/p15-minimum-na-sahod-ni-hindi-papasa-bilang-limos/feed/ 0
Sa anibersaryo ng Herrera Law, Aquino ginawaran ng ‘end of contract’ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/ http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/#comments Wed, 04 Mar 2015 07:10:01 +0000 http://pinoyweekly.org/new/?p=33993 Ginawaran ng Endo o end of contract si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women's Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. <strong>Pher Pasion</strong>

Ginawaran ng Endo o end of contract si Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women’s Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. Pher Pasion

Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo.

Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law.

“Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang mga manggagawa kasama ang Department of Labor and Unemployment,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Ipinasa ang Herrera Law o Republic Act 6715 noong Marso 2, 1989. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), naging instrumento ang batas na ito para payagan ang kontraktuwal sa paggawa. Sa ganitong kalakaran, ipinapaloob lamang sa kontrata ang isang empleyado nang hindi lalampas sa anim na buwan.

Base sa batas, ang isang manggagawa o empleyado na lampas sa anim na buwan ay maituturing nang regular.

Dagdag ni De Jesus, lalong lumala ang mga pakanang kontraktuwalisasyon sa ilalim ng anak ni dating Presidente Cory Aquino, ina ng kasalukuyang pangulo.

Noong 2011, naglabas si Aquino ng DOLE Order Number 18-A, na nagresulta sa low-skilled jobs katulad ng janitorial ang naging kontraktuwal, maging ang mga regular na posisyon para sa sensitibong serbisyo gaya ng pinansya, information technology, airline, at pagtuturo ay nalusaw.

“Sa 26 na taon ng Herrera Law, mas marami na ngayon ang kontraktuwal kesa sa mga regular na manggagawa sa parehong publiko at pribadong sektor,” ayon kay Nitz Gonzaga, vice-chairperson for women’s affairs ng KMU.

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women's Pary sa harapan ng anila'y Department of Labor and Unemployment. <strong>Pher Pasion>

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women’s Pary sa harapan ng anila’y Department of Labor and Unemployment. Pher Pasion>

Sa kontraktuwalisasyon na umiiral, maliban sa kawalan ng seguridad sa trabaho, mas mababa ang natatanggap na sahod kesa regular, walang mga benepisyo, at inaalisan ng karapatang mag-unyon.

Maliban pa dito, nakararanas din partikular ang mga kababaihang manggagawa ng sekswal na pang-aabuso bilang mga kontraktuwal, ayon kay Lana Linaban, ng Gabriela Women’s Party.

Ayon naman kay Lian Flores ng Gabriela- Metro Manila, isang neo-liberal na polisiya ang kontraktuwalisasyon sa tulak ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

“Naglalayong baratin ang sahod ng mga manggagawa para mas lalong makaganansya ng mga kapitalista sa sistemang ito. Sa bansang may malaking bilang ng mga walang trabaho, napipilitan ang mga manggagawa na tanggapin ang pagiging kontraktuwal,” ayon Flores.

Nanawagan din ang kababaihan na agarang magbitiw sa puwesto si Aquino. Sa darating na Marso 8, pandaigdigang araw ng mga kababaihan nakatakdang maglungsad ng malaking protesta ang mga kababaihan sa Mendiola.

]]>
http://pinoyweekly.org/new/2015/03/sa-anibersaryo-ng-herrera-law-aquino-ginawaran-ng-end-of-contract/feed/ 0