Pinoy Weekly
Category archives for: Maralitang Lungsod

Trahedya ng gumuguhong bundok ng basura

PW-backhoe-gumuhong-bundok-ng-basura-featured

Matapos ang Earth Day at ilang linggo bago ang Labor Day: apat na manggagawa sa isang “landfill” sa Rodriguez, Rizal ang namatay matapos matabunan ng gumuhong bundok ng basura. Sa isang imbestigasyong nilahukan ng manunulat na ito, napag-alamang malalim ang problema sa sistemang pampulitika na pinagmumulan ng paulit-ulit na pagguho ng bundok ng basura

PNoy pinrotesta ng mga tutol sa pagsasapribado sa Heart Center

Si Geneve Rivera-Reyes, (gitna) doktor at pangkalahatang kalihim ng Health Alliance for Democracy o Head, habang gumigiit na magprotesta sa harap ng Philippine Heart Center kontra sa pagsasapribado nito. (Pher Pasion)

Isang araw matapos ang Araw ng mga Puso, dinagsa ng iba’t ibang organisasyon ang harap ng Philippine Heart Center sa Quezon City para iprotesta ang pagbisita ni Pang. Benigno Aquino III. Para sa mga nagrali noong Pebrero 15, tila “walang puso” si Aquino na nagpaplanong isapribado ang iba’t ibang pampublikong ospital kabilang ang Heart Center. [...]

Mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center (Photo Essay)

orthopedic-center-situation-featured

Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital — pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan nila. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC

Bawat araw ang pangamba sa mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center

orthopedic-center-privatization-featured

Umaasa ang di-mabilang na mga maralita sa kahit papaano’y murang serbisyo-medikal ng pampublikong ospital na Philippine Orthopedic Center. Dahil salat sa pondo ang ospital, hirap pa rin ang mga pasyente sa gastos sa pagpapagamot. Pero kung matuloy ang plano ni PNoy na pagsasapribado rito, baka kahit makatapak sa loob ng Orthopedic, di na nila magawa

Pagpaslang sa menor-de-edad sa demolisyon sa Tarlac, kinondena

Walang-malay na si John Cali Lagrimas, 15 anyos, matapos ang pamamaril ng mga pulis sa mga lumalaban sa demolisyon. (Kontribusyon/AMGL)

Mariing kinondena ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luson, Karapatan-Tarlac at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang pagkakapaslang sa isang 15 taong gulang na bata sa marahas na demolisyon sa maralitang komunidad sa Brgy. San Roque, Tarlac City, noong Oktubre 2. Ang biktimang si John Cali Lagrimas, mula sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod, ay napatay habang nagaganap [...]

Maralita hinamon si Mar Roxas na itigil ang mga demolisyon

Nagprotesta ang grupong Kadamay sa harapan ng DILG para kondenahin ang marahas na demolisyon sa Guatemala, Makati. Hinamon din nila ang bagongupong kalihim na si Sec. Mar Roxas na imbestigahan ang mga madugong demolisyon at magpalabas ng moratoryo sa mga demolisyon sa buong Metro Manila. (Macky Macaspac)

Nilusob ng mga maralita ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para hamunin ang sekretaryo nito na si Manuel Roxas III na aksiyunan ang mga mararahas na demolisyon, at magpatupad ng moratoryo. Naganap ito habang marahas na dinedemolis ang kabahayan ng mga maralita sa Guatemala, Makati. Marami ring nakaambang demolisyon sa iba [...]

Maralitang lungsod, handa sa banta ng ‘pagpapasabog’ ni PNoy

PW-urban-poor-rally-vs-demolition

Bagamat binawi ng administrasyong Aquino ang deklarasyong “pasasabugin” nito ang mga komunidad ng mga maralita sa lungsod (dahil sanhi raw sila ng baha), batid ng mga maralita: Seryoso rito ang gobyerno. Katunayan, matagal na silang pinasasabugan. Matagal na silang dinadahas. Kasabay ng paniningil ng mga mamamayan sa mga kaso ng sapilitang pagdukot sa ilalim ng [...]

Maralita sa panahon ng baha: Mula ‘danger zone’ tungo sa ‘death zone’

PW-montalban-flood-victims-featured

Matagal-tagal pa bago sumikat ang araw sa buhay ng mga maralitang nasalanta sa loob ng relocation site sa Montalban, Rizal. Abala si Pangulong Aquino sa pagtataboy ng maralita sa Kamaynilaan, ngunit napatunayang peligroso ang kanilang lilipatan.

Naghihintay ng pag-asa sa Tatalon

PW-tatalon-baha-evacuation-featured

Karimlan ang bumalot sa buong eskuwelahan ng Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong gabing iyon. Aabot sa 2,000 pamilya ang nakasilong dito matapos lumubog sa baha ang kalakhan ng Tatalon. Walang kuryente sa eskuwelahan — na nakapagtataka dahil sa labas nito, maliwanag ang ilaw ng mga establisimyento. Pinatay ang kuryente sa [...]

Damayan sa ulingan (Photo Essay)

PW-ulingan-featured

Sa Sitio Damayan sa Tondo, Maynila, pag-uuling ang pangunahing ikinabubuhay ng 700 pamilyang nakatira roon

Follow and Subscribe

Subscribe to me on YouTube

Pulsong Pinoy

Sa naging kondukta ng eleksyon, sa tingin mo ba ay kapani-paniwala ang magiging resulta nito?

View Results

Loading ... Loading ...

Editors’ Picks

Multimedia

Pinoy Print Issues

Log in | Designed by Gabfire themes